That day was so fast na halos hindi ko namalayang lumipas na maging ang mga araw na kasunod niyon. Gian and I talked that afternoon. Ngunit halos hindi ko rin naintindihan iyong pinag-usapan namin dahil okupado ang isip ko ng mga sinabi ng imbestigador. Suwerte ko na nga lang dahil kahit wala ako sa darili ay hindi nagpabaya si Kian. S'ya ang halos gumawa ng mga trabaho ko. Hindi ko nga lang natupad iyong sinabi ko sa kanya dahil hindi ko magawang sabihin sa kanya iyong mga napag-usapan namin ni Investigator Lucas. Iyong pagkausap ko sa investor na napipisil ng RF, nagawa ko naman iyon at napapayag kong mag-invest sa aming kompanya. Maayos ang naging pag-uusap namin at kahit lutang ako ay nagawa ko pa rin nang maayos ang trabaho ko. Nakapasa ako sa unang test na ibinigay ng board. Ala

