"SYRANAH... ayos ka lang ba? Anong nangyayari sa'yo?" Halata sa boses niya ang may pag-alala at lungkot. Umatras ako bago pa niya ako tuluyang lapitan.
"Ayos lang ako," mahina kong sabi.
Ayokong nakikita nila ako na nahihirapan. I am the Slayer, ang nagpoprotekta sa mga tao lalo na sa mga kakaibang nilalang na naninirahan sa mundo, dapat malakas ako. Pinakalma ko ang sarili ko dahil medyo nawala na ang kirot sa ulo ko at hindi na rin ako masyadong nanghihina.
Nakita ko si Jed na nakayuko at hindi ko mabasa ang aura niya. Halo-halo ang nararamdaman kong aura na nakapalibot sa kanya. Tumingala siya at tumingin sa akin. Nakita ko kung paano bumaba ang luha niya sa mga mata niya.
"P-Patawad... p-patawad kung naging makasarili ako noon. Patawad kung mas inuna ko ang damdamin ko at patawad kung hinayaan kong lamunin ako ng galit. Nasaktan ko pa tuloy kayo. Alam kong hindi sapat ang salitang patawad lalo na sa mga nasabi ko sa'yo, Sy… pero patawad talaga," umiiyak niyang sabi dahilan para mapangiti ako.
"Ang salita ay sobra, Jed, lalo na kung ang bawat salita nito ay may sinseridad. Ayos na, huwag mo nang isipin ang bagay na iyon. Tapos na iyon at ngayon ay magpahinga ka na muna," kalmadong sabi ko. Umiling-iling naman siya.
"Naging mabuti ka sa akin pero sinuklian ko lang iyon ng hindi maganda. Parusahan mo ako o kahit ano susundin at gagawin ko. Sabihin mo lang, Sy."
"Bakit naman kita paparusahan? Ano pa ang silbi at pinagaling kita? Ang gusto kong gawin mo ay magpahinga," may ngiti kong sabi para gumaan naman ang pakiramdam niya.
"Magiging maayos rin ang lahat, Jed. Magtiwala lang tayo sa isa't-isa."
Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay nagbago ang paligid.
NASA itaas na ngayon ako ng puno at kitang-kita ko ang mga nangyayari sa ibaba. Kailan pa ba ito matatapos? Hanggang kailan ko pa makikita ng mga nilalang sa paligid ko na nahihirapan at nagdudusa? Bakit ako? Bakit sa akin nangyayari ang mga ito? Ano ba ang nagawa ko? Wala naman siguro, 'di ba?
Napatigil ako nang nag-iba na naman ang paligid. Ano ang nangyayari? Hindi naman ako gumamit ng teleportation.
"Balita ko nanghihina ka na raw, Syranah."
Isang boses ang narinig ko mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya.
"Demetre..." bulong ko sa pangalan niya.
"Demetre? Bakit mo ako tinatawag sa pangalang iyan? Alam mo ang tunay kong pangalan."
"Mas nababagay ang pangalang Demetre sa’yo dahil ang pangalang iyan ay napakadumi, gaya ng budhi mo," may galit kong sabi sa kanya.
"Galit ka na ba, Syranah? Bakit ka nagagalit? Wala pa nga akong ginagawa, e," may ngisi niyang sabi.
"Pinapaikot lang ni Zandro ang utak mo. Kung susundin mo siya, hindi iyon magugustuhan ng pamilya mo," seryoso kong sabi dahilan para mapatigil siya.
"Wala ka ng pakialam doon. Ang pakialamera mo talaga ‘no? Huwag mong idamay ang pamilya ko. Ako na ang masama pero huwag mo silang idadamay," may galit niyang sabi at itinaas ang kamay niya.
May naramdaman naman akong isang nilalang na sumasakal sa akin. Mukhang gawa ang nilalang sa itim na hangin.
"Binigyan ako ni Zandro ng kapangyarihan at tinanggap ko naman iyon. Wala naman sigurong masama doon, Syranah… 'di ba? Wala namang masama kung tatanggap ako ng grasya. Wala ng natira sa akin! Lahat ng pamilya ko ay wala na kaya ano pa ang saysay ko, hindi ba?"
Humigpit ang pagkakasakal sa akin kaya nahihirapan na akong huminga. Hindi ko rin magamit ang kapangyarihan ko dahil mukhang napalayo kami kina Dark, Light, at sa mga elementalist.
"Ano? Hindi ka ba lalaban? Nasaan na ang ipinagmamalaki mong kapangyarihan? Oo nga pala, nawala na pala... hindi ba?" may pang-aasar niyang sabi at nawala ang nilalang sumasakal sa akin.
Hinabol ko ang hininga ko at hingal na hingal na tiningnan siya.
"Ayoko pa na patayin ka agad dahil utos iyon sa akin. Actually, nandito lang ako para sabihin sayo na maghanda na kayo. Gagawa kami ng makasaysayang labanan laban sa mga nilalang sa Mystic world. May tatlong araw pa kayo para maghanda. Ito ang huling labanan, Syranah, dahil sisiguraduhin namin na matatalo kayo lalo na ikaw. Mananaig ang kung sino man ang manalo sa makasaysayang labanang iyon… at kami iyon. Hanggang sa muli nating pagkikita."
Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay bigla siyang naglaho at nag-iba na ang paligid.
"Syranah?! Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Travious.
Hindi ko alam pero mukhang sumulpot ako sa harap nila. Humihingal pa ako kaya hindi ko siya sinagot. Tiningnan ko kung sino ang mga nandito. Sina Dark, Light, Liry, Draz, Irza, Krioz, Luke, Shandie, Selene, Travious, Jed, Kelly, at Mike. Nandito silang lahat. Nakaupo sila sa upuan na may bilog na mesa sa gitna.
"Ayos lang ako," sabi ko at tinulungan akong tumayo ni Travious. Nasa may pinto pala ako. Tinulungan rin ako ni Jed na umupo sa may bakanteng upuan na katabi ni Light.
"Ano ang nangyari? Saan ka galing? Hinahanap ka namin kanina pero wala ka," may pag-aalalang sabi ni Liry.
"Pinuntahan mo raw si Jed sa silid niya pero umalis ka rin naman matapos mo siyang pagalingin. Salamat, Syranah," pagpapasalamat ni Travious. Tinanguan ko lang siya.
"Mabuti at nandito kayong lahat. May importante akong sasabihin at ang bagay na ito ay napakaseryoso," seryoso kong sabi at huminga ng malalim at sinabi sa kanila ang tungkol sa nangyari sa akin at kay Demetre. Sinabi ko rin ang sinabi ni Demetre na naghahanda sila para gumawa ng makasaysayang labanan sa Mystic world.
"May tatlong araw pa tayo. Kung ganoon ay maghanda tayo. Mukhang totoong laban na ito. Kapatid ko si Zandro pero dahil sa pagkalamon niya sa kapangyarihan ay hindi ko na siya kilala pa. Lalaban tayo at bago iyan, dapat nating palikasin ang mga inosenteng nilalang na nasa Mystic World para hindi sila madamay sa labanan," mahabang suhestiyon ni Travious.
"Maghanda muna kayo. Light, Dark, samahan niyo muna ako sa mundong iyon. Hayaan niyo muna akong makasalamuha ko sila," kalmadong sabi ko dahilan para magkatinginan sila.
"Sige payag kami pero bukas na, Syranah. Magdidilim na kaya magpahinga na muna tayong lahat at bukas na natin uumpisahan ang dapat nating umpisahan," maawtoridad na sabi ni Luke.
Napangiti naman ako ng lihim. He really deserves his position as an Alpha of their pack.
Sumang-ayon naman ang iba at nagpaalam na para umalis. Naiwan kaming tatlo ni Light at Dark.
"Bakit mo naisip na makisalamuha sa kanila, Sy? May plano ka ba? Sa mga werewolves?" tanong ni Dark sa akin kaya tiningnan ko siya.
"You two are the Gods of Light and Dark. Gusto kong makita niyo ang tunay na mundo at malaman na hindi lang Mystic Palace ang magandang lugar na nakikita at napupuntahan niyo. Ang tunay na pinakamagandang lugar ay ang tunay na mundo," seryoso kong sabi sa kanila.
"I don't know what are you talking about but we trusted you, Syranah."
Napatingin ako kay Light at nginitian siya. Kahit lapastangan siya dahil sa paghalik niya noon sa akin ay naging mabuti pa rin siya sa akin kaya palalampasin ko muna ang bagay na iyon.
"Magpahinga na tayo," sabi ko at nag-iba na ang paligid. Nawala na sina Dark at Light.
NANDITO na ako sa kubo kung saan ako dinala ni Light kanina.
"Sumama ka sa amin bukas," sabi ko at umupo sa kama.
"Saan ako sasama? Sa paghahanda niyo?" tanong ni Creseal.
"Alam kong nakikinig ka sa usapan namin kanina. Sumama ka na para kahit papaano ay may ala-ala naman tayo bilang magkapatid at magkambal."
"Susubukan ko."
"Huwag mo nang subukan. Sumama ka na, ang pagsama mo ay hindi makakalabag sa batas," sabi ko at tinapik ang gilid ng kama ko.
Noong kinuha ako ni Light sa bahay ko noong naparusahan ako hanggang ngayon ay nakasuot ako ng salamin at pekeng buhok. Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko. Tinanggal ko ang salamin na suot ko at pati na rin ang pekeng buhok na suot ko. Magkaharap kami ngayon. Tinanggal ko rin pati ang itim na contact lense na suot ko.
"Magkamukha tayo pero magkaiba ang katangian natin pagdating sa pakikipaglaban lalo na through mentally and morally. I am following some rules while you can die breaking the rules," may lungkot at pagkadismaya niyang sabi at umiwas ng tingin sa akin.
Imbis na sumagot ay kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa bandang puso niya.
"Walang rules at batas ang makapipigil sa desisyon ng puso. Sundin mo ang puso mo, Creseal… pero syempre, dapat... sa pagsunod mo sa puso mo ay may gabay ito ng isipan mo."
Kinuha niya ang kamay niya at tiningnan ako.
"Magpahinga ka na," tanging sambit niya at naglaho na sa harap ko.
Nanatili ako sa posisyon ko ng ilang minuto bago napagdesisyunan na humiga na sa kama para makapagpahinga.
NAGISING ako dahil sa mga tunog na naririnig ko mula sa labas. Bumangon ako at tiningnan kung ano ang nangyayari sa labas. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang mga nilalang na nagsasanay at may iba na naghahanda.
Umaga na pala at nagsisimula na silang maghanda.
"Nakausap na namin ang mga elementalists, ayos lang na aalis muna tayo. Mag-eensayo na lang muna raw sila na wala ang kapangyarihan nila."
Napatingin naman ako kay Light na paparating sa kinaroroonan ko.
"Si Dark?" tanong ko.
"May ginagawa pa siya, mauna na tayo. Susunod na lang daw siya."
Tumango naman ako at akmang pipikit na nang hawakan ni Light ang balikat ko.
"Ako na," sabi niya at biglang nag-iba ang paligid.
"Pansin kong nanghihina ka kapag ginagamit mo ang kapangyarihan mo."
"Minsan lang. Kapag nanghina ako ay babalik rin naman ang lakas ko," sabi ko at inikot ang tingin sa buong paligid.
"Bumabalik kapag nakakapagpahinga ka pero paano kapag nasa labanan na? Tuloy-tuloy ang labanang magaganap kaya..."
Hindi ko siya pinatapos at tiningnan ng mabuti.
"Ayos lang ako. Kaya kong lumaban, huwag mo akong intindihin Light. Ang mga nilalang na nandito dapat ang inaalala mo, kahit ngayon lang," seryoso kong sabi.
Nagsimula na akong maglakad at ramdam ko naman na nakasunod siya sa akin.
Parang palengke ang lugar na ito pero ang mga nilalang sa paligid ay nakangiti at masaya sila sa ginagawa nila.
Sa pagkakaalam ko ay Mystic Village ang tawag sa lugar na ito. Dito rin kami unang napunta noong dinala kami ni Luke dito kasama sina Jed at Selene.
May mga nakikita akong iba't-ibang nilalang na nagtitinda ng mga kung ano-ano. May iba rin na nagluluto ng mga kakaibang pagkain.
"Ate! Ate!"
Napatingin ako sa isang batang nilalang na may kulay dilaw na mata at buhok. Kung titingnan ay para siyang tao kung wala ang dilaw niyang mata. Hanggang bewang ko ang tangkad niya at mukhang babae yata siya.
"Ang ganda po ang buhok niyo! May pantali po kami, bili na po kayo!" may ngiti sa labi niyang sabi.
Napahawak naman ako sa buhok ko na nakalugay at doon ko napagtanto na nakalabas pala ang tunay na anyo ko.
"Magkano ba iyan?" tanong ko pero nginitian niya lang ako at saka hinila sa isang pwesto na may maraming tinda.
"Inay, ngayon ko lang siya nakita dito. Ayos lang po ba kung bibigyan ko siya ng pantali?" tanong ng bata sa tinawag niyang Inay.
"Oo naman. Iha, halika pumili ka sa mga ito," nakangiting sabi ng kanyang Ina na may dilaw rin na mga mata, at buhok. Maganda siya at hindi halatang may anak na.
Tiningnan ko ang mga pantali sa harap ko. Ang gaganda nila. May nakita naman akong pantali na may paru-parong design. Mukhang buhay ang paru-paro at nakadapo lang siya sa pantali. Mayroon itong makukulay na pakpak.
Kinuha ko iyon pero kinuha rin iyon ng batang babae.
"Ito ba ang napili mo, Ate? Maganda talaga ito dahil ako ang may gawa nito! Kuya? Magkasama po kayo, 'di ba? Ikaw na ang magtali kay Ate!" sabi niya at iniabot ang pantali kay Light. Medyo nagulat naman ako sa ginawa niya.
Hindi naman marunong magtali ang katabi ko kaya akmang kukunin ko na sana iyon pero kinuha iyon ni Light at saka pumunta sa may likuran ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa buhok ko at makalipas ang ilang minuto ay natapos rin siya.
"Ang galing mo pa lang magtali, Iho. Bagay kayong dalawa, magkasintahan ba kayo?" tanong ng Ina ng bata.
"Hindi po, kasama ko lang siya," kalmado kong sabi.
"Salamat dito, ang ganda ng pagkakagawa kaya hindi ko matatanggap ito kung hindi niyon rin tatanggapin ito," sabi ko at may iniabot na bayad sa kanila.
"Naku, Iha, ayos lang. Ang mga katulad mong dalaga ay nararapat lang na bigyan ng ganyan. Sa iyo na iyan at saka ka na magbayad kapag naiwala mo iyan, bumili ka dito," may ngiting sabi ng Ina ng bata.
"Maraming salamat," nginitian ko rin siya pabalik at nagpaalam na.
"Hindi ko alam na marunong ka pa lang magtali ng buhok," sabi ko sa katabi ko na si Light habang naglalakad.
"Sabihin na nating Diyos nga ako pero hindi ako katulad ng iba na walang karanasan sa mga bagay-bagay," seryoso niyang sabi dahilan para mapatawa ako.
Bakit? Kasalanan ko ba na iba ang translation ko sa mga sinabi niya?
Tiningnan niya naman ako ng tingin na nagtataka. Pinigilan ko ang sarili ko na matawa ng sobra dahil hindi ko alam... basta natatawa ako.
Naglakad na lang ako ng mabilis at iniwan siya. Bahala nga siya sa buhay niya.