Inipon ko ang mga buhok na humaharang sa mukha ko at saka inipit sa tainga ko. Ang lakas ng hangin sa labas kaya naisipan naming pumasok na rito sa classroom. Though, nae-enjoy namin 'yong hangin sa labas isabay mo na 'yong makulimlim na panahon – sakto lang para magsenti. Against nga lang si Elise sa hangin dahil nililipad 'yong mga pages ng notebook niya. "Elise, birthday ko na bukas... beke nemen..." Pabiro kong sabi at ngumiti. I heard her chuckle as she looked at me. "Nagbi-birthday ka pala– ouch! Beh talaga, hindi na mabiro!" Tinaas ko ang dalawang kamay ko para i-deny na ako ang nambatok sa kanya pero nginusuan niya lang ako. "May regalo ka na ba sa'kin?" Bumalik na ang tingin niya sa notebook niya. "Hala 'to... magre-review muna ako, mamaya-maya kasi aalis na kami." Tumango

