"Kainis naman talaga," bubulong-bulong na wika ko sa sarili habang binubuksan ang locker ko. Palabas na ako ng campus gate kanina nang maalala ko ang maduming PE uniform na naiwan ko sa locker.
Bumalik pa tuloy ako. Nagmamadali pa naman ako ngayon dahil kailangan kong abutan ang online concert ng kpop group na idol ko.
Nang nakuha ko ang project sa locker, halos takbuhin ko ang daan palabas. Hindi ko tuloy napansin ang lalaking kasalubong ko.
"Aray…" Napadaing ako nang tumama ako sa katawan niya.
"I'm sorry, Miss."
Handa na sana akong angilan ang lalaki subalit napatulala ako nang mag-angat ng tingin. Dave!
The guy in front of me was none other than Dave Matteo—the only handsome guy I admire in the whole campus.
Shiz! Ang perfect talaga ng mukha niya. Para akong matutunaw habang nakatingin sa malalim at kulay tsokolate niyang mga mata. I couldn't believe he was in front of me right now.
"Okay ka lang, Miss?" Naramdaman ko ang paghawak niya sa balikat ko.
Shizzz! Hinawakan niya ako.
Napakurap ako. "Oo. Uh, sorry din. Hindi kita napansin!" Shiz. Ang kinis ng mukha niya! Halos hindi ko makita ang mga pores. At iyong lips niya, parang ang sarap halikan.
"No worries." His lips stretch into a smile. Muntik na kong mapatili nang makita ko sa malapitan ang dimple niya. Pero agad rin akong natigilan nang mapansin na nakatingin siya sa mukha ko… Shiz! Gusto kong takpan ang ilong ko para itago ang malaking pimple doon. Subalit bago ko pa magawa iyon ay inalis na niya ang kamay sa balikat ko.
"I'll go ahead, Miss."
Isang beses pa siyang ngumiti bago ako nilagpasan. Pumihit ako sa direksyon niya para sundan siya ng tingin. Nakita kong nilapitan niya ang isang babaeng nakatayo sa labas ng opisina ng Accountancy Guild. The girl was none other than Alessandra.
Dave… he was Alessandra's best friend. Ang narinig ko sa mga kaklase namin, nanliligaw na raw si Dave kay Alessandra. Pero hindi sinasagot ni Alessandra ang lalaki dahil bawal pa raw siyang magboyfriend.
Nakaingos akong bumaba ng Accountancy building. Lahat na lang talaga, na kay Alessandra na.
"Cass! Akala ko nakauwi ka na." Palabas na ako ng campus nang lumapit sa akin si Alex. Nakasabit sa balikat niya ang sports bag niya. Galing siya sa basketball practice.
"Well, obviously, hindi pa. Kasi nandito pa ako." Napanguso ako. "Pauwi ka na? Pasabay sa kotse mo."
May sarili nang kotse si Alex. Madalas akong sumabay sa kanya kapag wala siyang praktis sa basketball.
Natatawang inakbayan niya ako. "Sure. Buti wala akong date ngayon."
Napairap ako. "Tigilan mo sabi kakaakbay mo sa akin."
"What? Mabango naman ako, ah."
Umingos lang ako at hinayaan na siya. In fairness, halatang bagong shower nga ang kumag. I couldn't literally smell his favorite body wash.
"So, how's your day?"
"Nakita ko iyong crush ko kanina."
Umangat ang kilay niya. "Sino? Si Dave Matias?"
"Sino pa ba? Siya lang naman ang crush ko, 'no!"
"Oh, nakita mo pala. Bakit nakasimangot ka?" Pinagbuksan niya ang pinto pagdating namin sa tapat ng sasakyan niya.
"Eh, paano, nagkita kami kung kailan ganito ang hitsura ko." Sumulyap ako sa side mirror at napasimagot nang makita ang namumulang ilong. "Ugh, kainis na taghiwat 'to!"
"Tsk, it's just a pimple, Cass," wika ni Alex. Hindi ko namalayan na nakapasok na siya sa driver's seat.
Bumaling ako sa kanya. "Heh! Palibhasa ang kinis ng mukha mo kaya ganyan ka magsalita." Bumuntong-hininga ako. "Sabagay, asa namang magustuhan niya ako eh hindi naman ako si Alessandra."
"Alessandra?"
"Iyong sinasabi ko sayong kaklase ko at gusto ni Dave." Napaingos ako. "Alam mo iyon. Nasa kanya na nga ang lahat, eh. Pati ba naman iyong crush ko."
Natatawang umiling si Alex. "Bakit ba kasi gusto mo iyong Dave na iyon, eh hindi naman kaguwapuhan?"
"Excuse me. Anong hindi kaguwapuhan?"
"It's true. Mas guwapo pa ako ron, eh."
"Mahiya ka nga sa balat mo, Alex!"
"Tsk, ikaw lang itong walang bilib sa akin." Humalakhak siya at ikinabit ang seatbelt. "Anyway, what's your plan for your birthday?"
Dalawang araw mula ngayon ay birthday ko na. Seventeenth birthday.
"Dinner lang sa bahay. Regalo ko, ah?"
Pumalatak siya. "Lakas mo manghingi ng regalo pero ni hindi mo ako masabihan na guwapo."
"Sus, para namang walang mga babaeng nagsasabi sayo—"
Natigilan ako nang matanaw ang isang pamilyar na babae sa parking lot. Si Alessandra. Mag-isa siya at hindi kasama si Dave.
"That's Alessandra." Itinuro ko kay Alex ang babae na ilang metro ang layo sa amin. Luminga-linga siya na tila may hinahanap. "Ang ganda niya talaga…" mahinang sambit ko.
"Alam mo kung wala kang crush sa Dave na sinasabi ko, iisipin ko talaga na tibo ka."
Nakaangat ang kilay na bumaling ako kay Alex. "Bakit? Hindi ka ba nagagandahan sa kanya?"
"Well…maganda nga siya. But not my type."
Binalewala ko si Alex at ibinalik ang tingin sa bintana. Bahagyang nanlaki ang mata ko nang isang naka-ballcap na lalaki ang lumapit kay Alessandra, hinalikan nito sa pisngi ang babae at dinala sa isang itim na SUV.
Napasinghap ako. "May boyfriend na si Alessandra?" At hindi iyon si Dave!