Violet's Pov
NAKAUPO ako sa gilid habang nagpapahinga sa kakalakad habang dala ang mga order nilang alak.
Kanina pa ako panay ang lakad at nagugutom na din ako. Kaya napagpasyahan ko muna mag break kahit saglit hindi para kumain pero umupo at magpahinga. Nakakapagod talaga mag trabaho. Kung bakit naman kasi hindi ako nasali sa isa sa mga anak ng mayaman sa mundo eh, napunta pa ako sa walang pera at bukaka lang ng bukaka tapos iniwan pa sa kalsada. Ang malas ko talagang nilalang.
Habang nakaupo ako ay busy naman ang mga kasama ko sa pagkuha ng mga order ng mga customer. Bahala muna sila basta ako pahinga muna saglit. Napatingin ako sa maliit na stage na nasa harap ng mga customer at pinanood ang babaeng sumasayaw sa gitna ng stage. Kaloka naman kasi ang boss namin dahil ginaya ang kabilang bar na may sumasayaw na babae. Nasasagwaan tuloy ako mag trabaho.
Hindi ko alam kung saan nila na hire ang babaeng sumasayaw sa stage pero ayaw ko talaga siyang panoorin na sumasayaw ng masagwang sayaw habang ang suot ay panty lang ang suot habang sa pang itaas naman ay ang u***g lang ang natatakpan.
Napamura talaga ako nang malaman ko yun kanina na may pakulo ang boss namin na ganyan-ganyan. Kaya
ang mga customer namin ay tuwang-tuwa sa nakikita nila. Sana talaga ay may makita akong customer dito na lalaki na sinusundo ng asawa habang may dalang kutsilyo.
Ibinalik ko nalang ang tingin sa mga paa ko at mabilis na hinilot-hilot ang mga binti ko. Kung bakit kasi may pa heels-heels pang nalalaman ang boss namin eh, pwede naman sana flat shoes.
Balita-balita pa naman dito ay babaguhin daw ang uniform naming mga girls. Sana lang talaga ay yung hindi naman maikli yung palda. Dapat nga yung palda ko ay maikling-maikli sana pero lumabag ako dahil hindi ako komportable.
Ako lang ang naiiba sa mga kasamahan ko na babae dahil ang skirt nila ay kapag tumuwad lang ng konti ay kitang-kita na ang pang upo. Sakin kasi ay hindi. Bahala magalit ang boss ko, wala naman din siya dito at sa tawag lang niya kami kinakausap.
Napatigil ako sa paghihilot sa isa binti ko ng may lumapit sa 'kin at umuklo sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kinaiinisan kong lalaki na tinatanggal ang suot kong heels.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sakanya dahil nagulat ako sa ginawa niya. May hawak pa talaga siyang paper bag na hindi ko alam kung ano ang laman.
Nagulat ako ng ilabas ng lalaki ang laman no'n mula sa paper bag at nakita ang isang flat shoes. Isinuot niya yun sa paa ko at saktong sakto talaga siya sa 'kin.
"Matangkad ka naman kaya hindi naman nila mahahalatang hindi ka naka heels." Saad niya sabay angat ng tingin sa 'kin.
Hindi ako nakasagot agad at nakatitig lang sa mukha ng lalaki. Nabigla ako sa ginawa niya at hindi ko inaasahan na magdadala siya ng flat shoes.
Tumikhim ako para mawala ang bara sa lalamunan ko, iniwas ko din ang tingin ko dahil alam kong namumula ang pisngi ko sa ginawa niya. Ano ba naman kasi ang pumasok sa isipan niya at ginawa niya yun sa 'kin.
-"Sigurado ako na kanina ka pa dito no?" Tanong ko sakanya sabay lingon sa binata. Malamang talaga ay isa din siya sa tuwang-tuwa na may sumasayaw na babae.
"Kararating ko lang, Ms. Sungit. May ginawa kasi akong trabaho. Bakit? Na miss mo ako no?" Pang aasar na naman niya sa 'kin.
"Hindi no! Kahit ng minsan ay hindi sumagi sa isip ko pagmumukha mo eh, mamiss pa kaya." Nakasimangot ko namang sagot. "Akala ko kasi isa ka sa mga lalaking tuwang tuwa habang pinapanood ang dancer namin sa bar.
Tinaasan naman niya ako ng kilay saka siya ngumisi ng nakakaloko. "Bakit naman ako titingin sa dancer niyo kung hindi naman ikaw ang sumasayaw, Ms. Sungit. Pero dapat sa 'kin ka lang sumayaw. Madamot kasi ako at ayaw kong mag share sa iba." Sagot niya. Kahit medyo madilim sa pwesto namin dalawa ay nakita ko parin kung paano niya ako kindatan kay inirapan ko.
"Managinip ka nalang. Malay mo sumayaw ako sa panaginip mo na walang saplot." Pagsasakay ko naman sa sinabi niya.
"Ayaw mong totohanin?" Tanong pa ng gago.
"Hindi! Hindi naman ako dancer at hindi naman ako bayarang babae." Suplada kong sagot sakanya.
"Wala akong sinasabi na bayaran kang babae, Ms. Sungit. Ang sinasabi ko ay baka gusto mong sayawan ako.. parang Vip. Malaki naman ang ibabayad ko sa'yo eh," nakangisi niyang sabi.
"Hindi ko kailangan ng pera mong dimuho ka! Hindi pa ako naghihirap kaya magtigil ka diyan at baka ma tadyakan ko mukha mo!" Inis kong sigaw sa lalaki.
"Grabe ka naman sa tadyakan. Ang sungit mo talaga sa 'kin eh. May gusto ka siguro sa 'kin no? Pwede namang umamin eh hindi yung nagtataray-taray pa." Sabi niya kaya biglang pumitik ang tenga ko sa narinig ko.
Tumayo ang binata sa harap ko kaya tumayo din ako habang nakatitig parin sa lalaki. Ngumiti ako sakanya at lumapit pa lalo sa binata kaya ngumisi siya.
"Sabi ko na eh, may gusto ka talaga sa 'kin eh." Sabi pa niya kaya mas lalo akong nairita.
Hindi ako sumagot sa sinabi niya bagkos ay dinakma ko ang itlog niya at piniga. "f**k! That's my balls." Sabi pa niya kaya mas lalo kong piniga yun. Kainis eh, dapat talaga pinipiga itlog nito eh.
"Wala akong gusto sa'yol Itatak mo sa itlog mo yan ha!"
Inis kong sabi saka ko binitawan ang itlog niya. Hindi ko alam kung ano nag pumasok sa isipan ko kung bakit ko hinawakan ang itlog niya. Ngayon lang ako nakahawak ng itlog ng lalaki at ang lambot pala.
"Paano ko itatatak sa itlog ko? Ikaw na kaya magtatatak, hinawakan mo naman na din eh," pilyo parin niyang sabi habang nakangiwi sa harapan ko. Alam kong masakit ang ginawa ko pero naiinis talaga ako sa kanya kapag sinasabi niya na may gusto ako sa kanya. Napaka feeling naman kasi kaya kasalanan din naman niya.
"Chee!" Mataray kong sagot saka ako umatras palayo sa kanya at tumalikod.
"Where are you going? Tatalikuran mo nalang ako basta-basta porke't pinisil mo ang itlog ko. Magbabayad ka talaga sa 'kin, Ms. Sungit." Banta niya sa 'kin kaya mahina akong natawa.
"Kung ayaw mong prituhin ko dalawang itlog mo ay lumayo-layo ka sa 'kin at tigilan mo na ang pagsasabi na may gusto ako sa'yo. Hindi lang yan ang aabutin ng itlog mo sa susunod." Banta ko din sakanya at hindi ko na siya nilingon pa. "By the way, thank you sa flat shoes. "Dagdag kong sabi saka ako dali-daling naglakad patungo sa banyo para hugasan ang kamay ko. Piste kasi... nahawakan ko ang itlog niya. Para akong nandidiri sa ginawa ko kaya dapat lang hugasan ang kamay ko at mag alcohol.