Chapter 2

1582 Words
"Madam ako na po ang magbubuhat ng cooler na dala nyo." Presenta nya sa medwife na kasama nilang aakyat ng bundok papunta sa Sitio Maamot. Ang laman ng maliit na cooler na dala dala nito ay gamot na gagamitin nila sa magaganap na medical mission at mga anesthesia yata para sa mga magpapatuli. Malayo kasi ang lugar at hindi naabot ng sasakyan kaya sila na ang dadayo. May gaganapin kasing medical mission. Pag ganitong malapit na ang election kabi-kabilaan na ang mga proyekto ng gobeyerno at bilang anak ng isang municipal councilor ay active silang magkakapatid sa mga ganitong bagay. Suporta na din nila sa kanilang ama at sa grupo nito. Ito na ang pangatlong termino ng kanyang ama at sa una at pangalawang sabak nito ay palagi itong nangunguna. Nagsimula itong naging kagawad ng kanilang baranggay noon, hanggang sa naging kapitan at iyon nga umabot ito ng kagawad ng kanilang munisipal. Kumpleto silang pamilya. Kasama din nila ang kanilang Mayor dahil ito ang faction ng kanyang ama. Mga Kagawad ng baranggay at kapitan. Mga health worker. May grupo din ng kapulisan. Isa na doon ang kayang kuya Shawn. Ito ang mga nangungunang nagbubuhat ng kahon kahon na gamot. kanya kanya ding buhat ang iba pang mga volunteer. May mga pagkain din para sa feeding program. Gamit para sa mga bata at mga gamit na napaglumaan ng mga may kaya sa buhay na pwede pang pakinabangan. Ukay ukay kung baga. Si kuya nya Steve naman ay nakatoka para sa gaganapin na seminar para sa pag-aalaga ng hayop. Mga mahigit isang oras silang maglalakad para marating nila ang Sitio Maamot. Kanya kanya sila ng buhat dahil madami dami din silang bubuhatin sa kanilang pag akyat. Bukod sa malaking bag sa kanyang likod at ang cooler ng gamot na nakasukbit sa kanyang balikat ay may bitbit pa syang malaking supot ng mga paper plate at mga disposable na baso kutsara, tinidor. "Ano Junior kaya pa?" Tanong ni Sir Peralta ang superior ng kanyang kuya. Nginisihan nya ito. "Yakang yaka Sir." Sagot nya sabay saludo. "Kayo po. Parang hindi na po kayang umakyat a." Biro nya dahil pansin na nyang hinihingal na ito at tagaktak na din ang pawis. Ang laki kasi ng tyan nito e. Tumawa ang pulis. "Malakas pa ako sa kalabaw bata." Pabirong pagyayabang naman ng pulis pero duda sya doon. "Bilib ako dito sa anak mong ito pare. Buti hindi pulis ang kinuha nito." Baling nito sa ama nya na kasunod lang nila. May mga dala dala ding kahon na nakasampa sa balikat. Tumawa ang kanyang ama. "Pag nagpulis yan pare baka problema mo din yan sa dipartamento ninyo. Baka puro disciplinary action ang mareceive nyan" biro ng kanyang ama na ikinatawa nila. "Papa talaga. Para namang sinabi mo na pasaway ako." Reklamo nya. "Ay. Hindi ba?" Buska naman ng kanyang ama. Nasanay na sya sa mga biro ng mga ito. "Aba. Kung hindi ka lang kapatid ng kuya Shawn mo baka sya pa mismo ang magburo sayo sa kulungan a." Wika nito. Naalala nga nya na ilang besis na sya nitong dinala sa pulis station. At naranasan na din nyang matulog doon noong minsan na nasangkot silang magkakaibigan sa isang riot. Hindi naman sila kasali pero dahil sa nandoon sila ng mga oras na iyon ay dinampot parin sila. Itinawag ito sa kanyang kuya at sa sobrang inis nito ay binilin nito sa mga kasamahan na wag syang palalabasin hanggat hindi ito dumarating e nagkataon na natagalan ito sa operasyon na pinuntahan nito at madaling araw na ay wala pa. Buti nalang at dumating si Sir Peralta kaya ito ang nagpalabas sa kanya. Katakot takot na sermon kaya ang inabot nya noon. "Hindi naman ako ang may kasalanan a. Si kuya lang kasi." Nagkanda haba haba ang nguso nya. Tumawa si Sir Peralta. "Ikaw ba e wala pang nobyo?" Tanong uli ng pulis. Gusto nyang singhalan ito. Ikaw ba naman ang tanongin ng ganon. Kung tutuusin mas matigas pa syang tumayo dito. Bumunghalit ng tawa ang kanyang ama pati na din ang mga iba pang nakarinig. "Pag nagkanobyo yan pare magpapakatay ako ng dalawang baka." Wika nito. "Mas matigas pa yan kaysa sa mga kapatid nya e." Dagdag pa ng ama. "Tandaan namin yan kagawad ha." Sabi naman ng ilang nakarinig. "Oo. Kung kaya ko lang magpafiesta para sa kanya ay gagawin ko basta maging babae lang ang Junior ko." Wika pa nito. Natawa sya. "Huwag kang mag alala Pa. hindi makakatay ang dalawang baka mo." Uwian nalang kita ng dalaga mo." Biro pa nya sa ama. "Aba e talaga bang babae ang napupusuan mo?" Tanong uli ni Sir Peralta. Ngumisi naman sya. "Pag nakakilala na po siguro ako ng mas pogi sa akin Sir baka mainlove ako. Pero duda ako doon." Hindi nila ramdam ang pagod sa pag akyat dahil kwentohan dito, kwentohan doon. Ng makarating sila ay kanya kanya din ang toka nila sa trabaho. Bago sila umakyat ay nagmeeting muna sila kaya alam na nila kung saan sila naka asign. Siya ang isa sa mga tagalista ng mga magpapagamot. Pag dating palang nila ay marami ng nakaabang sa kanila kaya naging busy na sila. Duda nga sya kung matatapos nila iyon ng maaga dahil ang daming magpapagamot. Pati na rin ang listahan ng magpapatuli ay ang haba din. May mga may edad din na nagpalista. Biniro nga din sya ng mga kasama nila na baka gusto din daw nyang magpatuli. Kaya tinanong nya ang Doctor nilang kasama. "Doc. Pwede ba?" Tanong nya na bahagyan pang kinindatan ito. Binata pa ito at pamangkin ng Mayor nila. Masasabi nyang may itsura ito at malinis tignan. Kinurot sya ng kanyang Ina. "Magtigil ka ngang bata ka." Saway nito sa kanya na bahagyan pa syang pinandilatan ng mata. Kaya natawa sila. "Ma. Nagtanong lang ako." Palusot naman nya habang hinahaplos ang kinurot nito sa kanyang tagiliran. Parang naglilihi palagi ang kanyang ina dahil palaging nangungurot. "Tinanong mo pa alam mo naman ang sagot. Bakit may tumubo na bang lawit sayo." Sermon nito. Natawa si Doc sa kanila. "Okey lang po Nay. Nagbibiro lang po si Stephan." Wika nito sa kanyang Ina. "Ay naku Doc. Pagpasinsyahan mo na iyan baka matuyo ang dugo mo sa kakulitan nya." Anito kay Doc saka bumaling sa kanya na bahagyan pa syang pinandilatan ng mata. "Ayosin mo ang trabaho mo dyan. At pakiusap naman anak magtino ka. Nakakahiya kay Doc." Wika nito na parang nakukunsumi sa kanya. Napakislot sya ng magvibrate ang kanyang cellphone kaya dinukot nya iyon at tinignan kung sino ang tumatawag at kumunot ang kanyang noo dahil unknown number iyon. Nag excuse muna sya para masagot ang kanyang tawag. Tinungo nya ang parte na walang masyadong tao. "Hello." Sagot nya. "Hello May I speak to Miss Staphanie Santaana." Anang kabilang linya. Lalong kumunot ang kanyang noo. "Ako nga po si Staphanie Santaan. Sino po sila?" Magalang nyang tanong dito. "This is Myrna Magsaquit from ACL company. We receive your online application three months ago so, I just want to ask if you are still interested in the position you have applied for." Sagot ng nasa kabilang linya. Lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo pero parang may bumabangon ng excitement sa kanyang dibdib. "Yes Ma'am." Gusto nyang mapamura dahil wala syang mahagilap na salita. "Okey. Check your email 'coz I will send you the list of documents you will need. And tomorrow at 10:00am will be your interview via zoom. Kung may iba kang tanong maari mong itanong bukas." Sabi nito. "Yes Ma'am." Maiksi uli nyang sagot. Namatay na ang tawag pero lutang parin ang kanyang isip. Ang ACL company ay isa sa inaplayan nya online at sa Manila iyon. Patay! Paniguradong mahihirapan syang magpaalam. Tsk! Bahala na bukas pagkatapos ng interview nya. Tutal hindi pa naman sigurado kung papasa sya. "O ba't nandyan ka?" Sita ng kuya Sherwin nya. Tinignan nya ito. Gusto nyang ibalita dito pero nag aalangan sya. Kahit naman papaano ay masaya sya dahil may tumawag na sa kanya. Kung malapit lang siguro iyon baka ang mga ito pa ang magtulak sa kanya para igrab ang opportunity pero dahil Manila iyon ay baka number one pang tutol ito. "Ano?" Kunot noong tanong nito ng hindi sya nagsalita. "W-wala kuya. May tumawag lang kasi." Sagot nya. "Sino, girlfriend mo? Binereak ka ano?" Tanong nito sabay akbay sa kanya at bahagyang inipit sya sa leeg at kinusot pa ang maiiksi nyang buhok. Napasimangot naman sya. "Binereak! My a*s. Mauuna ka pang ibrebreak kaysa sa akin. Sa pogi kong ito." Patul naman nya. "O di inamin mo din na may girlfriend ka na nga." Sabi nito na mas hinigpitan ang pagkakaipit sa kanyang leeg. "Arayyy ko kuya." Reklamo nya na dinakma din nya ito sa baywang. Bumunghalit ito ng tawa dahil malakas ang kiliti nito sa baywang pero hindi parin sya binitawan kaya napangiwi na sya. Iyon ang kinaiinisan nya sa mga kapatid. Nakalimutan yata ng mga ito na mas maiksi ng tolerance nya sa sakit at nakalimutan yata ng mga ito na babae sya. Inabot sila ng gabi sa pagbaba ng bundok dahil sa dami ng nagpagamot kaya pagod na pagod sila. Pero kahit na pagod ay hindi parin maalis sa isip nya ang interview nya para bukas. Tamang tama dahil wala syang kasamang maiiwan sa bahay. Aalis ang kanyang mga magulang dahil manganganak ang mga ito ng kasal at ang tatlo nyang kuya ay nasa trabaho naman. Ang problema nya ngayon ay pag pumasa sya. Kung papaano sya magpapaalam. Kung iyong mga requirements naman siguro ay kumpleto naman na siguro sya kahit hindi pa nya nakikita ang pinasa sa kanyang listhan. Inayos na kasi nya noon ang kanyang mga documents.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD