December 17... it's Monday. Sa Wednesday ang birthday ko at hindi naman ako gano'n kaexcited. Tinatanong nga ako ni Mommy kung maghahanda pa raw ba ako. Base sa boses niya, parang ayaw na niya akong ipaghanda. Hay... kahit kailan talaga si Mom. Though, wala naman akong say dahil wala rin naman akong balak maghanda. Gano'n daw kasi kapag malaki na, 'di ba? Parehas si Dad at Mom na hindi lumaking may handa kaya ayon ang sabi nila sa'min ni kuya. Kinukuwento pa nga sa'min na si Mom daw nakikihanda lang sa kapatbahay nila. Kasabay raw kasi niya ng birthday. And come to think of it, uso lang naman ang mga handa-handa o birthday party na 'yan sa mga bata. Kaartihan lang daw kapag malaki na. Tutal wala pa naman akong 18. Well, mukha ngang pati sa debut ko, wala ring handa. "Two triangles are

