TAHIMIK lang kaming kumakain. Hindi kumikibo ang dalawang nasa harapan ko. Mabuti na rin iyon dahil ayoko sa maingay na paligid. "Kami na nga pala ang bahala ni Light sa iba pang mga nilalang na hinahanap ng bolang crystal," pambabasag ni Dark sa katahimikan. Hindi ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Wala rin naman akong maisasagot kaya bakit pa ako sasagot? Tumayo ako pagkatapos kong kumain at nalakad papalayo sa kinaroroonan ng dalawa. Bago pa man ako makalabas ng kusina ay nilingon ko muna sila. "Magpapahinga na ako," tanging sambit ko bago nilisan ang kusinang iyon. Agad na tinungo ko ang isang kwarto at sinarado iyon. Gusto ko munang magpahinga, medyo napagod din ako sa araw na ito. NAGISING ako dahil sa ingay na narinig ko na nagmumula sa ibaba. Kaagad akong napatay

