Chapter 5: Kenjie Ramirez.

2482 Words
Chapter 5: Kenjie Ramirez. Written By: CDLiNKPh “ANO? Lalandiin ko ang Trixie na ‘yun? Yack, ha! Hindi ako tibo!” Naging mariin ang pagtanggi ko sa sinabi ni Ate Lyrica. Gusto ba naman niya na ligawan at agawin ko si Trixie sa dati kong boyfriend. Parang iyon na yata ang pinakamalaking joke na narinig ko sa buong buhay ko. Para akong humanap ng bato at pinukpok sa sarili ko! “E, bakit? Sino ba kasing nagsabi sa ‘yo na seseryosohin mo? Gusto mong makaganti sa dalawang ‘yun, ang pagpapanggap na lalaki ang naiisip kong paraan para magawa iyon. Imagine-in mo na lang kung magkakagusto sa ‘yo ang Trixie na iyon. Maaapakan mo ang ego ni Jeremy na may babaeng iiwan siya para sumama sa ibang lalaki at masasaktan mo rin ang Trixie na iyon dahil magmumukha siyang gaga na nagkagusto sa kapwa niyang babae. Isn’t that a good idea?” nakangising sabi ni Ate Lyrica. Kung minsan ay natatakot ako kay Ate Lyrica. Para kasing may pagka-demonya siya kung mag-isip. Akalain mo ba naman na gusto niya na paglaruan ko ang feelings ng dalawang taong nanloko sa akin? “Kung gusto mo ay tutulungan kitang magmukhang lalaki, Serenity. Marami akong kaibigang tibo na makakatulong para magmukha ka na talagang lalaki,” nakakalokang sabi naman ni Harmony. “Tse! Bakit kaya hindi mo gawin sa sarili mo ‘yan, ano? ‘Yung mga crush mo, puro babae pero hindi ka rin naman nagsusuot ng mga panlalaking damit!” sabi ko. Tinawanan lang ako ni Harmony. “E, bakit naman ako mag-da-damit lalaki o mag-ki-kilos-lalaki e, pinanganak akong babae? At take note, ‘magandang babae.’ I love lipstick and dresses, so why should I change myself just because I admire other girls like me?" “Tigilan mo ako, Harmony! Hindi mo pa lang nakikita ang lalaking para sa ‘yo kaya ka ganyan! You’re not a lesbian, por pabor! Walang gay sa Millano Sisters!” pambabara ni Lyrica rito. “Yeah, I’m not a lesbian because I am a BiFemme! There’s a difference between the two!” “Kahit ano pang label ang sabihin mo, ang nag-ka-ka-gusto sa kapwa niya babae ay matatawag pa ring lesbiyana!” “Then why do you want Serenity to pretend a lesbian kung ayaw mo naman pala sa mga katulad namin?” “Correction, Harmony, gusto kong magpanggap siya na lalaki at hindi tibo!” “Pero babae nga siya, e! Makakabitan mo ba siya ng t*t*?!” “Shut your mouth kung ayaw mong magdilim ang paningin ko! Mas matanda ako sa ‘yo, tandaan mo!” “So what? Hindi ko hahayaan na i-discriminate mo ang mga katulad namin!” paglaban pa ni Harmony. “TUMAHIMIK KAYONG DALAWAAA!!!” Nainis na ako kaya bigla akong tumayo sa kama ko na kinauupuan namin. Paano ba naman kasi, rinding-rindi na ako sa away nilang dalawa dahil nasa gitna lang naman nila ako. Nagtatalsikan pa ang mga laway nila sa akin. Kadiri, ah. “Kung anuman ang gagawin kong pagganti sa dalawang iyon ay nasa akin na iyon! Huwag na lang kayong tumulong kung pati kayong dalawa ay mag-aaway din lang!” Nanahimik ang dalawa at nagtalikuran na lang na parehas nakasimangot. Dumating naman si Melody na walang kamalay-malay sa nangyayari. “Hey, ano bang ingay ang naririnig ko mula sa ibaba? Pinabababa na kayo ni mommy dahil kakain na raw tayo,” sabi pa ni Melody. Tumayo na ang dalawa pero hindi pa rin nagpapansinan. Naunang lumabas si Harmony pero bago tuluyang lumabas si Lyrica ay lumingon pa siya sa akin. “Pag-isipan mong maigi ang sinabi ko. Iyon na lang ang paraan para maglubag ‘yang loob mo,” nakataaas ang isang kilay na sabi nito saka na tuluyang umalis na pinagtatakhan naman ni Melody. “Ano'ng pinagsasabi ni Ate Lyrica ha, Serenity?” nagtatakang tanong niya. Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na sumagot. Panigurado kasi na kung malalaman ni Melody ang plano ni Lyrica ay tututol ito. Kung ano kasing kina-maldita ni Lyrica ay siya namang kinabait ni Melody. Para itong anghel sa bait at hindi makabasag pinggan. Mahihiya ang lamok na dumapo sa mukha nito. “Wala, kain na tayo,” sabi ko na lang sabay tayo. HABANG nasa hapagkainan kami ay malalim pa rin ang iniisip ko. As usual ay si Jeremy na naman ang laman ng isip ko. Ni hindi ako makatulog at makakain ng maayos kakaisip sa kanya. Samantalang siya ay parang may pusong bato na halos hindi na ako maalala. Minsan naiisip ko, ano kaya ang tumatakbo sa isipan ni Jeremy? Hindi ba siya nakukunsensya na maraming babae ang umiiyak nang dahil sa kanya? O baka naman tuwang-tuwa pa siya dahil masarap naman talaga sa pakiramdam na may taong patay na patay sa ‘yo, hindi ba? Pero bakit naman ako? Kahit alam kong patay na patay sa akin si Steve ay hindi naman ako naging masaya na nasasaktan ko siya. Si Jeremy kaya? Para naman kasing walang kunsensya ang kumag na ‘yun. But still, mahal na mahal ko pa rin siya. Kahit ano pa ang ugaling mayroon siya. Some people said that love is really blind. I don’t think so. It sees but never minds. At ganoon ako kay Jeremy. Kahit alam ko ang masamang ugaling mayroon siya ay wala akong paki. I will do anything to make him mine. No matter what it takes… Masaya na nag-ke-kwentuhan ang buong pamilya. Kahit sina Harmony at Lyrica na nagkasagutan kanina ay nagbibiruan na ngayon na parang wala nang nangyari. Ganoon naman kasi sa amin. Kahit na magtalo at may hindi pagkakasunduan ay hindi nagtatagal ang tampuhan sa isa’t-isa. Siguro ay dahil na rin sa closeness ng pamilya namin. Pero talagang naglalaro sa isip ko ang sinabi ni Ate Lyrica. Siguro nga kung magpapanggap akong lalaki at ma-in love sa akin ang mangkukulam na si Trixie ay mawawalan ng gana sa kanya si Jeremy. Maghihiwalay silang dalawa at maaaring balikan pa ako ni Jeremy. Tama! Hindi ko naman kailangang ipaalam sa kanilang dalawa na ako ang 'lalaking' mamahalin ni Trixie, e. Pero paano ko nga kayang mapapaibig ang Trixie na iyon? Iniisip ko pa lang ay parang nasusuka na ako. Pero kung ito lamang ang tanging paraan para mabalik sa akin si Jeremy ay gagawin ko. I will do anything for him. Ganoon ko siya kamahal. Pero kaya ko bang magpanggap na lalaki? Hmmm… Matapos kumain ay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Agad kong ni-lock ang pinto parang walang umistorbo sa gagawin ko. Hindi naman siguro kailangang personal akong magpanggap na lalaki para lang mapaibig ang hitad na Trixie na iyon. Sa landi niyon, malamang kahit sa mga lalaking ma-ka-ka-chat lang nito online ay bibigay na ito! Agad akong nag-open ng social media account. Agad bumungad sa akin ang nakakainis na post niya. Lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Kung hindi ko man makuha ay natitikman ko. Kaya para sa mga bitter na ampalaya riyan na umaasam pang magkakahiwalay kami ni Jeremy mylabs ko ay maghintay ka na lang ng ‘forever’ dahil walang katapusan ang pagmamahalan namin ni Boyfie <3 – with Jeremy Suarez. Inis na inis ako sa nabasa ko! Gigil na gigil ako na kulang na lang ay basagin ko ang mouse na hawak ko! Ang kapal talaga ng mukha ng Trixie na iyon! Kahit naman na hindi siya nagbanggit ng pangalan ay halatang-halata naman na ako ang pinariringgan niya sa post niya! Ano'ng gusto niyang palabasin? Nakakaramdam pa naman ako ng kutkot ng kunsensya dahil ayaw kong makapanakit at manloko ng tao pero sa ginawa niya ay dapat lang pala talaga sa kanya iyon! Ang umuwi siyang luhaan na walang matitirang lalaki sa kanya dahil in the end ay i-re-reveal ko, kapag na-in love na siya sa akin na isa akong babae! At kukunin ko sa kanya kung ano ang para talaga sa akin! Si Jeremy! Hindi na ako nagdalawang isip at nag-log-out ako sa FV. Gumawa ako ng bagong account. Pinag-isipan kong maigi kung ano'ng gagamitin kong pangalan sa poser account na gagawin ko. Gusto ko sana e, ‘yung pangalan pa lang ay ang pogi-pogi nang pakinggan. KENJI RAMIREZ Iyon ang naisip kong pangalan. Ang gwapo ng dating, 'di ba? Tunog bad boy. Hi-hi-hi… Dali-dali na akong naghanap ng pictures na gagamitin ko. Biglang pumasok sa isip ko ang pinsan naming bisexual noon pero ganap ng babae ngayon. Si Francis noon at Francheska na ngayon. Sobrang gwapo ng pinsan naming iyon. Iyon nga lang, gwapo rin ang trip niya. Maraming na-shock no’ng nag-pa-s*x change siya. Ngayon nga ay wala nang nakakaalam na dati pala siyang lalaki bukod sa dating mga kakilala na niya at mga kaibigan. Ngayon kasi ay wala nang bakas na dati siyang lalaki. May dibdib na siya at s*x organ ng isang tunay na dilag. Babaeng-babae na siyang tingnan at may asawa pa kaya iba na rin ang pangalan niya. Hindi na ako nag-dalawang-isip pa at pinag-a-upload ko lahat ng mga pictures niya sa poser account na ginawa ko. Tago na nga at deleted na sa lahat ng sites ang mga pictures noon ni Francis kasi ayaw niya na may makaalam ng dating siya pero dahil close kaming magkakapatid sa kanya ay kinopya ko sa USB ko ang mga pictures niyang iyon noon. Hindi naman malalaman ni Francis na gagamitin ko ang mga pictures niya dahil nasa ibang bansa na iyon at bihirang-bihirang gumamit ng internet dahil busy na iyon sa mga business niyang parlor sa Europe. "Pasensya ka na, Francheska, hihiramin ko muna si Francis sa ‘yo. Ayaw mo na naman sa kanya, ‘di ba? Kaya nga naging Francheska ka na," sabi ko na sinusubukang hanapan ng katarungan ang madilim kong balak. Para kay Jeremy ito. Gagawin ko ito para sa pagmamahal ko sa kanya. Ako naman talaga ang babaeng nakatakda para sa kanya, e. Pero hindi pa lang niya nakikita iyon ngayon kaya ako na lang ang gagawa ng paraan para mawala ang tinik sa landas naming dalawa. Pagkatapos kong mag-add ng mga pictures sa mga albums na ginawa ko sa poser account na iyon ay sunod ko namang pinag-a-add ang halos lahat ng mga nasa friend list ng bwisit na si Trixie. Medyo maraming kaibigan ang loka dahil marami sigurong siyang nabobola. Paano ba naman kasi, pa-inosenteng hitad sa personal. Mukha naman kasi siyang mabait at inosente. Pero alam ko naman na boogie lang lahat ng iyon dahil demonya at impaktita talaga siya. Nang mangalay na ang kamay ko sa ka-ka-add sa mga nasa friend list niya ay nagpahinga muna ako. Nakakapagod ding mag-click ng mag-click sa computer, ‘no. Namula nga ang mata ko kakatitig sa monitor, e! Sa dami ng ina-add ko, sa tingin ko naman, it will take time pa rin naman talaga for them to accept my friend requests. Mag-chill muna ako at makikipag-bonding sa family ko. Nakita ko sa veranda sina mommy at daddy na nagtatawanan. Binulungan pa ni daddy si mommy at tumawa naman ang mommy ko sabay tapik sa daddy ko kaya bigla akong nakaramdam ng inggit. May mga edad na sila pero sobrang sweet sila sa isa’t-isa. Ang pamilya namin ay larawan ng isang perpektong pamilya. Nagmamahalan at mapagmahal ang mga magulang namin. Marangya ang buhay namin at hindi kami naghikahos kahit na kailan. Lahat kaming magkakapatid ay pinanganak na magaganda at may kanya-kanyang katangian pero kahit kailan ay hindi nagkaroon ng inggitan sa pagitan namin. Para sa amin ay ang pamilya ang pinakamahalaga sa lahat at ginagawa namin ang lahat para ma-protektahan ito. Nakikita ko si Jeremy na magiging ama ng mga magiging anak ko balang-araw. Para sa akin ay siya lang talaga at wala nang iba pa. Siya ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko at kung hindi rin lang siya ay magpapaka-tandang dalaga na lang ako. Alam ko na niloko niya ako but I don’t care. I will do anything to have him back… --- LUMIPAS pa ang ilang araw ay dumami na ng bongga ang friends ko sa FV. Marami rin akong ginawang dummy account para kunwari ay mayroong kausap ang ginawa kong poser account na si Kenji Ramirez. Kapag ina-add ko kasi si Trixie ay baka magtaka siya kung bakit wala man lang nag-po-post sa wall ko kahit ang dami ko ng friends. I’ll make sure na magmumukhang normal na FV account ang isang Kenjie Ramirez. Hanggang sa dumating na ako sa punto na sa tingin ko ay oras na para i-add si Trixie. Kinakabahan pa ako habang pinipindot ang add button na hindi ko rin maintindihan kung bakit ko nararamdaman. Hello? Bakit kailangan kong kabahan sa isang Trixie Ecuben lang? ‘Di hamak naman na mas maganda ako ng sampung daang paligo kaysa sa kanya. Siguro kinakabahan lang ako dahil mag-uumpisa na ang pangloloko ko sa kanya. Kung ano-ano ng negative ang pumapasok sa isip ko. Pagkatapos ng lahat ng mga pinaggagawa ko na halos ilang araw akong nagbabad sa internet para lang magmukhang hindi poser ang account na ginawa ko ay naglalaro sa isip ko na baka hindi rin niya pansinin ang poser account na ginawa ko. Paano kung snob pala siya at hindi nag-re-reply sa mga strangers? Paano kung seenzone lang din ang gawin niya sa akin katulad ng madalas na ginagawa ni Jeremy? Paano rin kung mag-reply nga siya sa akin pero sagot lang naman sa tanong ang alam niyang sabihin at hindi magpakita ng interes? O paano kung sa umpisa pa lang ay madiskubre niya ng hindi talaga lalaki ang kausap niya kundi babae? WAAAAHHHHH!!! Ang tanga-tanga ko! Bakit nga ba naisip ko na possible siyang ma-in-love sa isang lalaki na sa internet niya lang makakausap? Bakit kasi napaka-duwag ko at hindi personal na magpanggap na lalaki katulad ng suhestiyon ni Ate Lyrica? Hindi naman daw madaling itago ang dibdib ko sabi ni Harmony dahil maliit lang naman daw iyon. Pero kasi naman, kailangan ko rin daw pagupitan ng maikli ang maganda kong buhok para magmukhang convincing. No way! Ang ganda-ganda kaya ng hair ko! Hindi bale sana kung madali lang magpahaba ulit ng buhok, ‘no. Pero ano'ng gagawin ko? Paano ko mapapaibig si Trixie sa pamamagitan lang ng internet? Sa kakaisip ko ng kung ano-ano ay bigla na lang nanlaki ang mga mata ko no’ng ni-refresh ko ang browser ko at may lumabas na notification. You are now friends with Trixie Ecuben… Kumurap-kurap pa ako nang makita ko na ina-accept ng gaga ang friend request ko! Para akong nakakita ng multo. Talagang nag-a-accept siya ng friends na hindi niya kilala, ah. Talandi talaga. Bigla na lang may pumasok na message. Nagulat ako nang malaman ko kung kanino galing. Trixie Ecuben: Hi, Kenji Ramirez. Thank you so much for adding me ☺ Mas lalo lang nanlaki ang mata ko. Aba ha, nag-accept na ng friend request sa hindi kakilala pagkatapos nagawa pang mag-pm. Magre-reply ba ako sa kanya? Hmmm…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD