"Bakit kaya hindi ko makontak si Letticia?" Inis na tinampal ko ang cell phone. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Macky at si Letti lang ang naiisip kong baka may alam sa trip ng isang iyon. Iyon ay kung nag-uusap pa silang dalawa. "Ano bang sadya sa 'yo noong kaibigan mo at mukhang mas lalo kang na-stress?" tanong naman ni Kian, siya ang nasa manibela. We're on our way to meet the investigator. Gusto kong makasigurong wala akong dapat ipag-alala sa sitwasyong itinatago sa akin nina Gian. Well, dapat lang naman akong mag-alala lalo na kung itinatago nila sa akin iyon. Dahil kung hindi naman alalahanin ang tungkol doon, siguradong hindi nila itatago. Sumasabay pa nga lang itong si Macky. Hindi ko alam kung ano ang masamang tinapay na nakain n'ya at plano pa n'ya yatang maghanap

