-Uno
It's the third day of taping for our project. At, as usual, kapag uwian na, diretso park kaagad para sa shooting.
"Baraguda, teka nga." Huminto siya sa paglalakad at tinignan ako ng masama. Kinuha ko iyong isang clip sa bulsa ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa damuhan saka siya nilapitan.
"Ano na naman ba?" Singhal niya sa akin habang bitbit iyong dalawang plastic bag na naglalaman ng mga props namin.
"Kahit kasi ilang beses mo na akong pinatay sa isip mo at kahit ilang beses mo na akong pinagtangkaang patayin sa totoong buhay, may awa pa naman ako." Inilahad ko iyong clip kaya napatingin siya duon. "O, gamitin mo."
"Ano iyan?"
"Baka hairclip?" Sarkastikong sagot ko sa kaniya. Tanga lang. Hairclip lang, hindi pa niya alam.
"Alam kong hairclip iyan pero pasa saan iyan?"
Tss. Alam naman pala niyang hairclip, magtatanong pa kung ano ito. Kaya lang nagtanong na naman ng pangtangang tanong.
"Baka panglinis ng kuko-"
"Bwisit!" Sabay hampas niya ng mga plastic sa akin. "Akin na nga!"
"Saan mo gustong ilagay ko? Sa bibig mo? Sa ilong mo? Sa tainga? Saan?" May hawak kasing dalawang plastic, kukuhanin pa sa akin. Tanga lang. On the first place, ako rin pala ang tanga kasi inioffer ko sa kaniya, e, may hawak nga siya.
"Alam mo, bwisit ka forevs." Lalagpasan na dapat niya ako pero hinawakan ko iyong patilya niya kaya napatigil siya. "Ano ba?! Masakit!"
Hindi na lang ako nagsalita at humarap sa kaniya tapos hinawi ko iyong sidebangs niya saka ko ikinlip iyon. Pawisan na kasi siya dahil nga sa init – samahan pa ng buhok niya na hanggang dibdib iyong haba. Mukha kasi siyang sinabunutan ng elepante kanina kaya tinawag ko. Kawawa naman kasi.
"Goma?" Tinitigan ko siya sa mata saka inilahad iyong kamay ko sa level ng mukha niya.
"Ano bang trip mo?"
"Gom... huwag na pala." Sinabi ko saka ko ibinaba iyong kamay ko. May goma palang nakalagay sa wrist ko. Kinuha ko naman iyon saka pumunta sa likod niya.
Iniayos ko iyong buhok niya para maiponytail kaya lang nagpupumiglas siya kaya nagtatalo kami habang inaayos ko iyong buhok niya. Pero in the end, naiayos ko naman na. Pero wow lang, ang bango niya. Puwedeng pagkakitaan ang pawis nito.
"Bakla nga ito – aray!" Sinamaan niya ako ng tingin dahil sa ginawa kong pagpukpok sa ulo niya.
"Tinulungan ka na, nang-aasar ka pa. Kung hindi ka rin isa't kalahating tae, e. Isang pang tawag mo sa aking bakla, hahalikan na talaga." Banta ko tapos napatingin ako sa buhok niya na iniayos ko saka sa clip. Kung bakit may clip ako sa bulsa? Pinagdala ako ni Karen. Kailangan raw kasi sa scene. Ewan ko lang kung saan at ano iyong scene at kailangan pa ng clip. Siguro pangsaksak sa lalamunan ni Aira? Tss. Asa pa naman na magkakaroon ng ganuong scene. Pero bahala na. Hangga't hindi pa gagamitin iyong clip, sa kaniya na muna. "You know... lagi ko ring ginagawa sa kaniya itong ganito dati."
"Sa ex mo?" Naalis naman iyong tingin ko sa buhok niya saka siya tinignan sa mata dahil nagsalita siya. I was about to say na hindi ko ex si Jane pero nauna siyang magsalita. "Move o... nevermind." Binangga niya iyong balikat ko nang daanan niya ako saka naglakad kung nasaan iyong iba naming mga kagroup.
Naman. Bakit kailangan ko pang sabihin iyon? Bakit kailangan pang mag-open ako sa kaniya? Ano ba iyong iniisip mo, Uno, at kailangan mo pang sabihin iyon? Nakadroga ka ba? As if naman na may pakielam iyon. Hindi nga yata marunong makisimpatya iyon. Psh.
Pero... tama nga naman siya. Kahit na pinutol niya iyong sasabihin niya, alam ko na move on iyon.
Tang ina naman kasi, ang hirap magmove on. Hahahahaha.
Tama na, Uno. Inaalala mo na naman siya e. Nagiging unfair ka sa sarili mo. Ikaw, naiisip mo pa siya – e, siya? Iniisip ka ba niya sa paraang gusto mo na isipin ka niya? Malamang hindi kasi puro Terrence na nasa utak nuon. Isipin ka man nuon, bilang kaibigan lang. Baka nga iniisip nuon, a, si Uno? Okay lang iyon duon.
Kung umamin at lumaban lang sana ako.
Patawa ka, Uno. Kahit naman lumaban ka noon, halata namang mas gugustuhin pa niyang sumama kay Terrence kaysa sa iyo, e. Kaibigan ka lang. Kung lumaban ka, wala kang mapapala at magmumukha ka lang tanga. Lalaban ka, e, simula pa lang – hindi ka pa nga umaatake – talo ka na. Espada si Terrence, toothpick ka lang. Anong laban mo sa espada kung toothpick ka?
"Magkano raw?" Tanong ni Troy na may kasama pang pagkamot sa batok niya.
"Twenty pesos raw ang isa." Sagot naman ni Karen sabay tingin kay Geraldine.
"Manong, ang mahal naman?" Sabay na tanong ni Troy at ni Joy sa tricycle driver.
"Pero ganuon talaga pamasahe dito." Biglang sinabi ni David kaya napatingin kami sa kaniya.
"Yaman mo. Araw araw, bukod sa pamasahe mo sa jeepney, may kwarenta ka pang ginagastos na pamasahe? Ayos." Sabi ni Karen sabay tingin sa tricycle driver. "Manong, saan ba punta nito at ganuon kamahal ang pamasahe? Papuntang Japan ba ito?"
"Hija-"
"Tara na." Napatingin naman kaming lahat kay Aira nang magsalita siya. "Dumakdak man kayo diyan, hindi magbabago presyo niyan." Sabi niya sabay punta sa upuan sa likod ng tricycle driver.
"Dapat pala dinala ko na lang iyong kotse ko." Sabi ko habang nailing tapos tinignan ko sila. "Sakay na." Tumabi na rin ako kay Aira sa likuran dahil alam kong magsisiksikan sila duon sa loob ng tricycle. Pang-apatan lang kasi iyong sa loob. Nilagyan ng kahoy para may maupuan.
"Anog ginagawa mo at bakit dito ka umupo?" Malamig na pagkakatanong niya habang nakatingin sa pawn shop sa harap.
"Ayoko nga sa loob, ano. Ang sikip-" Napatigil naman ako sa pagsasalita nang marinig ko iyong reklamo sa pwesto nina Karen tapos napatingin rin ako sa kanila pagkahawak ko sa bakal sa gilid ko.
"Paano ito?! Lima tayo, e, pang-apatan lang ito?!" Narinig kong angal ni Karen.
"Dito na lang ako, bahala na kayo magsiksikan diyan." Sabi naman ni David. Boses niya narinig ko kaya alam ko na siya iyong nagsabi.
"Gago ka ba?! Kung mahagip ka ng mga sasakyan diyan?!" Pasigaw na tanong ni Geraldine, na halatang magfifreak out na.
"Hindi iyan. Manong, tara na!"
Bago pa man mapaandar nuong driver iyong sinasakyan namin, narinig ko silang sinasabi sa driver na huwag muna umandar pero si David naman, isinisigaw na umandar na kasi ayos naman na. Nakita ko pa nga iyong dalawang braso na hinihila iyong laylayan ng damit ng tricycle driver, e. Malamang sina Karen at Geraldine iyong nanghihila ng damit. Tapos nang inistart na ni manong iyong engine, mas lalo silang nagtalo talo. At alam ko na si manong ay nagugulahan na kung sino ang susundin.
Sa totoo lang, nakakatawa. Nagkakagulo kasi sila duon sa loob – na naging dahilan kung bakit kami pinagtitinginan ng mga taong nadaan. Hindi ko lang alam kung paano iyong pwestong ginawa nila at walang aberyang nangyari dahil wala naman kaming narinig na sigaw na nadisgasya si David.
Nandito na kami sa tapat ng bahay ni David. Thank God naman kasi buo pa siya nang makarating kami rito. Nasabunutan pa nga siya nina Joy, Karen at Geraldine dahil pinakaba niya raw kasi niya sila.
Well, ang lugar ngayon na pupuntahan namin ay hindi dito sa bahay ni David kung hindi sa garden na malapit dito. Siya nagsuggest na itry namin iyong location na iyon since maganda nga raw duon. Actually, pinakitaan niya kami ng picture nuong garden and I can say na maganda nga.
If you're asking kung ano iyong lagay ng pag-acting namin ni Aira, maayos naman. Bihira lang kami magretake ng ilang scenes at hindi ko maitatangging magaling si baraguda. Nadadala niya talaga iyong role niya kaya nadadala na rin ako sa pag-acting kahit pa never pa akong umacting. Wala, e. Nadadala kasi ako sa kagalingan niya.
Kaya nga minsan, nagtataka iyong mga kagroup namin kung bakit grabe na lang kami magbangayan – to the point na halos magpatayan na kami – pero kapag dating sa shooting, ang galing raw namin.
Well, what can I say? Gwapo ako, e.
Oo na, ang hambog ko.
Oo nga pala. Nasa point na kami na magkaibigan na kami ni Aira. Mas lalong nahuhulog sa isa't isa. Tapos na iyong tinginan-sa-malayo scenes namin.
"Okay lang ba kayo diyan?" Tanong ni tita habang hawak iyong isang bowl ng ginatang mais na para kay David. Siya na lang kasi iyong natitirang walang bowl ng pagkain.
"Opo, tita." Sabay sabay naming sagot kay aling Mara. Kaya tita kasi iyon na lang raw ang itawag namin sa kaniya kasi kaibigan naman raw kami ng anak niya. Mabait si aling Mara. Sobra.
Kaniya kaniyang tunog ng bowl dahil sa pagdampi ng kutsara rito iyong naririnig ko. Ang sarap kasi talaga ng luto ni aling Mara. Nakakamiss tuloy iyong luto ni mama. Masarap rin kasi iyon magluto kaya lang busy masyado sa trabaho.
"Kung gusto niyo pa, sabihin niyo lang sa akin."
Um-oo na lang kami saka dumiretso si tita sa counter ng karindirya nila. Ulam pati mga pagkain pangmeryenda kasi iyong ibinebenta nila. Marami rin ang nabili sa karindirya nila kaya sobrang busy talaga ni aling Mara. Si David naman, minadali iyong pagkain para makatulong siya kay aling Mara.
Mabait na anak ito si David. Halata naman.
Medyo maingay rin dahil sa ibang estudyante – mga estudyanteng taga-ibang school. I think they're only high school students base sa uniform nila. Medyo maingay sila. Iba iyong level ng ingay nila sa level ng ingay ng college students – grabe iyong kanila.
Nang matapos kami duon, dumiretso na kaagad kami sa sinasabing garden ni David – na hindi naman kalayuan sa bahay nila. Siguro two streets away lang.
"Okay, ang scene ngayon ay..." Sabi ni Geraldine habang nagbabasa at nakaturo sa notebook niya, kung saan niya isinusulat iyong scenes na dapat naming gawin ni Aira. "Ang sweet pala masyado ng naisulat ko." Matawa tawang sinabi niya habang nakatingin sa notebook na hawak niya.
Naglapitan naman sila duon at nakitingin sa notebook. Kami ni Aira, nandito sa damuhan, nakaupo lang dahil ready na kami para sa kung ano mang scene ang dapat gawin.
Napakunot naman iyong noo ko nang magtawanan sila. Ano ba kasi iyong eksena? At saka, ano raw? Masyadong sweet?
"Tang ina. Hindi ko maimagine na sila gagawa niyan." Matawa tawang sinabi ni Troy.
"Anong nangyayari sa iniyo?" Tanong ko dahil ayaw magsalita ni Aira at nilalaro niya lang iyong d**o. Hinihintay ko kasi siya magsalita pero ayaw talagang magsalita kaya ayun, ako na lang iyong gumawa.
"Wala. Wala." Sagot naman ni Karen na nagpipigil ng tawa tapos may kasama pang pagkumpas ng kamay. Ang weird nila. Ano ba kasi iyong nakakatawa?
Tumikhim si Geraldine sabay turo sa amin. "Pwesto na nga." Sabi niya habang nakatingin at nakaturo pa rin sa amin.
"Extras, tara na." Sabi ni Troy sabay hila niya sa iba pa.
"Uno, higa."
"Ha?" Higa? Bakit ako hihiga?
"Basta, humiga ka." Kahit naguguluhan, ginawa ko naman na. "Aira, tumabi ka kay Uno." Tinignan ko siya at nakita kong nakakunot iyong noo niya habang humihiga. "Lapit pa. Ang distansiya niyo, oy." Nagscoot naman kami ni Aira palapit sa isa't isa dahil nga inutos ni Geraldine. "Okay. Heto na. Dito niyo na iaact iyong ipinabasa ko sa iniyo kahapon – iyong scene thirteen. Iyong emotions, huwag niyo pa rin alisin, ha?"
At dahil wala akong magawa, kahit na naalibadbaran ako sa nabasa namin kahapon, tumango na lang ako saka pumikit at humugot ng malalim na paghinga.
Nakakakilabot naman kasi iyong nabasa namin, e! Kaya pala tawa sila nang tawa.
"Bakit kasi kailangan pang ikaw ang dapuan niyan?" Panimula ni Aira para sa scene saka ako dumilat. Lumapit naman si David na may hawak ng video cam para mas makuhanan kami ng maayos. Pumikit ulit ako pero mas mariin na this time. "Sa dami ng... taong puwedeng dapuan niyan, ikaw pa na hindi dapat dapuan ang dinapuan ng sakit mong iyan."
Without opening my eyes, nagsalita ako matapos kong bumuntong hininga. "Well, that's life. Isa ako sa minalas, e." Iminulat ko iyong mga mata ko saka humarap kay Aira habang nakaunan iyong ulo ko sa braso ko. Bale nakatagilid ako para makaharap ko siya. Nakapikit lang siya habang nakalagay sa noo niya iyong braso niya.
Kumilos naman siya tapos humarap sa akin. Parehas na kaming nakaharap sa isa't isa at parehas pa kami ng pwesto. Medyo nagulat lang kaya natulala ako sa kaniya kasi bigla siyang ngumiti habang patuloy lang sa pagdaloy sa pisngi niya iyong mga luha niya.
"Fu..." f**k.
"Okay lang iyan. Sasamahan naman kita labanan iyan. F-Friends tayo, hindi ba?" Masiglang sinabi niya.
Hindi ko alam gagawin ko. Masyado akong nabigla. A-Ang ganda nga niya.
Shet! Nakalimutan ko iyong linya ko! Bwisit!
Bahala na!
"Friends... oo." Mahinang pagkakasabi ko. Parang pabulong na nga, bwisit. Napangiti na lang ako ng kusa nang itinaas niya iyong pinky finger niya. Inabot ko naman iyon at ikinawit rin iyong hinliliit ko sa hinliliit niya.
"Promise, sasamahan kita."
--
"Grabe. Ang ganda pala talaga niya, ano?" Narinig kong sinabi ni Troy.
"Oo nga." Si Geraldine ito. "Mas gumanda siya noong ngumiti na."
Pinagkakaguluhan nila iyong video cam at pinanunuod iyong shoot kanina pero hinayaan ko na lang sila. Ako, heto, nakatingin sa babaeng nag-aayos ng bag sa damuhan.
Katatapos lang naming magshoot. Buti na lang at hindi na nagretake kahit na nag-adlib lang ako kanina kasi nakalimot ako sa lines ko dahil sa biglaang pagngiti ni Aira. Mali nga raw kami ng mga sinabi pero buti na lang raw at nakapag-adlib kami.
Well, that's all thanks to Aira.
Nakakagulat naman kasi talaga. Iyon ba iyon? Iyon iyong ngiting ipinapakita niya dati? Ngiting kahit may bahid ng kalungkutan, napakasarap pa ring tignan.
Ang makata ko, tae.
Halata naman kasing may pinaghuhugutan siya. Hindi siya iiyak ng ganuon kabilis kung wala siyang pinaghuhugutan. Kahit siguro artista, kapag on the spot na ganuon iyong pagshushoot, mahihirapan magproduce ng ganuon karaming luha kahit pa gaano sila kagaling. O baka nga gumamit pa sila ng eyedrops para lang magkaluha pero si Aira, grabe.
Mas lalo tuloy akong naging desidido na pasayahin siya, na pangitiin siya palagi para makita ng lahat kung gaano siya kaganda kapag nakangiti siya. Sayang kasi kung hindi ipinapakita ng isang babae iyong ngiti niya – ngiting mas nakakapagpadagdag sa kagandahan niya.
I'll just clear something to you guys. I'm not falling for her, okay? That, I'm sure. Humahanga ako sa ganda niya. True. Crush? Paghanga is crush, hindi ba? So, yeah. I crush her face. Teka. Parang mali yata? Crush ko siya dahil sa mukha niya. Iyon.
Tumayo ako saka ko siya nilapitan. "Okay ka lang?"
"Oo, okay lang ako at umalis ka sa harapan ko."
Napailing na lang ako dahil sa kasungitang taglay niya. Kailan ba mababawasan kasungitan nitong babaeng ito? Parang laging may dalaw.
Tsk. Naalala ko na naman tuloy iyong dalaw niya na nakita ko.
"Aira, puwede ba tayong mag-usap?" Napatigil naman siya sa pag-aayos sa bag niya at napatingin sa akin.
"Hindi."
"Sige na. Kukulitin kita hangga't hindi ka pumapayag, sige ka."
"Hindi." Inirapan niya lang ako saka niya ipinagpatuloy iyong pag-aayos sa bag niya. Ang tigas talaga ng bungo nitong babaeng ito. Hedbatin ko kaya ito? Baka sakali kasing bumait.
"Basta. Kapag hindi tayo nakapag-usap bukas, ako pupunta sa bahay niyo." Tatayo pa lang sana ako para lapitan iyong iba nang makapag-ayos na ng mga gamit kaya lang bigla siyang nagsalita.
"Bakit ba ang kulit mo?"
"Bakit ang tigas ng ulo mo?"
"Ho-Hoy! Nagsisimula na naman sila! Awatin niyo! Nagbabangayan na naman iyong dalawa!" Narinig kong sigaw ni Geraldine kaya pumihit ako at humarap sa kanila habang nakangiti saka umiling kaya napatigil sila sa paglapit sa amin. Humarap naman ulit ako kay Aira pagkatapos nuon.
"Ano ba kasi gusto mo?"
"Maging... you know what? Bukas na lang." Nakangiting isinagot ko saka tumayo at pinagpagan iyong pwetan ng pantalon na suot ko.
"Bwisit ka, Eru."
"I know, Han. I know." Matawa tawang sinabi ko. Nakakatuwa kasi iyong itsura niya. Nakasimangot kasi.
Humiga ako sa kama pagkatapos kong hubarin iyong t-shirt at pantalon ko. Boxer shorts lang ang itinara ko since hindi ako sanay matulog na nakadamit. Kailangan talaga, nakaboxer lang ako para kumportable ako sa tulog ko. Kinuha ko na rin iyong cell phone na ibinato ko sa kama kani-kanina lang bago maghubad.
"Hi, ma." Bungad ko nang sagutin ni mama iyong tawag. Tinawagan ko kasi. Obvious?
It's so effin' tiring. Ang dami naming ginawa ngayon, ha? Kakauwi ko lang kasi. Kanina rin iyong shoot. Pero bago kami nag-uwian, dumaan muna kami kay aling Mara para magpasalamat at magpaalam.
Wala naman kaming napag-usapang kakaiba ni mama. Nangamusta lang ako at tinanong niya kung ano iyong lagay ko dito at kung masaya raw ba ako.
Now that she asked that, masaya nga ba ako dito? Masaya nga ba ako sa desisyon kong lumayo sa lugar na iyon?
Medyo. Medyo masaya naman.
Malamang naman kasi na kung nagstay pa rin ako duon, para ko na ring ibinitay sarili ko.
Staying there is suicide for me. There are too many good memories of me and her on that place. And those memories will flash through my thoughts – and it'll hurt when that happen. Knowing that we'll never be together while staying there? It'll kill me... emotionally.
Err. Kumulo bigla tiyan ko kaya napahawak ako duon.
Hindi pa pala ako nakain? Oo nga. Hindi pa pala ako nakain ng dinner.
Kahit tinatamad, pinilit kong bumangon sa kama at nagsuot ng basketball shorts at t-shirt, tapos kinuha ko iyong wallet sa bulsa ng pantalon ko pati na rin iyong cell phone kong inihagis ko ulit sa kama.
Naman, o? Bakit kasi hindi ko pa naisip na kumain bago bumalik sa unit ko? Edi sana hindi na ako lalabas at matutulog na lang pagkatapos maglinis.
Lukot na lukot iyong pagmumukha ko habang papunta akong elevator. Tang ina naman kasi. Pinagsabay sabay pa ng katawan ko iyong katamaran, pagod at gutom.
Nakakamatay!
Dumiretso na lang ako sa 7-Eleven dahil alam kong kapag sa restaurant pa ako kumain, matatagalan pa bago maiserve iyong pagkain. Baka nagkainan na iyong intestine ko bago pa man maiserve iyong pagkaing oorderin ko.
Oo, ganuon na talaga ako kagutom.
Pero hindi ko ineexpect na makikita ko ang nakikita ko ngayon.
It's Aira, with a kid. Batang lalake.
Hindi niya ako napansin na pumasok dahil busy siya sa pagkausap sa bata. Umiiyak kasi iyong bata. Napapatingin na nga lang iyong ibang tao sa loob nitong store kasi ang ingay nuong bata, e. At saka, paanong hindi pagtitinginan, mukhang gusgusin iyong bata, may kumot pang nakabalot sa katawan tapos mukha pang kano.
Kumuha muna ako ng Big Bite, dalawang sandwhich, Jungle Juice tapos bottled water. Kukuha na lang ako ng iba kapag kinulang ako. Takte. Gusto ko na kumain. Binayaran ko na muna sa cashier iyong mga pinamili ko saka ako umupo sa tabi nuong bata – bale nasa gitna na namin siya ni Aira.
"A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Aira habang nakatingin sa akin. Halatang nagulat siya. Nanglaki kasi iyong mga mata niya.
"Anong ginawa mo sa bata?" Pagbalik tanong ko sa kaniya, na may bahid ng pananakot.
"Wala ka na duon." Binaling naman niya iyong paningin niya sa bata saka hinagod hagod iyong likuran nito. "Stop crying na. Please."
"Lagot ka sa mga magulang ng batang iyan." Gamit iyong pheriperal vision ko, nakita ko na napatingin na naman sa akin si Aira. "Kikidnapin mo na lang, sa public place mo pa – aray!" Napahawak ako sa tagiliran ko kasi bigla niya akong kinurot duon.
"Anong kidnap ang pinagsasasabi mo? Nagulat na nga lang ako kasi bigla niya akong nilapitan nang pumasok ako dito." Bigla namang umiyak iyong bata kaya nabaling na naman sa bata iyong atensyon niya. "Stop crying, baby. Hush na." Sabi niya at pinagpatuloy iyong paghagod sa likod ng bata. Baby? Diyos ko, ilang taon na yata iyang batang iyan. "Gusto mo ba ng foods? What do you want to eat?"
"Lo-lollipop..." Sagot nuong bata habang pinupunasan iyong mga luha niya gamit iyong likod ng palad niya.
Ayos rin itong batang ito. Gusto lang yata magpalibre, dinaan pa sa iyak. Para-paraan ka, boy.
Pero mukha siyang mayaman. Angat iyong kaputian niya kahit pa gusgusin siya – well, kano, e. The hell! Nakita ko pa na nakarubber shoes nang tumingin ako sa paanan niya. Mukhang bago lang nga iyong sapatos kaya lang nadumihan. Iyon lang, para siyang may sugat sa ulo kasi iyong buhok niyang dirty blonde, may tuyong dugo.
"A, wait lang, ha?" Tumayo si Aira saka lumapit sa cashier – nanduon kasi nakalagay iyong ibang mga sweets.
"Daddy?"
Napating naman ako sa bata nang magsalita siya.
Takte! Bakit siya nakatingin sa akin?!
"Nasaan tatay mo, bata?" Baka kasi nakita niya somewhere. Tapos tumingin siya sa akin para magpasama kung saan niya nakita tatay niya.
"I can't understand you." Sabi ko nga, kano siya.
"Where's your dad?"
"You look just like him." Sabay turo niya sa mukha ko.
"Ganuon? How old are you?" Sabay kagat ko sa Big Bite. Ang sarap!
"Nine."
"Where-" Napatigil ako sa pagtatanong nang magsalita si Aira – na kakaupo lang pala sa tabi nuong bata.
"Here," Sabat abot niya sa bata nuong hawak niyang lollipop nang mapatingin kami sa kaniya. "It's already open-"
"Nakikita nga namin, Aira. Hindi kami bulag-"
"Hindi ka kausap, huwag kang epal."
I just shrugged at pinagpatuloy iyong pagkain ko. Pinabayaan ko na lang siyang kausapin iyong bata tutal tumahimik naman na sa kakaiyak. Bahala sya sa batang iyan. Hindi ko na problema iyan. Problema ko na nga kung papaano ko siya maging kaibigan, poproblemahin ko pa ba naman pati itong bata? Hindi na uy, salamat na lang.
"O, bata, sa iyo na ito." Sabay abot ko ng Jungle Juice na binili ko na para sa kaniya talaga. Para tumahimik na. At saka, para maisip ni Aira na mabait ako kaya dapat niya akong kaibiganin.
"Thank you."
Tumingin naman ako kay Aira – na nakatingin rin pala sa akin. Hindi ko alam kung ano natakbo sa utak niya at hindi ko siya mabasa kasi pokerfaced lang siya. "Baraguds, una-"
"Tulungan mo ako."
Kumunot noo ko duon, ha? It's really unusual na humingi ng tulong itong si Aira – tapos sa akin pa? Wow.
"Tulungan? Saan?"
"Dito." Sabay tap niya sa balikat ng bata. "Baka mamatay ito."
Ano? Ano raw? Baka mamatay? Ang weird nitong babaeng ito.
"Ano? Bakit naman mamamatay iyan? May sakit ba iyan?" As far as I can remember, wala akong narinig na sinabi ng bata na may taning na buhay niya. O, baka naman bago pa ako dumating, nasabi niya na kay Aira na may taning na buhay niya? Pero baka kaya mamamatay kasi may sugat sa ulo? Ewan!
Pero sino namang siraulo ang magsasabi sa isang bata na mamamatay na ito?
"Sira! Wala. Utak mo. Kasi..." Napakagat siya ng labi sabay tingin sa ibang direksyon. "Mahilig ako sa bata."
What the f*****g reason?!
"Porque mahilig ka sa bata, ikamamatay na nito?" Sabay turo ko sa bata habang natawa. "Baliw ka ba? Ako tigilan mo ako, baraguds, ha?"
"E, kasi! Kasi... baka hindi makahinga iyan kapag nanggigil ako."
Mahilig siya sa bata... hindi makahinga kapag nanggigil...
Makes sense.
"O? Paano kita tutulungan?"
"Duon mo muna siya sa unit mo."
Napanganga ako sa isinagot niya. What the eff?! Hindi nga ako marunong mag-alaga ng bata, tapos duon ko pa patutuluyin sa unit ko?! Hindi bale sana kung anak ko ito, ang kaso, hindi, e!
"Hindi nga ako marunong-"
"I'll do anything! Sabi kasi niya, iyong daddy niya papatayin siya kaya tumakas siya sa kanila. Wala naman na rin daw kasi siyang mommy kaya, ayun. Sinasaktan siya, Uno. Tignan mo pa, o," Sabay taas niya sa dalawang braso ng bata. At, oo nga, may mga pasa iyon. Hindi ko iyon napansin kanina, ha? Hindi lang pala iyong sugat iyong sign na may nananakit sa kaniya, pati pala iyong mga pasa niya sa braso.
Uhhh... anything?
Anything raw, Uno!
"Fine." Kinuha ko iyong bata mula sa kaniya saka iyon hinila palapit sa akin. "You said you'll do anything. Just one condition, Han."
"A-Ano?"
"Let's be friends."