Chapter 16

2377 Words
"MASARAP ba 'yan?" tanong ni Light sa akin. "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ko alam, hindi pa ako nakakakain niyan," sagot ko naman sa kanya. Nandito kami sa isang puwesto kung saan may dalawang Brownies na nagtitinda ng pagkain. "Akala ko ba marami ka ng karanasan?" tanong ko kay Light pero hindi niya ako sinagot dahil nakatuon lang ang atensiyon niya sa niluluto ng mga Brownies. Hindi ko alam kung ano ang tawag ng pagkaing niluluto nila. Kulay puti ito at inilagay sa isang baso yata tapos may kulay berdeng likido ang inihalo tapos may itim pa na kumikinang? Ewan. Parang street foods ang puwesto ng Brownies na nagtitinda dito. "May kilala ka ba na Kel ang pangalan?" tanong ko sa naglulutong Brownie na nagpakilalang Gin ang pangalan. 'Yong isa ay Lei ang pangalan. "Kamag-anak namin siya. Nagtatrabaho siya sa isa sa mga kainan dito sa Mystic," sagot naman niya. Tumango lang ako. Si Kel iyong brownie na nagserve ng pagkain namin nina Luke, Selene, at Jed noong unang punta namin dito sa Mystic World. "Nakakain ba talaga 'yan?" tanong na naman ni Light. Inabot sa amin ni Lei ang niluto nila kaya kinuha ko iyon at ibinigay kay Light ang isa. Nagdadalawang isip pa siya na tanggapin iyon. Akala ko ba marami na ang karanasan niya? Tinikman ko iyon gamit ang kutsara na kasama sa baso. Masarap ito at malinamnam. Sunod-sunod na ang subo ko samantalang si Light naman ay nakatingin lang sa baso niya. "Tititigan mo lang ba 'yan hanggang sa matunaw ang baso?" tanong ko at sumubo ulit. "Masarap ba ang lasa?" "Huwag mo kasing titigan para hindi ka mandiri. Tikman mo na dali, masarap naman." Kinuha niya ang kutsara niya at kumuha ng maliit na laman sa baso. Dahan-dahan niya itong inilapit sa bibig niya. Kung hindi lang siya seryoso sa ginagawa niya ngayon at kung hindi marami ang nilalang sa paligid ay kanina pa ako humalakhak sa tawa dito. Pinakalma ko ang sarili ko dahil alam kong hindi madali ang mapahiya lalo na't isa siyang Diyos na maraming karanasan. "Ano? Masarap, 'di ba?" tanong ko at tumango naman siya at nagkasunod-sunod na ang subo niya. "Teka... sina Dark at Creseal ba 'yon?" tanong ko kay Light kaya tiningnan niya rin ang tinitingnan ko. "Kaya pala hindi sumama sa atin, may iba pa lang kasama," sabi ko at ibinigay sa gnome ang baso ko na wala ng laman. Hindi na nakasuot ng gown o nakasuot ng dress si Creseal. Jeans na ang suot niya at t-shirt tulad ng sa akin. Nakatali rin ang pula niyang buhok. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan ng dalawa na masayang kumakain ng bilog na pagkain. Hindi ko alam kung anong pagkain iyon pero mukhang masarap. "May hindi ba kayo sinasabi sa amin, Dark? Creseal?" bungad ko sa dalawa. Halata namang nagulat sila. Bakit? May kababalaghan ba na nangyayari sa kanila? "Mali ang iniisip mo, Syranah," depensa ni Dark. "Tigilan mo nga ako, Dark. Ano 'yan? Libre niyo kami. Ang lakas ng loob niyong kumain lang ng kayo lang. Paano naman kami?" seryoso kong sabi sa kanila dahilan para mag-order pa ng dalawang bilog si Creseal. Gusto kong matawa sa reaksiyon nila pero pinigilan ko iyon dahil baka bawiin nila ang pagkain. "Masaya pala talaga dito kumain kaysa sa mga restaurant ng Mystic," biglang sabi ni Dark. "Masaya talaga lalo na kung makikisalamuha ka sa kanila," kalmado na sabi ko. Totoo naman, ang mundong ito at ang mundo ng mga tao ay may pagkapareho. Kung ako nga ang masusunod ay gusto kong mamuhay na lamang ng normal at masaya, 'yong walang iisipin na problema.  Gusto kong maging ordinaryo, mahirap kasi kapag mataas ang posisyon mo at may responsibilidad ka pa. "Nandito na tayo kaya sulitin natin ang bawat sandali natin dito," rinig ko namang sabi ni Light. "Try this, masarap iyan," sabi ni Creseal at inabot sa amin ang kulay bilog na kinakain rin nila. "Anong tawag ng pagkaing ito?" tanong ni Light. "We don't exactly know. Ang mahalaga ay masarap 'yan. Tikman niyo na," may ngiting sabi ni Creseal. Kumagat ako ng kaunti at masarap nga siya. Kasing laki ito ng ulo ni Light at mukhang mabubusog talaga ako. "May gaganaping laro mamaya, ano? Sali tayo?" pagyaya ni Creseal sa amin. "Anong laro?" tanong ko naman. "Ewan, hindi ko rin alam. Narinig ko lang sa isa sa mga nilalang dito." Napailing-iling naman ako. Nagyaya pero hindi alam kung ano ang gagawin. Minsan talaga nakakalito rin ang mga nilalang sa mundo. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa pag-ubos ng kinakain ko. Hindi ako matakaw, ngayon lang kasi ako nakatikim ng ganitong pagkain. Kakaibang pagkain na galing rin sa kakaibang mundo. "BAKIT ganyan? Ang daya naman!" sabi ng isa sa mga naglalaro dito. Nakaupo lang ako dito sa may upuan habang nakatingin sa mga naglalaro. Kasama sina Dark at Creseal sa manlalaro kaya nanonood ako dito. Hindi ko masyadong naiintindihan ang laro nila. Basta may kukunin ang lalaki sa isang balde na may tubig gamit lang ang bibig. Ang babaeng manlalaro naman ay kamay ang gamit para makuha ang isang bagay o 'di kaya'y maliit na nilalang na nakabaon sa may buhangin. By partner ang laro at kung sino ang mauuna sa pagkuha ay ang mananalo. Walang gamitan ng kapangyarihan kung kaya ang iba ay nahihirapan. Sa mundong ito, mahirap kung wala kang kapangyarihan o kaya ay biglang mawawala ang kapangyarihan mo dahil kapag nandito ka sa mundong ito, ang kapangyarihan ay bahagi na ng pagkatao. Kung wala kang kapangyarihan, parang kulang na rin ang pagkatao mo. "Ang dali lang naman!" sabi ng katabi kong si Light. Mabuti naman at nandito na siya. Kanina kasi ay kumakain pa 'yan, hindi ko alam na may side pala na ganito si Light, matakaw. "Ikaw sana ang naglaro kanina, 'di ba? Puro ka kasi kain," sabi ko naman dahilan para tingnan niya ako. "Hindi ako makasali dahil ang killjoy mo," seryoso niyang sabi. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ang atensiyon sa naglalaro. By pair kasi ang laro, gustong maglaro ni Light, hindi ko naman siya pinipigilan, gusto niya na ako ang partner niya kaso ayoko, e. Nakita ko si Dark na sinisisid ang balde na may lamang tubig gamit ng ulo niya. Makatapos ang ilang segundo ay iniahon niya ang ulo niya at may nakuha ang bibig niya na isang puting bato na kumikinang. Natawa naman ako dahil hindi pala ordinaryong tubig ang nasa balde, putik pala iyon. May iba sa mga manonood ay tumatawa at nagche-cheer sa mga kasama nila. Ang saya naman kasi nilang panoorin, e. Si Creseal naman ang sumunod. Tumakbo siya sa may buhangin at agad na inilubog ang kamay niya sa ilalim. Kinapa niya ang ano man ang nasa ilalim ng lupa. Ilang minuto ang tinagal bago niya nakuha at naiangat ang isang maliit na Griffin? Batang Griffin, ang cute naman. "Panalo kami!" sigaw ni Dark habang si Creseal naman ay nagtatalon-talon. Nagyakap pa ang dalawa dahilan para matawa ako. "Ngayon ko lang nakita na sobrang saya ni Dark," may ngiti sa labing sabi ni Light kaya napahinto ako sa pagtawa at napatingin sa kanya. "Libre naman kasing tumawa, hindi sa lahat ng pagkakataon ay seryoso. Alam kong may responsibilidad kayo bilang mga Diyos pero may responsibilidad rin kayo bilang isang nilalang na magsaya at makihalubilo sa iba," may ngiti rin sa labi kong sabi at tiningnan sina Dark at Creseal na kinukuha ang award nila sa pagkapanalo. Seryoso akong nilalang pero marunong pa rin naman akong ngumiti. Matagal na akong hindi ngumungiti, naibalik ang mga ngiti ko dahil sa Mystic at dahil sa mga nilalang ng Mystic. Napatingin naman ako kay Light nang kunin niya ang kamay ko ay hilain. "Teka, saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot at hinila lang sa kung saan. Nakarating kami sa harap ng isang stage na pinalilibutang nga mga nilalang na kung hindi ako nagkakamali ay nanonood. Anong mayro’n? "May banda raw na tumutugtog dito," sabi ni Light. "Banda? Ano naman ngayon? Bakit mo ako dinala dito?" naguguluhan kong tanong sa kanya. Imbis na sagutin ay hinila na naman niya ako sa harap para mas makita ang kabuuan ng stage. Ano na naman kayang trip ang gagawin niya? "Huwag kang aalis," paalala niya sa akin. Magsasalita na sana ako kaso iniwan na niya ako. Napabuntong hininga naman ako, bakit ba ako sumasama sa kanya? "Sy! Nandito ka lang pala, kanina pa namin kayo hinahanap." Bigla namang sumulpot si Dark sa tabi ko kasama si Creseal. "Nasaan si Light?" tanong ni Creseal. "Hindi ko alam, hinila niya lang ako dito bigla at iniwan. Baliw yata 'yon." Nakarinig kami ng sigawan at tilian sa mga manonood kaya napalingon kaming tatlo sa may stage. Napangiwi naman ako nang makita si Light sa gitna ng stage na may dala-dalang microphone. Kakanta ba siya? "Marunong kumanta si Light?" tanong ni Creseal. "Siguro? Hindi naman niya ipapahiya ang sarili niya sa gitna ng stage kung hindi, 'di ba?" pabalik na tanong ni Dark. Talagang nagkakasundo silang dalawa. Biglang tumugtog ang musika at tumahimik na lang din bigla ang buong paligid. Now Playing: Can't fight this feeling by REO Speedwagon I can't fight this feeling any longer And yet I'm still afraid to let it flow What started out as friendship Has grown stronger I only wish I had the strength to let it show Hindi ko alam na may talento nga si Light sa pagkanta. Maganda ang boses niya at ramdam kong may pinaghuhugutan siya. I tell myself that I can't hold on forever I say there is no reason for my fear 'Cause I feel so secure when we're together You give my life direction You make everything so clear Ang mga manonood ay iwinagayway ang kanilang kamay at nakikisabay sa kanta. Bridge: And even as I wander I'm keeping you in sight You're a candle in the window On a cold dark winter night And I'm getting closer Than I ever thought I might Chorus: And I can't fight this feeling anymore I've forgotten what I've started fighting for It's time to bring this ship into the shore And throw away the oars forever Cause I can't fight this feeling anymore. I've forgotten what I started fighting for. And if I have to crawl upon the floor, Come crushing through your door, Baby, I can't fight this feeling anymore. Napatingin naman ako kay Dark at Creseal na nakatuon talaga ang atensiyon sa harap ng stage. My life has been such a whirlwind Since I saw you I've been runnin' round in circles in my mind And it always seems That I'm following you girl 'Cause you take me to the places That alone I'd never find Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang nag-iba ang paligid. Kitang-kita ko mula sa kinatatayuan ko ang mga manonood. Nasa gitna na ako ng stage at hindi ko alam kung papaano. And even as I wander I'm keeping you in sight You're a candle in the window on a cold dark winter night And I'm getting closer Than I ever thought I might And I can't fight this feeling anymore I've forgotten what I've started fighting for It's time to bring this ship into the shore And throw away the oars forever Napatingin ako kay Light na lumalapit na sa akin ngayon habang kumakanta. Habang palapit siya ng palapit ay bumibilis naman ang pintig ng puso ko. Anong nangyayari? Bumibigat ang pakiramdam ko at wala talaga akong ideya kung bakit nangyayari ito. Cause I can't fight this feeling anymore. I've forgotten what I started fighting for. And if I have to crawl upon the floor, Come crushing through your door, Baby, I can't fight this feeling anymore. Pagkatapos ng kanta ay napatingin ako sa palad ko nang bigla itong umilaw. Nanlaki ang mga mata ko nang may makitang isang marka sa kanang bahagi ng palad ko. P-Paano ako nagkaroon ng ganito? Napatingin ako kay Light nang umilaw ang kamay rin niya at ilang segundo lang ay namimilipit na siya sa sakit. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Maraming nilalang sa paligid at hindi ko alam ang gagawin ko. "Syranah!" rinig kong boses ni Creseal. Makalipas ang ilang segundo ay nag-iba ang paligid. Nasa may gilid kami ng lawa. "B-Bakit may ganito akong marka?" may pagkautal kong tanong sa kawalan. "Hindi ba't marka iyan ng dalawang taong nakatadhana? Kung ganoon ay totoo nga ang sinabi ni Teresa na nakatakda nga kayo sa isa't-isa," sabi ni Dark. Kinuha ni Creseal ang kamay ko at inilagay sa balikat ni Light. Hindi na namimilipit sa sakit si Light. Ang paghawak ko sa kanya ay paraan para hindi na siya mamilipit sa sakit. Sa tradisyon ng Mystic ay magkakamarka ang dalawang nilalang na itinadhana ng sabay at magkasama, ang lalaki ang magdudusa ng sakit na ibibigay ng tadhana at mawawala lang ito kapag hinawakan ng babae. "Nakakalito, hindi ba't ang Slayer ay hindi kailanman mabibigyan ng kabiyak o nakatadhana? Isa iyon sa pinakamahalagang batas ng nakakaitaas sa kanyang kanang kamay," seryoso namang sabi ni Creseal. Tama siya, kahit nagmamahalan pa ang Slayer ang ang isang nilalang ay hindi maaaring maging sila dahil kamatayan ang kaparusahan ng bagay na iyon. Bakit nililito ako ng nakakaitaas? Bakit niya ito ginagawa? Ano ang dahilan niya? Tiningnan ko si Light na nakatingin rin sa akin. "Magdidilim na, bumalik na tayo kina Luke," sabi ni Dark. Pinikit ko ang mata ko at pagmulat ko ay nag-iba na ang paligid. Nasa loob na ako ng kubo kung saan ako natulog kagabi. Umupo ako sa kama at may lumitaw na tela sa kamay ko. Ginamit ko iyon para takpan ang marka na nasa kanang kamay ko. Napalingon ako sa pinto nang bigla itong bumukas. Inuluwa doon si Travious. "Mabuti naman at nakauwi na kayo," sabi niya at lumapit sa kinaroroonan ko. "Ano ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya. "Hindi mo naibalik lahat ng ala-ala ng mga nilalang tungkol sa’yo. Naging limitado na ang kapangyarihan mo, Syranah. At natatakot kami sa puwedeng mangyari sa’yo sa labanan." Hindi ako umimik sa mga sinabi niya. May punto siya pero hindi puwedeng hindi ako lumaban. Hindi puwedeng wala akong gawin. Lahat gagawin ko, matapos lang ang lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD