birthday party

4053 Words
Kate's POV 'Hayyy, mahabang buntong hininga ko. kinukulit nanaman ako ni nanay kung bakit daw ako umalis sa trabaho ko sq bahay ni Liam, halos 2 weeks na ng umuwi ako, pero hanggang ngayon kinukulit parin ako ni nanay tungkol sa pagalis ko duon. sinabi ko naiinip ako sa bahay na yun, kaya umalis ako ayaw naman nyang maniwala. 'Kateleen! Sabihin mo na kung bakit ka umalis duon, ee ang ganda naman ng pasahod duon." saad ni nanay ganyan lang talaga sya, pero hindi naman nya ako pinipilit pag ayaw ko, ayaw lang nya na nagsesekreto ako sa kanya, Hindi ko naman masabi ang totoo. 'nay!, yun nga ang totoo, boring duon maghahanap nalang ako ng ibang work wag na duon." sabi ko naman. 'Hay!, bahala kang bata, ka matanda kana." frustrated nitong saad. Ngumiti naman ako sa kanya, naisipan ko naman lumabas ng bahay para mag lakad lakad. nakita ko ang ilang kaibigan na nakatambay sa labas, at may naglalaro sa basketball court na nasa malapit. papaalis na ako, ng mapahinto ako, dahil sa kotseng pamilyar sa akin, at nang bumaba ang driver, nanlaki ang mata ko ng mapagsino ito, parang gusto ko tumakbo at magtago pero huli na ang lahat para don, dahil nakita na nya ako, naglakad ito papalapit sa kinatatayuan ko, ngumiti naman ako na pilit at iniisip kung bakit siya naroroon. 'hello sir Laurence, pero anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman ang address ko?." sunod sunod na tanong ko, ngumiti naman ito, 'I have my ways.'' nakangiting saad nya. 'Bakit? may kailangan kaba?." pagtatanong ko, ngunit tumuon lamang ito sa akin, 'ang totoo, gusto sana kita imbitahan sa birthday ng kapatid kong babae, sana pumayag ka please." saad nya na nagpapacute pa. 'Pasensya na pero di ako pwede." agad na tanggi ko, Pero ang totoo ayoko lang talaga, malamang nanduon si liam at ang jowa nyang hilaw, kakaasar kapag naaalala ko yung ginawa ng babaeng yun. 'best! pagagaw ng attensyon ko, napabaling naman ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko nga si daphny kasama si roxanne at elise, lakad takbo naman si daphny habang papalapit at sabay yakap sa akin. 'sobrang namiss ko ang bff ko." saad nya, 'anong ginagawa mo dito tanong ko." 'Kasi nalaman ko na umalis kana sa work mo, kaya andito ako para mag bonding tayo." saad nito 'sino sya ate?." Tanong ni elise ng mapansin si Laurence, sa sobrang excite nakalimutan ko na si laurence, bumaling naman ako kay laurence na ngayon ay prenteng nakatayo lang at pinanonood kami. tumikhim naman ako bago nagsalita, 'si sir laurence." pagpapakilala ko, 'friend sya ng dati kong boss." sabi ko.. 'aahhh." sabi ni daphny habang tumatango tango, 'nice to meet you." pagbati ni Daphny dito sabay lahad ng kamay, masaya naman tinanggap ito ni laurence, 'nice meeting you too." naka ngiting tugon nito ' sir laurence siya nga pala ang bestfriend ko." pag tukoy ko kay daphny, at sila naman ang mga kapatid ko, si Elise at Roxanne, pagpapakilala ko sa mga ito, napatingin naman sya saamin na para bang nagtataka. 'bakit?." tanong ko ng mapansin ang tingin niya, 'Wala naman napansin ko kasi na hindi kayo magkakamukha pero pareparehas naman kayong magaganda." pagpuri nito. napatawa naman si daphny, 'hindi lang ikaw ang nagsabi nyan, ang parehas lang sa kanila ay ang height nila." dagdag pa nito habang tumatawa. 'gusto mo kurutin kita." mataray na sabi ni roxanne, nag peace sign naman si daphny, 'kantiin mo na lahat wag lang height namin." sabi pa ni elise sabay lapit kay laurence at naglahad din ng kamay. 'hello po!, ako nga pala ang pinaka cute sa lahat, elise nalang itawag mo sa akin, nice too meet you." pagpapakilala nito, napatawa naman si Laurence at tinanggap ang kamay nito, 'nice to meet you too, Elise." saad nito at ngumiti.. pero tanging si roxanne lang ang di lumapit sa kanya, si laurence na mismo ang lumapit sa kanya, at nag lahad ng kamay, 'hi! nice too meet you." saad nito pero tinignan lang sya ni roxanne, 'me too." malamig na sabi lang nito pero hindi manlang nakipag kamay sa kanya. napataas ang kilay ni laurence, siguro bahagya itong nainis. nilapitan ko nalang si laurence, 'pasensya kana sa kanya, ganun lang talaga sya pero mabait naman yan, sabi ko pa, ngumiti naman ito sa akin. 'its ok!, baka may pinagdadanan lang." saad nya, bumaling naman ako kina daphny, 'ano pala ang plano?." tanong ko. nagtinginan naman sila, 'wala pa ee, mag mall nalang tayo." saad ni daphny. 'perfect!." usal ni laurence, napatuon naman kami sa kanya. 'girls, kasi birthday ng kapatid ko ngayon, kung wala naman kayong pupuntahan, okay lang ba kung invite ko nalang kayo." nakangiting saad nito. naalarma ako sa sinabi nya, pumunta ako sa likod ni Laurence at sumisenyas sa kanila gamit ang kamay ko ng x, as in no!, Nakatingin naman sila sakin kaya tumingin din sa gawi ko si laurence, at umakto ako na walang ginagawa at nang bumaling syang muli sa kanila muli akong sumenyas na no!. 'Ahh.. hehe.." pekeng tawa ni daphny na parang naguguluhan, sila elise at roxanne naman nakatingin lang. 'fine!, I think its a good idea." saad ni daphny, nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, natawa naman sina Roxanne sa nakitang reaksyon ko, 'good!! Ani laurence saka bumaling saakin, ngumiti naman ako na nagpapanggap na masaya. 'yari ka sakin mamaya daphny." mahinang bulong ko sa sarili. 'ano pa nga ba magagawa ko." usal ko. 'Then, are you ready!, kasi kung ok na kayo we can go now." dagdag pa ni laurence, 'wait magaayos lang ako." saad ko naman, tumango naman sila saka ako pumasok para magayos simple lang sinuot ko, nag highwaist skirt ako, at crop top shirt na pinatungan ko ng denim jacket white rubber shoes at naglagay ng konting make up at ready na, saka ako lumabas, ng makita ako ni laurence ay ngumiti ito at sinalubong ako. 'you look gorgeous." anito. thanks!." saad ko, sabay mabilis na sumakay ng kotse sa tabi ng driverseat nya ako pinaupo, habang nasa byahe laman ng isipan ko si liam, 'anong gagawin ko kapag nakita ko sya?." 'Hindi ba nakakahiya sa sister mo na sumama kami." tanong ni daphny. 'No!, dont worry mabait ang sister ko, and alam nyang bisita ko kayo, kaya your all welcome sa party, saka friends lang ang imbitado." saad nya habang nakatuon sa kalsada, bakit nasaan ang parents nyo." Tanong naman ni elise, 'nasa u.s. sila." tugon ni laurence. pagdating namin sa venue ng party, kinakabahan man ay pinilit akong kumalma, ayokong makahalata sila daphny, lalo na si roxanne, minsan may pagka war freak pa naman ang isang ito. sinalubong kami ni yuan nang may ngiti sa labi, ang ganda talaga ngumiti ng isang toh, kung hindi ako nainlove kay liam, malamang patay na patay ako dito, naisip ko tuloy na sana sa kanya nalang ako nainlove diba, para hindi ako nasasaktan ng sobra, kung sana napipili mo lang taong mamahalin mo, pero iba kapag puso mo na ang nagdidikta sayo. 'gwapo naman nyan best, sino yan nakangiti pa sayo." ani daphny na parang kilig na kilig kay yuan. 'gusto mo kurutin ko yang singit mo." saad ko sa kanya. 'kaw naman di mabiro, kakaloka, pagrereact nito. minsan talaga may pag kapraning ang kaibigan kong ito. lumapit naman si yuan sa akin at humalik sa pisngi ko. 'hello! beautiful ladies." bati nya in a gentle way. 'halika kayo sa loob." pagaaya nito. tumango naman kami bilang tugon. Saka kami sinamahan papasok, nag stay muna kami sa isang room kung nasaan ang lahat. prepared naman na ang mga table sa pool, pero mamayang gabi pa ang start ng mini show, mahilig din pala sa music ang kapatid ni laurence, kaya may band. Nang makita kami ni ryan agad itong bumati 'hey bro!, who's this beautiful ladies." tanong nito, 'this is daphny, friend sya ni kate at si elise at roxanne sister ni kate." pagpapakilala nito. napatuon ang tingin saamin ng lahat of course pati si liam, ng magtagpo ang tingin namin umiwas ako agad, pero naaninagan ko ng kakaibang emosyon sa mga mata nya. 'really! magkakapatid kayo!." di makapaniwalang usal ni Ryan. 'oo bakit." walang reaksyong tanong ni roxanne, 'ngayon alam ko na nasa dugo nyo talaga ang pagiging maganda." anito. na tinawanan naman namin. Saka kami naupo sa couch, sakto naman ang dating ng kapatid ni laurence at kasama ang babaeng may dala ng kamalasan sa buhay ko, peke itong ngumiti at umupo sa tabi ni liam, gusto ko talaga hatakin ang buhok nya kakaasar ang pag mumukha. yumakap naman kay laurence ang kapatid nya, gaya ng inaasahan maganda ang kapatid nya syempre gwapo ang kuya. bumaling naman ito sa akin. 'hello! I'm loraine." pagpapakilala nito, Ngumiti naman ito saakin at bumeso 'ikaw pala si kate," saad nito. 'I heard so much about you." dagdag pa niya. ngumiti lang ako pero di maganda ang pakiramdam ko sa sinabi nya. Gaya ng sinabi ni laurence, konti lang ang bisita bukod sa mga friends ng kapatid nya, at grupo nila laurence, ay yung gf ni cedrick at si stacey na kasama ang mga friends kuno nya, 'may friends pala ito, samantalang napaka fake ng babaeng yan." Napapailing nalang ako sa isip ko. masayang nagkkwentuhan ang lahat, pero ako mas pinili kong manahimik, minsan napapatingin ako sa gawi nila liam," pero hanggat maari iniiwasan ko. umupo naman sa tabi ko si laurence, 'are you ok?." tanong nito, nginitian ko naman sya, 'wag mo na ako alalahanin, ayos lang ako." tugon ko 'Ang landi mo talaga! malakas na sabi ng isa sa mga kaibigan ni stacey, sa isa pa nyang kaibigan, papangalanan ko silang a at b, 'bakit wala naman akong ginagawa ahhh." maang na sabi ni b na umaaktong kawawa, 'Kunwari kapa! walang ginagawa, mahinhin kuno, nasa loob ang kakatihang taglay," dagdag pa nito. saka nag apir at nag tawanan, habang nakatingin sa gawi ko, obvious naman ako ang pinariringgan ng mga ito. kinalabit naman ako ni daphny kaya napatuon ako sa kanya, 'sino ba ang mga yan?." tanong nya na halatang naiirita, 'ewan ko sa mga panget na yan." saad ko, napatawa naman sya ng tawagin ko itong panget, habang si roxanne naman para ng susugod ng away, ito na nga bang sinasabi ko, kaya ayoko pumunta, lalo na at kasama sila, napaka dali kasi makaramdam ng mga ito. naalala ko nuong high school kami, may nagtangkang mambuli sa akin, pero sinekreto ko lang, at nang malaman nila sinugod nila ang mga ito, at ang ending pareparehas kaming nasa guidance office dahil binugbog namin yung mga bumubully sa akin, hindi ko naman kasi sila pwedeng pabayaan kaya tinulungan ko nalang sila, ugali ko kasi na hanggat maiiwasan ang gulo, iiwasan ko nalang, pero iba si roxanne, palaban ang isang ito. 'Guys sa pool na tayo!." pagaaya ni loraine ang kapatid ni laurence. tumugon naman kami dito, 2 malalaking oval table ang naka set up sakto para sa lahat ng bisita at bukod sa buffet, at may mini bar din na nakaset up, at stage for the band. nag speech muna ang celebrant, at si laurence, pagkatapis saka nag simula ng tumugtog ang banda, kami naman ay nagsimula na ding kumain ng mapatingin ako sa kinauupuan ni liam, kumirot ang puso ko na makitang nakayakap sa kanya si stacey. Napangiti ako ng peke sa sarili ko, ano pa bang inaasahan ko, Syempre fiancee nya yun, lumapit naman si laurence kaya pinilit kong itago ang sakit na nararamdaman ko. 'How's the food?." Anito ngumiti naman kami, 'its good!." sagot pa ni daphny. 'Buti naman, sana maenjoy nyo ang party." anito at nagpaalam muna para kamustahin ang iba pang bisita. Ilang sandali lang ng mag propose ng toast si Lorraine at sabay sabay na ininom ng wine, kahit ayaw ko napilitan na kami uminom, ng mapatingin nanaman ako sa gawi ni liam, nakita ko kung gaano sila ka sweet ni Stacey, nagbubulungan pa silang dalawa, naiinis ako sa sarili ko kung bakit kasi di ko mapigilang tignan sila, hinahanap hanap ng mga mata ko si liam, sa sobrang sama ng loob ko, medyo naparami na ako ng inom, pero hindi pa naman ako masyadong tinatamaan napansin ko naman na lumapit si shaun kay daphny at may binulong ito sa kanya, ngumiti naman si daphny sa kanya, napailing nalang ako, tangka akong iinom pero napabuga ako ng makita ko si elise na kausap si kenzo, 'ayos ka lang." tanong naman ni laurence saakin, 'aaahhh uo, no problem!." saad ko na medyo may tama na. 'No way!." usal ng isip ko,n kilala ko ang mga lalaking ito, hindi sila makikipagusap ng basta basta ng walang dahilan, umubo naman ako upang mapatingin sa akin si elise, tinaasan ko sya ng kilay kaya bahagya naman itong yumuko. Si roxanne naman kausap si zack, hindi ako makapaniwala, sa lahat si zack pa ang nakasundo nya, birds with the same feather flocks together nga naman. 'kate! Napatuon naman ako kay laurence." hinawakan nya ang kamay ko, tumayo ito at hinila ako paalis 'teka san mo ba ako dadalhin, pagtatanong ko. ngumiti naman ito, 'basta." saad nito, wala na akong nagawa at nagpatianod nalamang ako. napa wow! naman ako sa pinagdalhan nya sa akin, sa bandang likod pala ng resort may fountain at garden din, sobrang ganda ng lugar. 'kate! pagagaw niya ng attensyon ko, napabaling naman ako sa kanya, bahagya pa akong nagtaka ng ilahad niya ang kamay sa akin, 'can I have this dance." anito. nabigla naman ako at halos di makapagsalita, pe-pero di ako marunong." utal na saad ko. 'its ok!, just follow me." anito, wala akong nagawa kundi tanggapin ang alok nito, inilagay nya ang mga kamay ko sa dibdib nya at hinapit ang bewang ko, sumabay kami sa tugtog ng banda.. Isayaw mo ako Sa gitna ng ulan, mahal ko Kapalit man nito'y buhay ko Gagawin ang lahat para sa 'yo Alam kong mahal mo na rin ako habang sumasayaw naalala ko si liam, ano kaya ang feeling kung sya ang kasayaw ko. Binibini Alam mo ba kung pa'no nahulog sa 'yo? Naramdaman lang bigla ng puso Aking sinta, ikaw lang nagparamdam nito Kaya sabihin mo sa akin Isayaw mo ako Sa gitna ng ulan, mahal ko Kapalit man nito'y buhay ko Gagawin ang lahat para sa 'yo Alam kong mahal mo na rin ako gp% 'Kate!! Ano ba ang tingin g saakin?." Tanong niya saken. Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka, 'Bakit mo naitaenong?." saad ko. 'Wala gusto ko lang malaman kung anong klaseng tao ang tingin mo sa akin?." saad niya Tinignan ko naman sya ng diretso. 'mabait at matalino, almost perfect." sabi ko, habang patuloy sa pagsasayaw.. Ngumiti naman sya habang nakatingin sa kawalan, 'kate!! I know what happened between you and liam." Nabigla ako sa sinabi nya, bigla akong nawalan ng imik at napahiwalay ako sa pagkakahawak nya sa akin. 'Its ok kate, Ayos lang iyon saken." saad pa nya. 'Wala akong pake sa kahit anong nangyari sa inyo, kasi gustong gusto kita." saad nito, nanatili naman nakatingin lang ako sa kanya, 'please give me chance." pagsusumamo nito 'kate." usal nito, napaluha ako sa sinabi nya, dahil kahit gusto ko bigyan sya ng chance, papaano ko gagawin yun kung ang sinisigaw ng kalooban ko ay si liam. lumapit sya at iniharap ang mukha ko sa kanya, kitang kita ko kung gaano sya ka sincere sa sinasabi nya pero maibibigay ko ba yun? 'Kate, please give me a chance, hindi man ngayon, alam kong makukuha ko din ang puso mo mula sa kanya." saad niya at niyakap nya ako ng mahigpit anong gagawin ko, naguguluhan ako, gusto ko tanggapin ang alok nya, baka sakaling tama sya, pero parang mali padin, paano kung hindi rin umubra, at sa huli masasaktan lang namin ang isat isa anong gagawin ko?. 'I love you kate." usal ni laurence. walang pasabing inilapat ang labi nya sa labi ko, nabigla ako kaya di ako nakagalaw ng makabawi ay bahagya ko siyang tinulak. 'halika na, bumalik na tayo!." walang emosyong saad ko, ng pagpihit ko nabigla ako ng makitang nanduon si liam. Kitang kita ang pagkabigla sa mukha nya at puno iyon ng galit. ngumisi ito, at naglakad palapit sa amin. 'Kaya ka pala umalis dahil dito!." anito na puno ng panguuyam. Hindi ako umimik, dahil hindi ko din alam kung papaano magpapaliwanag. 'Anong ginagawa mo dito?." Maawtoridad na tanong ni laurence? 'Bakit bawal ba ako dito." sagot ni liam. habang nakakuyom at binalingan ng masamang tingin si laurence. 'Pasensya na kakausapin ko lang ang dati kong maid, no, that's wrong term, hindi pala maid, my bed warmer." saad nito. Parang sinaksak ang puso ko, halos parang gumuho ang lahat sa akin. pero pinigilan ko ang maluha, kaya nilapitan ko sya at walang pasabing sinampal, napatagilid ang mukha nito dahil sa sampal na binigay ko sa kanya. ang lakas ng loob mong tawagin ako ng ganyan, mahinahon pero madiin kong sabi, hinawakan nya ako ng mahigpit sa braso pero pinigilan sya ni laurence. subukan mong saktan sya magbabayad ka ng malaki sakin. pagbabanta nito. Tumitig naman sa kanya si liam. na nagpupuyos sa galit. wala akong planong saktan siya, kaya wag ka mangialam sa amin, sa pagitan lang namin ito Laurence." saad ni Liam 'Bitawan mo siya!." Utos ni laurence pero di parin ito bumitaw, napangisi si laurence habang si liam naman ay nakatingin lang sa kanya, sinabi ko bitawan mo siya, pag ulit ni laurence, pero sa pagkakataong ito hinawakan na nya ito sa kwelyo ng damit ni liam. Labag man sa loob ay binitawan ako ni liam. 'Wag na wag mo na sya ulit pag sasalitaan ng ganon, kung ayaw mong magka problema tayo." pagbabanta ni Laurence dito, tumingin naman si liam sakin. 'tama lang pala ang disisyon ko, ngayon alam ko na, salamat! ngayon masaya akong pakakasalan si stacey." anito bago tuluyang umalis. ang sakit ng dibdib ko, halos hindi ako makahinga, ang sakit ng lalamunan ko na halos hindi ako makaiyak hanggang tuluyang bumalong ang luha sa aking mga mata, napaka sakit sobrang sakit, 'bakit ba ang sakit mong mahalin liam!." gustong kong isigaw pero hindi ko ginawa. gusto kong ipagsigawan yun sa kanya, pero pagiyak ko lang ang lumalabas sa akin. Inalalayan naman ako ni laurence na umupo, habang patuloy sa pag luha. 'Sige! lang iiyak mo lang yan." saad nito. naramdaman ko nalang na niyakap nya ako. 'Im sorry, hindi ko alam na ganito ang mangyayari, hindi ko inakala na sobra kang masasaktan dahil sa ginawa ko." pag hingi nito ng paumanhin.. 'Hayaan mo na! nangyari na ang nangyari." mahinahong saad ko. Nang kumalma ako, bumalik na kami sa party habang masaya ang lahat tumayo naman si liam, may gusto akong iannounce sa lahat, anito napabaling naman sa kanya ang lahat, stacey and I are getting married, at tuloy na tuloy na masayang sabi nito, at naghiyawan ang lahat, ng may mag request ng kiss sa kanila, ay walang pasabing hinalikan nito ang babaeng yun, hindi ko na magawa pang itago ang impit na luha na lumabas sa mata ko, maagap naman akong tinakpan ni laurence, pero nakita na ako nila daphny, puno ng pagtatakang nagtinginan sila roxanne, pinilit kong umarteng normal sa kabila ng lahat, lumapit naman si Yuan at pinantay ang mukha sa mukha ko, 'everything will be okay." bulong nito, tumango naman ako habang patuloy sa pag patak ang iilang luha sa mata ko, pilit kong pinapatatag ang sarili, gusto ko ng umuwi pero parang ang kj ko diba, sobrang masama ang loob ko kaya gusto ko mag stay, lulubusin ko na tutal wala na rin pinagkaiba parang pinatay nya ako sa sakit. 'Tama na yan!." pag awat sa akin ni daphny. ano ba talagang nagyayari ate, tanong ni roxanne na naiinis na sa di malamang sitwasyon, nginitian ko lang sila 'wag ka-hik-yong mag-hik-alala ka-hik-ya ko pa." lasing kong saad Tumayo naman ang mga kaibigan stacey kasama ang lider ng mga bakulaw na yun walang iba kundi si stacey. Nag perform sila sa stage, tinawanan ko naman sila, wala na nga sa tono ang titigas pa ng katawan, kaya napatawa ako ng pagak, wala akong pakialam kahit marinig pa nila. natapos ang pagpapasikat nila ng mapansin nilang tinatawanan ko sila. Anong nakakatawa tanong ni stacey. 'Ha? maang kong sagot, Naku wag mu na ko pansinin naalala ko lang kasi sa inyo yung sumayaw ng childrens party ng pinsan ko, sabi ko pa napatawa na din sila daphny mukhang nakuha na nila ang ibig kong sabihin. 'may nag sabi sakin na kumakanta ka daw baka pwede mo kaming pakitaan." ani loraine. sabi ko na hindi din maganda ang tingin sa akin ng kapatid ni laurence, napangisi naman ako 'sure why not! tutal request ng celebrant." confident kong sabi, tinangal ko naman ang jacket ko, come on girls samahan nyo ko, sabi ko kina daphny, 'sige, tutal kanina pa ako bwisit sa maiingay na yan." ani Roxanne, napailing na lamang si Elise pero wala rin itong nagawa kundi sumunod. 'hindi na talaga kayo nagbago napaka mapagpatol niyo." usal ni Elise habang natatawa, gusto pa sana ako awatin ni laurence, pero di ako nag paawat Sumenyas ako sa keyboardist, 'bang bang original key." sabi ko, napangiti naman ito at kinausap na ang banda, pumwesto na kami at nagumpisa na kaming sumayaw kasabay ng tugtugin (Roxanne part) She got a body like an hourglass But I can give it to you all the time She got a booty like a Cadillac But I can send you into overdrive (Oh) (You've been waiting for that) (Stop, hold up, swing your bat) See anybody could be bad to you You need a good girl to blow your mind, yeah Sabay sabay ang galaw namin habang nag bblend sa music... Bang bang into the room (I know you want it) Bang bang all over you (I'll let you have it) Wait a minute, let me take you there (Ah) Wait a minute 'til ya (Ah, hey!) Simpleng ngiting parang nangnaakit, konteng kembot ng balakang, nakikita ko ang inis sa mukha ng mga babaeng yun, kaya talagang natutuwa akong asarin sila... (me) She might'a let you hold her hand in school But I'ma show you how to graduate No, I don't need to hear you talk the talk Just come and show me what your momma gave ya (Oh, yeah) I heard you've got a very big (Shh) Sabay sign ng silent sa bibig ko, at bahagya kong kinagat ang daliri ko sabay kindat, nagsigawan ang lahat sa ginawa ko. Mouth but don't say a thing Naglakad ako sa gitna at lumapit kay laurence, Hinawakan ko ito sa dibdib, bahagya itong naestatwa sa ginawa ko pero alam kong nagustuhan nito ang ginawa ko See anybody could be good to you You need a bad girl to blow your mind Nakita ko kung paano napaawang ang bibig ng mga babaeng panget ng ibirit ko ang mataas na part na iyon, nginisihan ko sila Tawang tawa talaga ako ng makita kong umuusok ang ilong nila sa galit. Bang, bang into the room (I know you want it) Bang bang all over you (I'll let you have it) Wait a minute let me take you there (Ah) Wait a minute 'til ya (Ah, hey!) Bang bang there goes your heart (I know you want it) Back, back seat of my car (I'll let you have it) Wait a minute let me take you there (Ah) Wait a minute 'til ya (Ah, hey!) Nang matapos kitang kita sa reaksyon ng lahat, ang pagkabilib at bigla sa ginawa naming hot performance. Hindi ko naman talaga ginagawa ito, siguro dala narin ng kalasingan at sama ng loob ko. 'Grabe, ang hot nun." usal ni shaun na namamangha. 'Diko alam na magaling pala kayo mag perform." ani yuan 'Kase nung highschool kami, myembro kami ng school band, minsan sa mga kompitisyon na sinasalihan namin sumasayaw kami." saad ni daphny 'Wow pero wala ka manlang nabanggit sa amin kate." ani ryan ngumisi naman ako, si ate sya ang main vocalist at arranger namin magaling din sya sa pag tugtog." ani elise naalala ko tuloy nung kinantahan ko si liam ng nasa japan kami. Muli nanaman kumirot ang puso ko, kaya tumungga nanaman ako, Nang napaparami na ang inom nakaramdam na ako ng hilo, Tumayo naman ako para pumunta ng restroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD