Five

1122 Words
"I believe the patient was suffering from traumatic memory loss." "Doc, paano nangyari iyon? Wala naman siyang naging injury sa ulo. She only suffered from minor injuries. Paanong maaapektuhan ang ala-ala niya?" "What had happened to the patient was a traumatic experience. Aside from the physical injuries, she might have suffered from psychological trauma. That might be the cause for her fragmented memories. Maaaring may mga bagay siya na hindi naalala sa ngayon. Don't worry, we will conduct another series of tests on her. For the meantime, allow her to rest. Huwag nating pilitin ang pasyente na alalahanin ang mga bagay na nakalimutan niya. Her brain will recover in time, Mrs. Montreal." Tahimik lang ako habang nakikinig sa sinasabi ng doktor sa ginang na tinawag ni Dave na Tita Sylvie. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Paanong nagising ako na nasa katawan ako ni Alessandra? Paano iyon nangyari? Umaasa pa rin ako na panaginip lang ang lahat ng ito. Pero kung panaginip ito, bakit ilang beses ko nang kinurot ang sarili ako pero hindi pa rin ako nagigising? Kung ganoon, totoo ang lahat ng ito? Totoong nandito ako ngayon sa katawan ni Alessandra? "What did you wish? Come on, sabi nila malakas magkatotoo ang wish kapag bilog ang buwan. Swerte mo, full moon ngayon." Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang naging pag-uusap namin ni Alex noong birthday ko. That night, hiniling ko na sana maging katulad ako ni Alessandra. 'Gusto kong maging si Alessandra'. That was my exact words. Iyon ba ang dahilan kaya nagising ako sa katawan ni Alessandra? "Oh my shiz!" "Sandra?" sabay na lumapit sa akin ang mama ni Sandra at ang doktor. Maging si Dave ay nagpatayo sa couch. "Do you remember anything?" tanong sa akin ng matanda. "Natatandaan mo na ako?" Kinagat ko ang ibabang labi at umiling. "I'm sorry…uh…" I stared at the woman. Kamukha siya si Sandra. She looked profesional with her grey suit and pencil skirt. Narinig ko kanina na sinabi niya sa doktor na galing siya sa trabaho. Well, Sandra came from a wealthy family. Ang alam ko, may ari ng law firm ang pamilya niya. "Don't worry, sweetheart." Ngumiti ang ginang sa akin at hinaplos ako sa mukha. "Wag mong pilitin ang sarili mo. You'll be okay soon. We're just grateful that you're finally awake now." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. I couldn't tell them I'm not Alessandra, can I? Paano ko ipapaliwanag iyon gayong nagising ako sa katawan niya? Anong sasabihin ko? Imposibleng paniwalaan nila ako. "Salamat po… uh." Isang tipid na ngiti lang ang nagawa kong isagot sa kanya. "Mommy," nakangiting wika ng mama ni Sandra sa akin. "Iyon ang tawag mo sa akin." "M-mommy," mahinang sambit ko. Shiz. It sounded weird coming off my mouth. "That's right, sweetheart." Hinaplos niya ang buhok ko. "I'm sorry your Dad can't come here. Nasa business conference siya sa Australia at hindi makauwi agad." "O-okay lang po," tipid na sagot ko. I didn't know what else to say. Bumaling kay Dave na nakaupo sa couch. Simula kanina ay hindi siya umalis dito sa kwarto ko. Ngumiti siya sa akin. I managed to return his smile. Malapit talaga silang dalawa ni Sandra. "Sweetheart, I wanted to stay here but I have an important meeting with my client," wika sa akin ng nanay ni Sandra. Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm so sorry I have to leave you again, Sandra. Don't worry, babalik naman si Yaya Feling." Muli niyang hinaplos ang buhok ko. "Siya ang nagbabantay sayo." "Yaya Feling?" "She's your Yaya, Sandra. Simula bata ka pa lang, siya na ang nag-aalalaga sayo kapag wala kami ng Daddy mo." "Don't worry, Tita. Nandito naman ako," wika ni Dave. "I won't leave Sandy alone." Isang beses pang nagpaalam sa akin ang mama ni Sandra bago siya umalis. I was left alone with Dave. "Do you want to eat something, Sandy?" tanong sa akin ni Dave. "We have food here. Sabi naman ng doktor, walang bawal na pagkain sa'yo." Ibinaling ako ang tingin sa loob ng silid. Mas mukha pa iyong hotel room kaysa hospital room. Merong TV set, couch, may maliit din na ref sa isang sulok. I looked at Dave. Sabi niya kanina, isang buong araw akong walang malay. Kung nagising ako sa katawan ni Sandra… kung ganoon anong nangyari sa katawan ko? Napaawang ang mga labi ko. I needed to know what happened to my real body. "Iyong mga kaklase ko… anong nangyari sa kanila, Dave?" Naramdaman ko ang malakas na t***k ng puso ko. "May…namatay ba sa kanila?" Patay na ba ako? Kaya ba napunta ang kaluluwa ko ngayon sa katawan ni Sandra? Hinawakan ni Dave ang balikat ko. "Calm down, Sandy. Nakaligtas ang lahat ng sakay ng bus. Even the driver of bus survived the accident. He's just in critical condition right now." "R-really?" Pinakawalan ko ang hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Kung ganoon, buhay pa ako? Pero kung buhay ako… sino ang nasa katawan ko ngayon, gayong nandito ako sa katawan ni Sandra? "Yes…" marahang sagot niya sa akin. "Everyone's safe. So stop stressing yourself about the accident." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Hindi iyon makakabuti sayo. You're still recovering." I looked at him. Siguro, kung normal na tagpo lang ito, kanina pa ako nangisay sa kilig sa harap ni Dave. But not now. "Dave… kailangan kong malaman kung anong nangyari kang Cassandra." "Cassandra?" Kumunot ang noo niya. "Isa ba siya sa mga kaibigan mo sa klase?" Tumango ako. "Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa kanya. Nandito rin ba siya sa ospital?" "Don't worry, I'll check on her later, okay? Hintayin muna natin si Yaya Feling para may kasama ka dito." Hinawakan ko ang kamay niya. "Please, Dave. Kailangan ko nang malaman ngayon. Please, check on Cassandra now. Don't worry about leaving me here. Mas hindi ako mapapakali kapag hindi ko nalaman kung ano ang kalagayan niya." Bahagyang kumunot ang noo niya. "Why are you so concerned about her, Sandy?" "S-siya iyong katabi ko sa bus, Dave. Naalala ko, hinawakan niya ang kamay ko bago kami maaksidente." Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata. "Alright," masuyong sagot niya. "I'll go check on her." Habang nasa labas si Dave ay inalala ko ang huling nangyari bago ako nawalan ng malay. I remembered I bumped my head in a hard object. I felt a sharp pain on my head. The last thing I heard was Alessandra's voice. Then everything went black. "Sandy…" Hindi ko alam kung gaano katagal si Dave sa labas. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. "Sandy, your classmate Cassandra... She's in the ICU." Pakiramdam ko, huminto ang t***k ng puso ko sa narinig. "She's in a critical condition right now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD