"PAANO na iyan?!" natatarantang tanong ni Liry sa amin. Nandito ako sa Mystic World dahil sumama ako kay Light. Hindi niya ako pinilit sadyang kusa talaga akong sumama. "Bukas na ang Mr. and Miss Campus ng school at bukas na rin nila i-aalay si Kelly!" natatarantang sabi ni Shandie. Tahimik lang si Light sa may 'di kalayuan. Mukhang may iniisip siya, kung ano man iyon, sana makakatulong iyon sa problemang ito. "I can handle the event. Maghanda na lang kayo para makuha si Kelly. Kapag natapos ang event, susunod ako sa inyo," kalmado kong sabi sa kanila. "Ate Sy, paano na si Jed?" malungkot na tanong ni Selene sa akin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Si Jed ay si Jed, kung ano ang pagkakakilala mo sa kanya, ganoon siya. Kahit anong mangyari, Selene, huwag na huwag mo

