"Emmm..." Napaungol sya dahil parang kinikiliti ang pakiramdam nya. Ayaw pa sana nyang magmulat ng mata pero nararamdaman nyang may kung anong dumadampi sa kanyang tiyan. "Ano ba iyan?" Inaantok nyang tanong na pilit dinidilat ang mata dahil namimigat pa ang talukap non. Nakatagilid kasi sya. Mas lalong dumikit ito sa kanya kaya napatingin sya doon at napamulagat sya ng makita ang ulong nasa tapat ng kayang tiyan at pinapaulunan iyon ng halik. At lalo syang nanggilalas ng mapasin ang bistida nyang nakalislis hanggang sa taas ng umbok ng kanyang tiyan. At ang akala nyang unan na nakadantayan ng kanyang hita ay hubad pala na katawan kaya damang dama nya ang mainit nitong balat na nakadikit sa pagitan ng kanyang hita. "Mackario!" Mariin nyang sambit sa pangalan nito. Nagtaas naman it

