"INILIKAS na namin ang ibang nilalang sa mga bundok ng Mystic World para hindi sila madamay dahil paniguradong ang Mystic Palace at ang Mystic Village ang puntirya ng kalaban. May mga ibang nilalang din na sasama sa atin."
"Ibang nilalang?" tanong ko kay Travious.
Nakatayo kaming dalawa ngayon habang nakatingin sa mga elementalists at kina Dark at Light na nag-eensayo sa mga kapangyarihan nila.
"May gustong sumama sa atin para lumaban at hindi namin sila mapigilan dahil desisyon nila iyon," sagot niya. Natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Alam na nila na hindi mo na masyadong nagagamit ang kapangyarihan mo bilang Slayer kaya handa silang tumulong at lumaban," dagdag pa ni Travious.
Naikuyom ko naman ang kamao ko. Laban ko dapat ito, hindi dapat masali ang mga inosente sa labanan. Kung hindi lang sana naging limitado ang kapangyarihan ko, kaya ko sanang matalo si Jedlon.
"Minsan, masarap sa pakiramdam ang tumulong pero mas masarap sa pakiramdam ang may tumulong sa iyo."
Tiningnan ko naman si Creseal na sumulpot sa tabi ko. Nakasuot siya ng pulang bestida at hindi nakatali ang pula niyang buhok.
Nandito si Creseal para magbantay sa amin. Hindi ko alam kung sasama ba siya sa laban dahil alam kong ayaw niyang lumabag sa batas. Pagbabantay lang kasi ang dapat niyang gawin, hindi dapat siya makialam.
"Pero responsibilidad ko sila at ang kaligtasan nila. Hindi sila o kayo dapat lumalaban," sabi ko.
"Hindi kasi lahat ng responsibilidad ay inaako mo, Syranah. Magpakatotoo ka dahil ang bagay na iyon ang tunay na responsibilidad mo bilang isang nilalang," sabi naman ni Travious.
Napangiti naman ako ng mapait. Ang swerte ko at nakilala ko si Travious, silang lahat. Biyaya sila sa akin at hindi ako makakapayag na isa sa kanila ay may mawala. Gagawin ko ang lahat para walang mawala sa kanila. Ayokong may mawala sa kanila.
"Ate Sy! Ano ang magandang kulay? Puti o Rosas?" Bigla namang sumulpot si Selene na nasa Ox formation.
"Syempre Rosas!" sabi naman ni Creseal.
"Selene, magsanay ka na roon," sabi naman ni Shandie na paparating sa kinaroroonan namin.
"Kamusta ang pagsasanay?" tanong ko kay Shandie.
"Ayos naman, may improvement na sa mga powers namin."
Bigla namang sumulpot si Krioz.
"We are so thankful to you dahil bumabalik ang kapangyarihan namin kapag nasa paligid ka," sabi naman ni Irza na kakarating lang sa kinaroroonan namin kasama si Draz at Liry.
"Masaya akong makita na kompleto tayo ngayon. Sayang nga lang dahil mukhang hindi na tayo makakabalik pa sa school," may pagkadismayang sabi ni Liry.
"Well, nandito ang tunay na mundo natin. Kinausap ko nga rin ang Dad namin ni Selene na dadalawin na lang namin siya sa mundo ng mga tao kapag may free time kami. Saka masaya kami dahil tanggap niya pa rin kami kahit kakaiba kami," may ngiti namang sabi ni Shandie.
"Masaya kami para sa inyo, Shan," sabi ni Draz at sumang-ayon naman ang iba.
"Patawad kong iistorbuhin ko muna kayo. Gusto ko lang sanang humingi ng tawad kay Syranah."
Nakita ko naman si Lanzea na kasama si Luke. Siya 'yong witch na may wand at kinuha ko ang wand niya dahil ginugulo niya ako sa pagkain ko.
"Hindi ko talaga sinasadya na guluhin ka noon. Don't worry, babawi ako. Sasama ako sa inyo na lumaban. May mga kasama rin akong witches and wizards para sumama sa inyo sa labanan," dagdag pa ni Lanzea.
"Ayos lang, salamat sa inyo kung sasama kayo sa labanan. Pasensya na rin kung nagawa kong kunin ang wand mo noon," pagpapaumanhin ko.
Alam kong madalas ay medyo moody ako pero kahit ganoon ay mayro’n pa rin naman akong puso at syempre, kaya kong humingi ng tawad kung mali ako. I know hindi halata sa akin.
"Wala iyon, kasalanan ko rin naman. And about sa battle, tungkulin ko rin na sumama sa labanan bilang isa sa mga nilalang ng mundo ng Mystic," may ngiti sa labi niyang sabi.
"Alam niyo, kanina pa kayo nag-eensayo. May inihandang salo-salo ang iba kaya halina kayo. Saka niyo na isipin ang laban, mas maganda kung magpabusog muna tayo," sabi ni Travious dahilan para sumang-ayon ang lahat.
Napangiti naman ako dahil iba talaga kapag kasama mo ang mga taong nagpapagaan ng loob mo at naging parte na ng buhay mo.
Nagsimula na silang maglakad, susunod na sana ako nang mapansin ko sina Dark at Light na nag-eensayo pa rin. Naglalaban sila gamit ang kapangyarihan nila.
Nakatayo lang ako sa kinatatayuan ko at nakatingin sa ginagawa nilang dalawa. Matapos ang ilang minuto ay nilingon nila ako at nag-usap sila. Hindi ko rin gustong iwan sila dahil baka mawala ang kapangyarihan nila kapag lumayo ako ng sobra. Nakita ko si Light na paparating sa kinaroroonan ko habang si Dark naman ay tumalikod at umalis na.
Habang naglalakad si Dark patalikod sa amin ay may napansin akong kakaiba. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko sa nakita ko sa kamay niya.
"May problema ba?"
Napabalik ako sa reyalidad nang tanungin ako ng Light.
"Wala, saan pupunta si Dark?" pabalik na tanong ko sa kanya.
"May aasikasuhin daw, hindi ko rin alam. Mukhang importante yata," sagot niya naman kaya tumango na lang ako.
Maglalakad na sana ako nang hawakan ni Light ang braso ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Kung tungkol ito sa marka, huwag mo ng isipin iyon. Mawawala rin ang marka, Light. Kapag natapos na ang labanan," seryoso kong sabi sa kanya at binawi ang braso ko na hawak niya.
"Puwedeng mawala ang marka sa palad natin pero ang laman nito, hindi mawawala," sabi niya at tinuro ang puso niya.
Baliw ba siya? Syempre kapag nawala ang puso niya ay mamamatay siya, hindi ba?
"Hindi naman tayo mabibigyan ng marka kung hindi parehas ang nararamdaman natin, Syranah. Yes, I know... it sounds so corny pero ano ang magagawa ko? Nandito na e, naramdaman ko na ang bagay na ito. Alam mo kung ano ng tinutukoy ko."
"Kung totoo man 'yang sinasabi mo ay wala akong pakialam. Hindi pa oras para sa mga ganyang bagay, Light. May laban pa tayong tatapusin," matigas na sabi ko.
"Kaya nga e, sinasabi ko sayo ito dahil ayokong magsisi sa huli dahil hindi ko nasabi sa'yo. Alam kong noon ay mas pinili ko ang responsibilidad ko pero ngayon, handa na ako. Handa na akong mahalin ka, Syranah," seryoso niyang sabi.
Naalala niyo ba ang history ng Mystic World? Ang history nina Dark, Creseal, at Light?
Noong mga panahong iyon ay si Creseal ang nabuhay sa mundo ng Mystic. Noong hindi pa isinilang si Creseal ay may ako na nabububay sa Mystic.
Ang buhay ko dati ay masaya dahil ako ang naging Diyosa ng Mystic, tungkulin ko na pangalagaan ang mundong ito noon.
Naging kabiyak ko si Light dati. Oo, buhay rin si Light noon pero hindi naging maganda ang storya namin dahil mas pinili niyang maging Diyos ng liwanag at nasa batas noon na hindi puwedeng umibig ang mga Diyos at Diyosa sa isa't-isa.
Dahil sa pighati at lungkot ko ay binawi ko ang buhay ko gamit ang kapangyarihan ko pero may kapalit akong ginawa. Ang kapalit no'n ay ang mabuhay ako muli at ang tanging iisipin ko ay ang aking responsibilidad at ang aking tungkulin.
Hindi ko inaakala na mabubuhay ako bilang Slayer.
Noong isinilang si Creseal ay isinilang din ako. Nakalimutan na ako ni Light at doon rin naisilang si Dark na naging karibal ni Light sa puso ni Creseal. Naging karibal ni Light si Dark pero kalaunan ay nawala ang pag-ibig niya kay Creseal sa 'di malamang dahilan. At ngayon, alam na niya ang dahilan kung bakit nawala ang pagtingin niya kay Creseal... dahil naalala niya ako ulit noong una kaming magkita sa mundo ng mga tao which is sa classroom namin.
Wala naman talaga akong alam tungkol sa nakaraang iyon. Ginamit ko kasi ang kapangyarihan ko kay Light noong araw rin na pumasok siya sa school kaya naalala at nalaman ko lahat. Ayoko ng balikan pa ang nakaraan kaya isinawalang bahala ko na lang ang mga naalala ko.
"Ngayon pa, Light? Ngayon pa talaga? Kailangan mo pa talaga ng mahabang panahon para lang maisip ang mga nagawa mo noon? Hindi mo alam ang pakiramdam ko noong mas pinili mo ang pagiging Diyos! Bakit? Dahil gusto mong may ipagmalaki sa akin? Kilala mo ako noon, alam mong kahit isang simpleng nilalang ka lang ng Mystic ay hindi kita ikinakahiya!"
Sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko. Ngayon ko lang nailabas ang mga hinanakit ko kay Light noon. Hindi ko aakalaing mararamdaman ko ulit ang mga iyon ngayon dahil matagal na iyon na nangyari.
"I'm sorry, wala akong iniisip na ganyan, Syranah. Nais ko lang na maging katulad mo noon para maprotektahan kita. Hindi ko aakalaing hahantong sa ganito," sabi niya habang nakayuko.
"Pero wala na. Wala na. Light! Nangyari na, mas pinili mo ang bagay na iyon at sa huli? Mas lalong lumala ang sitwasyon dahil hindi mo alam na may batas na bawal mag-isang dibdib ang Diyos at Diyosa! Mas pinalala mo ang sitwasyon!" galit kong sabi sa kanya at pinahiran ang mga luhang pumapatak galing sa mga mata ko.
"Oo kasalanan ko na but believe me, nagsisisi na ako, Syranah. I am here infront of you to prove na mahal pa rin kita at kahit panahon ay hindi mababago iyon," sabi niya at tiningnan ako.
Nakita kong may tumulo na rin na luha sa mga mata niya. Sincerity, sadness, pagkadismaya, at pangungulila ang nakikita ko sa mga mata niya.
Umiwas ako ng tingin at tumalikod.
"Kalimutan mo na ang nakaraan, Light. Things will be better kung gagawin mo iyon, focus on the battle and stop bothering yourself from the past."
Humakbang ako ng isang beses at napatigil dahil sa mga sinabi niya.
"I will never ever do that thing. I will love you no matter what and please, Syranah. Kung talagang seryoso ka sa mga sinabi mo, huwag mong ipahalata na nagsisinungaling ka. I know that you are not a stone-hearted person kaya sana mapatawad mo ako. Puwede ko namang kalimutan ang nakaraan pero kapag binigyan mo ako ng huling pagkakataon para mag-umpisa ulit, mag-umpisa tayo ulit."
Ipinikit ko ang mga mata ko. Ramdam kong may luha na namang tumulo sa mga mata ko. Iminulat ko ang mata ko at nasa may gilid na ako ng isang talon.
Sinipa ko ang bato na nakita ko papunta sa talon at saka sumigaw.
"Ano ba ang ginawa ko?! Bakit nagkakaganito ang buhay ko?! Ano ang nagawa kong kasalanan?!" sigaw ko at pinagsisipa ang bato na nakikita ko.
Napaupo naman ako at napahikbi na lang. Inilabas ko lahat ng luhang mayro’n ang mga mata ko. Alam ko namang walang fair sa mundo, e! Pero sumusubra na kasi ang mga nangyayari sa buhay ko!
"Lahat ng bagay ay may dahilan."
Napalingon naman ako sa may likuran ko.
"Iiyak mo lang 'yan. Sabi nila nakakapangit ang pag-iyak pero 'di bale ng pumangit basta mailabas lang ang nararamdaman," may bahid na lungkot na sabi ni Princess Pretty.
Siya 'yong dumakip kina Dark at Light na napagplanuhang pakasalan si Light. Siya ang Prinsesa ng kagandahan na natatalo lang kapag may naiharap sa kanya na mas maganda pa sa kanya.
"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya at pinahid ang mga luha ko. Pinakalma ko rin ang sarili ko.
"Wala lang, gusto ko lang mapag-isa para kahit papaano ay makapag-isip ako kung paano ko lulutasin ang problema ko, naghahanap rin ako ng puwedeng dahilan kung bakit nangyayari ang mg problemang iyon."
"Kalat na ang pagkatao mo sa buong Mystic, hindi ba't ikaw ang Slayer?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot.
"Ang panamit mo ay katulad ng mga tao kaya halata na galing ka roon. Ang ibang Royalties at Empires rin ay may damit na katulad ng sa’yo kaya mukhang nagpupunta rin sila roon," sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Alam kong hindi naging maganda ang pakikita natin sa palasyo ko. Patawad sa inasal ko, ako nga pala si Pretty. Isa rin ako sa mga Royalties ng Mystic," pagpapakilala niya.
"Ako si Syranah. Bakit mo nasabi na galing ako sa mundo ng mga tao?" tanong ko sa kanya.
"Kasi, nakapunta na ako roon. May sapat akong kaalaman tungkol sa mga normal na tao. May nakilala akong isang lalaki na makisig at gwapo. Sabihin na natin na nagustuhan ko nga siya pero nalaman ko na bampira pala siya," may lungkot na sabi niya.
"Paano ka naman napunta sa mundo ng mga tao?" tanong ko ulit.
"Mahilig kasi ako maglakbay at hindi naman i***********l ang pagpunta sa mundo ng mga tao kaya napadpad ako roon," pagpapaliwanag niya.
"Salamat nga pala sa mapang ibinigay mo. Akala ko talaga mapa iyon para mapuntahan ko ang Prinsepe ng kagwapuhan," natatawa niyang sabi.
Ang laman kasi ng mapa ay mga salitang iniwan ko sa kanya para mamulat siya sa katotohanan na ang tunay na kagandahan ay nasa loob at hindi nasa labas na anyo ng isang nilalang.
"Ayos lang. Mabuti at nakatulong iyon sa iyo."
"Nakatulong talaga. Salamat ng marami. Teka lang... paano ka nga pala napunta dito sa may talon? May problema ka rin ba? Umiiyak ka kasi kanina."
Napahinto naman ako. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nasa talon ako ng paghihinagpis! At kailan pa ako naging tanga? Ang tanga ko! Naglaho at lumitaw ako dito! Ngayong wala na ni isa sa mga elementalists, o sina Dark, at Light ay wala na akong kapangyarihan!
"Minsan talaga ay nadadala tayo ng damdamin natin. Alam kong lahat ng nilalang sa mundo ay may dinadalang problema. Ang mga problema ay may solusyon, hindi iyon mahirap harapin. Ang mahirap harapin ay 'yong pinipigilan mo ang kasiyahan na lumapit sa iyo."
Tiningnan ko siya na ngayon ay nakangiti sa akin.
"Salamat, Pretty. Gusto mo ba na sumama sa akin sa mundo ng mga bampira? Baka makita mo roon ang hinahanap mo na nagustuhan mo sa mundo ng mga tao," suhestiyon ko sa kanya.
Kita ko naman sa mga mata niya ang kasiyahan at mukhang excited talaga siya.
Paano nga pala ako babalik?
Huminga ako ng malalim, please... kahit ngayon lang. Hayaan mo akong makabalik sa kanila. Pinikit ko ang mata ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at nandito na ulit ako kasama si Pretty kung saan nag-eensayo ang mga nilalang na bampira na sasama rin sa labanan.
N-Nagawa ko? Nagawa ko!
"Mabuti at hindi tayo naligaw. Ito na ba ang lugar ng mga bampira?"
Napatingin ako sa nagsalitang si Pretty.
Nawala naman ang saya sa isip ko nang mapagtanto na siya pala ang gumamit ng teleportation. Napabuntong hininga naman ako.