CHAS- Chapter 69

2500 Words

"Gian!" Nakita ko ang bahagyang gulat sa mga mata ni Gian nang makita ako. Kanina pa talaga ako nag-aabang sa labas ng opisina ni Tito Rafael. "Baby!" Kaagad na yumakap s'ya sa akin pagkalapit. Tiningnan ko rin ang iba pang lumabas mula sa opisina. Si Tito, si Reymond at hindi ko alam kung bakit pati si Ric ay kasama sa pagpupulong nila. "Oh, chine-check mo na agad ang boyfriend mo?" pang-aasar sa akin ni Reymond. Inirapan ko lang s'ya at tiningala ang nakangiting si Gian. Pilit akong naghahanap ng kakaiba sa kanya ngunit wala namang nagbago sa kanyang mukha, bukod sa mas lalong gumuwapo ay ganoon pa rin. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang hinahanap ko. Senyales na may hindi s'ya sinasabi sa akin? Iyon ba? Ngunit paano ko ba makikita iyon? "Hmm... may problema ba?" tanong n'ya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD