-Uno
Papunta na ako ngayon sa school. Inaantok pa nga ako, sa totoo lang. Ilang oras lang naitulog ko dahil sa panunuod ko ng walkthrough videos ni Markiplier sa YouTube. Inaalam ko kasi kung paano ako makakaadvance sa nilalaro ko dahil nahihirapan na ako.
Oo nga pala. Iyong dalawa, umuwi na kanina. Gusto pa sana nila magstay kaya lang, may pasok rin sila. Umabsent lang kasi sila nang pumunta sila dito.
"Bakit kasi iniwan niya? Ang careless ng babaeng iyon." bulong ko sa sarili nang sumulyap ako sa tabi ko habang nagdadrive. Nakapatong kasi iyong uniform ni Aira duon pati iyong... uhh... panty niya.
Nilabahan nga yata niya, eh. Ang bango kasi. And I know what you're thinking. Hindi ko inamoy iyong panty! Ano ako?! Manyak?! I'm also wondering kung anong ginamit niyang sabon kung wala naman akong sabon panglaba sa cr ko. Hindi rin naman amoy shower gel ko iyong uniform niya o kahit na iyong sabon ko.
Sabagay. Isa pa akong tanga, eh. Hindi ko man lang naisip na damit at boxer ko pala iyong suot niya nang ihatid ko siya. Tanga! Tanga! Tanga ka, Uno!
Pero teka nga. Anong gamit niyang underwear noong inihatid ko siya? Hindi ba't nagkastain siya? So malamang hindi niya magagamit iyong panty na natagusan. Don't tell me... s**t ka, Uno! Huwag ka mag-isip ng kababuyan!
Kasalanan ko ba kung kusa na lang pumapasok sa utak ko ang mga kung ano-anong imahe?
Napabuntong-hininga ako saka ko hinigpitan ang hawak ko sa manibela. Makikita ko na naman si Aira. Ibabalik ko pa iyong uniform at panty niya sa kaniya. Diyos ko! Balak ko na nga siyang hindi pansinin, eh! Siyempre naman, kailangan ko pa rin magpalamig at baka matuluyan ko siyang patayin. Remember, kakaibiganin ko pa iyon. Nadala lang talaga ako ng inis kagabi kaya ko nasabi na hindi ko na siya kakaibiganin. Gusto ko makita iyong ngiti niya kaya I won't give up that easily.
Tuloy pa rin kasi iyong Operation: Kaibiganin si Baraguda kahit na sinaktan niya ako pati si best friend.
"Good morning." bati sa akin nina Angel at Mae nang mailapag ko na iyong bag sa upuan ko.
"Oh, bakit mukhang may dalaw ka, Uno?" tumatawang tinanong ni Derek. Lumapit rin naman si Oliver saka ako inakbayan.
"Wala. Badtrip lang." Binuksan ko iyong bag ko saka kinuha iyong plastic na pinaglagyan ko ng uniform ni Aira. Pero siyempre, nasa gitna ng uniform niya iyong panty. May makakita pa, mahirap na.
"Whoa! Bakit mayroon ka niyan?" manghang tanong ni Oliver saka bumitaw sa akin. Kukuhanin niya sana iyong plastic pero inilayo ko sa kaniya saka ko siya sinamaan ng tingin. Expected ko nang ganiyan ang magiging reaction nila kapag nakita nila itong plastic. Magdala ba naman ako ng plastic na may uniform na pangbabae, sinong hindi magtataka? Huwag lang nilang maisip-isip na nagcocrossdress ako. Taena, maipapakain ko talaga sa kanila iyong sapatos ko.
"Kay Aira ito." Isinara ko na iyong bag ko saka tumayo habang bitbit iyong plastic. "Sige, ibibigay ko lang ito."
Bago pa man ako malayo sa kanila, narinig ko pa iyong mga tanong ni Oliver. "Close sila ni sungit? At bakit nasa kaniya iyong uniform? Ano iyon?"
Nilapitan ko naman si Aira, na kasalukuyang nakaubob sa armchair ng upuan niya. Nakacivilian rin siya ngayon. Natural, nasa akin kasi uniform niya. Wala ba siyang extra? Oo nga pala, naglipat ako ng puwesto kasi nga dahil sa mga naging kaibigan ko. Kaya ayun, hindi na kami magkatabi.
"Hoy." Tinusok ko iyong braso niya pero walang nangyari. Hindi man lang niya iniangat iyong ulo niya. "Hoy." Ganuon ulit pero wala pa rin. "Ho--"
"Ano ba?!"
Tae. Nagulat ako duon, ha? Mukha siyang dragon na ready na akong kainin nang iniangat niya na ang ulo niya.
"Oh." Inilapag ko iyong uniform niya sa armchair. "Dala mo ba iyong damit at boxer ko?"
"Naman. Ayokong magtago ng gamit ng manyak, ano." Kinalkal niya iyong bag niya tapos inilabas iyong plastic duon kaya nakita ko iyong itim na damit at iyong kulay blue na boxer ko sa loob ng plastic.
"Ako? Manyak? Mukha mo!" Ipinalo niya iyong plastic sa balikat ko pagkasabi ko nuon kaya automatically, iniharang ko ang mga braso ko para pangsalag.
"Mukha ko? Maganda!"
"Talaga?! Talaga?! Ha! Umasa ka pa!"
"Oh, my god! Ano iyan?!" sabay na sigaw ni Angel at Mae, na hindi ko napansin na nandito na pala sa likod ko, kaya napatingin sa amin iyong ibang mga kablock namin.
"Nagjerjer kayo?!" pasigaw na tanong ni Mae habang nakatingin sa amin.
"Shut up!" sabay na isinigaw namin sa kaniya.
"Tignan mo!" Nabaling naman iyong atensyon ko kay Aira nang sumigaw na naman siya. "Lapit ka kasi nang lapit sa akin!"
"Sino bang tanga na nag-iwan ng uniform niya sa cr ko?! Iniwan mo pa pati--" Napatigil ako sa pagsasalita kasi bigla siyang tumayo tapos iyong mukha niya pa, sobrang pula.
Takte, muntik na rin ako duon, ha? Bakit ko sasabihin pati iyong panty?! Tarantado ka talaga, Uno!
Nang tumayo siya, hindi niya pa rin tinatanggal iyong masamang tingin sa akin. Akala niya siguro aatrasan ko siya? Asa siya! Exception siya sa mga babae dahil papatulan ko talaga itong baraguda na ito kahit pa kakaibiganin ko siya!
"Eh, sino ba ang manyak na yumakap-yakap sa akin?!"
Tumawa ako habang nakapamewang pero iyong tawa ko, halatang-halata na sobrang sarcastic. Baliw na talaga itong babaeng ito. "Baka ikaw ang nauna?"
"Teka! Eextra! Nagjerjer nga kayo?!" [asigaw na tanong na naman ni Mae.
Ano ba kasing jerjer iyon?!
"Shut up!" sabay naming isinigaw ni Aira.
"Kung ako pala nauna, sana tinanggal mo na lang! Hindi iyong yayakap-yakap ka pa sa akin! Malay ko bang nayakap kita kung nakatulog ako! Ang sabihin mo, tamang tsansing ka rin! Manyak!"
"See?! Edi inamin mo rin!"
"Na ano?!"
"Na ikaw unang yumakap! Ahoy! Huli ka, ano?!"
"Augh!" Kinuha niya iyong bag niya tapos inihampas sa braso ko kaya napahawak ako duon. "Manyak!"
"Dwende! Lumaklak ka ng cherifer para maabot mo lock ng unit ko!"
"Kapre ka naman! Kapreng manyak!" Inihampas niya sa dibdib ko iyong plastic saka iyon binitawan. Buti na lang nasalo ko. Pesteng ito. Dudumihan pa. Nakakailang hampas na rin siya, ha?! Kapag ako, nabanas, hahampasin ko rin ito! "Ang panget-panget mo, nakuha mo pang mang manyak?! Mukha kang avatar!"
"Mas mabuti nang matangkad kaysa pandak! Dwende! At ano?! Ako?! Panget?! Baka gusto mong supplyan kita ng eyemo para luminis iyang mga mata mo at nang makita mo kagwapuhan ko?! Mukha kang piranha! Baraguda!"
"Aaaaahhh! I friggin' hate you!" Then again, hinampas niya ulit ako sa braso ng bag niya saka siya nagwalkout.
Talunan!
"Don't worry! I hate you, too!"
"Manyak!" pahabol niya bago siya lumabas ng room.
Akala niya siguro uurungan ko siya! Kaonti na lang! Kaunting-kaunti na lang, mapopompyang ko na siya!
Bumalik na lang ako sa upuan ko saka itinago iyong plastic sa bag ko. Nagkani-kaniyang hila naman ng upuan iyong apat saka ako pinalibutan.
Ano ba ang problema ng mga ito?
"Nagjerjer nga kayo?"
"Ano ba, Mae? Manahimik ka na nga lang. Kitang naiinis ako sa baraguda na iyon, eh."
"Iyon iyon!" sabi ni Derek saka sila nag-apir ni Oliver.
"Nagdo nga sila!" Tumawa si Oliver saka sumaludo sa akin tapos tinapik niya ako sa balikat. "Congrats, pare! Si sungit pa talaga, ha?! Ang lupit, nadali mo!"
"Alam niyo, ang gulo niyo." Kinuha ko na lang iyong bag ko saka naglakad papunta sa pintuan ng room. Tae. Iyong mga kablock namin, kung makatingin naman sa akin.
Ano ba iyong pinagsasasabi nila? Jerjer? Do? Hindi ko sila maintindihan.
--
"Po?!" sabay na naisigaw namin ni Aira. Napansin ko nga na napatayo rin siya kagaya ko nang marinig ang project nang sabihin iyon ng prof namin, eh. Nakakagulat naman kasi talaga iyong innanounce nito.
"Is there a problem, Ms. Han? Mr. Eru?" tanong ng prof namin habang nakapamewang tapos iyong kilay nito, nakataas.
"N-No." Then again, sabay na naman kami. Nang mapatingin ako sa kaniya, tumingin rin siya sa akin. At iyong tingin niya, sobrang sama. Kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.
Aba! Kasalanan ko ba na ipartner sa kaniya?! Ginusto ko ba?! Mas gugustuhin ko pa na makapartner iyong rabbit ko kaysa sa kaniya, eh! At oo, may rabbit ako. Nanduon nga lang sa Makati.
Makuha nga iyon kapag free ako.
May isasama pa ba itong araw na ito? Naging rumor na sa block namin iyong hiwaga na ginawa raw namin. Nagsimula ito nang marinig kami ni Aira na nagbangayan, eh. Bwisit kasi. Kahit hindi ko ugali ang magpaliwanag, nagpaliwanag ako pero parang hindi sila naniniwala at sinabi pa nuong iba, defensive raw ako so baka totoo nga. Pakshet sila. Sarap lang nilang pektusan.
"And your group members are..." Sinabi ni prof iyong mga pangalan ng kasama namin sa gagawing project habang ako, nakatungo, iniisip kung anong puwede mangyari sa project habang ginagawa namin. "I'll give you 15 minutes to talk with your group members."
Bwiset!
Nagsilipatan naman sila ng upuan. Iyon nga lang, hindi nila alam kung sino lalapitan nila sa amin ni Aira. Nasa magkabilang dulo kasi kami sa likuran.
Patigasan ba ito?! Augh! So ang nangyari, ako na lang ang lumapit. Diyos ko naman, oh. Tinitignan ko rin siya ng masama habang naglalakad. Paano kasi, habang nalapit ako, ang sama ng tingin niya sa akin. Bwisit lang.
"So ano? Kayong dalawa raw ang tatayong leader ng group." ani Geraldine nang makapagform na kami ng bilog. All in all, seven kami sa group. Ako, si Aira at lima pa.
At kailan pa nagkaroon ng dalawang leader sa iisang group? Diyos ko naman kung mag-isip iyong prof namin. Sakyan na nga lang. Pero ayoko ng matrabaho.
"Si Han." sagot ko sabay turo kay Aira, na napatigil sa pagsusulat ng mga pangalan ng members namin duon sa papel na hawak niya. "Siya lang leader dito."
"Anong ako?! Tayo raw!" Pansin ko lang, parang gusto niya akong patayin ngayon dahil sa sama ng tingin niya sa akin kanina pa. Iyong boses rin niya nang sabihin niya iyan, sobrang nagpipigil lang na sumigaw.
"Whatever. Pero ikaw talaga iyong leader." balewalang sagot ko. Bahala siya magalit. "And I'm going to be the supervisor."
Ayos ng trabaho ko, ano? Utakan lang iyan.
"Prof. Oropeza," pagkuha niya sa atensyon ng prof namin matapos tumayo. "Juan's not cooperating with us--"
"What the?!" Napatayo na rin ako dahil mali iyong accusation niya, pati na rin sa pagtawag niya sa pangalan ko, na shet lang kasi ayokong marinig! Ayoko lang maging leader, hindi na nakikicooperate?! At saka, may trabaho naman ang supervisor, ha?! "Hoy, Han, umayos ka!"
"Talaga namang--"
Hindi niya natapos ang sinasabi niya kasi hinila siya paupo ni Joy at ako naman, hinila rin paupo ni Troy.
"Prof, okay lang po kami dito." pagsapaw ni Geraldine nang pumihit siya paharap sa prof namin.
"Yeah, prof. Okay lang po kami."
Sige, bubugbugin ko na lang sa isip ko itong babaeng ito. Bwisit. Samaan talaga ng tingin iyong gusto niya. Pagbigyan. Matunaw sana siya sa titig ko.
Nang maidiscuss na iyong mga gagawin para sa first project namin, which is gagawa kami ng short story na ivivideo, isinulat na nila iyon saka kinausap iyong prof namin. Kami ni Aira, heto, nag-aapakan ng paa.
Hindi ko naman maitodo iyong p*******t ko kasi babae pa rin ito kahit baraguda ito, eh. Siya kasi, todo kung todo.
"Okay. Since ang dalawang leader ng group ay gustong magpatayan, napagdesisyonan naming kami na ang mag-aarrange ng mga gaganap without consent from the both of you." Pumunta si Troy sa harap namin saka tinignan ang papel na pinagsulatan nila ng kung ano.
See how great of a leader am I? Ni iyong papel na hawak ni Troy, hindi ko alam kung anong nakasulat. Wow. Kaya ayokong magleleader, eh.
Nandinto kami ngayon sa gilid ng campus. Nasa labas kami tutal naman wala na kaming subject na papasukan. Kaya heto, bago raw kami umuwi, aayusin muna namin iyong story. Wala akong alam sa ganiyan, bahala sila mag-ayos.
"Yeah. Nakausap namin si prof at ang sabi niya, iyong mga napiling leader raw iyong gaganap na bida--"
"Honto?! (Really)" Napatayo ako duon, ha? "What the f**k naman?!"
Putek naman, oh!
"You're so stupid talaga!" Napatingin naman ako kay Aira na nakatingin ng masama sa akin. "Kahit magwala ka diyan, we can't change what prof already said!"
"Ako?! Bobo?!" Idinuro ko siya. Ang kapal! Bobo raw ako?! Medyo lang! "Kung ako, bobo, tanga ka naman! Conyo conyo ka pa! Hindi bagay uy! Mukha kang wannabe!"
"Chaka mo naman, mukha kang tiyanak!"
"At talagang lumalaban ka, ha?! Tapang mo, ha?!" Nilapitan ko siya kaya siya tumayo mula sa pagkakaupo sa bench.
"Talagang lalaban ako! Akala mo kung sino ka!"
"Tingala ka ngayon, ano?! Dwende ka kasi!" Nakatingala kasi siya since hanggang baba ko lang kasi siya. Pandak ang puts.
"Bakla ka naman! Pumapatol ka sa babae! Bakla!"
"Bakla?! Ako?! Baka kapag hinalikan ka ng tinatawag mong bakla, mahimatay ka?!"
"Yuck lang! Kadiri!" Inirapan niya ako tapos bigla siyang umarte na parang sumusuka. Hindi naman ako nakakadiri, ano!
"Sus! Kadiri?! Ang sabihin mo, nagagwapuhan ka sa akin! Na kaya mo ako pinoprovoke para mahalikan kita! Hindi ako tanga, uy! Para-paraan ka, ha?!"
"Ha! As if naman! Feeling mo ang gwapo mo?! Ang liit-liit nga ng mata mo, eh!"
"Tsinito kasi ako! Tanga! May lahi ako!"
"Oo, may lahi ka nga; bulldog ka kas--"
"Tama na nga iyan!" pagsapaw ni Karen na pumagitna na sa amin. "Paglayuin niyo nga muna iyang dalawag iyan! Bilis! Baka magpatayan na!"
Sumunod naman ang mga kagroup namin. Hinila ako ni David pati ni Troy sa side nila at hinila naman si Aira nina Geraldine, Joy at Karen sa side nila.
"Pakainin niyo ng sili iyang lalakeng iyan para tumahimik!" sigaw ni Aira pagkaupo niya ulit sa bench kasama nuong mga girls na umaawat sa kaniya.
"Edi sa iyo na nanggaling na lalake ako! Tanga!"
"Tama na iyan! Hindi tayo matatapos, eh! Simulan na natin ito. Maikli lang iyong palugid natin, guys. Make love and peace, not war."
"Make love?! Diyan sa babaeng iyan?! Hindi na, uy!" hirit ko habang nakatingin ng masama kay Aira, na masama pa rin ang tingin sa akin.
"Ha! Talaga naman kasing ayaw mo makipagmake love sa babae dahil lalake ang gusto mo!"
"At talagang--" Hindi ko natuloy iyong sasabihin ko kasi biglang may nagtakip ng bibig ko.
"Pre, tama na. Babae iyan." sabi ni David. Kasama niya rin si Troy na pumigil sa akin sa pagtayo.
Nakita ko namang napafacepalm si Geraldine, na nakatayo sa gitna namin.
Hindi na lang ako nagsalita pagkatanggal ko ng pagkakatakip ng kamay ni Troy sa bibig ko. Talagang pinaiinit ng babaeng iyon ang dugo ko. Naupo na lang ako ng maayos sa bench na inuupuan namin saka nakinig sa sinasabi ni Geraldine.
Ayoko pang mamatay dahil sa highblood kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko sa idinidiscuss ni Geraldine. Kaya lang, habang sinasabi niya iyong mga kailangan sa eksena, ganito ganiyan, napapailing talaga ako at nasasabi ko pa: "Diyos ko po." "Hindi." "No." "Parusa ito."
Diyos ko naman kasi. Ang plot na gagawin naming short story on video, romance! At ang malala, kami ni Aira ang gaganap na bida! Kami ang lovers! Taena! Can you imagine the horror kapag sobrang sweet namin sa isa't-isa?!
So ang kwento, tragic kasi. Si lalake, na ako ang gaganap, may sakit. Tapos si babae, na si Aira ang gaganap, matagal nang may gusto kay lalake. Ganuon rin naman si lalake. Lagi lang nilang pinagmamasdan ang bawat isa mula sa malayo. Dahil nga may sakit si lalake, mahohospital siya. At ang ending, mamamatay iyong lalake pero bago pa man siya malagutan ng hininga, magcoconfess muna siya sa babae at ganuon rin naman si babae. Hindi iyan iyong buong plot pero iyan na iyong summarized version. Dadagdagan na lang raw nila.
Tae naman. Kanina ko pa isinasuggest na si Aira na lang iyong mamamatay kaya lang nagawa na iyong storyline kaya ako na talaga iyong mamamatay. Himala kasi naging gloomy iyong aura niya habang ikinukwento iyong plot.
Oo nga pala, namatayan siya. Iyon nga lang, hindi niya naman siguro lover iyong namatay, hindi ba? Pero kung hindi niya lover iyong namatay, bakit natahimik siya habang nagkukwento si Geraldine?
Sinabi ko pa na siya na lang iyong mamamatay. Minsan, hindi talaga ako nag-iisip bago magsalita. Ang insensitive ko rin – bobo pa, pero kaonti lang. Kahit naman kasi galit ako sa baraguda na iyon, I should think first bago ko siya pagsalitaan nang pagsalitaan. Hindi naman rin kasi biro iyong pinagdaraanan niya. Mas malala pa kamo sa pinagdaraanan ko. Ano ba naman iyong sawi sa nawalan ng kaibigan, tinaguan ng kaibigan, binreak ng boyfriend at namatayan pa, hindi ba?
Nagiguilty tuloy ako.
At sakto naman na pagtingin ko sa kanan, nakita ko iyong vendor ng turo-turo yata iyon o tusok-tusok. Iyong fishballs, kikiam, etsetera-etsetera.
Dahil naguilty ako, bibili ako kasi ayokong dalahin itong guilt sa dibdib ko hanggang sa pag-uwi. At least, kahit papaano, mababawasan iyong guilt ko dahil inilibre ko siya, hindi ba?
Nagpaalam muna ako sa kanila na bibili lang ako saka nilapitan iyong nagtitinda ng fishballs. Medyo nahirapan pa ako sa pagkuha ng mga paninda dahil nga sa harutan ng mga babae. Itinutulak kasi ng tatlong babae iyong dalawang babae palapit sa akin. Tae lang.
"Kuso." bulong ko dahil napapaurong ako gawa ng pagtulak ng mga babae. Tinignan ko si manong vendor habang nakasimangot. "Boss, ikaw na lang. Limang kwek-kwek, limang kikiam pati limang fishballs. Dalawang baso, ha? Parehas lang iyong laman."
Tumango naman si manong saka inilagay sa dalawang malaking plastic cup iyong mga binili ko. Nang mabayaran ko na, umalis na kaagad ako pagkakuha ko ng dalawang baso. Medyo nakakairita kasi iyong mga babae duon, ang haharot!
"Oh," Inilahad ko ang baso sa harap ni Aira at alam kong nagtataka siya.
"Ano iyan?" Umiwas ako ng tingin dahil tinignan niya ako sa mata habang salubong iyong mga kilay niya.
"Baka pagkain iyan?" sarkastikong sagot ko. Tae kasi. Bulag ba siya? Hindi ba obvious na pagkain iyong nasa baso?
"Alam kong pagkain iyan pero para saan iyan?!"
Nakakagigil na talaga itong babaeng ito!
"Baka para sa tiyan?!" Tinignan ko na siya at sinalubong iyong masamang tingin na ipinupukol niya sa akin. "Para saan ba ang pagkain?! Panglinis ng tenga?! Mag-isip ka nga!"
"Hindi na, sa iyo na lang iyan! Malay ko ba kung safe iyan!"
"Grabe ka naman! Kung makareact ka diyan, parang may bomba itong mga kwek-kwek! Kuhanin mo na!"
"Ibibigay mo na lang kasi, mang-iinsulto ka pa!"
"Ang arte mo kasi!"
"Akin na nga!" Hinablot niya sa akin ang para sa kaniya saka ako inirapan. "No thank you, ha?!"
"Aba't! Ayos ka rin, ha?! Ikaw na inilibre, ayaw mo pang magpasalamat?!"
"Sinabi ko ba na ilibre mo ako?" Hindi ako nakasagot. Hindi naman kasi niya sinabi. At saka, nagkusa ako dahil pangpaalis ng kaunting guilt sa katawan iyon kaya ko siya inilibre. "See? Hindi ka nakasagot kaya no thank you." Dumila siya saka tumayo at naglakad-lakad.
"Kuso." bulong ko dahil sa sobrang frustration. Umupo na lang ulit ako sa bench na inuupuan ko kanina habang nakasimangot. Tinignan ko rin iyong mga laman ng baso ko na walang sauce. Wala akong tiwala sa mga sawsawan ng mga nagtitinda ng mga tusok-tusok, eh. Pati nga iyong kay Aira, hindi ko nilagyan.
Iyong mga kagrupo namin, ayun, nagbe-brainstorming. Bahala sila diyan. Wala naman kasi akong alam sa story making. Aba! Ako na gaganap na bida, pasasakitin ko pa ulo ko diyan sa pag-iisip ng story? Hindi na lang.
--
Juan, nandiyan ngayon sa Manila sina Jane at Terrence. Kahapon pa sila diyan. Bibisitahin raw kasi ni Jane iyong tita niya.
Tignan mo nga naman. Pagkagising ko iyan kaagad ang bumungad sa akin nang tignan ko iyong cell phone ko para alamin iyong oras.
Si Jane kasi iyong... mahal ko at iyong Terrence iyong bago niya. Well, not really bago dahil bago ko pa man maging kaibigan si Jane, sila na ni Terrence. Nagkahiwalay lang talaga sila tapos nagkabalikan habang kaibigan ko si Jane. Sila iyong dahilan kung bakit nandito ako ngayon sa Manila. At si Jane ang babaeng gusto ko nang kalimutan.
Kahit mag-iisang buwan na ako dito, aaminin ko, hindi pa rin ako totally moved on. Siguro kaonti pero masakit pa rin kapag iniisip ko iyong mga bagay na konektado duon sa babaeng iyon.
Hindi naman kasi ganuon kadaling magmove on. Oo, it's really easy to say na magmomove on na pero mahirap gawin. Marami pang proseso. But I'm really doing my best para makamove on. Hindi naman fair na siya, nakamove on na sa sakit kasi nga sila na ulit nuon ni Terrence. Ako? Ano? Magpapahuli ako sa pagmumove on? Ganuon? Hindi ako tanga, ano.
Tumayo na ako sa kama saka nag-ayos tapos dumiretso na ako sa campus kahit hindi pa nakakakain. Sa campus na lang ako kakain dahil tinatamad ako magluto. Nakita ko naman ang barkada na nakaupo sa nakapabilog na puwesto ng mga upuan nila pagkalapit ko.
"Anong mayroon?" tanong ko nang mailapag ko iyong bag ko sa upuan na nakapuwesto sa likod ni Derek.
"S.O.S" sagot ni Oliver.
"Good morning, Uno." sabay na bati ni Angel at Mae habang tutok pa rin sa papel sa gitna nila.
Napailing na lang ako saka nilapitan iyong mga kagrupo ko dahil tinawag ako ng mga ito. Sabi nila, pupunta raw ng Intramuros mamaya para masimulan na iyong shoot. Duon raw kasi kukuhanan iyong first scene. First meeting raw namin ni Aira. Bumalik naman na ako sa upuan ko nang matapos na iyong meeting namin.
Matatawag ba na meeting iyon kung sinabi lang na pupunta kami ng Intramuros tapos pinaalis na ako?
Since apat na subjects lang kami ngayon, maaga kaming makakalabas ng campus. At nang matapos ang apat na subjects na iyon, dumiretso kaagad kami sa Intramuros. Iyon lang, medyo nagkaroon lang ng aberya kasi cutting si Aira the whole three subjects namin. Nakita na lang namin siya sa harap ng campus nang lumabas kami para hanapin siya. Hindi naman na rin nila ito tinanong kung saan nagpupupunta kasi nagmamadali rin kami.
"Okay. Dala niyo bang dalawa iyong damit niyo?"
Tumango naman kami ni Aira sa tanong ni Troy. Kinuha ko sa bag ko iyong damit ko. Nakasuot naman na ako ng khaki short na pinatungan ko lang ng black pants. Tapos kanina, bago kami lumabas ng room, isinuot ko na iyong Vans (shoes) ko.
"Duon sa dulo, may cr duon. Duon na kayo magpalit." utos ni David.
Naunang naglakad si Aira papunta sa cr kaya bumuntot na lang ako dahil hindi ko alam ang lugar na ito. Balak ko talaga, duon na lang magtanggal ng polo at sando kaya lang, may mga tao kasi. May mga turista pa nga. Medyo naiilang kasi ako kapag ganuon. Hindi ako sanay na walang suot na pang-itaas sa public. Sa unit ko, oo, lagi akong walang suot na damit, talagang boxer lang. Pero in public? Ha. Hindi ako maghuhubad, ano.
Pero teka. Kanina ko pa napapansin, ha? Parang lakad lang kami nang lakad ni Aira. Ang layo naman ng cr na iyon?
"Hoy, alam mo ba kung nasaan iyong cr?" Napatigil naman siya sa paglalakad saka ako hinarap... at nanlalaki iyong mga mata niya.
"Akala ko, alam mo?"
"Ano?! Kanina pa tayo palakad-lakad, hindi mo naman pala alam?! Ikaw pa nasa unahan, oh?! Sinusundan lang kaya kita!"
"Pinakikiramdaman lang kaya kita! Naman! Nasaan na ba tayo?!" Inilinga-linga niya iyong paningin niya pero frustrated pa rin dahil wala talaga kaming makitang cr.
"Aba! Malay ko! Ikaw taga-Manila, hindi mo alam itong lugar na ito?!"
"First time ko ito dito, ano! Hindi ako gala!"
In the end, napagdesisyunan naming ceasefire muna at hanapin iyong cr dahil kung magbabangayan lang kami, wala kaming mararating. Nagtanong tanong na rin kami sa mga nadadaanan namin hanggang sa makarating na nga kami sa destinasyon. Tae nga kasi lumagpas na pala kami at ang layo-layo na namin.
Ginawa ko na iyong dapat gawin sa cr saka lumabas. Hinintay ko na lang siya sa tapat hanggang sa matapos siya. Ang tagal-tagal naman kasi ng babaeng iyon.
"Uno?"
Si Terrence? Nandito siya. So ibig sabihin... nandito rin si Jane.
"Terr--"
"Terrence!" Napalingon naman ako sa pintuan ng cr at iniluwa nuon si Jane na kasabay sa paglabas si Aira. "Oh, Uno!" sabay kaway nito sa akin habang nakangiti. Nilapitan naman niya kami ni Terrence saka siya kumawit sa braso nito. "What a coincidence. Biruin mong magkikita tayo tapos dito pa?"
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Parang tinatadyakan ng limangdaang baboy iyong dibdib ko. Ako naman itong si martyr, hindi ko pa inaalis iyong tingin ko sa kanila. Sa totoo lang, namiss ko si Jane. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang hilahin palapit sa akin at hindi na ibigay kay Terrence, kaya lang... mali iyon.
At of all days and time, talagang ngayon pa kami magkikita, ha? Sobrang coincidence naman nito.
Napakagat na lang ako ng labi saka nilingon si Aira na kalalapit pa lang sa akin. Should I introduce her to them?
"Ja--" Hindi ko naman natapos iyong sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita.
"Uno, hindi na kita macontact. Sabi kasi nina Christine nagpalit ka na raw ng sim. Tapos hindi ka pa nagpaalam--" Hindi rin niya natapos iyong sasabihin niya nang magsalita si Aira.
"Tara na, babe?" pagkuha nito sa atensyon ko sabay hawak sa braso ko. "I'm sorry pero nagmamadali kasi kami ni Uno. May project kasi kami, eh."
Ano daw? Babe?
"Ganuon ba?" sabi ni Jane habang nakatingin kay Aira. Nakangiti pa siya. Mukhang masaya talaga siya. Ni hindi nga yata siya naapektuhan nang tawagin akong babe ng babaeng nakakawit ngayon sa akin.
Wala ka na talagang pag-asa, Uno. Hanggang kaibigan lang talaga tingin niya sa iyo.
"Sige, una na kami." Tumango naman iyong dalawa saka ako hinila ni Aira.
Habang naglalakad kami, nakahawak pa rin siya sa braso ko pero hindi rin naman nagtagal nang tanggalin niya iyon. Hindi ko rin maialis sa isip ko iyong eksena kanina. Iyong ngiti ni Jane. Iyong pagkawit niya sa braso ni Terrence. Ang sakit lang.
"Ex mo?" Mahinang tanong ng katabi ko. Tumango naman ako. Teka, bakit ako tumango, eh, hindi ko naman ex si Jane? She was never mine. "Ang manhid ng babaeng iyon. Hindi marunong makiramdam. Ang insensitive."
Hindi na ako umimik. Totoo rin naman kasing manhid si Jane. Buti pa si Aira, kahit hindi ako ganuon kakilala, nahalata niya kaagad na nasasaktan ako.
"Aira," Napahinto naman siya. Hinawakan ko siya sa braso saka hinila at niyakap. "Five minutes lang. Please."
"Tsk." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya saka ko naramdaman ang paghagod niya sa likod ko. Hindi naman ako umiyak. Nasasaktan man ako, walang tumulo ni isang luha habang yakap-yakap ko siya. Tama na iyong iniyakan ko siya sa Makati pero dito? Hindi na. Tama na. Sobra na kasi kung iiyakan ko siya pati dito. "Five minutes. After that, bumitaw ka na. Pasalamat ka at ceasefire tayo ngayon."
Hinigpitan ko lang iyong pagkakayakap ko sa kaniya. Ang sarap talaga niya yakapin. Ang sarap sa pakiramdam.
"Salamat, Aira."
"Anong salamat? Bayad ko ito sa ginawa mong pagtulong sa akin noong nagkaroon ako ng stain. Gusto kong bawasan utang na loob ko sa iyo kaya sa ayaw at sa gusto mo, ito na ang kabayaran nuon."
Natawa na lang ako sa sinabi niya pero mahina lang.
So she's actually caring, huh? Gusto ko pa tuloy na lubusan siyang makilala. What is she hiding behind her mask? Sa kabila ng pagsusungit at pagiging cold niya, ano kaya iyong Aira sa likod nuon? The information that Angel said was not enough para masabi ko na alam ko na kung sino si Aira.
I want to know her more.
Kaso... ngayon lang naman kami ceasefire. Mamaya, kapag nakabalik na kami sa group namin, tapos na iyong treaty namin.
Bahala na. Kapag ginalit niya ulit ako, aba! Make war, screw peace.