"Mabuti naman at nakabalik ka na rito sa opisina mo," ani Kian. Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Yeah." Inilapag n'ya ang tablet sa lamesa ko. "Here. Nahuli ng tatlong araw ang paglalabas ng statement ng Ventures regarding sa naging isyu mo." Kinuha ko ang tablet at binasa ang nakalagay doon. Official statement ng Ventures tungkol sa nangyari noong nakaraan. Pagkatapos ng press conference ni Gian, nagpabukas pa ako bago naglabas ng statement na nagmula naman sa side namin. Simple lang naman ang nasa statement ko. Walang paikot-ikot doon. Pinanindigan ko si Gian at ang relasyon namin. Ngunit kasama sa statement na iyon na hindi ko rin palalampasin ang mga reporter na halos sumira sa imahe ko at ng iba pang miyembro ng pamilya ko. I decided to sue all of them. Kahit pa nga ay may team

