"HOY bilis nandiyan na siya!"
"Tiningan mo, ang panget pa rin niya 'no?"
"Lagi naman, e. Hindi iyan magbabago."
"Tumahimik nga kayo! Baka marinig pa kayo! Lagot talaga kayo!"
"Omy! 'Di ba dito mag aaral ang mga anak ng owners ng school? Kapag mga warfreak sila, paniguradong war na 'to!"
"Oo nga 'no? Naku, baka malay natin mawala na 'yan dito!"
I heard some whispers when I was walking in the hallway. It's not my first day here... its just my day was always like this. Bulong here, bulong there, bulong everywhere. Well, they also look like insects.
"Kumalma ka lang, Syranah. Hindi ka pa mamamatay sa bulong nila," paalala ko sa sarili ko. Tinungo ko na lang ang classroom ko.
After a few minutes na paglalakad ay nakarating din ako sa classroom. Nang makapasok ay umupo ako sa pinakadulong bahagi ng room kung nasaan ang upuan ko. May bakante pa rin namang upuan sa likuran ko.
Nang makaupo ay agad kong binuksan ang librong dala ko at nagsimulang mag-review. May test kami ngayon sa subject namin na science.
Eighteen years na akong nabubuhay sa mundo pero hindi ko alam kung bakit ayaw ng iba sa akin. Well, I was a little blessed dahil I am living with Travious Merdz who adopted me when I was three years old. I have no parents at all.
Sa school na ito, ako lang ang nag-iisang nerd daw. Nerd na cheap, panget, tahimik, laging nagbabasa ng libro, at walang kwenta. Hindi naman talaga ako pangit. Everyone of us are beautiful because each of us are unique. Ayaw lang kasi nila sa buhaghag kong buhok na laging nakalugay, itim at malamig kong mata na may laging suot na eyeglasses na hindi naman kalakihan, matangos na ilong, at black beauty na balat. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil ako lang yata ang nerd na kinatatakutan sa school na ito. Weird.
Yes, I'm a nerd pero lahat sila umiiwas sa akin dahil natatakot sila. Hindi nila ako matingnan sa mata dahil sa nakakatakot daw ako. Well, it's okay at least they are not bullying me, instead, they help me sometimes. Not all of them are bad. Takot ang iba pero malakas ang loob nilang paringgan ako at chismisin.
Minutes had passed, almost twenty minutes pa bago mag-umpisa ang klase pero kompleto na kami sa classroom. Tahimik rin sila na nagbabasa ng libro.
"Hi? Syranah, right?" rinig kong boses sa gilid ko.
"Hello," maikli kong tugon. Malamig ang boses ko kaya siguro takot ang iba sa akin. Malamig talaga kasi ang boses ko. Kahit anong gawin ko hindi ko alam kung paano mababago iyon.
"Uhm, gusto ko lang sana na i-remind ka mamaya. Gagawa tayo ng report if ayos lang... sa bahay sana namin gagawin?" She asked na parang nahihiya. I didn't bother to look at her.
"Okay."
"Really? So sabay tayo mamaya? Hihintayin kita sa gate," masaya niyang sabi. Tinuon ko na lang ulit ang ang utak ko sa pagbabasa.
"I'm Shandie Bouria by the way," rinig kong dugtong niya at bumalik na sa upuan niya.
I know her.
She was the daughter of the owner of this school. Mabait siya at hindi ko alam kung mabait rin ba ang kapatid niya na nasa lower grade. Magbabasa na sana ulit ako kaso biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang apat na lalaki. Napatingin lahat sa kanila except sa akin na nagbabasa pa rin. Paano ko nalaman na apat sila? I can sense them. Malakas kong isinirado ang libro dahilan para mapatingin sila sa akin.
"Patay."
"Lagot."
Rinig na rinig ko ang mga bulong nila. Ang ayoko sa lahat ay ang sinusuway ang rules ko.
Iniangat ko ang tingin ko sa apat na nasa may pinto. Nakatingin na sila sa akin.
"You're interupting us," cold kong sabi sa apat.
Ngumisi naman iyong isa na nasa kanan, ang isa na kasunod ay ngumiti at kumaway, ang kasunod ay seryoso lang ang mukha, at ang huli ay... teka - nasaan na? Napalingon ako sa likod ko and there, I saw him.
Seryosong-seryoso ang aura niya at tiningnan niya ako. Nagkatinginan kami mata sa mata. May kakaiba sa kanya.
"Yow," rinig kong sabi no'ng ngumiti at kumaway kaya nabalik ang atensiyon ko sa tatlo. Umupo sila sa likuran ko.
I think they are transferees, papalampasin ko muna ang ginawa nila ngayon.
Mabuti at sinabihan ako ng Dean na may transefrees kung hindi ay baka nasipa ko na sila sa inner core ng earth.
Tumayo ako at pumunta sa harap. Tiningnan nila ako at tumahimik na ang nagbubulong-bulungan.
"I'm incharge because Miss Cruz will not arrived," I said.
Miss Cruz is our History teacher. Siya ang first subject ngayon. May nagtaas naman ng kamay sa isa sa mga kaklase ko.
"Bakit daw, Miss President?" tanong niya.
Yes, tama nga kayo ng nabasa. I'm the President of this room.
"I don't know," bored kong sabi.
"Yes! Walang klase! Woohh!" sigaw ng lalaking ngumisi kanina.
"Yes! Party!" sigaw naman ng lalaking ngumiti at kumaway kanina.
Galing ba sila ng mental? Iyong mga kaklase ko ay nakatingin lang sa kanila na para silang nasisiraan na ng bait.
"Oh bakit kayo ganyan makatingin? Aren't you happy?" tanong ng lalaking ngumisi kanina.
"My classmates are not like that." Napatingin siya sa akin sa sinabi ko.
Tiningnan ko si Liry Foj - ang Vice President ng classroom. Hindi kami close pero siya ang nagbibigay ng informations sa mga baguhan. Tinanguan ko siya kaya tumayo siya at pumunta sa harap.
"Since you four are newbies here, ipapaalam ko ang rules namin sa inyo."
'We don't follow rules' rinig ko sa isip na sabi ng lalaking seryoso ang aura kanina dahilan para mapakunot ang noo ko.
"Introduce yourself," nakakunot ang noo kong sabi sa kanya.
"Kailangan pa ba?" Iyong lalaking ngumisi na naman ang nagsalita.
"If you don't want then I will," sabi ko dahilan para kumunot ang noo nila. Madali naman akong kausap e.
"Krioz Lodj," banggit ko at tinuro ang lalaki na ngumiti at kumaway kanina.
"Draz Serf." Tinuro ko ang lalaking ngumisi kanina.
"Dark Wod Fort." Tinuro ko ang lalaking seryoso ang mukha.
"Light Zaj Ladz." Tinuro ko ang lalaking seryosong-seryoso ang aura. Nagulat naman sila.
"How did you know us?!" Krioz shouted.
"Stalker," dagdag naman ni Draz.
A smirked formed in my lips. Inilagay ko ang kamay ko sa likod ko.
"I have your profiles," walang gana kong sabi sabay pakita sa papers na hawak ko.
Gulat pa rin ang iba na nakatingin sa akin except kay Dark at Light na sinusuri ako.
"Continue," sabi ko sabay tingin kay Liry. Tumango naman siya.
"This class is different from the others, may disiplina ang klase na ito in order to avoid fights or bad events dahil nasa first section ito, this class should be followed by others," pag-uumpisa niya. Nakaupo ako sa teacher's table habang nakatayo naman siya sa gilid ko.
"To maintain this, the President created some rules. This rules has consequences kapag hindi niyo sinunod."
"First rule, respect and follow the President, Vice President, and the Secretary. We have only three Officers in the class."
Tiningnan ko si Irza. Tumayo siya at pumunta sa harap. Bawat room may tatlong officers lang.
"Irza, the secretary," bored na sabi ni Irza.
"So she is the President?" sabi ni Dark at binalingan ako ng tingin. Hindi niya ba narinig ang sinabi ng kaklase namin? Bingi lang?
"Any problem with that?" pabalik kong tanong. Binalik niya ang tingin niya kay Liry. Hindi na siguro siya magtatanong tungkol sa Vice President 'di ba? Obvious naman na si Liry na iyon.
"Second, avoid being noisy especially talking about nonsense things."
Yes, that's the rule na nilabag ng apat kaya hindi nagtilian ang mga babae kanina sa pagdating ng apat dahil alam nila ang rule at lalo na ang consequences.
"Third, respect every subject teachers."
Tiningnan ako ni Liry.
"That's the three rules, if you disobey I am the one will choose the punishment," kalmadong sabi ko.
"What?!" gulat na reaksiyon ni Draz.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Liry.
"The rules have been approved by the Dean kaya wala na kayong magagawa," biglang sabi ni Irza. May nagtaas ng kamay.
"Yes, Miss?" tanong ni Liry.
"Hindi ito tungkol sa rules. About ito sa incoming Mr. and Miss Campus next month. Wala pa rin ba kayong napipiling contestant?" tanong niya.
"Nag-meeting na kaming mga officers at may napili na rin kami, but we are not sure kung papayag ba siya. We need your help to encourage her," sabi ni Irza at tiningnan ako.
"For the representative in boys, I choose Mr. Dark. The Dean requested me to choose and I choose him," sabi ni Liry.
"How about sa girls? Hindi niyo ba sasabihin kung sino?" sabi ni Mike na isa sa mga kaklase namin. Tiningnan naman ako nina Liry at Irza.
"Since the daughters of the owner of the school is here, I think one of them will be the representative." Binaling ko naman ang tingin ko kay Shandie. Hindi ko pa nakikilala ang kapatid niya. Tiningnan ko naman si Dark.
"Is it okay to you if you are the representative, Mr. Fort?" I asked him.
"No, just choose Light. It's not my type to join an event like that," sabi niya.
Tumingin naman lahat kay Light na kanina pa hindi nagsasalita.
"I'm in," maikli niyang sabi. Well, tingnan natin ang maibubuga nila.
"Miss President! Hindi ba puwedeng ikaw na lang ang representative?" suhestiyon ni Shandie.
Ayoko sa mga ganyan kasi nerd nga 'di ba?
"Oo nga, Miss President! Maganda ka naman! Lalo na kapag naayusan!" pagsang-ayon naman ni Mike.
"Sige na, Miss President! Para naman maipamukha mo sa mga nanglalait sa iyo na hindi ka panget!" dagdag pa ni Kelly.
"Oo nga! Magche-cheer kami!" pagsang-ayon naman ng iba kong mga kaklase.
Kahit malamig ako. Ang section na 'to ang laging umiintindi sa akin. Hindi nila ako ikinakahiya besides proud pa nga sila na ako ang President nila e.
"The officers also choose me."
Natahimik naman sila sa sinabi ko at hinihintay ang susunod na sasabihin ko.
"But I can't accept it, I'm a busy person," walang gana kong sabi.
Nalungkot naman ang iba. Sayang daw kasi. Well, hindi ko naman sila masisisi. I want to make them proud pero ayoko talaga.
Nag-usap lang kami about sa event hanggang sa maubos ang time at tumunog na ang bell.
"Bye, President!" paalam ni Mike.
"Good bye, Miss President!" pagpapaalam rin ni Kelly.
"Bye," sagot ko sa kanila.
Nagsilabasan na ang iba.
"Sayang naman, Sy. I know mananalo tayo kapag ikaw ang representative," malungkot na sabi ni Liry bago umalis. Napabuntong hininga naman ako.
Kinuha ko ang gamit ko at dumeretso sa next subject ko which is science.
Nag-test lang kami and as always I got the perfect score. Natapos rin ang araw na 'to. Uwian na at nadatnan ko si Shandie na naghihintay sa akin sa gate. May gagawin pa pala kami ngayon.
"Lets go!" nakangiti niyang sabi.
Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa park kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Mayaman siya dahil anak siya ng may-ari ng school.
Medyo may alam ako tungkol saka niya pero maliit lang. As a President kasi, gusto kong makilala at malaman ang mga attitude and backgrounds nila para masabayan ko sila.
Pagkarating namin sa park ay tinungo agad namin ang kotse ni Shandie.
"Ahhh! Tulong!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Bubuksan na sana ni Shandie ang pinto ng sasakyan pero napahinto siya.
"Teka - si Kelly!" sigaw niya at napatingin siya sa akin.
"Sy, ako na lang ang gagawa ng report umuwi ka na may pupuntahan pa ako e, hehe," sabi niya at sumakay sa sasakyan pero hinila ko siya at ako ang umupo sa driver seat. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Pasok!" maawtoridad kong sabi dahilan para tumakbo siya sa kabila at umupo sa tabi ko. May nararamdaman ako kay Shandie na kakaiba.
Paano niya narinig ang sigaw ni Kelly? I'm sure medyo malayo si Kelly sa amin.
"NANDIYAN ba si Kelly?!" tanong niya habang tinuturo ang sasakyan na kanina pa namin sinusundan. Naramdaman kong nakatingin siya sa akin ngayon.
"Teka... P-Pa-ano mo... nalaman na nandiyan siya?!" medyo utal niyang sabi. Akala ko hindi niya napansin.
"It's no longer important," cold kong sabi na nagpatahimik sa kanya. Nag-focus ako sa pagmamaneho habang tahimik lang si Shandie sa harap ko.
I think, sa kagubatan ang punta ng kotse. After an hour, napamura ako sa isip ko. Gabi na, madilim na ang kalangitan.
Huminto ang sasakyan at kung hindi ako nagkakamali ay nasa gitna na kami ng kagubatan. Hininto ko rin ang sasakyan sa 'di kalayuan sa sinusundan naming kotse. Bumaba ang dalawang lalaki, sumunod naman ang isa pa habang dala-dala ng si Kelly, wala itong malay. Napamura ako nang lumabas si Shandie sa kotse, hindi ko siya masisisi dahil close sila ni Kelly.
Nanatili lang ako sa kotse habang nasa harap na ng kotseng sinasakyan namin si Kelly. Nakatalikod siya sa akin pero ramdam ko ang hindi magandang aura niya.
Napaayos ako ng upo nang makitang umaangat ang dalawang malaking bato sa may gilid niya. Nakita ko rin na itinaas niya ang dalawang kamay niya at kasabay din n'on ang pag-angat ng bato. She has an ability?!
Lumapit ang dalawang lalaki pero bago pa ito tuluyang makalapit sa kanya at inihagis na niya ang dalawang bato sa dalawang lalaki. Hindi ito nakaiwas agad kaya kaagad itong natumba.
Alam kong gulat na gulat si Shandie sa taong nasa harap niya ngayon na may hawak kay Kelly. Gabi na pero maliwanag ang buwan kaya kitang-kita pa rin ang nasa paligid. Nakita kong ibinaba ng lalaki si Kelly, at ilang segundo lang ay hawak-hawak na ng lalaki ang leeg ni Shandie. Inangat niya ito pataas at inilabas ang mga pangil niya.
Naglaho agad ako at lumitaw sa likod ng lalaki. Sinipa ko siya dahilan para mapaluhod siya at mabitawan niya si Shandie. Nakita ko ang pamumula ni Shandie habang hinahabol ang hinga niya.
"Asshole," malamig ko sabi.
Tumayo siya at tiningnan ako. His maroon, and no expression eyes meets mine. Hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip niya.
Isang malutong na sampal ang ibinigay ko sa kanya dahilan para mabakat ang kamay ko sa mukha niya. Hindi ito pumula dahil wala naman siyang dugo.
"What the hell, Mike?!" sigaw ko sa kanya.