Leana's POV "Hay nako CJ tumahan ka na naman oh! Mamaya mapagkamalan pa akong nagpaiyak sayo mapagalitan pa'ko ni kuya pagnakita kang naiyak."natatarantang sabi ko habang nakaupo kami sa upuan sa may corridor. TToTT —CJ ( /=__=) Masasabi ko talaga na kahit may pagka-childish yang si CJ at mababaw ang kaligayahan mabilis rin maiyak at malungkot yan..alam niyo ba na wala pang nakakaaway yan? Yung seryosong awayan talaga ganon. "Oh anong ginawa mo diyan kay CJ Leana?"nagtatakang tanong nang kauupo lang na si Andra. "Ayst! Wala! Hindi ko nga alam kung bakit kanina pang umiiyak yan..pagkababa na pagkababa niya ng koste ni Lian eh nagtatakbo yan papunta sa'kin at bigla na lang tumulo ang mga luha niya!" .~~ "Huy CJ! Bes!"tumunghay naman ito at lumingon sa amin. TTvTT Bakit ang cute cute niya kahit nakasimangot siya at naiyak tapos nakapout pa ha! Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit halos mabaliw si kuya Gray dito kay bes tsk! Tsk! Tsk! Complete package ata tong si CJ no! Maganda Cute Matalino Mabait Talented oh diba? Saan ka pa? "Uy hala naiyak si CJ oh!" "Pinaiyak ba nila si CJ?" "Huy boba! Asa no magkakaibigan yan!" "s**t pre! Ang cute ni CJ kahit naiyak!" "Taena nakakainlove pa din kahit childish!" "Omooo ang cute talaga niya!" "What happened?"tanong naman nang kadadating lang na si Jen. Halos mag-iisang oras na kami dito at hindi pa rin namin alam ni Andra ang dahilan kung bakit naiyak si CJ..buti nga tumigil na siya sa kakaiyak pero nahikbi pa rin and ganon pa din ang itsura. Phoenix's PoV I'm Christian Phoenix Pringles,17 years nang nabubuhay sa mundong ibabaw. Kapatid ko ang baliw na si Andra Michailla na gwapong gwapo sa kuya niya! Syempre ang kuya niya walang iba kung hindi ako lang. >__~ "Omygosh tara dun! Naiyak daw si CJ!" "Ha?! Naiyak siya bakita daw?" "Hala ewan nga eh pero alam mo ba na kahit naiyak siya ang cute niya daw sobraaa!" "Sarap titigan pre!" "Naiyak daw si CJ?"tanong ko sa mga kupal na busy sa cellphone. "Tang ina ano?!"napabalikwas si Gray sa pagkakasandal sa upuan niya partida naka-headphones yan pero narinig agad yung sinabi ko. "s**t! Kung hindi lang talaga tumawag yung babaeng yon eh! Di sana hindi ko siya nasigawan!"aba ang mokong badtrip na naman hayst..mga babae lang naman ang katapat. Hindi magsigaya sakin loyal lang kay Micaella. "Hindi ko na talaga maintindihan yang dalawang yan."naiiling na sabi ni Dash nang sabay na tumayo ang dalawa at umalis na. "Miski ako hindi ko na rin maintindihan eh..nagagawa nga naman ng pag-ibig!"sabi ko at uminom sa hawak kong coke in can. Pinagpagan ko ang sarili ko at tumayo na. "Tara na nga din."aya ko sa kaniya. Pagdating namin sa corridor sa may room namin ay nadatnan namin si CJ na nakasimangot at nakapout habang may yakap na penguin na stuff toy. "Ayan na nga o pinakuha ko na sa driver nila yung penguin nakasimangot parin Kuya.."naiiling na sabi ni Leana na parang problemadong problemado. Bumuntong hininga si Gray at inayos ang buhok na nakatabing sa mukha ni CJ. ( " __ __) —-Leana. "What happened?"yumuko pa ito para pantayan ang mukha ni CJ. Tch! Ibang klase.. Lahat kami ay iniintay ang isasagot niya at parang bumagsak ang mga balikat namin ng iling lang ang sinagot niya. Ayst! Typical CJ.. "Sorry.."nabaling naman ang atensyon namin kay Jaxon. Aba isang CJ lang naman pala ang makakapagpasabi ng salitang "sorry" sa isang Jaxon Blaine! Grabe! talaga nga naman oh.. "Someone called then after that I thought she called again that's why i shouted and cursed..it turned out na ikaw pala yung tumatawag.." "Grabe hindi ko ata masikmura ang paghingi ng tawad ni Jaxon! Simula nung nawala si ano hindi na siya ganyan eh!"bulong naman sakin ni Bench na hinihingal pa. "Saan ka naman nagsusuot Bench?"tanong naman ni Dash. "Diyan lang sa tabi tabi.."nakangising sagot niya. Nako ako na lang talaga ang matinong lalake sa mundo! Tapos gwapo pa..ayst! Alam na alam ko na yung mga sagot na ganyan! Ibig sabihin nanghigit na naman yan ng chicks kanina. "CJ kuya Eion is going to come here.."nabaling naman ang buong atensyon ko sa nagsalitang anghel. d+o+b/ My Micaella...ayst! Kahit ano talaga gawin niya maganda pa rin eh! Gray's POV Nakakabad trip! Ang dami ko kasing naririnig na parang natutuwa pa silang naiyak si CJ dahil napakacute nito umiyak. Tapos ang mas nakakainis pa..si Jaxon pala ang nagpaiyak sa kaniya! Tch! Magkaibigan kami pero hindi ko talaga maiwasang mainis sa kaniya dahil sa ginawa niy—- "Someone called then after that I thought she called again that's why i shouted and cursed..it turned out na ikaw pala yung tumatawag.."i knew it..hindi niya sinadya..Calm the fvckin' down Erick Grayson ikaw ang maninira ng pagkakaibigan niyo eh hayst! I'm going crazy! "Hoy kuya bat para kang natatae diyan?"bulong ni Andra. "May gusto ba si Jaxon kay CJ? Kung ganon magkaribal na kayo?" Oo nga eh...Parang kelan lang nung tinawagan ko siya at tuwang tuwa kong binalita sa kaniya ang pagbabalik ni CJ..nasabihan niya pa nga ako na kabadingan ko daw yun tapos malalaman ko na lang kay tito Jax na gusto niya daw si CJ? Jaxon Blaine Rutherford may hidden agenda ka ba kay CJ? Parang kelan lang din nung pilit mong kinakalimutan ang babaeng nang iwan sayo. Sakto pa na dadating na nga daw uli yon tapos may iba ka nang gusto? What are you planning to do Jaxon? Gagawin mo bang panakip butas si CJ? Sana lang mali ang iniisip ko...