S Y R A N A H NAPAHINTO ako mula sa pagkakahila sa akin ni Light nang maaninag ko ang mga nangyayari sa paligid. Dugo, bangkay, abo, at mga nilalang na naglalaban ang makikita sa paligid. Ano ang nangyayari? Napalingon sa akin si Light. Hindi ko magawang ihakbang ang paa ko sa mga nakikita ko sa paligid. Hindi ganitong eksena ang inaasahan ko. Nakita ko si Selene sa may 'di kalayuan. Puro galos na ang mga pakpak niya. Napatingin naman ako sa isang nilalang na kung hindi ako nagkakamali ay ang kalaban ni Selene. Kung simpleng nilalang lang ang titingin sa kanya, mapagkakalan itong kaparehas niya... isang cherubim kaso iba ang kulay ng pakpak nito, itim. Naikuyom ko naman ang kamao ko. "Light... Syranah... kanina ko pa kayo hinihintay. Saan ba kayo nanggaling?" biglang sumulpot si Dark

