Chapter 4: Cyber Fight.

2776 Words
Chapter 4: Cyber Fight. Written By: CDLiNKPh NAGULAT ako nang biglang pumasok sa classroom namin ang isang pamilyar na babaeng sumira sa buhay ko at ng pinakamamahal kong si Jeremy. Kinusot ko pa ang mga mata ko para lang masiguro na hindi ako basta dinadaya lang ng aking mga mata pero hindi, e. Talagang totoo ang nakikita ko. Siya nga! Siya iyong babaeng kalaplapan ng aking prince charming! Siya iyong babaeng naging dahilan ng paghihiwalay namin ng lalaking pinapangarap ko. Ang kapal din naman ng mukha niyang magpakita pa sa akin! “Hoy, Serenity! Problema mo? Parang kulang na lang e, gusto mong tuklawin iyong babaeng umupo ro’n sa unahan?” kuha sa atensyon ko ni Steve. Ni hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Napansin niya siguro na hindi na siya ngayon ang tinitingnan ko kundi iyong babae na katabi niya na umupo sa unahan kanina kaya nilapitan niya ako. Hindi rin talaga ako natiis ni Steve. “Steve, siya iyon!” “S-Siya? Ano'ng siya?” nagtatakang tanong niya. “Siya iyong babaeng nang-agaw sa akin kay Jeremy! Hindi ko alam kung bakit nandito siya pero mukhang hindi ko nagugustuhan ang na-se-sense ko! Pakiramdam ko lumipat siya rito sa school natin para bakuran si Jeremy! Ang kapal talaga ng mukha!” pabulong pero mariin na sabi ko. Nag-umpisa na namang bumangon ang galit sa dibdib ko. Bigla na namang nagbalik sa isipan ko iyong paghahalikan ng babaeng iyon at ng Jeremy ko. “Naririnig mo ba kung ano ‘yang sinasabi mo ha, Serenity? Isang taon nang walang ‘kayo’ ni Jeremy. Wala ka nang karapatan sa kanya, gumising ka nga sa katotohanan! Siya na ang girlfriend ni Jeremy ngayon kaya karapatan niya kung ano ang gusto niyang gawin para mapalapit sa boyfriend niya at labas ka na roon!” “Ah, gano’n? Mas kinakampihan mo pa ang ahas na ‘yun kaysa sa akin? Ako ang kaibigan mo, ‘di ba?” “Kaibigan nga kita pero kung wala ka na sa lugar ay hinding-hindi kita kukunsintihin. Itigil mo na ‘yang kahibangan mo kay Jeremy at huwag na huwag kang gagawa ng g**o ngayong kaklase na natin ang girlfriend niya!” pagbabanta pa sa akin ni Steve. “Kung mas kakampihan mo pa siya kaysa sa akin, Steve e, ‘di umalis ka na sa harapan ko! If I know, kaya ka lang naman nagkakaganyan ay dahil nagseselos ka, hindi ba? Gusto mo kasi, ikaw ang magustuhan ko! Kunwari ka lang na lumalapit sa akin bilang kaibigan ko pero deep inside your heart, umaasa ka na balang araw ay magugustuhan din kita! Well, huwag ka nang umasa! Dahil si Jeremy lang ang mahal ko at mamahalin ko at wala nang iba pa!” Natigilan ang lahat nang bigla akong tumayo. Maging iyong babae na kinaiinisan ko ay napatingin na rin sa akin. Naiinis na nag-walk-out ako palabas ng classroom. Wala akong pakialam kung ito ang unang araw ng klase at mas lalo akong walang pakialam kahit na hindi ko mapasukan ang unang subject, mawala lang saglit sa paningin ko ang babaeng iyon na gustong-gusto ko nang kalbuhin kanina pa. Hindi ko na rin mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Ang tagal-tagal na naming wala ni Jeremy pero hanggang ngayon ay pakiramdam ko, kami pa rin. Hindi siya nawala sa puso ko kahit na saglit. Nagulat na lang ako nang biglang may nakabangga na pala ako. Matangkad ang lalaking nakabangga ko at may kalakihan ang katawan niya kaya ako pa talaga ang muntikan nang matumba kahit na ako kung tutuusin ang bumangga sa kanya. Nahawakan pa niya ako bago ako tuluyang masubsob sa sahig. At nanlaki ang mga mata ko nang pagtingala ko ay nakita kong si Jeremy iyon! Si Jeremy na matagal ko nang pinakaaasam na mamasdan ulit ng malapitan. Hindi pa rin nagbago ang hitsura ni Jeremy. Ganoon pa rin siyang pumorma at mahaba pa rin ang buhok niya. Pero naniniwala ako na mas gwapo siya noong kami pa. Naging losyang siya dahil siguro iba na ang girlfriend niya. Hindi katulad noong kami pa na para siyang babaeng blooming na blooming sa ka-gwapuhan. Nagkatitigan kami at muli na namang umandar ang ilusyon ko. Pakiramdam ko ay may halong pagmamahal pa rin ang mga tingin niya sa akin. Hindi ako maaaring magkamali. “Jeremy…” Hinaplos ko ang mukha niya. Saka ko siya niyakap nang mahigpit na mahigpit. “I still love you, Jeremy… Please, come to back me. I will do anything for you. Pinapatawad na kita kaya hindi mo na kailangang mag-alala. Kahit ano'ng sabihin mo ay gagawin ko. Balikan mo lang ako ulit. Please…” Wala na akong pakialam kahit magmukha akong tanga at gaga sa mga pinagsasasabi ko ngayon. Basta ang alam ko lang ay mahal ko pa rin si Jeremy kaya kahit ang magmakaawa sa kanya ay gagawin ko. Martir na kung martir. Pero tinulak niya lang ako. “Ang tagal na nating wala, Serenity. Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin ba talaga na-ka-ka-move on?” Nakakunot ang noo na tanong nito. Nagyuko ako ng ulo at muling tumulo ang isang patak ng luha mula sa mga mata ko. Imahinasyon ko lang ba talaga iyong nakita kong ‘longing’ and 'love' sa mga mata niya? Namamalikmata lang ba talaga ako? Parang iritang-irita na bumuntong hininga si Jeremy. “I’m not here for you, Serenity kaya please lang, huwag ka nang mag-ilusyon sa akin dahil wala ka na rin namang mapapala, e. Pumunta lang ako rito dahil nalaman ko na magkaklase pala kayo ni Trixie. Lumipat siya sa school na ito para lang makasama ako kaya kung may pinaplano ka laban sa kanya, ngayon pa lang ay binabalaan na kita. Don’t do anything to her or else, ako ang makakalaban mo.” Binigyan ako ng nagbabantang tingin ni Jeremy saka na niya ako nilagpasan. Pakiramdam ko ay may tumarak na patalim sa dibdib ko. Talagang pinag-isipan pa talaga ako ng gano’n kasama ni Jeremy. Ganoon ba talaga niya kamahal ang babaeng iyon para pag-isipan pa ako ng masama? Totoong gusto kong kalbuhin ang babaeng iyon na Trixie pala ang pangalan pero hindi naman ako gano’n ka-war freak. Pinaghirapan kong maging maganda kaya hindi ko hahayaan na basta-basta na lang akong pumangit ulit dahil lang sa pakikipaglagasan ng buhok at pakikipagbasagan ng bungo. Siguro ay kailangan kong mag-isip ng iba pang paraan para lang makaganti sa Trixie na iyon. LUMIPAS pa ang mga linggo na nakikita ko kung gaanong kasaya sa isa’t-isa sina Jeremy at Trixie. Hindi ko na kailangang mag-effort na i-stalk si Jeremy katulad noon dahil kahit naman ayaw ko ay nakikita ko pa rin sila dahil magkaklase na kami ng hitad na si Trixie. Palagi siyang sinusundo ni Jeremy at madalas ay PDA pa ang dalawa. Parang kulang na lang ay ipagngalandakan sa lahat na ang saya-saya nila habang ako ay patuloy na palihim na nasasaktan. Bakit ba kasi na-imbento pa ang salitang ‘mag-isang' umiibig, e. Ang sakit-sakit pala at wala akong magawa dahil alam ko naman na kahit saang anggulo tingnan ay talo ako. Daig pa ako ng isang kabit na kahit papaano ay inuuwian ng lalaking kalaguyo. Dahil ako, kahit na katiting ay wala na nga yatang pakialam sa akin si Jeremy. Ang saya-saya na niya kasama ang Trixie na iyon. Matalino sa klase si Trixie. Mahinhin siyang kumilos at palaging nakangiti. Cute rin siyang tingnan kaya sino'ng mag-aakala na sa mukhang iyon na mukhang inosente ay nagtatago ang nakakasuklam at malanding kiri na babae? Mang-aagaw siya ng boyfriend. Kami pa ni Jeremy noon pero nilalandi na niya ang boyfriend ko. Ang kapal ng mukha! Madalas niya akong ngitian kahit na pinapakita ko talaga sa kanya kung gaano akong inis na inis sa kanya. Palagi ko siyang ini-isnaban at sinisimangutan pero ngiti lang palagi ang binabalik niya. Siyempre, hindi naman ako uto-uto. Hindi ako magpapauto sa santa-santita niyang ugali! Alam ko namang alam niya na ako ang dating girlfriend ni Jeremy bago siya sumingit sa eksena, e. Kaya walang dahilan para maging mabait siya sa akin. Pag-uwi ko sa bahay ay nag-open ako ng social media account. Syempre pa ay wala naman akong ibang ginagawa roon kundi ang hintayin na mag-online si Jeremy at send-an siya ng napakaraming quotes na kuha ko lang naman sa iba’t-ibang website, e. Wala akong pakialam kung magmukha akong desperada sa ginagawa ko basta makuha ko lang kahit na saglit ang atensyon niya. Madalas naman ay seenzone lang ako but I don’t care. At least, dumaan sa mga mata niya iyong mga si-ne-send ko. Ganito nga yata ang baliw sa pag-ibig. Nagiging desperada. Pero iba ngayon ang ginawa ko. Nang makita kong online si Jeremy ay nag-‘hi’ ako sa kanya. Ine-expect ko na rin na SEEN na naman ang makikita ko sa status ng PM ko pero nagulat ako nang biglang nag-appear ang word na ‘typing…’ Nakaramdam ako ng kaba. Nag-ta-type siya ng reply niya sa akin. Ano kaya ang sasabihin niya? Makikipagbalikan na kaya si Jeremy sa akin? Typing… Typing… Typing… Pakiramdam ko ay halos magkanda-duling-duling na ako sa pagtitig lang sa monitor. Ang lakas ng t***k ng puso ko sa sobrang kaba. Iniisip ko pa lang na nag-ta-type siya ng message para sa akin ay lumalakas na ang t***k ng puso ko. May kasabihan kasi na habang nag-ta-type o sumusulat ng mensahe ang isang tao ay naiisip nito iyong tao na se-sendan nito ng message. Isipin ko pa lang na iniisip pa rin ako ni Jeremy ay kinikilig na ako! Enebey! Halos limang minuto o sampung minuto na yata ang lumipas pero ‘typing’ pa rin ang status ng chat box ko. Gano’n na ba kabagal si Jeremy mag-type o talagang pinag-iisipan niya ng maigi kung ano ang sasabihin niya sa akin? Baka naman hihiwalayan na niya si Trixie at sasabihin niya na kami na lang ulit? Bigla akong na-excite sa kahibangang naisip ko. Wala naman sigurong masamang mangarap, hindi ba? Nang bigla na lang may lumitaw na reply mula sa kanya. Bigla akong napalunok at nagmamadaling binuksan ang red na notification mula sa inbox ko. Pero nagulat ako sa nabasa ko. Jeremy: You b***h! Stop seducing my boyfriend! He’s mine! I am his girlfriend, Trixie, so back off! Tumaas ang kilay ko sa nabasa ko. Ako pa ngayon ang pa-back-off-in niya ha? E, siya nga itong nang-agaw ng boyfriend? Kapal ng mukha talaga nitong babaeng ‘to! At talagang nabubuksan niya pa ang account ni Jeremy, ha! Iyon ang naging sigaw ng isip ko. Bigla na naman akong nakaramdam ng kutkot sa dibdib. Kahit noong naging kami pa ni Jeremy ay hindi niya ipinaubaya ang password ng account niya sa akin kahit na kailan. Pero sa Trixie na ito ay ibinigay niya! Lalo lang talagang kumukulo ang dugo ko! Ang unfair ni Jeremy! Serenity: I won’t back off because originally, he’s mine. Ikaw ang nang-ahas kaya ikaw ang umatras kung ayaw mong malagasan ng ngipin kinabukasan! Nainis na rin ako kaya ganoon ang ni-reply ko sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla nang nag-sign out ang loka. Kumulo lalo ang dugo ko! Ang kapal talaga ng mukha niya! Sinasabi ko na nga ba, e! Mukha lang siyang mabait sa school pero ganoon talaga ka-demonyo ang pag-uugali ng babaeng iyon. Tinawag pa akong b***h, ha. Uminom ako ng tubig at pinakalma ang sarili. Saka ko ini-stalk ulit ang profile ni Jeremy pero nagulat na lang ako nang makakita ng status sa wall niya. Happily in love with my number one princess – with Trixie Ecuben. Iyon ang nakalagay sa wall post. May relationship status pa roon na nakatag pa si Trixie pero alam ko naman na si Trixie lang din ang gumawa no’n. Ginagamit pa nito ang account ni Jeremy para lang ipakita sa public na kunwari ay sweet dito si Jeremy. Bwisit talaga! Mapagpanggap na palaka. Impostora! Hinayaan ko na lang ang bruha. Pero nagulat ako nang makita ko na wala na ang mga pictures namin ni Jeremy noong kami pa sa mga album ng lalaki. Walang natira kahit ni isang anino ng mukha ko roon. Pati ang mga profile pictures namin noon ni Jeremy ay halatang binura rin ni Trixie! Doon na talaga kumulo ang dugo ko. Ano'ng karapatan ng Trixie na iyon na burahin ang mga natitirang ala-ala namin ni Jeremy? Kahit na nag-break na kami ni Jeremy ay hindi nito binura ang mga iyon pero nagawa iyong tanggalin lahat ni Trixie? Hindi ako war freak na tao pero ginagalit at sinusubukan talaga ako ni Trixie. Kailangan na talaga nitong mabigyan ng leksyon! Palabas na ako ng kwarto ko nang makasalubong ko si Harmony. “Saan ka pupunta?” “Wala kang pakialam!” Pagtataray ko pero hindi nagpatinag ang gaga. Bigla akong sinapok sa mukha! “What is that for?!” gigil na tanong ko sa kanya. “Para ‘yan sa kagagahan mo. Kahit hindi ka magsalita ay alam na namin nina Ate Lyrica at Ate Melody kung ano ang mga pinaggagawa mo. Tiningnan lang naman namin kahapon ang history ng web browser na ginagamit mo. Nakita namin na walang ibang laman iyong laptop mo kundi puro si Jeremy. Lahat ng sine-seach mo ay tungkol sa kanya. You’re obsessed. Parang hindi mo na yata alam kung ano ang tama sa mali basta masunod mo lang ‘yang kabaliwan niyang puso mo," sabi ni Harmony. “Habang babad ka sa laptop mo kanina ay hindi mo namalayan na nasa likuran mo na ako. Kitang-kita ko kung sino ang ka-chat mo. Kay Jeremy ang account pero iyong girlfriend niya ang gumagamit. Hinayaan lang kita dahil alam ko namang wala rin akong magagawa kung gusto mong kausapin iyon kaya iniwan na lang kita. But with the looks of it, mukhang hindi na lang pakikipag-usap ang gusto mong gawin sa babaeng iyon. Mukhang gustong-gusto mo nang saktan,” dugtong nito. Natahimik ako. Wala na akong masabi. Kilala talaga ako ng kapatid ko. Nababasa na niya kahit hindi pa ako magsalita. “Kung gusto mo, tutulungan kitang resbakan siya. Sisiguraduhin ko na manghihiram siya ng mukha sa aso,” nakangising sabi pa niya. Napahawak na lang ako sa sentido ng ulo ko. Akala ko pa naman ay pipigilan ako ni Harmony, iyon pala ay gagatungan pa ako. Sabagay, ano pa nga bang maaasahan ko sa kanya e, sobrang siga siya? Takot na takot nga ang lahat sa kanya kahit na ang mga lalaki, e. “Makikipagbasagan kayo ng ulo? Para ano? Para parehas masira ang magaganda ninyong mukha? Wala akong kapatid na panget kaya kapag kayo na ang nanghihiram ng mukha sa aso ay itatakwil ko na kayo.” Biglang lumitaw sa likuran namin si Ate Lyrica na ubod ng sopistikada at ganda kung maglakad. Nakikinig pala siya kanina pa sa pinag-uusapan namin ni Harmony. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Saka hinawakan ang baba ko. “Maganda ka, Serenity kaya huwag mong sayangin ang ganda na iyan nang dahil lang sa iisang lalaki. Maraming lalaki riyan,” nakangising sabi niya. Tinanggal ko lang ang kamay niya sa baba ko at nag-roll ako ng mata. “Hindi ako katulad mo, Ate Lyrica. Marami nga sigurong lalaki sa mundo pero isa lang ang gusto ko. At si Jeremy lang iyon. Kung hindi rin lang siya e, ‘di magpapakatandang dalaga na lang ako. O kaya magpapaka-tibo katulad nitong si Harmony,” sarkastikong sabi ko na nagpataas ng kilay ni Lyrica. Parang bigla itong may naisip na plano. “Tama ka. Bakit nga ba hindi mo gawin iyon? Bakit hindi mo gayahin ang style ni Harmony? Ang ligawan ang babaeng kinaiinisan mo? Iyong Trixie na iyon?” suhestiyon ni Lyrica. Bigla naman akong pagak na natawa sa sinabi ni Ate Lyrica. Nasiraan na ba ng bait ang kapatid ko dahil sa dami ng lalaking nababaliw din sa kanya? “Yak, ha. Kadiri! Ako? Liligawan iyong Trixie na iyon na kamag-anak ni Medussa? Over my dead gorgeous body! Huwag ako, Ate Lyrica. Iba na lang!” “E, gaga ka pala, e! Sinabi ko bang seryosohin mo? Shunga ka ba!” napikon kaagad si Lyrica na binatukan ako. Ayaw talaga niyang nagpapatalo kahit na kailan. Iyong totoo? Dalawang sapok na ang nakukuha ko sa kanilang dalawa ni Harmony. “Ano'ng ibig mong sabihin?” Ngumisi ulit si Lyrica. “Sinaktan ka ni Jeremy at si Trixie ang naging dahilan kung bakit kayo naghiwalay. Ang feelings mo ang pinaglaruan ng dalawang iyon kaya para makaganti, ang feelings naman nila ang paglalaruan mo, Serenity.” Napalunok akong bigla sa sinabi ni Ate Lyrica. Paglalaruan ko ang feelings nina Jeremy at Trixie? Pero paano ko namang gagawin iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD