-Uno "Han, answer this." Sabi ng prof namin sa math. Napatingin naman ako kay Aira. Nakatungo siya tapos napansin ko pa na kagat kagat niya iyong lower lip niya habang hawak iyong notebook niya. Hindi niya ba alam iyong sagot? "Han, stand up and answer this." Pagalit na pagkakasabi ng prof namin saka ako nakarinig ng malakas na tunog kaya napatingin ako sa harap. Ibinagsak pala ng prof namin iyong palad niya sa whiteboard. Halos lahat ng kablock namin, nakatungo. Ang hirap naman kasi ng itinuturo niya, e. Terror pa naman itong prof na ito. Ilan na kaming ipinahiya nito sa block namin pero imbis na mapahiya kami, inis lang ang nararamdaman namin. "Psst." Alam kong masama ang sumutsot pero ginawa ko pa rin para lang makuha iyong atensyon ni Aira. "Psst." Katabi ko lang naman siya kaya

