bc

Beneath your beautiful

book_age12+
1.7K
FOLLOW
8.3K
READ
like
intro-logo
Blurb

Si Macky ay isang binatang ama na namromroblema kung saan maghahanap ng matinong yaya ng kanya anak. Dahil kung hindi matanda na ang nakukuha nila ay isa namang yayang mas gustong pang siya na ama ang alagaan nito kaysa sa anak nya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Kyaaaahhhh... tama na kuya. Hindi na ako makahinga...." Nagpapasag na sigaw ni Stephanie AKA Stepan sa tatlo nyang kuya na pinagtulong tulongan talaga syang kilitiin ng mga ito. Naninigas na sya sa katatawa pero hindi parin sya tinitigilan. Halos yata makaihi na sya sa kanyang salawan. Palagi syang pinagtuyulongan ng tatlo. Kasalanan din naman nya dahil gustong gusto nyang sutilin ang mga ito. "Pak! Pak! Pak! "Aray ko Maaa." Halos sabay sabay na daing ng mga ito at napasapo sa kanya kanyang balikat kaya nabitawan na sya ng mga ito. Imbis na maawa at matakot sya sa ina napahagikhik pa sya na naging tawa ng makitang pinagpapalo ng sanse ito ng kanilang Nanay. Sapo sapo ang tiyan na bumaba sya sa pagkakakandong sa mga ito at naupo nalang sya sa lapag habang tawa parin sya ng tawa. Hinuli kasi sya kanina ng kanyang kuya Steve dahil pinaglalagyan nya ng sili ang mga meryenda ng mga ito na burger. At dinala pa sya sa dalawang dambuhala nyang kuya kaya wala na syang lusot. Kalalaki ng katawan ng mga ito kaya sisiw lang ang lakas at bigat nya. "Sabi ko na sa inyong huwag ninyong masyadong kilitiin ang kapatid ninyo. Papaano kung manigas na naman iyan." Galit na sita ng kanilang Inay sa tatlo. Noong bata pa kasi sya. Sa sobrang katatawa nya ay naglock ang panga nya at nanigas sya at hanggang ngayon ay hindi makaget over ang kanilang inay. "Sya naman kasi ang nauna e." Parang batang reklamo naman ni SPO3 Shawn Santaana. Ito ang kanilang panganay. Isa itong tigasin pulis. Palaging seryoso. Pero mas matigas parin sya. Wala itong laban sa kanya. Haha... lalo na palagi nyang kakampi ang kanyang ama. Iwan nalang sa kanilang ina. Pinandilatan ng mata ito ng kanilang nanay. Wala itong magawa kundi kumamot nalang sa batok. "At ikaw namang matanda ka. Nandyan kana nga hindi mo man lang masaway ang mga ito." Gigil na binalingan nito ang kanilang ama na tahimik lang na nakaupo. Lihim silang napangising apat. Napakamot ang kanilang ama sa ulo. "Bat ako na namang ang nakita mo 'Ling." Short for Darling. Kahit kailan talaga ay napakalambing ng kanilang ama. Isa itong Municipal councilor sa kanilang lugar. Naramdaman nya ang mahinang sipa ng kanyang kuya Sherwin sa kanyang likod. Dito kasi sya nakatapat. Bali magkakatabi ang mga ito sa mahaba nilang sofa. "Maaa... Si kuya She Oh. Naninipa." Sumbong nya sa kanilang Ina saka binelatan nya ito ng makitang hindi nakatingin sa kanila ang kanyang Ina dahil paniguradong sapok ang aabotin nya. Ito ang pinakagalante sa tatlo. Pag kailangan nya ng pera at hindi sya binigyan ng ina ay ito ang nilalambing nya. Manager ito sa Hacienda Eliza malapit lang sa kanilang lugar. Ang kanilang ama ay tahimik lang na nagbabasa ng dyaryo pero alam nyang pinapanood sila nito. "Isa kapa She. Hindi ba pwedeng tumahimik naman kayo pag magkakasama kayo. Aba! Daig pa ninyo ang mga batang ang hirap patahimikin a." Sermon ng kanilang ina na nakapamaywang na. "E Ma. Palagi nalang kasing iyan ang kinakampihan mo." Kunwari ay sumbat nito sa ina at bahagyan uli sya nitong sinipa. "Ma oh..." Sumbong nya uli na nakanguso. Pinipigilan nya ang matawa dahil inambaan na naman ito ng kanilang inay ng palo pero mabilis nitong isinangkala ang palad. Parang magkakaedad lang ang tatlo dahil ilang taon lang ang pagitan ng mga ito. Sya lang talaga ang malaki ang agwat sa kanila dahil nagkamali lang yata ang kanyang mga magulang sa paggamit ng birth control kaya nasundan pa ang mga ito. "Ma.. labas kaming tatlo mamaya tutal day off naman namin bukas." Paalam ng kuya Steve nya sa kanilang Inay. "Saan kayo pupunta?" Tanong nya na hindi maitago ang excitement sa boses. Tinaasan lang sya nito ng kilay. "Hindi ka kasali." Masungit na wika nito sa kanya na nilukotan pa sya ng ilong. Mabilis syang tumayo at umupo sa pagitan ng kuya Steve nya at kuya Sherwin nya at hinilig nya ang ulo sa balikat nito pero itinulak lang nito ang kanyang ulo. Natawa sya. "Sama ako kuya." Lambing nyang ungot sa kuya Steve nya. Gusto nyang sumama. "Alis ka nga dito. Si Mama ang yayain mo tutal kayo naman ang magkakampe. Sa kanya ka sumama." Pilit sya nitong tinutulak paalis sa kanyang kinauupuan pero mabilis lang sya uling bumabalik. "O sige. Pag hindi mo ako isinama paniguradong mag uulam tayo ng pininyahang manok bukas." Pananakot naman nya. "Subukan mo lang. Ibibitin kitang patiwarik." Banta nito sa kanya. May sobrang laki kasi itong manok mahigit sampung kilo ang timbang at ito ang pinakapaborito nito. Mahilig itong mangulikta ng ibat ibang klase ng manok. Mula sa maliit hanggang sa malaki. Palibhasa ay isa itong veterinarian kaya mahilig sa hayop. Ito din ang tumitingin sa mga alagang baka, kabayo at kambing sa Hacienda Eliza At mayroon na din itong sariling clinic. "Ma. Ayaw akong isama nila kuya oh." Sumbong uli nya sa ina. "Hindi ka pwede doon lalaki lang ang pwede." Masungit ding sabi ng kanyang kuya Shawn. Alam nyang pinagkakaisahan sya ng mga ito. Pero hindi sya papayag na hindi makasama sa lakad ng mga ito. "Ma. Ipasama mo ako. Paniguradong mambababae sila doon. Naku. Magkakaroon ka ng panganay na apo na hindi pa nakikilala ang mamanugangin mo." Pananakot naman nya sa ina. Narinig nya ang pagpalatak ng tatlo kaya napangisi sya lalo na ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. "O sige. Sumama ka sa kanila." "Yes." Napasuntok pa sya sa hangin. Halos sabay sabay namang napaungol ang kanya mga kuya. "Pero Ma. Hindi pwede ang babae doon." Reklamo ng kanyang kuya Sherwin. Alam nyang pag sinabi ng ina ay hindi na mababali iyon: pag pa siguro ang ama nila kaya pa nilang baguhin. Pero pag ang ina. Ito ang batas sa kanilang tahanan. Hehe.. Sa kanilang apat lang naman. Syempre ang papa parin nila ang haligi ng kanilang tahanan pero takot ito sa kanilang inay. Tumaas naman ang kilay ng kanyang ina. "Abay bakit hindi pwede? Kung wala kayong gagawin masama isasama nyo sya. Pero kung mambababae lang kayo--aba e. Mag asawa nalang kayo tutal matatanda na kayo baka makakuha pa kayo ng sakit ninyo sa mga nabibili nyo sa tabi tabi." Talak ng kanilang ina. "Daig pang armalite ni kuya Shawn mama a." Tukso nya sa ina ng magsimula na itong ratratin ang tatlo. "At ikaw naman. Hindi kumo sila ang pinapagalitan ko ay sayo na ako nakakampi. Kahit kailan talaga sa inyong apat ikaw ang pinakamalala." Gigil na kinurot nito ang kanyang singit. "Aray Maaaaa..." Mahaba nyang daing ng maramdaman ang pinong pino nitong kurot sa kanyang singit. Tawanan ang tatlo pero sya ay mabilis na hinaplos ang singit dahil parang napunit yata ang balat nya doon at hindi pa sya nakuntento ay inilislis pa nya ang jersey short para masilip iyon. Hindi alintana kahit makitaan pa sya dahil sa pinaka singit talaga iyon. "Ma tignan mo oh. Sobrang pula na ng kinurot mo." Reklamo naman nya sa ina pero pinalo lang uli nito ang kanyang hita kaya napahiyaw uli sya. "Para kang hindi babae kung kumilos." Gigil na sabi nito na parang natutuyuan na ng dugo sa kanya. Rinig nya uli ang mahinang tawa ng tatlo pati na ang kanyang ama. Tama ang kanyang ina. Hindi talaga sya babaeng kumilos. Kung tutuusin ay mas pogi pa sya sa kanyang mga kuya. At mas mayabang pa sya sa mga ito. Nanapak nga sya ng isang lasing nitong nakaraan lang na fiesta nila dahil sa kalasingan ay nang aaway o di sinapak na nya. Kaya ayon. Mismong ang kapatid nya ang nagdala sa kanya sa presinto para magpaliwanag sa kanyang nagawa. At ang tawag nga sa kanya sa labas ay Junior. Ang pangalan kasi ng kanyang tatay ay Stephan. Mula sa pananamit. Gupit ng buhok. Sa kilos ay lalaki sya. Ang pinagpapasalamat nya ay maliit lang ang umbok sa kanyang dibdib kaya hindi masyadong halata. Hindi pa nya alam kung ano ang pagkatao nya. Sa edad na bente tres ay hindi pa nya nararanasang umibig. Wala naman syang interes sa kapwa nya babae at wala pa din naman sa lalaki. Siguro malaking implowensya sa kanya ang pagkakaroon ng puro barakong kapatid. Basketball din ang paborito nyang laro. Nakikipag sparing din sya sa kuya nyang pulis kaya marunong sya sa basic ng selfdefense. Haha.. kung may abs ang mga ito. Mayroon din sya. Pero syempre. Iba parin ang mga katawan ng mga ito na mabukol at halatang batak sa trabaho. Sya ang bunso sa kanilang apat. Sya ang pinakamagulo ang takbo ng isip. Ang tatlo ay masasabi nyang successful na ang mga ito. Samantalang sya ay hindi pa nya nasusubukang magtrabaho. Graduating sya ng BS Com.Prog. Pagkagraduate nya ay hindi muna sya naghanap ng trabaho at gusto nya pag nagkatrabaho sya ay sa manila na mahigpit namang tinututulan lang kanyang pamilya. Lalong lalo na ang kanyang mga kuya kaya hindi muna sya nag apply. Pero lingid sa kaalaman ng mga ito ay nag apply na sya online. Bahala na siguro kong mayroong tumawag. "Pa.. Sasama pala ako sayo bukas sa bundok." Pahayag nya sa ama bago sumubo. Kasalukuyan silang naghahapunan. "Mabuti pa nga para hindi kung saan saan ka nakakarating." Wika naman ng kanyang ina. Napanguso naman sya. "Hindi naman ako lumalayo a." Inirapan naman sya ng Ina. "At saka. Tigil tigilan mo nga ang pagpunta punta mo sa pwesto nila kulot. Baka mamaya maingganyo kang magpatattoo, sinasabi ko sayo. Lalapnusin ko iyang balat mo pag nakita kong may kahit kadutkit na tattoo d'yan." Hindi nya alam kung bakit ayaw na ayaw nito ng tattoo. Samantalang ang ganda ganda naman hindi kasi nito naappreciate ang art e. "Wala ka lang kasing alam sa art Ma." Giit naman nya. "Hayaan mo ma. Pag may nagreklamo sa pwesto nila kulot pati iyang anak mo iyan ay dadampotin ko din." Seryosong wika ng kanyang kuya Shawn. Hindi rin kasi nito gusto ang kanyang mga kaibigan dahil para daw addict ang mga ito. Dami kasing mga tattoo ng mga ito at halos mapuno yata ng hikaw ang mukha. Napasimangot sya sa sinabi nito. "Mukhang pinaglihi lang sa ink ang mga iyon at sabitan ng hikaw pero alam naman ninyong mababait sila." Pagtatanggol nya sa mga kaibigan. "May kulang sa sinabi mo. Mukhang taong grasa dahil ang titigas ng buhok nila na parang hindi pa nakakatikim ng suklay. Pili din kasi ng kakaibiganin." Sabi naman ng kuya Steve nya. Napasimangot naman sya. "Kayo kung makapanghusga kayo." Napairap tuloy sya sa mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mr. Tanner's Babysitter

read
73.1K
bc

I'm Your Beta, Not Your Luna

read
347.4K
bc

The Thunder Wolves MC - Sophia (Book #4)

read
43.0K
bc

A Game of Love

read
70.4K
bc

My Second Chance Mate

read
600.1K
bc

The CEO's Wife

read
187.3K
bc

The Thunder Wolves MC - Clara (Book #3)

read
54.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook