-Uno "Hi, Aira. Bago mo?" Sabay turo niya sa akin habang nakangisi. If I'm not mistaken... siya iyong ex ni Aira. "Stop it, Ryan." Madiin na pagkakasabi ni Aira kaya napatingin ako sa kaniya. Nakikipagtitigan siya sa lalake, na Ryan ang pangalan. Halatang walang gusto magpatinag kasi talagang nakatitig sila sa isa't isa. Pabalik balik nga iyong tingin ko sa kanila, e. At nang madako na naman iyong tingin ko sa Ryan na ito, iyong kaninang ngisi na nakapaskil sa mukha niya, napalitan ng pagkagat sa lower lip niya – para siyang tumiklop kay Aira. Let me guess. Hindi niya kinaya iyong pagtitig niya kay Aira. Halata naman na may nararamdaman pa siya para kay Aira, e. Well he wouldn't butt in like that kung wala na para sa kaniya si Aira. Natandaan ko bigla iyong eksena na ginawa nila duon

