she commited suicide

2617 Words
'Where are you going?." tanong ni laurence, 'Pupunta lang ako ng restroom," saad ko. 'Samahan na kita pagppresinta nya. 'Hindi na, kaya ko pa." usal ko 'You sure?." Nakakunot nitong tanong, 'Uo! okay lang ako, dyan ka lang." sabi ko pa... At tuluyan na akong naglakad papuntang rest room. ilang minuto lang ang tinagal ko, Papalabas na ako ng rest room ng may humatak sakin at sinandal ako sa pader. 'Tignan mo ang sarili mo, lasing na lasing kana." saad nito. ng makilala ko ito ngumiti ako, pero ngiting lasing. 'Uuyyy! liam, ayos ha!! Best wishes pala sa inyo, bagay kayo ng poker face mong fiancee, sana maging masaya kayo." saad ko sa sobrang kalasingan wala na akong paki sa mga sinasabi ko. Tinitigan naman ako nito, at walang pasabing sinakop ang labi ko, ng madama ito, tanga na kung tanga pero tumugon ako sa matamis nyang halik, na para bang wala ng kinabukasan, mabini nya akong hinalikan na puno ng pangungulila, lalo ko tuloy nadama ang Sobrang pananabik sa kanya, ang makapiling syang muli kahit isang saglit ay napaka saya ko na, bumaba ang halik nya sa leeg ko. kaya bahagya akong natauhan dahil naalala ko ng tawagin nya akong bed warmer.. buong lakas ko syang tinulak at sabay sampal sa kanya, tinignan ko sya ng masama at kumawala sa mga mata ko lahat ng luha na tiniis ko, ng makita ako lumambot ang mukha ni liam, lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko, isinandal ang katawan sa akin habang akoy patuloy sa pag luha.. 'kate! Sabihin mo lang, hindi ko itutuloy ang kasal, just a word from you." usal nito. itinaas naman nya ang mukha ko paharap sa kanya, napansin ko na basa ang mga mata nya, nakitaan ko ito ng pangungulila, ewan ko ba pero iyon ang nakikita ko, para namang untiunting natunaw ang pader na nilagay ko sa pagitan namin, hinaplos ko ang mukha nya. 'kate!!! Sigaw ni laurence sa kabilang pinto kaya natigilan kami, 'laurence andito ako." saad ko. 'I am just checking you, ang tagal mo na kasi jan okay ka lang ba?."pagaalala nito. 'O-oo okay lang ako." habang nakatitig padin kay liam, 'I need to go." sabi ko, tumango naman sya at isang maalab na halik ang binigay nya saakin, nilapit nya ang mukha sa tenga ko. 'l love you kate." parang gusto ko magbunyi sa sinabi nya, sa isang salita napalitan ng saya ang lahat ng sakit na nadarama ko, saka ako pinakawalan at pumasok sa cubicle para hindi sya makita ni laurence, lihim naman akong ngumiti ng buksan ko ang pinto ng restroom. Gabing gabi na ng ihatid kami laurence, puro mga lasing na kami, kaya si daphny at elise sa kotse ni shaun na sumakay, kasama si kenzo habang katabi naman ni roxanne si zack, 'uuyy! pare wag mo akong susukahan ahhh." sabi ni zack kay roxanne, na sa sobrang kalasingan ay tawa ng tawa, 'pare inom pa tayo gusto ko yung tiquila." lasing na saad nito, tumawa naman si zack, 'pare, lasing kana sa susunod nalang." saad nito nakakatawa mag kumpare na sila.... Ako naman ay nakapikit lang sa buong byahe, nahihilo na kasi ako baka duon pa ako masuka, ng makauwi kami, sa bahay na nagpalipas ng magdamag si daphny.... Kinabukasan ewan ko pero masaya ako dahil sa sinabi ni liam sa akin, na para bang nag eecho pa sa tenga ko ang sinabi nya ng paulit ulit. nakangiti akong nagprepare ng breakfast, ng makita ako ni nanay tinitigan ako nito, 'bakit parang ang saya mo." Tanong nya 'baliw na yata yang si ate ee." ani roxanne na sinamaan ko ng tingin 'Ewan ko sa inyo, bakit masama ba maging masaya." sabi ko pa... 'hi! tita." bati ni daphny. 'Naku inlove lang yang anak nyo tita." ani Daphny, napalaki naman ang mata ko sa sinabi nya! Sinenyasan ko sya na tumahimik kung hindi patay sya saakin, binelatan lang ako nito. 'ate sino ba yung lalakeng magpapakasal tanong ni elise, napatuon naman ang tingin ko sa kanya 'ha? Ewan ko." pagkakaila ko. 'Hindi mo kilala ee bak." hinawakan ko kaagad ang bibig nya para hindi na matuloy ang sasabihin ni Elise, dahil andyan si nanay, alam ko naman ee, kaya nila ito ginagawa para mapilitan ako mag salita, iniipit nila ako.. 'Ok fine! sasabihin ko na, manahimik kana!." halos pabulong kong sabi. Nag tinginan naman sila sabay ngiting tagumpay, ang hirap talaga ng may mga kapatid kang may pagka bruha... Liam's POV Birthday ng kapatid ni laurence, kahit wala akong gana ay nag punta parin ako. malapit din sa amin ang kapatid ni laurence, pero ang di ko inaasahan ay ang pagdating ni kate, kasama ang kaibigan at kapatid nya, napakaganda nya sa kabila ng pagiging simple nito, gusto ko sya lapitan pero di ko magawa, naiinis ako kapag sinusulyapan ko sya at masaya silang nag uusap ni laurence, pakiramdam ko gusto ko sya hatakin mula sa tabi ni laurence, pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ayokong ako ang makasira ng party ni lorraine, at hindi ko pa naaayos ang problema ko kay stacey. plano ko syang kausapin na hindi ituloy ang kasal, ngunit sa papaanong paraan ay di ko pa alam, basta disidido na akong hindi ituloy ang kasal, dahil si kate ang gusto kong makasama. napansin kong nawala si laurence at kate sa table nila, kaya sinubukan ko silang hanapin, dahil inisip kong ito na ang chance ko para kausapin si kate, ng maglakad ako banda sa may garden nakarinig ako ng naguusap, naisip kong sila na yun, papalapit na ako sa kanila ng hinalikan ni laurence si kate, ang tindi ng galit at sakit na naramdaman ko, nabigla naman sila ng makita ako, napangisi ako sa sarili ko, 'ano toh, halos hindi ako makatulog kakaisip sa kanya pero sya nasa piling ng ibang lalaki, sobrang paninibugho ang naramdaman ko kaya napagsalitaan ko sya ng masakit, at hindi pa duon natapos ang lahat dahil sinabi ko sa lahat ang kasal namin ni stacey, ng mag perform sya kasama ang mga kaibigan nya, alam kong lasing na sya pero she still manage to perform, magaling sya, naalala ko nuong ng awitan nya ako noong nasa japan kami, maganda talaga ang tinig nya, dahil sa mga alaala ng nakaraan, bumalik lahat ng matamis naming pag sasama, parang natunaw lahat ng galit ko, gusto kong subukan pang ayusin ang meron kami, di ko kayang mabuhay ng wala sya, ng nilapitan nya si laurence at hinawakan ito sa dibdib habang nagpeferform, parang gusto ko mag wala lalo na at lahat ng kalalakihan dito ay titig na titig sa kanya, para mawala ang tensyong namumuo sa utak ko, umalis ako at pumunta sa area na walang tao, pabalik na ako ng nakita ko si kate, pagewang gewang itong naglalakad, sinundan ko ito at pumasok sa rest room, buti at walang tao kaya pumasok din ako at nilock ang pinto, lumabas naman ito ng cubicle at lumapit sa wash area at naghilamos, marahil sa para.mabawasan ang kalasingan niya, sa sobrang hilo nya ni hindi nya ako napansin sa likuran nya, papalabas na sya saka ko sya hinawakan sa pulsuhan at sinandal sa pader, nilapit ko ang katawan ko sa kanya, pakiramdam ko sa pag lapit ko sa kanya umunit agad ang paligid, sobra talaga ang epekto ng babaeng ito sa akin. 'tignan mo ang sarili mo, lasing na lasing kana." usal ko, tinignan naman nya ako at ngumiti, 'ikaw pala." aniya... 'Best wishes pala, bagay kayo ng fiancee mong poker face." anito sa sobrang kalasingan. diko naman napigilan ang sarili ko at hinalikan ko sya, naramdaman ko naman ang pagtugon nya, nakaramdam ako ng saya at isang maalab na halik ang pinagsaluhan namin, nabigla na lamang ako ng itinulak niya ako at sampalin, deserved ko naman yun, matapos ko syang tawagin na bedwarmer, tama lang iyon saken, pero hindi ako susuko kung kailangan lumuhod ako gagawin ko. 'kate, Sabihin mo lang hindi ko itutuloy ang kasal." sinserong saad ko na nagmamakaawa sa kanya, di ko kayang mawala sya, di bale ng mag mukha akong disperado basta kasama ko sya, hinaplos ng malambot nyang mga kamay ang mukha ko kaya bahagya akong napapikit upang damahin iyon, bigla naman dumating si laurence kaya natigilan kami, ngunit nanatili lamang kaming nagtititigan, wala sa amin ang may gustong pumutol sa titig namin na wari ba mawawala ang isa saamin kapag kumurap kami, nagtitigan kami na parang nangungusap sa isat isa, sapat na iyon para maramdaman ko ang pagmamahal nya, ng magpaalam sya ay maalab ko syang hinalikan saka ko inilapit ang aking mukha sa tenga nya, 'Ilove you kate." buong pusong saad ko, nakita ko kung gaano sya kasaya sa sinabi ko, saka ako pumasok sa cubicle para hindi ako makita ni laurence... nang mag uwian na ang lahat, inihatid na ni laurence si kate, at umuwi na din ako kasama si stacey, lasing din ito, bahagya naman akong nagtaka dahil hindi naman nito ugaling maglasing noon, inilapag ko sya sa kama at akmang aalis na ako ng haklitin nya ang leeg ko, isang halik ang iginawad nito pero wala talaga akong init na madama sa kanya, nakakalungkot man pero hindi na sya ang nagmamay ari ng puso ko... Kumalas ako sa kanya ngunit mapilit ito, 'stacey ano kaba, lasing kana." saad ko sa kanya... tumingin lang ito sa akin, 'bakit? hon, ayaw mo ba." Napakunot ako ng nuo sa sinabi nya, pero nabigla ako ng maghubad ito, 'stacey ano ba, singhal ko sa kanya, 'bakit liam, ayaw mo ba, hindi mo ba gusto na may mangyari sa atin."saad nito.. sa totoo lang, I am really a jerk, pero sa tagal ng panahon na magkarelasyon kami, ay ni minsan hindi ko sya ginalaw dahil nirerespeto ko sya, pero hindi nangangahulugan na hindi ko nirerespeto si kate, hindi ko lang talaga kayang kontrolin ang sarili pag dating sa kanya... tumayo naman ako habang walang imik, papaalis na ako ng batuhin ako ni stacey ng unan, kaya napatuon ako sa kanya, nakita ko naman ang pagluha niya, 'bakit? dahil ba gusto mo yung babaeng malandi na yun!." Anito, habang umiiyak, 'pwede ba stacey tumigil kana." frustrated na saad ko sa kanya, 'Bakit mo ginagawa sa akin ito?, gumaganti kaba sa akin dahil hindi ko tinanggap ang proposal mo noon, aniya habang patuloy sa pagiyak. bumuntong hininga naman ako, 'stacey saka na tayo mag usap, magpahinga kana." agad kong sabi, 'hindi liam! magusap na tayo dahil hindi naman ako lasing." saad nito. 'Pwede ba stacey, can you stop?." inis kong sabi... 'hindi ako titigil liam, hanggat di mo binibigay ang gusto ko, at ang gusto ko may mangyari satin." saad nito tinitigan ko lang sya, saka humugot ng hininga, I'm sorry stacey." natigilan naman ito sa naging tugon ko, ngumisi ito habang may mga luha, sabi ko na nga ba, Dahil sa babaeng yun tama." puno ng pait na saad nito, hindi naman ako umimik. 'simula ng bumalik ako, naramdaman ko na may nagbago sayo, ni hindi mo na nga ako tinatawag sa endearment natin, you just call me by my name ni hindi mo ko tinatabihan at pakiramdam ko pinagtatabuyan ko! Dahil sa kanya tama!? Hindi ba?." Sigaw nito. yumuko lang ako at hindi ko alam kung paano ko papaliwanag ng hindi sya nasasaktan, pero tama lang siguro na hindi ko na patagalin pa, 'stacey, I'm sorry pero sya na ang mahal ko." kitang kita ko ang mga luha na pumatak mula sa mga mata nya habang gulat na gulat. 'no liam," no! This will never happen, hindi ako papayag na hindi matuloy ang kasal natin!, sigaw nya... hinayaan ko na lamang siya at pumihit na ako papalabas ng pigilin nya ako. 'tandaan mo liam," magpapakamatay ako kapag lumabas ka ng pinto nayan!!!sigaw nito, hindi na ako nag abala pang lumingon at tuluyan na nga akong umalis sa harap nya, narinig ko naman ang pag wawala nito, dumiretso lang ako sa office ko at duon na ako nagpahinga, ilang oras lang ang binilang ko at sinilip ko ang kalagayan ni stacey, hindi ko parin kasi siya pwedeng pabayaan, nang pumasok ako sa kwarto wala sya sa kama, kaya agad ko siyang tinignan sa bathroom, ganun na lamang ang pagkabigla ko ng makita ang tubig na kulay dugo na, 'manang!!, sigaw ko. agad naman itong dumating na napasign of the cross ng makita si stacey. manang ipahanda mo ang sasakyan mabilis na utos ko sa kanya, nagmamadali naman itong sumunod, kinuha ko ang medical tools at first aid ko at pinigilan ang pag durugo nya at mabilis syang binuhat papunta ng Hospital. agad naman sinalinan ng dugo si stacey pagdating sa hospital, mabuti na lamang at napatigil ko agad ang pag dudugo nya, mayamaya pa ay dumating sila laurence, zack at ryan. 'bro! anong nangyari." tanong ni ryan. 'tinawagan ako ni manang miding kanina." saad ni laurence, habang ako naman ay nkatingin lamang sa kanila at wala sa sarili. tinapik naman ni laurence ang balikat ko, mukhang may idea na sya sa nangyari, 'anong plano mo ngayon." agad nitong tanong, kahit naman magkaribal kami ni laurence, hindi nun masisira ang samahan namin, dahil higit pa kami sa tunay na magka dugo. tinignan ko lamang sya, 'hindi ko na alam naguguluhan na ako." problemadong usal ko, 'wala akong magagawa kundi ituloy ang kasal namin." Kate's POV mag iisang bwan na simula nung huli kaming magkausap ni liam sa party ni loraine, pero hanggang ngayon di pa nya ako kinokontak, 'puntahan ko kaya sya sa office nya." bulong ng isip ko, 'ano kaba maghunos dili ka kate, kay babae mong tao ikaw pang pupunta para mag kausap kayo." pag kastigo ko sa sarili ko. napagulong gulong nalang ako sa kama dahil sa inis ko.. 'best!! pagtawag ni daphny, napatuon naman ako sa kanya, 'ang aga mo, wala ka bang pasok sa trabaho mo ngayon." pagtatanong ko, lagi kasi itong busy kaya talagang nagtaka ako ng bigla na lamang siya sumulpot. ngumiti naman ito sa akin, 'nag leave muna ako kaya aayain kita mag mall ngayon." nakangiting aniya. 'ayoko!." agad kong tugon, ngumuso naman sya, 'bakit naman, sige na! lilibre naman kita, pamimilit nya, tinignan ko lamang ito habang umaktong kawawa, 'ayoko wala ako sa mood." dagdag ko. hinawakan naman nya ang braso ko saka ako inugoy ugoy, 'sige na minsan lang naman ito, sige na please." pamimilit parin nya, napabuntong hininga na lamang ako sa kakulitan nya, 'okay fine!, ano pa nga ba magagawa ko.. 'thank you best." masayang saad nya, na tuwang tuwa, nagbihis at nagayos muna ako bago bumaba, sakto naman katatapos lang ni nanay magluto, 'oohhh, daphny! aalis ba kayo kumain muna kayo." pag alok ni nanay. 'naku tita, sige hindi ko iyan tatanggihan, lalo na at masarap kayong magluto." pambobola ni Daphny dito, sobrang ikinasaya naman ng nanay ko, ng maupo ako sa hapag may naamoy naman ako na hindi maganda, 'nay, ano yung mabahong amoy na yun." sabi ko, tumuon naman ito sa akin na parang nagtataka, 'wala naman akong naamoy, ikaw daphny?." tanong ni nanay, 'wala din po tita." tugon ni Daphny, 'nakapagtataka may naaamoy talaga ako mabaho." saad ko, 'baka naman itong tuyo ang naaamoy mo." ani nanay, inamoy ko naman bahagya naman ako naduwal. 'nay ang baho parang sira na iyan." usal ko, inamoy naman ito ni nanay, hindi naman anak, ganito talaga ang amoy nito." saad nya, 'sya sige na kumain na kayo." saad niti, kaya nagpatuloy kami sa pag kain, ng matapos, agad kami bumyahe ni daphny papuntang mall, 'teka daphny, sarado pa ang mall, 9am palang ngayon 11 pa bukas nun." saad ko, ngumiti naman ito... 'sa may park na muna tayo." saad nya nakaramdam naman ako ng pagtataka sa kanya, para itong may pinagdadaanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD