NANDITO kami nina Jed at Selene sa isang kubo. Dinala kami ni Luke dito which is ang susunod na Alpha ng werewolf.
"Anong ibig mong sabihin kanina na kailangan ka ng Alpha?" tanong ni Luke.
"Kung nahuli ang pagdating ko kanina hindi siya mapupunta sa lugar kung saan siya dapat pupunta," mahaba kong sabi.
"Ano?"
Tiningnan ko naman siya ng masama. Nagtatanong siya tapos sasagutin ko ng tama hindi niya naiintindihan?
"Nevermind," walang gana kong sabi.
"Let's focus on my Ate, guys. Alpha, you said na hindi kayo ang may pakana ng lahat. Kung ganoon sino?" tanong ni Selene.
"Hindi ko alam binibini basta ang alam ko lang ay wala kaming ginagawang masama, nananahimik ang aming tribo," magalang niyang sabi kay Selene.
"Alam mo ba kung saan naninirahan ang mga Dempire?" tanong ko.
Napahinto naman siya at agad lumingon sa akin.
"I don't know, pero may alam akong mundo na naghahanap at tumutugis sa mga katulad nila."
"Mundo?" sabat naman ni Jed. Tumango naman siya samantalang ako naman ay nanatiling tahimik lang.
"Ang Mystic world. Ito ay binubuo ng mga iba't-ibang nilalang. Katula rin ito ng mundo ng tao pero ang kaibahan lang ay puro mahika ang mga ginagamit ng mga nilalang doon," pag-uumpisa niya.
"Ang mundong iyon ay may namamahala. Ang Empires, sila ang nagtataguyod at nagpaplano ng mga bagay na ikabubuti ng lahat. May Royalties rin sila na siyang nagmamatyag at nag-oobserba sa mga paligid ng Mystic."
"May palasyo ba roon?" tanong naman ni Selene.
"Oo meron pero tanging Empires at Royalties lang ang nakakapasok doon. And as you thought, Empires are the powerful one followed by the Royalties."
"Bakit ang dami mong alam sa mundong iyon?" curios na tanong ni Jed.
"Dahil... Dahil isa ako sa mga Royalties."
S E L E N E
NAKAUPO ako ngayon sa isang sanga sa may puno habang pinaglalaruan ang mga pakpak ko. Noong una ay awkward talaga. Ikaw ba naman ang magkaroon ng pakpak? Unexpected talaga.
Ate Syranah told me some details about what a cherubim is. Ang sabi niya, kaya ko raw na magpalit ng anyo into a four physical appearance.
Una, LION... represents wild animals. Pangalawa, OX... represents domestic animals. Pangatlo, HUMAN... as Humanity. And lastly, EAGLE... as Birds.
"Uy Selene! Halika na! Aalis na tayo," tawag sa akin ni Jed. Tumingin ako sa ibaba ng puno kung nasaan si Jed.
"Oo na, susunod ako."
Tumango naman siya at umalis na. Huminga ako ng malalim. This is it! Kailangang mailigtas namin sina Ate Shandie. Kahit hindi kami kadugo, napamahal na rin siya sa akin.
Tumalon ako sa puno pababa at nagsimula nang maglakad. Sa bawat katanungan sa isip ko, isa lang ang hinahanapan ko ng sagot. Bakit kaya kami tinutulungan ni Ate Syranah? Nakapagtataka naman. Well, siguro dahil kaibigan na ang turing niya sa amin. Napangiti naman ako.
"Oh? Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang may timang," sabi ni Jed. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Nakakainis talaga siya minsan.
"Ewan ko sayo!"
Nagmamaktol na tinungo ko si Ate Sy.
"Ate Sy, ano ang sasakyan natin papunta sa Mystic World?"
Tiningnan niya ako na may ngisi sa labi. Tumingin siya sa may langit kaya napatingin din ako roon. Napatakip ako sa bibig ko.
"Oh my gosh!" gulat kong sabi.
"Don't tell me, takot kang sumakay diyan?" rinig kong tanong mula sa likod ko. Lumingon ako at nakita si si Kuya Luke — ang bagong Alpha ng werewolves. Ngumiti naman ako ng pilit.
"Ahh eh..."
"Huwag kang mag-alala, maamo 'yan," paninigurado ni Kuya Luke.
Kuya rin ang tawag ko sa kanya dahil mas matanda siya sa akin. Sasama raw siya sa amin para gabayan kami at saka may pupuntahan din siya roon.
"Woah," manghang sabi ni Jed.
"Gabi na ngayon, makakarating tayo roon na pasikat ang araw," dagdag ni Kuya Luke. Napalunok ako ng tatlong beses.
Sumakay na si Kuya Luke at Ate Sy sa isa samantalang si Jed naman sa isa at hinihintay akong lumapit.
"Hoy! Tatayo ka na lang ba diyan?!" sigaw sa akin ni Jed. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Ahh... puwede ba na lumipad na lang ako?" tanong ko.
"No, you have to ride, Selene. Mababawasan ang lakas mo dahil hindi pa perpekto ang paglipad mo," pagpapaalala ni Ate Sy.
Huminga ako ng malalim. Wala na akong choice. Lumapit ako kay Jed at sumakay na. Nasa unahan ako habang nasa likod ko naman siya.
Kung curios kayo kung ano ang sinasakyan namin. Well, isa lang naman itong... GRIFFIN!
Griffin is a creature with the body of a lion, the tail of a snake and the head and wings of an Eagle.
Akala ko sa mga palabas ko lang ito nakikita. Nag-eexist pala talaga ito at sasakay pa talaga ako!
S Y R A N A H
KAKARATING lang namin. Well, hindi naman masama ang lugar.
"Wow! Heto na ba iyon?! Ba't ang ganda?" halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Selene.
Nawala na ang Griffin na sinakyan namin kanina. Naglalakad na kami ngayon. Sumikat na ang araw kaya umaga na dito sa lugar ng Mystic.
Kung ikukumpara ito sa mundo ng mga tao para kami ngayong nasa isang palengke. Kung ano-anong mga nilalang ang mga nakikita ko sa paligid. Lahat ay may kanya-kanyang ginagawa.
Napahinto naman ako nang biglang may pumatong na maliit na nilalang sa ulo ko at hinila ang buhok ko dahilan para matanggal iyon kasabay ng eyeglasses ko. Bumagsak ang makulay kong buhok.
Makulay? Oo, makulay ang totoong buhok ko. Naghahalo ang kulay ng pula, puti, green, blue, sky blue, at itim.
Marami ang mga nilalang dito at busy sila sa kanilang ginagawa kaya walang masyadong nakapansin. Bago pa makaalis ang maliit na nilalang na iyon ay nahuli ko siya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" walang emosyon kong sabi. Isa siyang maliit na batang lalaki at ngayon ay hawak-hawak ko siya sa kanang kamay ko na nakakuyom. Naramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Tama na iyan Sy, he is an Imp," pigil sa akin ni Luke. Kinuha niya sa akin ang maliit na iyon at pinakawalan. Inabot niya sa akin ang wig at eyeglasses ko pero tinabig ko iyon. Wala na ako sa mood kaya na una na akong maglakad.
L U K E
SHE'S not in a mood.
Napabuntong hininga naman ako. Talagang maiinis ka sa mundong ito kung bago ka at wala pang masyadong alam. Hindi ka gagalangin ng ibang nilalang lalo na ang mga imp. Imp are the small, michievous creatures who liked to play pranks on people.
Ang sabi ng mga kawal ko, isang mortal si Syranah. Hindi ako naniniwala, alam kong may kakaiba sa babaeng iyon.
"Kuya Luke? May pagkain ba dito? Nagugutom na kami e," sabi ni Jed.
Kuya ang tawag niya pati na rin si Selene sa akin pero hindi Ate ang tawag ni Jed kay Sy. Nakakalito minsan ang batang ito.
"Hali kayo, may alam akong kainan dito," tugon ko at na unang naglakad.
Dumating kami sa isang kainan, sa mundo ng mortal ay tinatawag itong 'Restaurant' pero dito ay ‘Kainan’ lang ang tawag ng karamihan. Nagsiupo kami sa isang bakanteng mesa at tumawag ako ng isang Brownie.
Sinabi ko ang mga pagkain na dapat niyang ihanda. Umalis rin ito agad.
"Ang cute naman n'on! Anong creature iyon, Kuya Luke?" tanong ni Selene.
"They serve as a 'waiter' here, Selene. Ang tawag sa kanila ay mga Brownies."
"Brownies?" tanong naman ni Jed.
"Oo, Brownies are small humaniod creatures wearing all brown clothings who sneak into home at night to help with household chores," pagpapaliwanag ko.
Bigla namang napasinghap si Selene at Jed habang nakatingin sa may likuran ko. Lumingon ako at nakita ko si Syranah na kausap ang isang Ogre.
"Oh my! Ang laki naman ng nilalang na 'yan! Anong tawag sa kanya Kuya Luke?! At bakit kausap niya si Sy?" gulat na tanong ni Jed. Napailing-iling naman ako.
"That creature is an Ogre."
"Ogre?" tanong ni Selene.
Tumango ako. Nakatingin pa rin ako kay Syranah na papalapit ngayon dito. I don't know pero kakaiba ang ganda na tinataglay niya. Hindi ito tataglayin ng isang ordinaryong nilalang lang.
Kahit sino man ang ordinaryong nilalang na tumingin sa kanya ay siguradong mabibighani sa kagandahang mayroon siya. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Ate Sy! Bakit ka nakipag-usap na lang basta-basta sa isang Ogre?!" gulat na sabi ni Selene.
"Why? Anong problema roon?" walang gana niyang sabi. Lagi na lang walang emosyon ang pagsasalita at ekspresiyon niya. Nakita kong binatukan ni Jed si Selene.
"Aray! Ano ba?!" reklamo ni Selene.
"Bakit? Alam mo ba kung ano ang Ogre ha? Ha?!" tanong ni Jed.
"Ano nga ba ang Ogre?" tanong ni Selene. Nakatingin lang kaming tatlo kay Sy.
"Ogre, an ugly oversized humaniod creature with great physical strength and little intelligence," pagpapaliwanag ni Sy.
"Paano mo nalaman — " Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Tinanong ko sa Ogre. I asked some details in this world. Hindi naman ako nagkamali dahil they have a little intelligence," walang emosyon niya pa rin niyang sabi. Napahilot naman ako sa sentido ko.
"Ito na ang pagkain niyo," nakangiting sabi ni Kel (Brownie).
Kel ang pangalan niya. Kilala ko ang ibang nilalang dito dahil nakagawian ko nang maliwaliw sa paligid, 'di ba nga isa ako sa mga Royalties?
"Salamat little brownie," saad ni Sy at kumuha na ng pagkain. Yumuko naman si Kel at umalis na. Well, hindi naman masama na may malaman siya, mas maganda nga iyon. Hindi na ako mahihirapang sabihin sa kanya ang nasa paligid namin.
Nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain ay may naramdaman akong paparating sa kinaroroonan ko. Agad ko itong iniwasan gamit ang ability ko. Sunod-sunod ang pag-atake kaya sunod-sunod rin ang pag-ilag ko.
Nagpalit ako ng anyo at naging werewolf.
"So weak pa rin ba, Luke?" nakapamewang niyang sabi. Bumalik ako sa anyong tao at tiningnan siya ng masama.
"Ginugulo mo na naman ako, Lanzea," sabi ko at umupo ulit.
"Hindi ka na nasanay. Well, what do we have here."
Inikutan niya kami. Napahinto naman sina Selene at Jed habang si Syranah ay patuloy lang sa pagkain. Gusto ni Lanzea na kumuha ng atensiyon sa iba kaya nainis siya sa ikinikilos ni Syranah dahil wala itong pakialam sa kanya. Akmang kukunin ni Lanzea ang pagkain ni Syranah pero hinawakan siya nito sa braso.
"It's my food, if you want some then order it to the waiter, don't try to disturb me here, Lady," cold na sabi ni Sy dahilan para mapaatras si Lanzea.
Napatawa naman ako ng mahina. Napatigil rin ako nang makitang kinuha ni Lanzea ang wand niya at itinutok kay Syranah. Pipigilan ko sana siya pero nawala na lang bigla si Syranah sa kinauupuan niya at nasa tabi na siya ni Lanzea.
"Tell me where did you bring Shandie," tanong ni Sy. Naguguluhan na napatingin kami kay Lanzea. May alam siya?
Lanzea is a witch, she is also one of the royalties.
"And who do you think are you? Wala akong alam sa sinasabi mo," depensa ni Lanzea.
Tinitingnan na kami ng mga nilalang na nandito. Pinaglalaruan ni Syranah ang wand ni Lanzea. Ang bilis niyang naagaw ang wand kay Lanzea.
"Alam mo kung ano ang tinutukoy ko. Hindi mo naman siguro gustong gamitin ko ang wand na 'to sayo 'di ba?" may pagbabantang sabi ni Syranah.
"Kaya mo? Wand ko 'yan kaya ako lang ang makaka — " Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil biglang nawala ang bibig niya.
Nanigas naman ako sa kinauupuan ko.
"Ikaw ang may gawa sa werewolf na umatake sa bahay ng kaibigan ko. Spells right?" simpleng sabi ni Sy.
"Teka Ate Sy, wala pa naman tayong ebedinsiya na nandito nga sila at — " Hindi natapos ni Selene ang sasabihin niya dahil pinutol na iyon ni Lanzea.
"They are in the Mystic Palace," nakapikit na sabi ni Lanzea. Nabalik na ang bibig niya.
"Bring me there," sabi ni Syranah.
"Luke, bantayan mo ang dalawang bubwit na 'yan," bored niyang sabi sa akin.
"Bubwit?!" sigaw ni Jed sa papalayong si Sy.
Wala nang nagawa si Lanzea at sumunod na lang. Lahat ng bagay kunin mo na sa kanya huwag lang ang wand niya dahil dito siya kumukuha ng lakas. Napailing-iling na lang ako.
"Bilisan niyong kumain at susundan natin ang dalawang iyon," kalmado kong sabi kina Jed at Selene. Itinuloy naman nila ang pagkain.
S Y R A N A H
NAKATAYO kami ni Lanzea ngayon sa harap ng isang malaking gate. Hawak ko pa rin ang wand niya.
"Akin na 'yan."
Akmang kukunin niya sa akin ang wand pero naiwas ko iyon agad.
"Pasok," bulong ko na ikinataas ng kilay niya. Inirapan niya ako at may pinindot sa may gilid ng gate. Bumungad sa amin ang apat na nagbabantay. Base sa uniform nila, mga kawal yata sila rito.
"Hindi namin maaring papasukin ang iyong kasama kamahalan, siya ay isang mortal," sabi ng isang kawal. Tiningnan naman ako ni Lanzea mula ulo hanggang paa.
"No she is not. Kasama ko siya kaya papasukin niyo, galing lang siya sa mundo ng mortal kaya ganyan."
"Galing sa mundo ng mortal? Mas hindi namin siya papasukin dahil baka isa siyang espiya o kalaban," sabi ng isa na namang guard. Well, maganda nga ang pagbibigay proteksiyon nila sa palasyo pero hindi dapat sila manghusga ng basta-basta.
Anong klaseng mundo ito? Anong klaseng mga nilalang ang mga naninirahan dito? Marami pa pala akong kailangang malaman. Tiningnan ko si Lanzea. Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat. Ilang sandali lang ay naglaho kami, lumitaw naman agad kami sa isang kwarto?
Kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid. Nanlaki ang mata ni Lanzea na nakatingin sa akin.
"H-How?"
"Syranah?!"
Napatingin ako sa sumigaw, it was Shandie and Kelly. Agad nila akong dinambahan ng yakap.
"S-Syranah..."
Napatingin ako sa nilalang na utal na nagsalita habang nakatingin sa akin. Nakilala nila ako kahit nag-iba na ang hitsura ko dahil alam kong iba sila, may kakaiba sa kanila.
"Liry..." banggit ko sa pangalan nila.
"What the hell are you doing here?"
Napatingin naman ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses.
"I'm here for Shandie, Kelly, and Mike... Irza," sagot ko sa tanong niya.
"You're a mortal," rinig kong boses ng isang lalaki. Kumunot naman ang noo ko. He's familliar.
"Newbies?" tanong ko.
"You are the newbie here, Miss."
Sila ang transferees na sina Krioz, Draz, Dark, and Light. They are here and if I am not mistaken... they are part of Mystic Palace.
"We are the Empires," nakangising sabi ni Draz. Mind reader?
"Of course," sabi na naman ni Draz.
Ngumisi ako at sinarado ang utak ko.
"Mortals are not allowed here — " Hindi ko pinatapos magsalita si Krioz.
"I am not," maikli kong sabi.
Ibinigay ko kay Lanzea ang wand niya. Yumuko siya at nag-excuse na umalis.
"Si Selene?" tanong ni Shandie.
"They are with Luke."
"Nandito si Luke?!" gulat na tanong ni Liry.
Kilala niya si Luke? Hindi ako sumagot at ibinaling ang tingin kay Mike. Oo nga naman, royalty si Luke.
"I think hindi mo na ako kailangan, the Empires are here to help you," sabi ko. Tiningnan ko rin sina Shandie at Kelly.
"Luke will be here any minutes now. I need to go home... be safe," sabi ko bago naglaho sa harap nila at lumitaw sa bahay ni Travious, sa mundo ng mga mortal.