________ CJ's POV "You and me in the moonlight~ byeolkkot chukje yeollinbam,pado sorireul teulgo chumeul chuneun isungan ineukkim jeongmal ttagya badaya uriwa gachi nora barama neodo ijjogeurowa~"pagkanta ko habang nag-aayos ako ng mukha ko. ^_____^/ "Dalppit jomyeong araeseo neowa nawa sasanggwa da gachi party all night long~yeah it's good! If you wanna have some fun jjapjjalhan gonggicheoreom isungane teukbyeolhan haengbogeul notchijma! One two three let's go! Jeo Uju Wi— d=,=b "Carlizle Jelaine Garcia Yap! Kanina ka pang tinatawag kanta ka pa rin ng kanta,kung hindi ako pupunta dito sa kwarto mo at patayin yang napakalakas mong music hindi ka pa titigil..aish! Ang aga aga naghahasik ka nang lagim?"napalingon naman ako kay kuya na nakasandal sa hamba ng pintuan. "7:30 na bumaba ka na at kumain kanina ka pang hinihintay nila mommy..tsk!"napakamot siya sa ulo niya. "Paalala CJ may lahing chinese tayo pero wala tayong lahing koreano.."biro niya na siya lang ang natawa! Oo si kuya lang ang natawa! Sinamaan ko lang siya ng tingin pagkasabi niya ng walang kwenta niyang biro. "Ate huwag ka nang kakanta ulit ha? Kawawa na yung eardrums namin dito eh."biro ni Geon na ikinatawa ng lahat. "Oh siya nga pala CJ,your tito David asked me kung pwede kang mag sleep over sa kanila the day before Leana's Birthday..sa 28 to plan a birthday surprise. July 29 is her birthday right?"biglang sabi naman ni mommy out of the blue. "Yes,mommy and today is 24th of July."sabi ko naman at pinagpatuloy ang pagkain ng sandwich. "Ma'am,Sir nasa labas po si Jaxon at Grayson."napatingin naman kami kay manang. "Papasukin niyo po manang."sabi ni daddy at tumayo na. "Ano naman kaya ang kailangan ng dalawang ito at agang aga pumunta."binigyan ako ng makahulugang tingin ni Daddy at ako naman ay binigyan siya ng nagtatanong na tingin. =,= "Nako Carlizle maghanda ka na nang paliwanag mo mamaya tsk tsk tsk!"naiiking na sabi ni kuya na ikinatawa ni mommy. "Jel." "CJ." Natawa naman sila kuya dahil sabay pa nagsalita ang dalawa kaya naman tuluyan na akong tumayo at lumapit sa kanila. "Sasabay ba kayo sa mga little einsteins? Tamang tama diba kakaayos lang ng rocket ship nila—aray!"hinimas himas ko ang ulo ko na tinamaan ng throw pillow na binato ni kuya sakin. "Eion Gandrick!"saway ni daddy kay kuya. Binelatan ko naman si kuya na ngayon ay napingkot sa tenga ni mommy. "Aray naman mom! Aray!—opo hindi na nga—aray naman—mom nakakahiya!" "Aba! Eion baby nahiya ka pa kila Jaxon? Samantalang nung bata ka umiiyak ka dahil hindi kita nila-love love?"nakapamewang na sabi ni mommy kaya kami naman ay napatawa sa itsura ni kuya. "I think we're wasting the time of these two young man here."sabi ni daddy. "Uhm..hindi naman po tito,i just want to ask permission po kung pwede kong isabay sakin si CJ."—Gray. "Uhm tito I already asked you a permission yesterday that i'll fetch Jel from now on and i'll send her back safely."—-Blaine. Ah sus! Yun lang naman pala ang pinunta dito ng dalawa eh..gusto lang pala sunduin si CJ at Jel— O______O ?! Wait...ANO?! SUSUNDUIN NILA AKO?! AKO YON DIBA? PANGALAN KO YUN EH! CARLIZLE JELAINE AKO DIBA?!SO AKO NGA? "Oh i remember..since nauna ka naman Jaxon at pinayagan kita— "Let ate CJ choose na lang."singit naman ng magaling kong kapatid na si Geon. "Your son has a point."sabi naman ni mommy. =,= "Pareho ka namang safe sa dalawa CJ pero parang mas maganda kung ako na lang ang piliin mo dahil mas safe ka sakin at kuya mo ak—Aray naman mommy!"ayan tuloy na pingkot na naman siya ni mommy. Magsasalita na sana ako at pipili nang biglang may dumating at nakaagaw ng atensyon naming lahat. "Hi Tita! Hi Tito!" "Oh Lian hijo naparito ka?"natutuwang bati ni mommy. "Have you eaten hijo?"tanong naman ni daddy. "Uhm yes tito..I was just wondering kung pwede kong ihatid si Liz sa school?"bumagsak naman ang balikat ni Blaine at Gray sa narinig. Napatingin naman ako sa nag-slow clap na si Geon "Ano kaya ang meron at ang daming gustong magahtid sa ate ko? Kung hindi ka lang namin pinsan kuya Lian baka akalain kong may gusto ka kay ate eh."seryosong sabi ni Geon na ikinabigla namin. First time ko ata marinig na magseryoso si Geon ng sobrang seryoso ah? Oh my little einsteins! Dora the explorer Diego and jaguar! Winnie The Pooh and We bare Bears! Pororo the little penguins tawagan niyo ang Wonder Pets at sabihin kailangan ko ng tulong! X_______X "Aish! Hindi bagay ang pagiging seryoso sayo Geon!"pagbasag ni kuya sa katahimikan. "Mas komportable po ako kay Lian kaya sa kaniya na lang ako sasabay." "Better Luck next time young men!"sabi ni daddy. "Uhm sige po tito..tita,thank you po."sabay pa nilang sabi. Jaxon's POV Tch! Pasira talaga ang Lian na yon! Kala mo kung sino eh pinsan lang naman! Kung hindi sana siya umeksena edi kasama ko ngayon si Jel papunta ng R.U! *Cellphone Rings* Tch! Nagda-drive ako may tumatawag na naman! Buti na lang meron akong wireless na earphone sa right ear ko. "Hello I don't care who you are who disturbed me while i'm damn driving?!" [Woah..chill hon! Is that how you greet your girl?]she chuckled. Damnit! "I think you called a wrong number miss.."sabi ko at pinatay na ang tawag. Boses pa lang kilala ko na yon. Sinabi ko lang talaga na hindi ko siya kilala at baka masira na naman ang mood ko lalo. *Cellphone Rings* What the hell? "Don't ever fvckin' call me again De— [A-ah s-sorry Blaine..s-sige ibababa ko na..s-sorry t-talaga ha? M-may itatanong l-lang naman ako pero wag na pala okay lang...bye.]nanlaki ang mata ko ng napagtanto kung sino ang tumawag. What the fvck Jaxon Blaine?! Tang ina! Si Jel yon hindi yung babaeng yon! d>~