Chapter 2

2594 Words
M I K E Nandito kami sa munting tirahan ko sa gitna ng isang gubat. Ramdam ko pa rin ang madilim na aura ni Shandie sa ginawa ko kay Kelly. Si Syranah naman ay kalmado lang. Napabuntong hininga naman ako. "Get some rest," sabi ni Sy kay Shandie. "No! Ano ba ang mayro’n? I know you were hide something, so please... let me hear it," pagmamakaawa ni Shandie. "It's not the right time," sabi ni Syranah and she snap her fingers. And after that, bigla na lang nakatulog si Shandie. Sinenyasan ko naman ang isa sa mga butler ko na dalhin si Shandie sa kwarto kung nasaan si Kelly na nagpapahinga. Dalawa ang higaan doon. Mga bampira ang butlers and maids ko pero hindi sila umiinom ng dugo ng tao, lalo naman ako — depende. Tumayo si Syranah at pumunta sa may balkonahe. Feel at home yata siya kahit saan. Alam na niya na isa akong Bampira. Yes, I am a vampire. Sinundan ko siya at tinabihan. Nakatingin lang siya sa langit. She not ordinary — we are both not ordinary, that's why I trusted her. "It's too early to do that Mike," pag-uumpisa niya. "I know," sabi ko ako at ininom ang fresh blood na nasa baso na hawak ko. Naalala ko pa noong una ko siyang nakilala sa school at kung paano niya nalaman na Bampira ako. PAPASOK pa lang ako ng hallway ay rinig ko na mula rito ang mga bulong-bulungan ng mga studyante. "Uy balita ko may transferee raw." "Yep! And guess what? It's a girl." "A nerd girl." "Really? Omy! They also said na she's in section one raw!" Napailing-iling na lang ako at dumeretso sa room ko. Thirty minutes na akong late pero ayos lang, marami namang rason sa mundo. "Good morning, Mike!" bungad sa akin ni Kelly pagpasok ko sa classroom. Ngumiti ako ng malapad. "Good morning! Anong mayro'n?" tanong ko nang mapansin na may tinitingnan ang mga kaklase ko sa may dulo. "May transferee tayo... and guess what?" bulong sa akin ni Kelly. "What?" Binatukan naman niya ako. "E, lagi ka kasing late! Ayan tuloy, late update ka na!"  Napakamot naman ako sa batok, s*****a talaga 'tong babaeng 'to. Pasalamat siya at mahal ko siya. "Ano nga?" tanong ko ulit. "She's our new President," saad ni Kelly habang nakatingin sa nagkukumpulan kong mga kaklase. Wala na pala kaming President, nag-transfer siya dahil always bully siya dito sa room namin. "Si Ma'am ang pumili sa kanya," dugtong ni Kelly. Inakbayan ko naman siya. "Sa tingin mo, tatagal 'yan dito?"  Inalis niya ang kamay ko. "Chansing ah!" sabi niya. Nagmamaktol na umupo siya sa upuan niya. Aba! Hindi man lang ako sinagot. Napailing-iling naman ako at umupo na lang din sa may upuan ko. Hindi kami magkatabi ng upuan. Ilang sandali lang ay nagsimula nang mag-ingay ang mga kaklase ko. Napahinto kaming lahat sa ginagawa namin at napalingon sa may dulo sa likuran namin. May nakita akong babae na nakasuot ng eyeglasses, but hindi masyadong malaki iyon habang hawak-hawak niya ang libro na nakasarado. Nagsalita siya kaya napahinto kaming lahat. "Go back to your seats," malamig at maawtoridad niyang sabi dahilan para umupo ang lahat. Nangilabot naman ako sa boses niya... kakaiba siya. She's not ordinary. Ibang-iba ang aura niya sa isang normal na nilalang. Bigla siyang tumayo at pumunta sa harapan naming lahat. "Syranah Merdz, your new classroom President," sabi niya at tumingin sa akin. Kakaiba ang mga tingin niya, may ipinapahiwatig ito at hindi ko matukoy kung ano iyon. PAUWI na ako, katatapos lang ng klase at iniisip ko pa rin ang tungkol sa new President ng klase. Hindi ko alam kung paano pero napaamo niya ang mga kaklase ko, napasunod niya sila — kami. Madilim na ang paligid dahil alas-syete na ng gabi. May nakita akong babae na dumaan sa akin, napapikit ako nang maamoy ang dugo niya... nauuhaw ako kaya palihim na sinundan ko ang babae. Dumaan siya sa madilim na parte ng kalsada. Dali-dali ko siyang sinundan at akmang hihilain ko na siya ng biglang — "It's too dangerous here to walk alone, Miss." Isang malamig na boses ang narinig ko sa likuran ko dahilan para mapalingon ako at ang babae sa nagsalita. "Go home," maawtoridad niyang sabi. Napatingin ako sa babae na sinundan ko kanina lang. "Ahh... o-opo," utal-utal nitong sabi at umalis na umalis. Buwesit! "Here." Napatingin naman ako sa babaeng biglang sumulpot, inabutan niya ako ng mineral water na may lamang... dugo?! Kinuha ko agad iyon at ininom. Nanghihina na ako at kailangan ko ng dugo. Napapikit naman ako nang maramdaman ang lasa ng dugo ng hayop na pumapasok sa lalamunan ko. "T-Thanks," nahihiya kong sabi sa nag-abot sa akin ng dugo Ilang sandali lang ay may naalala ako. Nanlaki ang mata ko at tiningnan siya, p-paano? "You're a vampire right?" tanong niya. "Paano —" Hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita. "Keep safe," simpleng sabi niya at biglang naglaho na parang bula. Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o ano, basta ang alam ko ang babaeng iyon ay... s-si Syranah, ang new classroom President naming. IYON ang una naming paghaharap. I know in the first place na may kakaiba sa kanya... and I am right. Hindi ko alam kung ano ba talaga siya pero alam kong hindi siya tao katulad ko. And with that, may mga sekreto at pribado rin akong sinabi sa kanya tungkol sa mga bagay-bagay lalo na ang tungkol kay Kelly. "I want to protect her," biglang sabi ko. "You can't Mike — alam mo kung ano ang makakalaban mo if ever you'll protect Kelly," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa mga bituin na makikita mula sa kinaroroonan namin sa balcony ng bahay ko. "Then help us. I know you can help us, Syranah. You have an ability right?" may pagmamakaawang sabi ko sa kanya. "She hates Vampires." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. Yes, Kelly really hates vampires. Based on her story, her Dad and Mom killed by Vampires. Nakatira siya sa Auntie niya ngayon and that's why she hates Vampire. I don't exactly know kung bakit pinatay ng mga bampira ang mga magulang niya, hindi niya rin alam. I keep telling her that vampires do not exist, but for her... they really do. "If she'll stay on your side, she will die." Napatingin naman ako sa kanya. "The only choice is... you have to turn her as a Vampire para mabuhay siya," dugtong niya. Napahilamos naman ako, ayaw nga niya sa Bampira tapos gagawin siyang Bampira? The heck! "So anong gagawin ko? Pabayaan siyang kunin ng Dempire? No way! Please, help me," pagmamakaawa ko sa kanya. Dempire is a kind of monster na half demon and a half vampire. They want Kelly to marry their King para lumakas sila dahil sa may bagong lahi na dadating which is human. Ang alam nila is human si Kelly kaya 'yon nga. Mas lalakas sila kung ang lahi nila ay pinaghalong Demon, Vampire, and Human. May sapat na lakas si Kelly para palakasin ang lahi ng Dempire. Si Kelly rin kasi ang nakasaad sa kanilang propesiya at wala ng makakapagpabago no'n except lang kung gagawin ko siyang bampira, based on Syranah. Kapag naging Bampira si Kelly there is a posibility na hindi siya kukunin at maghahanap na lang sila ng iba. Nakita kong inayos ni Syramah ang eyeglasses na suot niya. "I need to go," saad niya. "Pero — " "You made this thing, so face the consequences, Mike," seryoso niyang sabi at umalis, pero bago pa man siya makalayo sa akin may sinabi muna siya. "Explain everything to Shandie, I'll be back as soon as I can." Nabuhayan naman ako sa sinabi niya. Sana naman tulungan niya kami ni Kelly. Ayokong kunin ang mahal ko at alam kong ayaw rin ni Kelly na maging reyna ng Dempire. Napasabunot naman ako ng buhok. Ngayon kailangan ko munang pag-isipan kung paano ko sasabihin kay Kelly at Shandie ang lahat-lahat. S Y R A N A H UMALIS na ako sa bahay ni Mike at nagsimulang maglakad papalayo sa bahay niya. Tinanggal ko ang eyeglasses na suot ko at nawala ito sa palad ko. I can help them. The process is not easy, lalong-lalo na dahil ang Dempire ang kakalabanin. Hindi sila madaling kalabanin. I have some informations tungkol sa mga Dempire, they are powerful. Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin na kanina pa ako lakad ng lakad pero wala naman akong nakikitang daan. Hindi ko rin puwedeng gamitin ang sasakyan ni Shandie dahil hindi iyon sa akin at ayokong humiram. T H I R D   P E R S O N NAGTATAKA si Syranah at sinusuri ang buong paligid upang makahanap ng daan. Nasa kagubatan siya at halos puno ang kaniyang nakikita sa paligid. Lingid sa kanyang kaalaman ay may nagmamasid sa kanya. Isang kakaibang nilalang. Naglakad ulit si Syranah habang nakasunod naman ang nilalang na kanina pa sumusunod sa kanya. Lumipas ang ilang sandali ay huminto si Syranah at lumingon sa likuran niya. Nakita niya ang isang nilalang na lumilipad. Itim ang buong katawan nito, may tatlong mata, mahahabang kuko, itim na mga mata, may mahabang pakpak, at may parang tao ang katawan. Nakatayo lang si Syranah habang nakatingin sa nilalang. Sumugod ito sa kanya pero bago pa ito nakalapit ay naging abo na ito dahil itinaas ni Syranah ang espada niya at umilaw ito dahilan para maging abo ang nilalang. Biglang naglaho ang espada niya sa palad niya at umiiling-iling na naglakad ulit siya sa kawalan. S Y R A N A H MALAPIT na maghatinggabi. Naglalakad pa rin ako. After some minutes, nakarating din ako sa isang kubo. Ang kubo ay nasa itaas ng bundok, walang nakakaalam na iba bukod sa akin na may kubo dito. Kumatok ako at bumukas ang pinto. Bumungad sa akin si Nanay Elley, si Nanay Elley ang may-ari ng kubo. Matagal na siyang nakatira dito. Paano ko nalaman? "Pasok ka, Iha." Pumasok ako at pinaupo niya ako sa upuan habang nasa harap ko naman siya. Nakilala ko siya sa siyudad at inimbitahan niya ako dito dahil may kakaiba raw sa akin. Nanay Elley is seventy-eight years, old but she look like fifty's pa. She's like a mother to me, palagi ko siyang dinadalaw at alam niya rin ang sekreto ko. She is not ordinary. She was gifted, may abilidad siya na hindi nagagawa ng isang simpleng tao lang. Magkaparehas ba kami? Magkaparehas kami na hindi ordinaryong tao. Dito ako dumederetso sa kubo niya kapag gusto kung mag-isip o kapag gusto ko ng may kausap. "Buti dumalaw ka," may ngiting sabi ni Nanay Elley. "I think... I should continue it, Nanay Elley." "You should. Hindi mo matatalikuran kung ano ka, Syranah. Puwede kang magpahinga pero huwag kang tumalikod." Napabuntong hininga naman ako sa sinabi niya. "Demons are everywhere, Nanay Elley. I have to do my part," walang emosyon kung sabi. "Tungkol ba ito sa kaklase mo?" tanong niya. Alam niya ang tungkol kay Kelly at Mike dahil sinabi ko iyon sa kanya. "Not just about them, Nanay Elley. It is my duty to help." Tiningnan naman niya ako ng seryoso. "Palagi mong piliin ang tama, Syranah." Tumango naman ako. Napalingon kami sa pinto nang bigla itong bumukas ng malakas. "W'ir z thou zli'yr?!" Translation: Where is the Slayer?! Umalingawngaw ang boses ng nilalang na nagbukas ng pinto sa buong paligid. Base sa physical appearance niya ay may human form siya with a wolf ear, walang pang itaas na damit at naka-paa lang. "Werewolf," bulong ni Nanay Elley. Werewolf? Anong ginagawa nila dito? Bakit nila hinahanap ang Slayer? "L'em!" sigaw nito at sumugod ang apat niyang kasama sa amin. Translation: Kill them! Lima silang lahat at lahat sila ay lalaki. Nasa likod ko si Nanay Elley. "Nay!" sigaw ko nang tumakbo si Nanay Elley. Akmang susundan ko na sana siya pero umatake na ang tatlong lalaki sa akin habang ang isa naman ay sinundan si Nanay Elley. "Damn!" I cussed ng biglang tinusok ng isa ang mahaba niyang kuko sa likod ko. Napapikit ako sa sakit. Buwesit! Inatake naman ako ng isa sa harap ko pero yumuko ako at ang nasa likod ko ang natamaan at naging abo ito. Napaupo ako sa sahig at binunot ko ang kuko ng wolf na bumaon sa likod ko. Umaagos na ang dugo sa mula likod ko. Sabay na umatake ang dalawa sa akin, sa kanan at sa kaliwa. Naglaho ako at sinaksak nila ang isa't-isa. Naging abo rin sila. Pinikit ko ang mata ko. 'Heal' sabi ko sa isip at in a snap nawala na ang sugat ko sa likod.  Napatingin ako sa may pinto nang makarinig ng palakpak. "Interesting," sabi ng isang lalaki na werewolf din. Narinig kong sumigaw si Nanay Elley kaya agad akong naglaho at lumitaw sa likod ng kubo. Nakita ko si Nanay Elley na duguan at nakahilata sa damuhan. Nakatalikod naman sa akin ang werewolf. Napatingin ako sa kuko niya at nakita ko na may dugo ito at umaagos pa. "Damn you!" I said in a cold voice. Nilingon niya ako at ngumisi. Tiningnan ko siya mata sa mata and after a seconds ay bigla na lang siyang naging abo. Pinikit ko ang mata ko at minulat ulit. s**t! Dali-dali akong lumapit kay Nanay Elley. "You can't bring her back," rinig kong tinig sa harap ko. "But I can," dugtong niya. Tiningnan ko siya ng walang ekspresiyon. "I will bring her back but... you have to be one of us," may ngisi niyang sabi. Tiningnan ko naman siya ng masama dahilan para umatras siya. "Your... e-eyes," utal niyang sabi habang umaatras. "Die," bulong ko. Bigla siyang nawalan ng hininga, hinahabol niya ang hihinga niya. Namumula na siya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng hininga at bumagsak. "Idiots," cold kong sabi. Ibinaling ko ulit ang atensyon ko kay Nanay Elley. "I'm sorry, Nanay Elley," I said and a drop of tears fell from my eyes. I hate myself. I hate myself for letting her die. I didn't even save her. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang mapabayaan ang mga taong nakapaligid at naging parte na ng buhay ko. Idinikit ko ang palad ko sa noo ni Nanay Elley. "May your soul be safe, and rest in peace, Nanay Elley," bulong ko at biglang umilaw ang buong katawan niya. Naging crystal dust ang katawan niya at lumipad ito pataas. "Syranah." Napatingin ako sa isang liwanag na hugis tao sa harap ko. "Nanay Elley..." Pinahid ko ang luha ko at tumayo. "Huwag mo akong aalahanin, palagi kitang babantayan, salamat sa lahat. Pakiusap, huwag mong papabayaan ang aking apo." Napakunot naman ang noo ko, may apo siya? "Dadating siya bukas, ibigay mo ang libro na nasa ilalim ng kama ko, alam niya na mangyayari ito, nais ko sana na isama mo siya sa iyong paglalakbay." "Po?" Ngumiti siya sa akin. "Malaki ang maitutulong niya sa iyo. Ituring mo siyang kapatid, maraming salamat sa lahat-lahat. Manatili kang matatag, Syranah," saad ni Nanay Elley at biglang naglaho. Napahikbi naman ako. Wala man lang akong nagawa. MALALIM na ang gabi, kailangan kong bumalik kina Mike pero tatawagan ko na lang siya mamaya. Hindi ko puwedeng iwan na lang ang apo ni Nanay Elley. Babae kaya o lalaki ang apo niya? Sana naman hindi sakit ng ulo iyon para magkasundo kami. Pumasok na lang ako sa kubo at sinarado ang lahat ng bintana at pinto nito. Pupuntahan ko muna ang kwarto ni Nanay Elley para hanapin ang libro na sinasabi niya para sa apo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD