Chapter 18

2383 Words
"BAKIT hindi ka sumali sa amin sa salo-salo kanina sa tanghalian, Syranah?" tanong sa akin ni Mike. Si Mike at Kelly ay sasama rin sa labanan. Mukhang masaya na si Mike dahil tanggap na siya ni Kelly sa pagiging bampira niya. Mukhang tanggap na rin naman ni Kelly ang pagiging Prinsesa niya ng mga bampira. Kailangan niyang tanggapin iyon dahil ito ang binilin sa kanya ng mga magulang niya... ang paglingkuran ang naiwan nitong mamamayan. Bampira ang mga magulang niya at ang pumaslang sa naman sa kanila ay bampira — masamang bampira na kumakampi kay Jedlon. Ayoko sanang sumama si Kelly sa labanan dahil marami na siyang napagdaanan pero hindi ko siya mapigilan. Gusto niya gumanti sa pagkamatay ng mga magulang niya. "May ginawa lang ako kaya pasensya na," pagpapaumanhin ko. Nandito kami ngayon sa may sala ng palasyo ni Kelly. "Sy, nandito na sila," nakangiting sabi ni Kelly. Kasama niya ang mga elementalists dahil pinapunta ko sila. "Sila lang 'yong pinapapunta ko pero may tatlong sumama at hindi ko sila napigilan dahil pumasok na sila sa portal na ginawa ni Travious," dagdag pa ni Kelly at tiningnan ang tatlong dumagdag sa kasama niya na sina Light, Dark, at Creseal. "Ano ba ang mayro’n at pinatawag mo kami, Sy?" tanong ni Shandie. "Oo nga, matapos ang hindi mo pagpunta sa tanghalian kanina ay nagawa mo pa kaming ipatawag," may pagkadismayang sabi ni Liry. Napabuntong hininga naman ako. "Gusto ko sanang humingi ng tulong sa inyo. Kaya niyo ba na buhayin ulit ang paligid ng palasyong ito?" tanong ko sa kanila. "Oo naman! 'Yon lang pala e!" sabi ni Shandie at saka tumakbo palabas. Sumunod na rin ang apat. Akmang susunod na sana ako nang hawakan ni Kelly ang kamay ko. "Salamat..." sabi niya at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik at sabay kaming lumabas para makita ang ginagawa ng mga elementalists. Paglabas namin ay kitang-kita ko si Shandie na ginamit ang jewel of nature para buhayin ang mga halaman at puno sa paligid. Si Liry naman ay ginamit ang jewel of water para malagyan ng tubig ang malaking fountain at ang malaking lawa na nasa gilid ng palasyo. Ginamit rin ni Krioz ang jewel of fire para tunawin ang mga lumang metal sa paligid at ginawa itong mga dekorasyon sa paligid. Nakita ko rin si Draz na lumilipad sa itaas dahil ginamit niya ang jewel of air. Inaalis niya ang nga alikabok na nakapaligid sa palasyo. Si Irza naman ay gumagawa ng iba't-ibang ice flakes gamit ang jewel of ice para gawing disenyo sa paligid. Napakaganda nang tingnan ang buong paligid dahil kumulay ito at nabigyan ng buhay dahil sa mga elementalist. Ang palasyo ng mga Bampira ay matagal ng hindi tinitirhan kaya nagiging luma na ito. May Vampire School at Vampire Village malapit dito at ayos naman ang mga lugar na iyon. "Ang ganda!" sabi ni Liry at tiningnan ang fountain na ngayon ay may tubig na at umaagos ito paitaas. "Walang tatalo sa elementalists pagdating sa paggawa ng mga bagay-bagay sa kapaligiran," proud na sabi ni Draz habang bumababa sa himpapawid. Nakita ko naman sina Irza, Kroiz, at Shandie na paparating sa kinaroroonan namin. "Ang galing niyo naman!" Bigla namang sumulpot si Vlad sa tabi namin. "Magaling nga pero alam kong hindi pa rin nila malalamangan ang Slayer," sabi naman ni Pretty at tumingin sa akin. Si Vlad nga pala ang hinahanap ni Pretty, mukhang nagkakasundo naman sila at masaya akong malaman iyon. Babalik rin si Pretty bukas sa pinanggalingan niya, hindi ko siya pinayagan na sumali sa labanan dahil labas na siya roon. Para hindi siya umangal ay sasama sa kanya si Vlad para na rin bantayan siya. Ayos lang naman kay Vlad at mukhang maganda ang magiging hinaharap nilang dalawa. Ngumiti ako nang tingnan nila ako. "Wala naman sigurong masama kung imbitahan natin ang mga bampira at ang iba pa para sa isang salo-salo, hindi ba?" tanong ko sa kanila. Malapit nang magdilim kaya sakto lang. Maganda magsalo-salo kapag gabi. "Maganda nga iyan, Sy! Para magkaisa tayong lahat dahil bukas na tayo sasabak sa labanan!" sang-ayon naman ni Krioz. I snap my fingers at walang nangyari. "Ano ang ginawa mo, Sy?" nagtatakang tanong ni Shandie. Nginitian ko lang siya and again, for the second time, I snap my fingers at lahat ng mga gustong sumama sa amin sa laban ay nasa harap na namin. Madami sila pero kasya sila silang lahat sa palasyo ng mga bampira. "Ano pa ang hinihintay niyo? Papasukin niyo na ang mga bisita, nakahanda na ang lahat sa loob," sabi ko sa kanila.  Ang gulat nilang mukha ay mabilis na nawala at agad na tinungo ang mga nilalang sa harap namin na alam kong nagtataka kung paano sila napunta ditto. Tiningnan ko si Light na nasa tabi ko. Hindi siya kumilos at nakatingin lang sa akin. Tiningnan ko rin siya pero napakunot ang noo ko nang makita na naman ang kamay ni Dark. Magkatabi kasi sila ni Dark at katabi naman ni Dark si Creseal. Akmang lalapitan ko na sana si Dark nang harangan ako ni Light  at hinawakan niya ang kamay ko... biglang nag-iba ang paligid. Nasa labas kami ng gate ng palasyo. Napatingin ako sa kanang kamay ko na hawak-hawak niya. Wala na doon ang tela na nakatakip sa marka ko kaya kitang-kita na ang marka ko na umiilaw pa. Binawi ko ang kamay ko at tiningnan siya ng masama. "Ano na naman ba, Light?" may pagkainis na tanong ko sa kanya. Imbis na sumagot ay hinuli niya ang bewang ko at saka hinila palapit sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya pero huli na para makapag-react pa ako. Nahuli na niya ang labi ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at hindi ako makakilos. Gusto ko siyang itulak pero ayaw ng katawan ko. Bakit ako nagkakaganito? Anong nangyayari? Mas inilapit niya ang katawan ko sa kanya at gumalaw na rin ang labi niya. Napapikit na lang ako at sinunod ang galaw ng labi niya. Dahan-dahang gumalaw ang labi niya at ganoon din ang sa akin. Ilang sandali lang ay lumalalim na ang halik namin hanggang sa kumawala na ako. Hinalikan niya ang noo ko. "I'm so sorry, Syranah, please... give me one last change to prove to you that I love you please..." pabulong niyang sabi habang nakatingin sa akin. Hindi ako umimik at nanatiling tahimik lang. Hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin dahil isa akong Slayer, kahit minsan ay lumalabag ako sa batas ay hindi ko pa rin magawang lumabag sa pinakaimportanteng batas na ginawa ng nakakitaas akin at 'yon ay ang hindi dapat ako umibig. Nginitian ko ng mapait si Light. Hinawakan ko ang pisngi niya at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. "I'm sorry, Light. Mahal kita pero iba na ang sitwasyon natin ngayon kaya sana maintindihan mo," sabi ko at nag-iba na ang paligid. Ang kamay ko ay nakaangat na sa ere dahil wala na si Light sa harap ko. Napahikbi naman ako at napaupo. Nanghihina na naman ang katawan ko, mukhang epekto ito ng ginawa ko kanina sa mga nilalang na nandito sa palasyo ni Kelly. Napahawak naman ako sa ulo ko nang kumirot ito. Naaupo ako sa sakit na nararamdaman ko. Kasama sa mga hikbi ko ang sakit na nararamdaman ko sa ulo ko at sa puso ko. "Ayos ka lang ba, Syranah?" Pinahiran ko ang luha ko at pinakalma ang sarili. Napatingin ako sa isang Imp na nasa harapan ko. "Zas.." bulong ko sa pangalan ng Imp. Siya 'yong Imp na napagtripan ako noong unang punta ko sa Mystic. "Anong nangyari? Kailangan mo ba ng tulong? Tatawagin ko sila." "Huwag na, Zas. A-Ayos na ako," sabi ko at inayos ang upo ko. Binuka ko ang palad ko at inilagay sa sahig para pumatong si Zas doon. "Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya. Medyo kumikirot pa ang ulo ko pero hindi ko iyon ininda dahil ayokong mag-alala ang Imp na kaharap ko. "Gusto ko lang na magpasalamat ulit dahil sa pagligtas mo sa aming tahanan laban sa mga Gnome." "Walang anuman iyon, ang mabuti pa ay umuwi ka na," sabi ko. Ayokong may Imp na sumama sa labanan dahil ayokong masali sila sa g**o. "Nandito rin naman kasi ako dahil gusto kong makita at malaman ang kalagayan mo, mukhang hindi ka ayos kanina," may lungkot sa mga boses niyang sabi. "Ayos lang ako," nakangiti kong sabi para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ng batang Imp. "Alam kong hindi ka papayag na sumama ako sa labanan pero sana, Syranah… ipangako mo na babalik ka at mabubuhay ka," sabi ni Zas habang nakatingin sa mga mata ko. "Pinapangako kong mananalo ang Mystic sa labanang ito. Magiging matiwasay ang mundo niyo, pangako iyan." Magsasalita na sana siya pero hindi iyon natuloy dahil nawala na siya sa harap ko. Ibinalik ko siya sa kanila dahil alam ayokong magdrama na naman. Hindi ko naman kasi mapapangakong mananatili at mabubuhay pa ako. "Nandito ka lang pala! Kanina ka pa namin hinahanap." Napalingon ako sa may pintuan. Mukhang nasa isang kwarto yata ako ng palasyo ni Kelly. Itinago ko sa likod ko ang kanang kamay ko at ilang segundo lang ay inilabas ko rin ito. Wala kasing telang nakatakip sa marka ko kaya nilagyan ko iyon para hindi makita ng mga nasa labas. Nakita ko si Creseal na nakasuot ng dress na pula at lumapit siya sa akin. Tumayo ako at hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako palabas ng pinto at paglabas namin ay nag-iba na ang hitsura ko. Nakasuot na ako ng puting dress at nakatali ang buong buhok ko. Hindi rin naman nawala ang tela na nakatakip sa kamay ko kaya hindi na ako nagreklamo sa ibinihis ni Creseal sa akin. "Itago mo ito dahil baka mawala," sabi ni Creseala at kinuha ang kamay ko. Inilagay niya doon ang pantali na ibinigay sa akin ng bata doon sa Mystic Village. Tiningnan ko lang iyon at naglaho na sa kamay ko. Nauna nang bumaba si Creseal para sumali sa mga nandito. May mataas na hagdan pababa at nasa ibaba ang mga nilalang na masayang kumakain. Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla akong kinabahan. May nararamdaman akong masamang mangyayari. Dali-dali akong bumaba at nang makababa ay bigla na lang nag-iba ang buong paligid. Nawala ang palasyo at nasa isang malawak na field na kaming lahat na nakatayo. Lahat ay napahinto sa kanilang ginagawa at nagtataka rin sa mga nangyayari sa paligid. Umihip ang hangin at lumitaw ang mga iba't-ibang nilalang sa paligid. Nakita ko ang ibang nilalang na may kapantay at kaparehas na kapangyarihan ng mga kasamahan ko. Biglang lumitaw si Zandro sa may 'di kalayuan. Katabi niya si Demetre at ang isa pang lalaki. Ang isa sa mga kapangyarihan ni Zandro ay ang gumaya. Ang mga nilalang sa paligid ay ramdam kong gawa ng kapangyarihan niyang itim. "Nagulat ko ba kayo? Nagulat ba kita, Syranah?" nakangising tanong ni Zandro. Kahit malayo siya ay rinig na rinig ko ang boses niya dahil sobrang tahimik ng paligid. "Bukas pa ang labanan, masyado ka namang excited, Zandro," kalmado kong sabi sa kanya dahilan para mapahalakhak siya. "At bakit? Sa tingin mo ba ay tutupad nga ako sa sinabi ko, Syranah? Akala ko ba ay matalino ka mag-isip? Ano ang nangyari? Talagang malaki na ang ipinagbago mo, Syranah." “Paano mo nasabi? Hindi mo ako gaano kilala, Zandro.” Ngumisi ako bago nilingon ang mga kasamahan ko. Tinanguan naman ako ni Travious. Senyas iyon na nagsasabing handa na silang lumaban. Nilingon ko ulit si Zandro at naikuyom ko ang kamao ko nang makita sa tabi niya si Creseal na nakalutang at may itim na usok na nakapalibot sa katawan niya. "Relax, Syranah. Sinisigurado ko lang na hindi mangingialam ang kakambal mo. Hindi naman yata matigas ang ulo niya gaya ng sayo kaya alam kong hindi siya tatakas sa pagkakagapos," kalmadong sabi ni Zandro. Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya napalingon ako sa kanan ko. Nakita ko si Light na seryosong nakatingin kay Zandro, sa kaliwa ko naman ay si Dark na mas seryoso ang aura. Nakatingin siya sa gawi ni Creseal. Napunta ang tingin ko sa kanang kamay niya na umiilaw. Tinago niya agad iyon nang mapansing nakatitig ako sa kamay niya. Tiningnan ko si Dark na nakatingin rin sa akin. Bigla siyang pinalilibutan ng itim na usok at nag-iba ang suot niya. Suot na niya ang Dark Armor niya samantalang ganun rin kay Light, suot niya rin ang Light Armor niya. Ramdam ko rin ang aura ng mga kasama ko, ramdam kong handa na sila para sa makasaysayang labanan. "Mukhang hindi umubra ang biglang paglitaw namin. Masasabi kong may utak ka rin talaga, Syranah. Nagawa mong ilikas ang mga nilalang na nakatira sa Mystic Village," may ngisi na namang sabi ni Zandro. "Pero hindi mo yata alam na ako ang kanang kamay ng nakakaitaas ng kadiliman. Nagagawa ko ang gusto ko at nasusubaybayan ko ang mga kilos niyo." Itinaas niya ang kanan niyang kamay at lumitaw si Pretty at Vlad na nakagapos rin. "How dare you!" galit kong sabi at ramdam kong umiilaw na ang pulang mata ko. Kitang-kita ko ang mga galos sa katawan nila. "Heal..." bulong ko. Nawala sina Vlad and Pretty sa harap ni Zandro. Lumitaw sina Vlad at Pretty sa may likuran ko at wala na silang sugat at gapos. Napapikit naman ako nang maramdaman kong kumirot ang ulo ko. "Simulan na ang laban," rinig kong sabi ni Zandro. Inayos ko ang sarili ko at tiningnan siya. Ang mga kampon niya at sumugod na sa kinaroroonan namin. Ibinuka ko ang kanang kamay ko na may tela at lumitaw ang espada ko. Ang espada ng isang Slayer. Ito ay may gintong hawakan, ang matulis naman nitong dulo ay gawa sa silver na may basbas ng nakakaitaas. May nakaukit na araw sa may hawakan ng espada at kumikinang ito. Tiningnan ko ang kinaroroonan ni Zandro. Gusto kong matapos na ang labanang ito para maging matiwasay na ang mga nilalang na nandito at para matapos na rin ang kasamaang dala ni Zandro. Hinigpitan ko ang hawak ko sa espada ko. Mamatay na kung mamatay basta't lalaban ako hanggang sa huli kong hininga. I will slay bad spirits, slay bad creatures, and slay demons because... I am the Slayer.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD