"Excuse me. Pwede ba akong makishare sa table ninyo?" Napatigil sa pagsubo si Stephan at napatingin sa nagsalita. Napalunok sya saka napatingin sa katabing bata. Inilibot nya ang tingin sa loob ng kainan. "Ang hirap kasing kumain ng mag isa eh." Sabi nito na parang nabasa ang nasa isipan nya. Marami pa kasing bakanteng table "Pasinsya na Miss Grande pero---" "Promise. Wala akong gagawin. Makikishare lang talaga ako ng table." Pakiusap nito. Napahinga sya ng malalim. Pero tumango rin sya sa huli. Tao itong lumapit sa kanila at nakiusap kaya kabastosan naman kung tatanggihan nila ito. "Salamat." Agad na hinila nito ang upuan na katapat nila at masayang umupo doon. Lihim nyang pinag aralan ang kilos nito. Kung hindi sya dinadaya ng kanyang mga mata ay nakikita nya ngayon ang lungkot a

