Chapter 4

2548 Words
S Y R A N A H NAPAHILOT ako sa sentido ko. Dumadami na yata ang problema ko sa mundong ito. Una, kay Jed. Pangalawa, kay Mike at Kelly. Pangatlo, sa event next month. And lastly, itong kay Selene. "Ano ang nangyari?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Shandie. Tiningnan niya ako ng may malaking question mark sa ulo. "I am the one who should ask that question." Kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "What do you mean?" Tiningnan ko siya ng walang emosyon. "Isa siyang Cherubim," maikling sabi ko. "Cherubim?" nalilitong tanong ni Shandie. Napabuntong hininga naman ako. "Hindi mo alam?" tanong ko at umupo sa tabi niya. Tiningnan ko ang pinto at na-locked ito. I used my ability. "Cherubim," pag-uumpisa ko. "A winged angelic being," dugtong ko. "A-ano? Pero — " Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang sumigaw ng malakas si Selene. Gabi na. Bakit parang ang bilis yata ng oras? Biglang napabangon si Selene at napaupo sa kama habang sumisigaw pa rin. "Anong nangyayari? Please h-help her!" maiyak-iyak na sabi ni Shandie. Tiningnan ko si Shandie ng seryoso. "How old is she?" agad na tanong ko. "Fiftht-teen."  Tiningnan ko naman si Selene na tumahimik na. "She must control the pain, Shandie. I think it's the right time for her Metamorphosis." Bigla na namang sumigaw si Selene nang napakalakas. Hinawakan ko siya sa balikat at naglaho kaming dalawa at lumitaw sa labas ng bahay ni Mike. Gubat ito pero mula dito, kitang-kita mo ang pagbaba ng araw... sunset. J E D "AHHHHH!" Napabangon ako sa narinig kong sigaw. Nandito ako sa kwarto ko at nagpapahinga. Dali-dali akong bumangon at lumabas. Nakita ko na lumabas din sina Mike at Kelly. Nagkatinginan kaming tatlo. "Shan?! What happened?" agad na tanong ni Kelly. Tinatanong niya 'yong babaeng kararating lang at hingal na hingal na tumatakbo. Sa pagkakaalam ko, siya si Shandie. "Si Selene!" Napalingon kaming lahat sa labas nang makarinig kami ng malakas na hiyaw. Dali-dali kaming nagsilabasan. Nagulat ako sa nakita ko. Nakatayo si Selene habang may lumalabas sa likod niya... isang pakpak! Si Syranah naman ay nasa likod nito at nakatingin lang. Bakit hindi niya ginawa ang ginawa niya kanina? Kung hindi ako nagkakamali ay may sinambit siya kaya nawala ang kung ano man ang tumutubo sa likod ni Selene kanina at nawala iyon! Noong sa akin rin niya binigkas iyon ay nawala rin ang pagiging metal ng kamay ko. Kung hindi iyon nasolusyunan agad ay maaaring magwala ako kapag nagkataon. "Syranah! Help her!" sigaw ni Mike. Tumingin siya sa gawi namin. "She's in Metamorphosis." Nagulat ako—kami dahil sa pagsulpot ni Syranah sa harap namin. "Metamorphosis?" tanong ko. Hindi naman sa mahina ang utak ko, naninigurado lang ako kung tama ba ang pagkakaintindi ko. "Transformation," sabi ni Mike. Si Kelly ay pinipigilan si Shandie na lumapit kay Selene dahil delikado raw. Lumipas ang ilang minuto ay tumahimik si Selene. Madilim na ang paligid. Nagulat ako dahil puno na ng dugo ang likod ni Selene. Pati na rin ang bestidang puti na suot nito. Pero mas nagulat ako dahil sa lumabas sa kanyang likod. P-Pakpak? Para itong pakpak ng agila, kulay puti ito. Napaluhod siya at sinalo naman siya ni Syranah. Ang bilis niya! Sa isang kurap lang ay napunta na siya sa kinaroroonan ni Selene! Lumapit kami sa kinaroroonan ng dalawa. "Wao't e'hf, Selene," banggit ni Syranah. Translation: Wake up, Selene. Hindi ko alam kung anong lengwahe iyon dahil hindi ko naiintindihan. Biglang nagmulat si Selene ng mata. Nanghihina na tiningnan niya ang paligid. "Umatras muna kayo," walang emosyong utos ni Syranah. Kailanman ay hindi ko pa naririnig ang boses niya na may sigla o lungkot simula noong una naming pagkikita. Palagi na lang walang emosyon. Umatras naman kami. Kahit labag sa kalooban ni Shandie at kahit gusto na niyang lapitan si Selene ay hindi niya magawa dahil pinipigilan siya nina Mike at Kelly. Nakita kong idinikit ni Syranah ang isang palad niya sa noo ni Selene at ang isa naman ay sa may puso nito. Wala kaming nakitang kakaiba maliban lang sa biglang nawala ang dugo sa damit ni Selene at tumayo ito na parang wala ng nararamdamang sakit. "Turn around three times," rinig kong utos ni Syramah kay Selene na nakatayo na ngayon. Medyo malayo kami sa kanila pero rinig na rinig pa rin namin ang sinasabi ni Syranah. Umikot naman si Selene ng tatlong beses. Anong ginagawa nila? "Close your eyes ang feel your wings," utos na naman Syranah. Sumunod naman si Selene. Nakatulala naman si Shandie na nakatingin kay Selene. Samantalang kaming tatlo ay nakikinig at pinagmamasdan lang sa sila. "Raise your wings slowly." Dahan-dahan namang itinaas ni Selene ang pakpak niya pero sandali lang iyon dahil hindi niya ito naiaangat ng matagal sa ere. "You and your wings are one, concentrate again," seryosong sabi ni Sy. Huminga ng malalim si Selene at inulit iyon hanggang sa naitaas na nga niya. "Fly," bulong ni Sy pero rinig pa rin namin. Sinubukan ni Selene na lumipad pero hindi niya na kaya. Tumingin si Syranah sa relo niya. "Mamaya na natin ipagpatuloy, pumasok na muma tayo." Nauna siyang pumasok at sumunod na rin kami. Si Shandie naman ay nilapitan si Selene at inalayan ito. S H A N D I E HINDI ako makapaniwala sa mga nangyayari! "Paano ka naging Cherubim?!" hindi makapaniwala kong tanong kay Selene. "It runs in your blood," biglang sabi ni Sy. Blood? "We are an adopted daughters of Bouria, Syranah. Hindi kami tunay na magkapatid," kalmadong sabi ko. "Then, you have a special blood and Selene also have it which is Cherubim." Nandito kami sa sala at nakaupo sa couch. "Hindi ko ba maititiklop 'to?" tanong ni Selene na kanina pa awkward sa sitwasyon niya. Hindi niya kasi naitiklop ang pakpak niya kaya parang sagabal sa kanyang kilos iyon. "Hindi mo maititiklop 'yan hangga't hindi ka nakakalipad," paliwanag ni Syranah. "Mukhang hindi naman madaling lumipad," komento ni Jed. Ngumuso naman ang kapatid ko. "Hindi madali kung hindi ka interesado," seryosong sabi Sy. "Bakit kasi ako nagkaroon ng ganito? Hindi ko naman pinangarap na magkaroon nito!" pagmamaktol ni Selene. "We are all marked to be like this. Wala na kayong magagawa kung ‘di ang tanggapin ito," saad ni Syranah. "Paano kung ayaw namin?" tanong naman ni Kelly "You'll die... as simple as that." Napatahimik naman si Kelly. "Ano ba talaga ang mayro'n ka? You're so creepy!" biglang tanong ni Selene. Syranah just smirked. "All of us are creepy, silly girl." Nangilabot naman ako sa boses niya. "I need to practice you now, Selene, dahil marami pa akong kailangang gawin," sabi niya at naglakad palabas. Sumunod naman si Selene. Napabuntong hininga naman ako at sumunod na rin para makita ang gagawin nila—ni Syranah sa kapatid ko. S Y R A N A H GUSTO ko nang matapos 'to. Sumasakit na ang ulo ko sa mga problema sa mundong ito. "I need to practice you now, Selene, dahil marami pa akong kailangang gawin," sabi ko at tumayo. Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Selene at ng iba pa. Nang makalabas kami ay sumunod sa akin si Selene habang ang apat naman ay nasa may pinto lang ng bahay ni Mike. Tumalikod ako at ngayon ay kaharap ko na iyong apat sa may 'di kalayuan. Mabuti at hindi sila sumunod hanggang dito sa kinatatayuan ko. Nasa harap ko naman si Selene. "Raise your wings," utos ko kay Selene. Itinaas niya naman ang pakpak niya. Tumingin ako sa gawi ng apat. A smirked formed in my lips bago inilabas ang pakpak ko. I looked up in the sky at hinawakan ang kamay ni Selene. Iwinagayway ko ang pakpak ko at mabilis na lumipad pataas.                                                                                             M I K E NAKANGANGA kaming apat habang nakatingin kina Syranah at Selene. H-How come? Nanlaki rin ang mga mata namin noong biglang iwinagayway ni Sy ang pakpak niya at lumipad kasama si Selene. Syranah is also a cherubim! "She is not a Cherubim," biglang sabi ni Shandie na nakatulala. Napatingin kaming tatlo sa kanya. "What do you mean, Shan?" nagtatakang tanong ni Kelly. "Cherubim has a winged angelic being, they have an angelic physical appearance and a white eagle wings." "Sky blue ang pakpak ni Syranah, what does it mean?" tanong naman ni Jed. "I don't know." Napabuntong hininga na lang kami. She was so mysterious than I think. Napatingin ako sa langit. "We need to rest muna, bahala na si Syranah kay Selene," kalmadong saad ni Shandie. Tumango naman kami at pumasok na sa loob. Alam namin sa sarili namin na mapagkakatiwalaan si Syranah. S Y R A N A H "CONCENTRATE," I said calmly. Nandito ako—kami ni Jed sa kagubatan. Medyo malayo-layo sa kinaroroonan ng bahay ni Mike. "If you would not concentrate hindi mo makokontrol ang ability mo," dugtong ko. Tinuturuan ko si Jed kung paano kontrolin ang kapangyarihan niya. 'Psh. Hindi kaya madali.' Rinig kong usal niya sa isip niya. "Madali lang kung gugustuhin mo," bored kong sabi. It's already 9:00am in the morning. Hindi ako masyadong napuyat kagabi kay Selene dahil madali naman siyang matuto. I discussed every details of a cherubim, pati na rin ang mga kakayahan na kaya pa niyang gawin as a cherubim. Madali naman siyang natuto at nakuha agad ang mga gagawin. Nakokontrol niya na rin ang pakpak niya. Sa ngayon, si Jed na naman ang tinuturuan ko. "Look, kiddo," pag uumpisa ko. Nakarinig ako ng kaluskos kaya hindi ko nadugtungan ang sasabihin ko. Tiningnan naman ako ng masama ni Jed. 'I'm not a kid.' Rinig ko ulit sa isip niya. "Who's there?" I said. Hindi ko na lang siya pinansin at tiningnan kung saan nanggaling ang kaluskos. Nakita ko si Selene na hinihingal. Lumilipad siya pababa. Kitang-kita sa mukha niya ang takot, pagod, at lungkot. "Anong nangyari?" tanong ni Jed at nilapitan si Selene. Imbis na sumagot ay tiningnan niya ako. Napakunot ang noo ko dahil may maliliit na galos ang kanyang pakpak. "S-Sina A-Ate... kinuha s-sila ng m-mga — " Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil nahimatay siya. Inalalayan siya ni Jed pero nahihirapan ito dahil hindi nakatiklop ang pakpak niya. Problema na naman?! Nilapitan ko si Selene at sinenyasan si Jed na lumayo. Sumunod naman siya. Umupo ako sa gilid niya at inilagay ko ang kanang palad sa noo niya. "S-SINO kayo?!!" tanong ni Kelly. May apat na lalaki ang biglang pumasok sa bahay ni Mike. Ngumisi ang isa sa kanila at hinablot si Shandie. "Bitawan mo siya!" sigaw ni Selene. Nilabanan niya ang apat, pati na rin si Mike nakisali na pero hindi nila nakayanan. "Selene! Lumipad ka! Puntahan mo sina Syranah!" sigaw ni Shandie. Kahit ayaw ni Selene ay wala na siyang nagawa. Lumipad siya at iniinda niya ang mga galos na natamo niya. May kung anong mahika ang ginamit ng isa sa mga lalaki kung kaya nahimatay sina Kelly, Mike, at Shandie. Napakurap ako ng tatlong beses at binawi agad ang palad ko na nakapatong sa noo ni Selene. "B'ouk," I said. In a blink, natiklop na ang pakpak ni Selene. "Jed, wake her up... may pupuntahan tayo," I said with a serious tone. Inayos ko ang eye glasses ko. Yes, I am wearing it. Minsan ko lang itong hinuhubad. Sabado ngayon, malapit na ang pasukan. May isa at kalahating araw pa kami para makuha sina Mike. "Anong plano, Ate Sy?" rinig kong tanong ni Selene. Nagising na pala siya and you heard it right? 'Ate' nga ang tawag ni Selene sa akin. Hinawakan ko silang dalawa sa balikat. In a snap, nandito na kami sa isang nayon. Gulat na napatingin sa akin si Selene. "Come on," utos ko. Hindi na nagtanong ang dalawa at sumunod na sa akin. Palakad-lakad lang kami sa daan hanggang sa may humarang sa amin. "Mga dayo," sabi ng isa. Kung hindi ako nagkakamali ay mga kawal sila. Lima sila na nakaharang sa harap namin. Pinagtitinginan na kami ng mga nilalang sa paligid. "Gusto kong makausap ang inyong Alpha," kalmado kong sambit. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa at tinutukan ng espada. "Isa kang mortal!" sabi ng nagtutok sa akin ng espada. "Kailangan ng Alpha ang tulong ko kaya dalhin niyo ako sa kanya." I said with an authority. Napaayos naman sila ng tayo at itinuro ang daan. Nakarating kami sa isang kubo. May dalawang nagbabantay roon. Bigla na lang sinugod ni Jed ang mga nagbabantay. Nasa wolf form kasi ang mga ito at alam niyo naman kung bakit 'di ba? "Stop it, Jed!" inis na sabi ni Selene. Pinigilan niya si Jed gamit ang pakpak niya. Nagpupumiglas naman si Jed pero mukhang malakas na si Selene kaya wala na siyang nagawa. "Anong nangyayari dito?!" May biglang lumabas na lalaki na kasing edad ko lang yata sa kubo, wala siyang damit pang itaas at nakasuot lang ng pantalon. Matipuno ang katawan at gwapo—not bad. "Patawad pinuno pero sinugod niya kami bigla," nakatungo nitong sabi at tinuro si Jed. "Sino kayo?" maangas niyang tanong. "I'm here for the Alpha and they are here for their friends," I said coldly. Napatingin siya sa akin. "Friends? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." "Sila ang kausapin mo. The Alpha needs me, nasaan siya?" I asked. "And how can I trust you?" tanong niya. Napabuntong hininga naman ako. Nilingon ko sina Jed at Selene. Mabilis ko silang kinausap gamit ang isip ko. 'Call me through your minds, if you need help.' Naglaho agad ako at lumitaw sa loob ng isang kubo. Nadatnan ko ang isang lalaki na may edad na, na nakahiga sa isang higaan. Nakapikit ito at kung susuriin ay malapit nang malagutan ng hininga. He was suffering from an unknown illness. He called me to help him bid good bye to his son. Lumapit ako sa kanya. "Wake up, they still needs you here, Alpha," bulong ko sa tenga niya. "What the!" rinig kong boses sa may likuran ko na kung hindi ako nagkakamali ay 'yong lalaki kanina. Biglang umilaw ang katawan ng Alpha. "What did you do to him — " Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang magsalita ang Alpha ng Werewolves. "Luke..." Napatingin kaming pareho sa Alpha. Ngayon ay nakaupo na siya sa kama habang kami ni Luke ay nakatayo sa harap niya. "Poppa? May nararamdaman ba kayong masakit?" may pag-alala niyang tanong. Ngumiti ito. "Kailangan ko nang lisanin ang mundong ito, Luke. Dapat ikaw ang magpatuloy ng mga maiiwan ko," sabi ng Alpha. Napangiti ako ng lihim bago iniwan ang silid na iyon. Ayokong makinig sa pinag-uusapan ng mag-ama. Ayokong maalala na wala akong tunay na pamilya. Napabuntong hininga naman ako at napatingin sa kalangitan na may mga bituing nagniningning. Nakaupo ako sa itaas ng bubong ng kubo at nakatingin lang sa paligid. Gabi ngayon dito. Iba ang mundo ng mga wolf sa mundo ng mga mortal. Kung araw dito, gabi naman doon. 9:00am kami umalis at dito 9:00pm naman. Kahit na iniiwasan ko ang isipin na wala akong magulang ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang pagkalikha sa akin. Hindi ako iniluwal ng isang babae. Hindi ako binuo sa sinapupunan kundi ginawa lamang gamit ang mahika. I have no choice, this is my life. All I should do is to live my life and face my responsibilities.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD