Tahimik lang na sumunod si Stephan kay Ms. Myrna ng pumasok sila sa isang silid at tumambad sa kanyang ang mga empleyadong nasa kanya kanyang cubicle at halatang busy na nakatutok sa sari-sariling computer. Bahagya syang ngumingiti pag may nalalagpasan silang bumabati sa kanila. She felt nervous but at the same time she was excited for her first job.
"Okey, this will be your table Stephanie." Turo ni Ms Myrna na huminto sa tapat ng bakanting cubicle na ang tanging laman lang ay computer at empty box na hula nya file organizer na nasa gilid.
Binalingan nito ang nasa kabilang cubicle. At halos mapaawang ang bibig nya ng tumayo ang taong nandoon dahil parang nakakita lang naman sya ng kalahi ng selermoon dahil nakacostume ito pati ayos ng buhok, make-up at damit.
"Stephanie this is Kira sya ang magtuturo sayo ng mga trabaho mo dito." Pagpapakilala ni Ms Myrna sa kanila.
Gusto nyang tumawa ng pumikit pikit ito na parang nagpapacute pa. Ang haba ng pilik mata nito. Gusto nya tuloy itanong kung hindi ba nabibigatan ang pilik mata nito.
Masayang nilahad nito ang kamay sa kanya. "Hello. Ang pogi mo naman. Sayang at may dibdib ka din kagaya ko." Napahagikhik ito sa sinabi.
"Kira.." Saway ni Ms Myrna dito at pinanlakihan pa ng mata.
Maarte namang nag peace sign ito sa kanya.
Mahina syang natawa. "Okey lang po. Sanay naman na po ako."
"Tell me Stephanie. Are you boy by heart?" Tanong nito na pakwelang pinikit pikit uli ang mata na parang nang aakit ang itsura.
Napailing sya. "Girl po ako ma'am." Walang pag aalinlangan nyang sagot. "Hindi lang po talaga ako marunong mag-suot ng damit babae." Paliwanag nya.
Laking gulat nila ng bigla nalang itong impit na tumili. "Eeeeee... may mabibihisan na ako." Pumapalakpak pa ito kaya nanlaki ang mata nya.
"No way!" Hindi nya mapigilang bulalas n
na ikinatawa naman ni Ms Myrna.
"Tigilan mo si Stephanie, Kira. Trabaho ang ituro mo sa kanya at hindi kalukohan." Saway naman ni Ms Myrna dito. "Anyway sa Monday pa naman sya magsisimula bali ioorient ko muna sya ngayon. Dahil wala ako sa Monday dito kana agad dumeretso sa table mo at si Kira na ang bahala sayo." Wika nito sa kanila kaya napatango sya.
"And I will be your partner in crime." Kindat nito sa kanyan kaya napatawa sya ng mahina.
"Yes. Sya na talaga ang magiging partner mo. Bali ang pinalitan mo dito ay ang partner talaga nya." Sang ayon naman ni Ms Myrna. "Pero hindi sa kalukohan. I want you to be productive as a team. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Yes Ma'am." Halos sabay naman silang sumagot ni Kira.
"Kuya!"
Tawag nya sa kapatid ng dumating sya sa bahay nila.
"Nandito ako sa kwarto." Sigaw naman nito mula sa taas kung saan sila natulog. Pumasok sya sa kusina at nakita nya ang box ng pizza sa ibabaw ng island counter.
Binuksan nya iyon at nakita nyang hindi pa nababawasan. Tinungo nya ang hagdan para puntahan ang kapatid.
"Hindi kapa kumakain?" Malakas nyang tanong habang papasok sa kwarto.
Nadatnan nya itong kinukusot ang buhok gamit ang tuwalya, halatang katatapos lang nitong maligo dahil amoy na amoy pa nya ang sabon at shampoo na ginamit nito.
"Hindi kapa kumakain?" Tanong nya uli habang pinapanood ito.
"Kakain palang sana. Ang aga mo yatang umuwi. Akala ko aabotin ka ng hapon doon." Takang tanong nito.
Pabagsak syang humiga sa kama. "Inorient lang ako ng boss ko kanina at kinuha lang nya iyong mga iba pang requirements na hindi ko pa napapasa." Sagot nya habang humuhikab.
"Kailan ka daw magsisimula?"
"Sa lunes na daw." Maiksi naman nyang sagot.
"Sa tingin mo kaya naman?" Tanong nito na matamang nakatingin sa kanya.
"Mukha namang madali ang trabaho at saka mukha namang mabait ang mga workmate ko. Lalong lalo na si Selermoon." Napangiti sya ng maalala si Kira.
Kumunot ang noo ng kanyang kapatid. "Selermoon?"
Tumawa sya. "Wala, naalala ko lang iyong magiging partner ko. Parang dadalo ng childrens party." Naiiling nyang kwento.
"So halos isang linggo ka pa palang bakante dito. Tamang tama malilibot pa natin ang lugar. Tumayo kana dyan at lalabas tayo para bumili ng gamit dito sa bahay. Deretso na tayong maggrocery mamaya." Yaya nito sa kanya at nagpatiuna ng lumabas.
Kahit nakakapagod ay nag enjoy sya sa pamimili ng mga kagamitan nila sa bahay. Hindi nya akalain na kukumpletohin na ng kuya nya mula sa furniture at appliances ang gamit nila. Mula sa sofa, mga bed. Dining table. TV. Ref. Lutoan. Pero hindi pa sila nakakabili ng mga kitchen utensils.
Ginabi sila sa pamimili kaya sa labas na sila kumain at wala pa naman silang mailuluto sa bahay dahil hindi pa naman sila nakakapagrocery dahil kinulang na sila sa oras. At ang kanilang pinamili ay bukas pa idedeliver sa kanilang bahay. "Kumuha tayo ng lutuan pero baka hindi mo gamitin ha." Wika ng kanyang kuya habang inaabotan sya ng pagkain.
Natawa naman sya. Alam kasi ng mga ito na tamad syang magluto. Hindi naman sa tamad, palagi lang kasing ang ina nila ang nagluluto. "Marunong naman akong magluto." Depensa naman nya.
"Kahit marunong kung tamad naman." Mahinang bulong nito saka sya nilukotan ng ilong.
Pero hindi na nya nasagot ang pangbubuska nito sa kanya dahil naagaw na ng pansin nya ang dalawang tao na nasa kabilang mesa parang nag aaway ang mga ito. Biglang tumayo ang babae at sinabuyan ng tubig ang mukha ng lalaki kaya napasinghap sya pati na ang mga iba pang nakakita. Nakatalikod ang kanyang kuya sa mga ito kaya hindi nito nakikita ang nangyayari. Pero dahil sa naging reaction nya ay napalingon na din ito.
Tumayo ang lalaki at malakas sinampal sa mukha ang babae kaya agad syang napatayo ng makita nyang lalapitan na naman ng lalaki ang babaeng nanabuy ng tubig.
"Hoy lalaking walang bayag!." Matapang nyang tawag dito. Pag lingon na paglingon palang nito sa kanya ay agad nyang sinalubong ng suntok ang mukha nito. Dahil siguro sa hindi sya nito napaghandaan ay nawalan ito ng balanse at natumba sa mismong mesa ng mga ito.
"Stephan." Gulat na sigaw ng kanyang kuya at agad sya nitong hinila sa braso. "Anong ginawa mo?" Gigil na tanong nito. Pero nakatingin lang sya sa lalaking nagmumura dahil sa pagkakabagsak nito.
Nakuha na nila ang atensyon ng mga taong nandodoon.
Akma tutulungan ng kuya nya ang lalaki pero iwinaksi nito ang kamay ng kapatid.
Tumayo ito at nagpagpag ng damit. Nakangisi ito habang hinahaplos ang tinamaan ng suntok nya. matalim ang mga mata na tumingin ito sa kanya. Nakita nya ang pagkuyom nito ng kamao kaya naging alerto sya. Mabilis namang hinarang ng kapatid ang katawan ng akmang susugorin sya nito.
"Pag-usapan natin ito pare." Mahinahong wika ng kapatid.
"f**k you!" Mura nito na itinulak ang kanyang kuya Shawn at mabilis itong lumapit sa kanya pero napigilan ito ng kanyang kapatid. Napasigaw nalang sya ng bigla nalang nitong sinuntok ang kanyang kuya kaya hindi na nya mapigilang kinuyom ang kamao at bago pa ito nakaharap sa kanya ay malakas na suntok ang binigay nya dito at hindi pa sya nakuntento ay dinamba nya ito at sunod sunod na suntok ang pinakawalan nya. Hindi ito makapurma dahil sa bilis nya.
Hindi nya alintana ang pananakit ng kanyang kamao na tumatama sa matigas nitong mukha.
"s**t! Stephan. Tumigil ka." Gigil na awat sa kanya ng kanyang kuya na pilit syang inilalayo.
"Tang-*na mo ka! Ano laban! Ilabas mo ang tapat mo. Lalaking walang bayag!" Galit syang kumakawala sa kapatid at ang lalaki naman ay pinagtulungan ding awatin ng guard at mga crew ng restaurant.
Nanginginig sya sa sobrang galit.
"Bitawan nyo ako!" Sigaw din ng lalaki na pumapalag sa pagkakahawak ng mga umaawat dito. Panay ang mura nito.
"Pre. Pag usapan natin ito ng maayos." Pigil din ng kanyang kuya na parang tinago pa sya sa likod nito pero pilit naman nyang inilalabas ang katawan.
Galit na bumaling ito sa babaeng nambuhos dito ng tubig. "Ano! sya ba ang lalaki mo ha?! Sya ba ang pinagmamayabang mo?!" Galit nitong duro sa kanya na pilit parin syang itinatago ang kapatid sa likuran nito.
Tumawa sya ng mapakla. Sinadya nya talagang linakasan para marinig nito. "Tang*na ka pala talaga e." Duro din nya dito na pilit umaalis sa likoran ng kanyang kapatid.
Pero hinarap sya nito at nakamamatay na tingin ang tinapon nito sa kanya. "Stephan. Sabi kong tumigil kana." Mariing wika nito kaya nanahimik sya.
"Anong nangyayari dito?!" Dumadagondong na tanong ng isang lalaking kadarating lang.
Napatitig sya dito dahil parang nakita na nya ito pero hindi lang nya matandaan. Pero nawala agad ang atensyon nya dito dahil sa lalaking kaaway.
Agad hinarap ito ng kanyang kuya at kinausap ito. Napag alaman nila na asawa ito ng may ari ng restaurant. Dahil sa matigas parin ang lalaki at wala yatang balak na magpaawat ay bumagsak sila sa presento.
"We have our CCTV footage Mr. Mariano at malinaw na ikaw ang unang nanakit at babae pa ang napagbuhatan mo ng kamay." Seryosong pahayag ni Mr. Santiago, ito ang asawa ng may ari ng restaurant.
"Baka naman po pwedeng pag-usapan nalang natin ito." Pakiusap ng babae na ngayon ay nakakapit na sa braso ng lalaki. Mag asawa pala ang mga ito.
Binalingan ito ng babae. "Babe. Tama na kasi. Sinabi ko na sayong wala akong lalaki bakit ba kasi ayaw mong maniwala ha." Nagsimulang tumulo ang luha nito. Natahimik silang lahat at tanging ang paghikbi lang nito ang naririnig sa kwarto. "Hanggang kailan mo ako pagbibintangan sa kasalanang hindi ko naman ginagawa. Hanggang kailan mo ako pagdududahan." Sumbat pa nito sa lalaki na nakakuyom lang ang mga palad. "Sorry kung wala akong oras sayo. Pero alam mo namang parati akong busy diba. Pagod ako palagi. Ayosin natin ito pakiusap." Pakiusap nito sa lalaking bahagyang lumambot ang itsura.
"Pasinsya na po kayo kung nakagulo kami sa inyo." Nakayukong wika ng babae habang pinupunas ang pisngi. Tumingin ito sa kanilang magkapatid. "Salamat sa ginawa mo at pasinsya na rin kung nadamay pa kayo sa problema namin." Pagpapakumbaba nito.
Bamaling ito kay Mr. Santiago. "Pasinsya na po sir. Babayaran nalang po namin ang mga nasira sa restaurant ninyo."
Hindi umimik si Mr. Santiago at mataman lang natingin sa babae.
"Mahal mo ba sya?" Napatingin sya dito dahil sa tanong nito sa babae.
Tumingin naman ang babae sa lalaki na nakayuko parin ang ulo at saka tumingin uli kay Mr. Santiago. "Mahal ko naman sya e. Kasalanan ko din kung bakit nagalit sya. Naging busy ako sa trabaho at napabayaan ko sila. Kaya nagdududa sya na may iba ako dahil nilalamon ng trabaho ang oras na dapat ay nakalaan sa kanila ng anak namin." Kwento nito habang patuloy na tumutulo ang luha sa mga mata.
Napabuntong hininga si Mr. Santiago. "Huwag nyo ng isipin ang mga nasira sa restaurant. Ayosin nalang ninyo ang problema ninyo." Wika nito.
Bago sila lumabas ay nagkamayan sila ng lalaki at naghingian ng paumahin sa isa't isa.
"Pasensya na sa nangyari sir." Nahihiyang wika ng kapatid kay Mr. Santiago habang papalabas sila sa presento.
Ngumiti naman ito. "Jef nalang pre. Wala iyon. Mabuti nga at nandoon kayo ng kapatid mo e. Atlest may nagtanggol doon sa babae baka mas lalong napagbuhatan iyon ng kamay kung wala kayo doon."
Napakamot naman sa ulo ang kapatid na parang mas nahiya sa narinig. "Iyon na nga e. Inawat namin dapat. E lumabas pa na kami ang nambogbog."
Natawa naman ito. "Ang tapang nitong utol mo eh." Biro nito sa kanya kaya nahaplos din sya sa batok dahil sa nahihiya din sya sa ginawa.
Hindi sya nahihiya na ipinagtanggol nya ang babae pero mali din ang ginawa nyang panununtok.
"Kaya nga nag aalala akong iwan dito ito e." Tumingin sa kanya ang kuya nya na parang nagdadalawang isip kung iiwan ba syang mag isa.
"Bakit saan ka pupunta pre?" Kunot noong tanong naman nito sa kanyang kapatid.
"Uuwi na ako Cebu pre. Kaluluwas lang namin kahapon."
"Cebu? Saan kayo sa Cebu?" Gulat na tanong nito.
Pero lalo silang nagulat ng malamang ito pala ang anak ng may-ari ang Hacienda Eliza na pinaglilingkuran ng dalawa nyang kapatid.
Kaya pala parang pamilyar ang mukha nito sa kanya.
"Tignan mo nga naman. Ang liit talaga ng mundo ano." Natatawang wika nito. "Kilala nyo si mama? Ang asawa at mama ko ang may-ari ng restaurant na pinanggalingan ninyo." Masayang balita nito sa kanila.
"Itong si Bunso ang palaging sumasama noon sa dalawa pero kilala ko ang mga magulang mo." Saad naman ng kuya Shawn nya.
"Kung wala kayong lakad bukas bisita uli kayo doon para sabay sabay na tayong magdiner. Matutuwa iyon."