"Alex? Anong kailangan mo?" nakapikit pa ako nang sagutin ang tawag ng kaibigan. Nasa kalagitnaan ako ng tulog nang magising ako dahil sa ingay ng cellphone.
"Nandito ako sa tapat ng bahay nyo, Sandra."
Napadilat ako nang tuluyan sa sagot niya. "Ha? Anong ginagawa mo jan?"
"I need you to come out. May ibibigay ako sayo."
Napaungol ako. "Hindi pa pwede bukas na lang? Anong oras na, oh." Napatingin ako sa orasan. Mag alas dose na ng gabi.
"No. Come on. This is important," seryosong sagot niya sa akin.
"Fine. Fine." Humikab ako at napilitang tumayo. Pinasadahan ko lang ng daliri ang buhok bago lumabas ng kwarto.
Madilim na sa buong bahay nang lumabas ako. Hindi na ako kumatok sa kwarto ni Mama dahil sigurado akong tulog na sila. Hindi naman sila mahigpit sa akin. Isa pa, kilala nila si Alex.
Napamaang ako nang matanaw ko si Alex sa labas. Nakasandal siya sa kotse habang hawak ang cellphone.
He was wearing brown cargo shorts and white shirt.
"May muta ka pa, Sandra." Nakangising itinuro niya ang mata ko.
Nakasimangot na kinusot ko ang mata. "Sarap ng tulog ko tapos ginising ako ng tawag mo. Ano ba kasi ang ibibigay mo?"
Lumapit siya sa akin at itinapat ang palad sa ulo ko. "Ang cute talaga ng buhok mo. Parang nest na naman ng iba."
Nakangusong hinawi ko ang kamay niya. "Iyong ibibigay mo nga." It was my birthday tomorrow. Sigurado na akong may ko nalaman doon ang ibibigay no Alex.
Iginala ko ang tingin sa paligid. Tahimik ang buong kalsada. Natigilan ako nang mapansin ang maliwanag na langit. Full moon pala ngayon.
"Chill. Ito na. Just close your eyes for a minute first."
"Bakit kailangan pa? Pinagtitripan mo lang yata ako, eh."
He chuckled."Come on. Just trust me."
"Fine. Ang arte mo talaga." Napilitan pagpayag ko. Minsan talaga, may pagkahilig sa surprise itong si Alex. Naalala ko noong Christmas, sinorpresa niya ako ng concert ticket ng paboritong kpop group.
Narinig kong ang pagbukas ng pinto ng sasakyan. Halos isang minuto akong nakapikit bago ko muling narinig ang boses niya.
"Open your eyes, Cass."
I slowly opened my eyes. Tumambad sa akin si Alex, hawak ang isang strawberry shortcake. My favorite.
Napaawang ang labi ko. Alex smiled at me. "I want to be the first one to greet you on your birthday, Sandra. I know your family always greets you first thing in the morning. This time, I want to be the first to do that."
Ngumuso ako at pinigilan ang ngiti. Malakas man mang-asar si Alex pero hindi ko maitatanggi na may ganitong side siya. Sweet. Di ko in-expect na gagawin niya ito. "Wow," iyon lang ang tanging nasabi ko sa kanya.
"It's already March 22," wika niya habang diretsong nakatingin sa akin. "Happy 17th birthday, Cassandra."
Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang matamis na ngiti. "Thank you, Alex."
"Come on, make a wish and blow your candle."
Tumingin ako sa kanya at pumikit. My wish for my 17th birthday… Sana maging maganda ako… Sana maging matalino… Sana mapansin ako ng crush ko… Sana maging katulad ako ni Alessandra.
Napanguso ako. Alam kong imposible pero wala namang masamang humiling di ba?
Ngumiti ako sa sarili bago hinipan ang kandila sa cake.
"What did you wish?" tanong sa akin ni Alex. Pareho kaming nakasandal sa hood ng kotse niya habang kumakain ng cake.
"Sikret."
"Ang damot. Parang hindi best friend, ah." Kinuha niya ang isang oirasi ng strawberry na nakapatong sa cake at isinubo. "Come on, sabi nila malakas magkatotoo ang wish kapag bilog ang buwan. Swerte mo, full moon ngayon." Tumingin siya sa buwan bago nakangising bumaling sa akin.
Umirap ako. "Ang tanda mo na, naniniwala la pa sa ganun."
Nag-angat siya ng kilay. "So ano ngang wish mo?"
"Wish kong maging maganda ko," sagot ko para tigilan na ako ni Alex.
Kumunot ang noo niya. "Really?"
"Oo. Bakit?"
"Hindi mo na iyon kailangang hilingin iyon. Maganda ka na kaya."
Napanguso ako. "Tigilan mo ako, Alex. Alam kong best friend mo ako pero di mo ako kailangan bolahin."
He looked at me with his serious face. His eyes…they were staring right into me. "You're beautiful, Cass. Always remember that."