deserved

2684 Words
'kate!." napatingin naman ako at nakita ko si liam na sobrang dilim ng awra, kung nakamamatay lang ang tingin malamang pinag lalamayan na kami ni yuan. lumapit sya sa akin ngunit ang mga mata nya ay kay yuan nakatuon, gumanti din ng titig si yuan sa kanya, nagtatagisan sila ng tingin, bigla na lamang mahigpit na hinawakan ni Liam ang pulsuhan ko. hinawakan naman sya ni yuan sa braso nya, napalingon naman ito kay yuan, 'bumitaw ka." madilim ang mukhang Utos sa kanya ni liam ngumisi naman si yuan dito, alam mong I dont take orders from anyone aside from laurence." ngumisi naman si liam, sa tingin ko wala kang karapatang pigilan ako na kausapin ang maid ko." ani liam 'Sa naalala ko nag resign na sya?." sagot ni yuan. Tinitigan sya ng masama ni liam, at mas lumapit kay yuan, binulungan ito, ni Liam, Hindi ko alam kung anong pinag uusapan nila, basta nakita kong may binulong si liam kay yuan habang hawak pa din ang braso ko, tapos tumawa ng pagak si yuan at may sinabi din ito sa kanya at lalong dumilim ang mukha ni liam. binitawan nya ako, nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko okay na, pero akala ko lang pala, dahil biglang mabilis na inundayan ng suntok ni liam si yuan, nakaiwas naman ito kaagad at gumanti ng sipa kay liam, mabilis din iniwasan ni liam, dahil ang bilis kumilos ni liam, kaya mabilis nyang hinatak si yuan at inihagis sa salaming dingding, nabasag ang glasswall sa lakas ng impact at tumilapon si yuan palabas sa may pool banda, pupuntahan pa ni liam si yuan, sinubukan ko syang awatin pero hinawi nya lang ako, sa lakas nya muntik na ako matumba mabuti nalang at may nakapitan ako, nakita ko kumuha sya ng mahabang kahoy na pang baseball na naka display. mabilis nyang sinugod si yuan na hindi pa nakakabawi ng tayo, hinampas sya ni liam ng kahoy na hawak pero mabilis nya itong iniwasan, nag datingan naman sila aling miding at mga guard at umawat sa kanila, pero kahit sila hindi nila ito makaya, natulala ako hindi ko malaman ang gagawin ko, parang nag slowmo ang mundo ko, natauhan lang ako ng lumapit si stacey sakin at sampalin ako... 'ano, nanaman bang ginawa mo." Sigaw nya saakin habang sila liam ay tuloy parin, hindi ko naman sya pinatulan pa dahil hindi yun makakatulong sa sitwasyon. bigla naman dumating si sir kenzo at shaun, 'bro anung nangyayare." sigaw nila, sinubukan nila itong awatin pero pati sila sinugod ni liam at maging ni yuan, walang may gustong magpatalo, nahintakutan ako ng pumulot si liam ng matalas na bubog ng salamin, parang nahirapan ako bigla huminga at di makapag isip ng diretso, nakita ko nalana ang sarili ko na nag tatakbo at yumakap sa kanya, di ko namalayang umiiyak na ako, ayoko makapanakit sya ng dahil sakin, feeling ko kasalanan ko lahat ng ito. hindi ko na inisip kung mapahamak ako ang importante mapigilan ko sya sa gagawin nya. 'liam!." Pagtawag ko sakanya 'tama na!." Dagdag ko pa, naramdaman ko naman na natigilan sya... hindi lang sya kundi lahat ng naririto, narinig ko ang pag bagsak ng babasaging bagay ibigsabihin binitawan na nya yung hawak nya. yumakap sya saakin ng mahigpit, 'I'm sorry kate." aniya ng mahimasmasan naramdaman ko namang lumapit si yuan at hinatak nya ako mula kay liam. nanonood sayo ang fiancee mo, wag mong bigyan ng problema si kate." anito. pinagmasdan naman ako ni liam na parang nagsusumamo. parang gusto ko syang yakapin at pagaanin ang nararamdaman nya pero hindi pwede. saka ito tahimik na umalis papunta sa kwarto nya. bumaling naman sa akin si yuan, 'ayos ka lang ba?." Mahinahong tanong ni yuan tumango naman ako, napansin kong sugatan ito naisip ko tuloy malamang marami din sugat si liam. 'Ikaw ayos ka lang ba, kailangan gamutin ang sugat mo." saad ko. ngumiti lamang ito, 'Wala ito ni hindi nga masakit ee." saad nya, delikado ang ginawa mo, wag mo na ulit gagawin yon." dagdag pa nito. pero nakakagulat, dahil walang nakakapigil kay liam kapag nagwawala, maliban kay laurence." ani shaun, na parang napapaisip sa mga nangyari. 'Bro, anong nagyari." pagtatanong ni kenzo na mahinahon pero madiin nitong tanong. 'Hindi naman siguro kayo nag away dahil lang sa kendi diba, Hindi sya magwawala ng ganun sa mababaw na dahilan, kilala ko kayo bro." dagdag pa ni shaun. 'Maliban nalang kung may iba kayong pinagawayan." walang emosyong saad ni kenzo habang nakatingin sa akin. hindi naman ako nakaimik, dahil kung hindi pinigilan ni yuan kanina si liam ay hindi sila magaaway. 'tumigil na kayo." ani yuan, hinawakan nito ang aking kamay at ngumiti na parang walang nangyari, 'kate, kunin mo na lahat ng gamit mo ihahatid na kita." anito. tumango naman ako at diretsong pumasok sa maids quarter para iligpit ang gamit ko, sinalubong naman ako ni sheena at rona pati na ni aling miding, 'manang aalis na po ako kaya kukunin ko na po lahat ng gamit ko." saad ko... bahagya naman ako nitong nginitian, 'ganun ba, sige hija." pagpayag nito iniligpit ko na ang gamit ko ng lumapit si rona, tinignan ko naman sya, nakatingin din ito sakin, 'ayos ka lang." saad nito. hindi naman ako nakaimik sa tanong niya. 'kung kelan naman nakapalagayan na kita ng loob." saad nya. hindi kasi siya madaling kaibiganin kahit ako nung una tinatarayan nya, nakaramdam naman ako ng lungkot. sa totoo lang alam kong may namamagitan sa inyo ni sir liam." saad nya. napatingin naman ako sa kanya, hindi ko sinasadyang makita kayo nung bumaba ako sa kusina nung isang gabi." dugtong pa niya, pasensya na kung sinekreto ko sayo, dahil ayokong makiaalam at mawala ka dito. ngumiti naman ako sa kanya 'salamat, alam mo kahit tinatarayan mo ako noon alam ko namang totoo ka sakin." ngumiti ito at yumakap sakin. napasin ko namang may pumasok kaya napatingin kami dito, medyo nagulat ako ng mapagsino ang pumasok, si sir liam... 'iwan ko muna kayo." sabi ni rona at umalis. lumapit naman sya saakin at nanatiling nakatayo sa harapan ko, 'talagang aalis kana?." saad nya, nadadamahan ko ng lungkot ang boses nya, nanatili naman akong nakayuko. 'siguro nga ito ang tamang gawin." dagdag pa nya, napatingin naman ako sa kanya, ngunit hindi ko alam ang sasabihin ko sa dami ng emosyong nararamdaman ko. dumating naman bigla si yuan, 'handa kanaba?." walang emosyong Tanong nya, tumango naman ako at kinuha ang mga bagahe ko. sumulyap naman ako kay liam, pero wala naman akong makitang reaksyon sa kanya, nanatili lamang itong nakatayo, naiwan na lamang syang walang imik, 'hindi ba manlang sya mag papaalam sa akin." bulong isip ko, mas lalo akong nakaramdam ng lungkot, ayoko syang iwan pero buong mundo na nagsasabi na umalis ako... napaluha nalang ako na agad ko namang pinahid, dahil ayokong makita ni Yuan ang pagluha ko... 'okay ka lang ba?." tanong ni yuan na nagaalala. napabuga ito ng hangin ng hindi ako umimik, 'Kate, ito ang mas magandang gawin, dahil hindi basta basta pwedeng bitawan ni liam ang kasal nya." saad nito, napatingin naman ako sa kanya, tama sya, alam ko yun, pero may parte parin ng puso ko ang umaasa, nanatili naman akong walang imik, niyakap naman nya akong muli at naramdaman ko ang pakikisimpatya nya sa nararamdaman ko, 'ayoko lang na mas masaktan kapa kate, kaya ko ginagawa ito." aniya 'salamat yuan," pasasalamat ko, gumanti naman ito ng ngiti. saka ako inalalayan pasakay ng kotse. habang nasa daan, bumabalik sakin ang mga alaala ng unang dumating ako sa bahay na yon, ni hindi ko inaasahan na sa lugar na iyon ko makikilala ang lalaking magpapatibok ng puso ko, noong una kong makita si liam, at pinagsungitan ako agad, napangiti naman ako habang lumuluha, dahil naging matamis ang mga alaalang iyon para sa akin. para kaming aso't pusa nuon walang problema, naalala ko pa nung napag akalaan kong daga ang rabbit at pinagtawanan ako ng doctor sa hospital, mas lalo pa akong napaluha ng maalala ang mga masasayang alaala namin, kung nanatili na lamang kami na ganoon at walang namagitan sa amin, makakasama ko pa siguro siya. tahimik lang akong umiiyak habang nasa byahe hanggang makarating ako sa bahay. 'salamat yuan." pasasalamat ko sa kanya, hinawakan naman nya ang kamay ko at bahagyang lumapit, 'kate, I want the best for you, yung deserved ka at hindi ka sasaktan." saad nya, 'wag kang mag alala di kita pababayaan." dagdag pa niya. ngumiti naman ako sa kanya, 'Salamat ulit yuan." saad kong muli, tumango sya at nagpaalam na... agad naman akong pumasok sa bahay, nagulat pa si nanay ng makita ako, 'kate,! anung nangyari at umuwi ka?." Pagtatanong nya, yumakap naman ako sa kanya sandali, natigilan naman ito, saka ako muling bumaling sa kanya, 'nay, saka mo nalang ako tanungin pagod na kasi ako." saad ko... tumango naman ito, alam kong gusto nitong magtanong, ngunit mas pinili nalamang niyang wag na magusisa pa. kaya umakyat na ako sa kwarto, mabuti naman nagkataong wala pa si elise at roxanne kung hindi kukulitin ako ng mga yun, nahiga ako sa kama ko sobra akong napapagod, hanggat maari ayoko muna isipin si Liam. Yuan's POV Kakarating ko lang sa bahay, mula ng ihatid ko si kate, nag shower ako kaagad para maibsan ang sakit ng katawan ko. saka ko lang naramdaman ang mga tama na tinamo ko kay liam, wala akong masabi, napaka galing niya talaga sa malapitang labanan kumpara sa akin mabuti na lamang at kahit papano ay nakalaban ako sa kanya, napatawa ako sa sarili ko malamang masakit din ang katawan ng isang yun, hindi ka nga naman magiging part ng grupo namin kung hindi ka magaling makipagbunuan Hindi ko din inaasahan na aabot kami sa ganito, bigla namang nag flashback lahat, hindi ko alam kung kelan nag umpisang lumalim ang feelings ko kay kate, I find her cute at first, naalala ko ng maabutan ko sya sa garden ng bahay ni liam, gugulatin ko sana sya pero imbis na magulat sya, para akong nahumaling kung paano sya ngumiti habang hinahangin ang buhok nya, hindi ko napigilang mapangiti dito, para syang nabubuhay sa simpleng paraan, bagay na hindi ko mararanasan kahit anong gawin ko, may time pa na inasar sya ni liam, at galit na galit ito pero I find it really cute, di sya natatakot na ipakita ang nararamdaman nya. nang una ko syang makita na umiiyak sa garden, para akong nalulungkot, kaya inaya ko siya ng ice cream kasi para syang bata... diba ang bata inaalok ng ice cream kapag umiiyak, pero mas natawa ako ng tanggapin nya, napakadali lang nyang pasayahin ang simple lang ng kaligayahan nya, habang nasa ice cream parlor kami pinapanood ko sya habang kumakain ng ice cream, feeling ko dinadala nya ako sa mundo nya, kung saan simple lang ang lahat, bahagya pa akong natawa dahil mukhang sarap na sarap sya sa icecream nya, feeling ko tuloy gusto ko agawin yung ice cream nya, paano kasi the way nya itong kainin parang masarap... nung araw na hiningi ko ang number nya, hindi ko inintindi si laurence kahit alam kong interesado ito sa kanya... pero ng nalaman kong inalok ito ni laurence na lumabas, duon ko napagtantong siryoso ito sa kanya. kaya hindi na ako gumawa pa ng kahit na anong hakbang, because for me laurence deserved her, I know that laurence can make her happy... pero ng marinig ko kung paano sya umiyak nuong isang araw parang nadudurog ng puso ko, lalo na nang malaman ko na may relasyon sila ni liam, nabigla ako at parang gusto kong bugbugin si liam, pero pinigilan ko ang sarili ko.. he even took her innocence, sobra talaga ang ginawa nya, he didnt deserved her. naalala ko ang nangyari kanina, lumapit sya at bumulong saakin, 'akala mo ba hindi ko alam na may pag tingin ka kay kate, pero sorry ka nalang dahil pag aari ko na sya." panguuyam ni liam... tumawa ako ng pagak at bumulong din sa kanya. 'Wag mo ko patawanin liam, alam ko ang tungkol sa inyo, and you dont deserved her." ganting saad ko. ngumisi naman ito, 'bakit, sino ba satin dalawa ang deserved sya, Ikaw." gigil na saad nya... 'No!, it was laurence." nakita ko sa kanya ang matinding galit. 'Sorry!, but I wont allow you to ruin her.".. nakita ko ang matinding galit sa mga mata nya sa sinabi ko.. binitawan naman nya si kate, at sinugod ako ng suntok Napabalik ako sa reyalidad ng tumunog ang phone ko, si laurence ang tumatawag. 'Hello?bro.".saad ko. 'Hey!, anong nangyari? aniya. Napatahimik naman ako, di ko alam kung anong sasabihin o kung paano ko sasabihin. 'Yuan. wala ka din bang balak mag salita." aniya. 'Sige! bukas, sa meeting room tayo maguusap." saad nya, napabuntong hininga nalang ako, 'ok." sagot ko sabay end ng call. Liam's POV Wala na akong nagawa kundi ang pagmasdan syang papaalis, masakit man pero tama si yuan, I dont deserved her, pero ang isipin pa lang na nasa piling sya ng iba ay sobra na akong nasasaktan, 'Hon!." pagtawag ni stacey, napatuon naman ako sa kanya. 'its ok, magkakaayos din kayo ni yuan." saad nito sabay yumakap sa akin. ewan ko kung tama pa bang ituloy ko ang kasal ko kay stacey, hindi ko na maramdaman na mahal ko pa sya, nuong una hindi pa ako sigurado, but this time, I'm really sure of it, pero hindi ako basta makakaurong sa kasal dahil matagal na itong naka plano, anong gagawin ko hindi ko din naman pwedeng saktan si stacey. 'Hon, may problema ba." pagtatanong niya, napansin niya siguro ang biglang pananahimik ko, nginitian ko naman siya ng tipid, 'Nothing, I'm ok!," saad ko, 'stacey, pasensya na kung kailangan mo muna manatili sa tita mo, magiging busy kasi ako hindi kita maaasikaso." saad ko. kailangan kong makapag isip isip, kaya kinausap ko siya na sa tita niya muna siya tumuloy, ngumiti naman sya bilang tugon sa akin, 'sige hon, okay lang basta lagi mo akong tatawagan ha!." paglalambing nito, tumango naman ako. inaya na nya ako pababa for dinner, kaya ng bumaba kami nadatnan ko si manang miding, pero parang nakikita ko si kate, na nagpprepare ng dining, napangiti ako pero ng nalapitan ko ito si Rona pala, nagulat pa ito sa paglapit ko. nakaramdam ako ng sobrang sakit sa puso ko na ngayon ko lang naramdaman. 'hon!, are you ok?." pagtatanong ni stacey, tumango lang ako sa kanya ng hindi nakatingin, 'Sir, kain na po," pagaaya ni manang miding... Habang kumakain napatingin ako sa baso, naalala ko nanaman si kate, palagi syang nakakabasag ng baso at lagi syang nadudulas, kaya hindi ko siya pinapaakyat sa kahit na anong mataas, napangisi nalang ako sa sarili ko, 'ang tanga ko, bakit di ko nakita na sobrang mahal ko sya, at hinayaan ko siyang masaktan." usal ng isip ko. 'Hon!, sabi pala ni dad punta daw tayo sa kanila kapag di ka busy, papakilala ka nya sa mga business partners nya." saad ni stacey, pero hindi ako umiimik, dirediretso lang sya pag sasalita, ngunit wala akong naiintindihan sa kanya, dahil nasa malayo ang isip ko. tumayo na ako at tumuon sa kanya 'stacey, wala na akong gana, pagod na ako, gusto ko munang mapag isa, pasensya kana, hindi na muna kita maihahatid ngayon." saad ko sa kanya, nakita kong nalungkot siya pero awa na lamang ang nararamdaman ko para sa kanya, 'Aahhh ganun ba, sige its ok wag mo na ako alalahanin magpahinga kana." tugon nya, tumango naman ako at umakyat sa kwarto, nang mapag isa, napatawa nalang ako sa sarili, dahil kahit saan parte ng bahay ko, naaalala ko si kate, bigla nalang bumalong ang iilang luha sa mga mata ko. 'Hindi, hindi ako papayag na mawala sya saakin." mahinang usal ko, ayaw kong may pagsisihan, kung kailangan lumuhod ako sa harapan nya gagawin ko bumalik lang sya sa akin, I cant afford to lose her, I love her so much, kahit pa ibigsabihin nun kakalabanin ko si laurence, ano ngayon kung sya ang nararapat sa kanya, pang hahawakan ko na mahal ako ni kate, di ko sya bibitawan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD