Two

1023 Words
One week ago "Tsk. Ang pangit niya talaga!" "Hindi ako makapaniwalang magkapatid sila ni Elijah. Ang gwapo nun, eh." "Ay, hindi mo ba alam? Bali-balita ampon lang iyang si Cassandra." Napahinto ako sa pagpasok sa gate ng campus nang marinig ang pangalan ko. Nanliit ang mata ko nang makita ang pamilyar na dalawang babaeng nakatayo sa entrance ng St. Claire. Ka-department ko sila at madalas na makitang tambay sa hallway ng Accountancy building. "Ah, kaya naman pala ang layo ng hitsura kay Elijah—" Napahinto ang nagsasalitang babae nang mapansing nakatingin ako sa kanila. Pinagtaasan ko sila ng kilay bago nilagpasan. "Nakita mo? Pangit na, masama pa ang ugali." Kinuyom ko ang kamao para pigilan ang sariling balikan sila. Tsk. "Kung makalait akala mo naman ang gaganda nila." "Cass!" Narinig ako ang pamilyar na boses ni Kuya Eli. Binilisan ko ang paglalakad para hindi niya ako maabutan. "Cass, sabi ko hintayin mo ako, di ba?" Napilitan akong huminto nang abutan ako ni Kuya Eli. "Bakit ka ba nagmamadali? Nakalimutan mo tuloy, oh," wika niya sabay abot sa akin ng paper bag kung saan nakalagay ang PE uniform ko. "Ayoko nga kasing sumabay sayo," iritadong sagot ko sa kanya. Simula noong pumasok ako sa St. Claire, lagi na lang akong nakukumpara kay Kuya Elijah. "Tsk, kinakahiya mo bang magkaroon ng sikat at guwapong kapatid?" Napairap ako. Iyon na nga, eh. Sikat sa campus si Kuya Elijah. Bukod sa guwapo at matangkad, member pa ng varsity team. Madaming babaeng nagkakagusto sa kanya. Samantalang ako? Madalas masabihan na pangit at walang laman ang utak. Kapag pinagtabi kaming dalawa, walang maniniwala na makatapatid kami. Well, hindi naman talaga kami totoong magkapatid. Ampon lang ako. Si Kuya Elijah lang ang totoong anak ni Mama at Papa. Tatlong taon raw si kuya noong nagkasakit si Mama at natanggalan ng matres. Dahil gusto nilang magkaroon ng babaeng anak, nag-ampon sila sa anpunan. At ako na nga iyon. "Hindi. Kinakahiya kong magkaroon ng mayabang na kapatid," nakairap na sagot ko. "Akala ko ba may prakris ka pa ngayon?" Member ng swimming team si Kuya. Maladas, tuwing umaga ang praktis nila. Third-year college ka si Kuya Elijah at freshman ako. "Oo nga pala." sagot niya. "Una na ako, Cassie." Ngumisi siya at ginulo ang kulot na buhok ko. "Pakabait ka, ah." "Ugh. Wag mo akong tawaging Cassie." Nakairap na inayos ko ang buhok. Tinawanan niya lang ako bago ako nilagpasan. Tsk. Umiling ako bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi pa ako nakakalayo nang biglang may umakbay sa akin. Sa amoy pa lang, alam ko na agad kung sino. "Ang aga-aga, nakasimangot ka. Anong problema natin dyan?" Bumaling ako kay Alex. "Isa ka pa." Si Alex, nag-iisang lalaking kaibigan ko. Bata, pa lang kami magkaibigan na kaming dalawa. Kapitbahay namin siya sa subdivision. Matanda siya sa akin ng isang taon. Second na siya sa kursong architecture. "Huh? Anong ginawa ko?" inosenteng tanong niya. "At galit na naman sakin iyang taghiyawat mo." Inginuso niya ang ilong ko. Tsk. Wala na yatang parte ng mukha ko ang walang taghiyawat. Kakawala lang ng taghiwat ko sa ilong noong isang araw, meron na namang bago. Tinakpan ko ng palad ang ilong at inirapan si Alex. "Huwag mo ngang pakialaman ang pimples ko. At pwede ba, tigilan mo nga ang pagdikit sa akin pag nandito tayo sa school." Inalis ko ang braso niya sa balikat ko. Pareho sila ni Kuya Elijah na hilig akong asarin. "Anong problema mo?" "Kaya ako lalong nasasabihang pangit, eh." Paano, tulad ni Kuya Elijah, saksakan din ng guwapo itong si Alex. Nagsalubong ang kilay niya. "Sinong nagsabing pangit ka?" "Hindi ba totoo naman?" "Of course not." Bahagya ko siyang itinulak. "Wag mo akong bolahin. Di ako tulad ng mga babae mo." Alam ko kung ilang babae na ang napaiyak ni Alex. High school pa lang kaming dalawa, nasaksihan ko na kung paano siya dumiskarte sa babae. "Sinong may sabing binobola kita?" Humarang siya sa harap ko ay kunot-noong tiningnan ako. Nag-angat ako ng kilay. "Sige nga. Anong maganda sakin?" "Everything." "Talaga? Maganda ba itong mukhang ito, eh, tadtad ng taghiyawat?" He pursed his lips. "It's just puberty, Cass. Those pimples would eventually fade away." Napanguso ako at pinigilan ang pag-irap. Kabisado ko na si Alex. Magaling siya mambola. "Ewan. Tigilan mo ako at male-late ako." Sinubukan ko siyang lagpasan pero sumabay siya sa akin at ginulo ang buhok ko tulad ng ginawa sa akin ni Kuya Eli. "See you later, kulot." Kinindatan niya ako bago lagpasan. "Nagawa mo iyong assignment?" tanong sa akin ni Elaine pagpasok ko sa classroom. Nanlaki ang mga mata ko. "Oh. Shiz. Meron ba? Nakalimutan ko!" "Hay naku, ano ka ba, Cass." Umiling siya at inilabas ang notebook niya. "Kopyahin mo na iyon sa akin. Lagot ka na na naman kay Miss Trina niyan mamaya." Nasa gitna ako ng pagkopya ng assignment sa Algebra nang matanaw kong pumasok sa classroom si Alessandra. Kasunod niya ang professor namin. Alessandra's our class president. She's also the most beautiful girl in the classroom or probably in the whole campus. Kahit first year pa lang kami, nanalo na siyang Miss Campus Crush. Pinagmasdan ko siya. Maganda, matangkad, mapungay na mga mata, perpektong kilay, matangos na ilong, mapulang mga labi, straight ang itim na mahabang buhok. "Miss Montreal, since you got the highest score on the exam, ikaw na ang mag-distribute sa klase ng exams result kahapon." Patuloy kong sinundan ng tingin si Alessandra habang namimigay siya ng test paper sa klase. "Uy, Cass, tulala ka na dyan," untag sa akin ni Elaine. "Tsk, bakit ang unfair ng mundo 'no? Lahat na lang na sa kanya." Napasimagot ako. "Maganda. Matalino. Matangkad. Mabait." Napahinto ako nang huminto sa tapat namin si Alessandra. Ngumiti siya bago inabot sa akin ang test paper. Napatingin ako papel sa desk ko. Halos pasang awa ang nakuha kong score. "Pati talino meron siya." Samantalang ako, pinagkaitan na nga sa ganda, wala pang talino. "Ano ka ba? Masyado mo namang nilalagay sa pedestal si Alessandra. Wala namang taong perfect, 'no?" "Merong taong perfect, at si Alessandra iyon." Sinundan ko ng tingin si Alessandra. Ano kaya ang feeling na maging katulad niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD