"Emmm... Tang*na! Ang sakit ng ulo ko." Daing ni Stephan ng magising sya. Nanatili muna syang nakapakit at pinakikiramdam ang sarili. Para kasing babaliktad ang sikmura nya at umiikot ang paligid nya at pumipintig ang mga ugat nya sa ulo. Ayaw pa sana nyang bumango pero gusto na nyang uminom ng tubig dahil parang tuyong tuyo ang kanyang lalamunan. Pagdilat nya ng kanyang mata ay napakunot sya ng noo dahil puting kisame ang tumambad sa kanya hind ang kulay asul na may ulap ulap. Saan ako? Pipi nyang tanong. Inalala nya ang nangyari kagabi pero ang last na pumasok lang sa isip nya ay umiinom sya sa may bar counter. Parang namanhid ang utak nya. Napatingin sya sa sarili at lalong nanlaki ang mata nya ng tanging White t-shirt nalang ang suot nya. Mabilis nyang sinilip ang pang ibab

