CHAPTER 5

3140 Words
“WOW!" Bulalas niya nang masilayan ang magagandang tanawin sa harap. Sinulyapan niya si Ryxer. Nakasandal ito sa hood ng sasakyan nito at ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng suot na jeans. "Paano mo natagpuan ang lugar na 'to? Ang ganda!” Nasa mataas sila na bahagi ng lugar na 'yon at sa ibaba ay natatanaw niya ang madaming ilaw na animo mga bituin sa paningin niya. "I found this place nung minsan ay nag road trip kami nila Aeon at Ether. Cassidy weren’t here that time because he had an important meeting to attend." Sinulyapan siya nito. "Hindi kana ba malungkot?" Ngumiti lang siya ng kaunti habang nakatanaw sa malayo. Medyo nabawasan nga ang lungkot niya nang makita ang magagandang tanawin sa harap niya. "Hindi na masyado…pero naaalala ko pa rin si Liberty malayo na sa’kin ang best friend ko." "We were planning to visit her next month, if you want pwede kang sumama sa’min." "I like that idea! Magpapaalam na ako kina mommy." Inakbayan siya nito kaya naman bumaba ang ulo niya sa balikat nito. Sandaling katahimikan ang namayani sa kanila bago niya iyon binasag. "Ryxer, can you tell me what is love?” She's really curious about love. Ano nga ba talaga ang pag-ibig? He let out a short amusing laugh as if he heard something funny. "Do I really need to answer that question, sweetie?" "Yes, I want to know your answer. I want to know how you describe the word love." She emphasize the last word. "Love can't be describe, nararamdaman ‘yon, Charlton." "Then tell me how you feel. Na-inlove ka na ba, Ryxer?” Ano ba naman klaseng tanong niya, of course na-inlove na ang childhood sweetheart niya. Sa dami ba naman na naging girlfriends nito imposibleng hindi. “Nope." He answer, popping the third letter. "Huh?" Nag-angat siya ng tingin dito para lamang ibaba ulit ang mukha niya dahil ilang inches lang ang layo ng labi nito sa kanya. She clear her throat. "Hindi ka pa na-i-inlove?” "No not yet, I don't even know the feeling of being in love. I just saw it when my mom and dad looks on each other na para bang may spark sa mga mata nila lagi and I found it really—hmm…I just don't know, maybe they're just really love each other and I can see that in their eyes.” Medyo naguluhan siya sa sinabi nito, nagiging slow na yata siya. "Ibig sabihin sa mata nakikita kung in love ba o hindi ang isang tao?" Iyon lang kasi ang natandaan niya. "I think so, pero may narinig kasi akong old song while I was driving a week ago. Ang sabi do'n, ‘Mahal Kita At Wala Ng Iba Masdan Mo't Makikita Sa Aking Mga Mata'. That's a very old song, I do not even know kung tama ba ang tono ko." Marunong pala kumanta si Ryxer? Hindi niya alam 'yung kanta pero the way he sang it para bang iyon talaga ang tono no'n o binigyan lang nito ng sariling version. "You can sing." Tanging nasabi nya. "Siguro nga sa mata nakikita kung in love ba ang isang tao o hindi. Sila mommy at daddy kasi katulad ng parents mo, they look at each other na para bang sila lang ang tao sa paligid.” Minsan nga ay nawiwirduhan na siya sa magulang niya lalo sa daddy niya dahil kung makatingin sa mommy niya para bang kinakabisado nito ang mukha ng maganda niyang ina. "Ryxer," "Hmm?" "Can you sing for me?" “Sure, but in one condition.” Lalong humigpit ang pagsakop ng braso nito sa katawan niya. "What is it?" She asked curiously. "Give me a kiss." "Sure." Kiss lang pala but wait... "What kind of kiss?” Because she's still remember there are different kind of kiss. "I prefer a torrid kiss." "No!" Pilit siyang lumalayo rito kaya lang ayaw siyang pakawalan. "Don't sing na lang." Aniya ng nakanguso. “Hey, I'm just kidding. Okay I will sing for you." Tumikhim-tikhim ito. "Anong gusto mong kantahin ko?" "Mag promise ka muna na hindi mo ako ikikiss." "I won't promise that sweetie." Medyo niluwagan nito ang pagkayapos sa kanya at pinagtapat ang mukha nila. "I want to kiss you.” Para na naman siyang nahipnotismo ng kaharap. Napalunok siya. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. "K-kumanta ka na Ryxer, bilis.” Medyo lumayo siya rito. "Okay, hope you'll like this song.” Kumindat pa ito sa kanya na ikinainit ng magkabilang pisngi niya. Nagpapa cute sa kanya si Ryxer! "Ano ba ang kakantahin mo?" "Its a Tagalog song." “Alright let me hear it.” Umupo siya sa hood ng sports car nito habang ito ay nakasandal pa rin pero maya-maya lang ay tumitig na sa kanya at nag-umpisa ng kumanta. Minsan oo, minsan hindi ‘Minsan tama, minsan mali Umaabante, umaatras Kilos mong namimintas Kung tunay nga ang pag-ibig mo Kaya mo bang isigaw Iparating sa mundo’ Medyo paos ang boses nito na sobrang ganda sa pandinig niya. Alam nya 'yung kanta narinig niya na iyon nung minsan ay nanood sila ng concert ng mga Pinoy band. ‘Tumingin sa'king mata Magtapat ng nadarama Di gusto ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka Kung maging tayo Sayo lang ang puso ko’ 'Yung titig na sapul na sapol 'yung puso niya sa bawat bitaw nito ng lyrics. Her stomach suddenly fluttered because of the intensity of his stares. ‘Walang ibang tatanggapin Ikaw at ikaw pa rin May gulo ba sayong isipan Di tugma sa nararamdaman Kung tunay nga ang pag-ibig mo…’ He move closer enough for them to have a little space between them. Huwag lang siyang gumalaw baka kasi ma-distract ito at mahalikan niya bigla si Ryxer. ‘Tumingin saking mata Magtapat ng nadarama Di gusto ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka Kung maging tayo Sayo lang ang puso ko’ She can feel his soul, she can feel every words he say and she can hear his heart beating for her. Sana tama ang nakikita niya dito, sana tama ang naririnig ng puso niya. ‘Kailangan ba kitang iwasan’ Umiling siya sa linya na ‘yon. Hindi kailangan, kasi gusto niyang kasama si Ryxer. ‘Sa tuwing lalapit ka'y paalam Ibang anyo sa karamihan Iba rin pag tayo Iba rin pag tayo lang…’ "I know you know the song, sing with me." Mahinang sabi nito na tinanguhan siya at sinabayan ito kumanta. ‘Tumingin sa'king mata’ They look at each other with so much emotions on his eyes she can't hardly gasps. ‘Magtapat ng nadarama’ Sasabihin na ba niya na gusto niya ito? ‘Di gusto ika'y mawala Dahil handa akong ibigin ka’ Handang-handa na yata siya. Ewan niya ba kung saan niya kinukuha ang lakas ng loob para makipagtitigan dito. ‘Kung maging tayo Kung maging tayo Kung maging tayo' He cupped her face and move closer until she felt his lips to hers. ‘Sayo na ang puso ko…’ That is his last words before he fully kissed her. Hindi niya napigilan ang sarili niyang sagutin ang halik nito, hindi niya alam kung mahihiya siya sa sarili o matutuwa dahil kaya niya na itong sabayan. She stopped for a seconds when her phone rang. “Ummm." She moan when she tried to end the kiss but he just bit her lower lips. She likes kissing him, para bang may kakaibang kiliti siyang nararamdaman, but she need to answer her phone. Baka tumatawag na ang mommy niya. "Answer it." Anito ng tapusin ang halikan nila. Kinuha niya ang cellphone na nasa bulsa ng cotton jacket at sinagot ‘yon. "Mom?" "Nasaan ka na ba anak? Kanina ka pa namin hinihintay dito." "Hinatid po kasi namin si Liberty kanina sa airport mommy. Nasaan po ba kayo?" "Sa bahay nila Tito Carlie mo, may party nakalimutan mo yata." Napapalatak siya kaya naman napatingin sa kanya si Ryxer, magsasalita sana ito kaya lang idinikit nyia ang hintuturo niya sa labi nito. "Okay mom papunta na po kami d’yan.” Bespidida Party ang pupuntahan nila. "Who's with you?" "Si Ryxer mommy, okay lang po ba?" "Yes baby, magpunta na kayo dito.” Tumango siya kahit hindi naman siya nakikita ng ina. Bumaling siya kay Ryxer matapos makipag-usap sa mommy niya. "I forgot to tell you na may party pala akong pupuntahan." "Ihahatid na lang kita." "Sabi ko kay mommy isasama kita, eh." Tumingin ito sa wrist watch nito. “Okay dumaan muna tayo sa Mall para makapagpalit tayo ng damit." Pinasadahan niya ang suot nilang damit at sumang-ayon sa sinabi nito. They both wearing t-shirt and jeans at siguradong kapag hindi sila nagpalit ay baka magmukha silang naligaw lang sa party na pupuntahan nila. Ilang minuto lang na pagmamaneho ng mabilis ni Ryxer kaya nakarating agad sila sa isa sa pinaka sikat na clothing line sa bansa. Kung ngiti lang ang pag-uusapan ay siguradong hindi bibigyan kahit na kaunting ngiti ng kasama niya ang mga sales lady sa naturang boutique kaya naman siya na lang ang ngumingiti sa mga ito. Napapansin niya na ayaw ni Ryxer ng nginingitian ito ng matatamis ng mga babae. Kinuha niya ang isang royal blue na dress na lagpas tuhod niya at nagpunta na ng counter. Chance niya magbayad ng binili niya. Kinukuha niya ang wallet sa kanyang sling bag kaya lang may pumigil sa kamay niya at nung mag-angat siya ng tingin ay naibigay na ni Ryxer ang card nito sa kahera. "I can pay Ryxer." Reklamo niya. "Leave it with me don't worry next time ikaw na ang pagbabayarin ko, sweetie" The he smiled at her. Ibinigay sa kanya nito ang damit kaya napilitan talaga siyang pumasok sa isa sa mga fitting room doon para magpalit. Sakto lang sa kanya ang napili nyiang dress at hindi niya na kailangan mag high heels, she still wearing her blue strapped sandals na iniregalo pa sa kanya ng Tita Mandy. "Ay!" Muntik pa siyang napatalon ng pagbukas niya ng pinto ay ang gwapong si Ryxer ang bumungad sa kanya. "Ginulat mo naman ako, Ry." "We look perfect for each other.” Nang tignan niya ang suot nito ay biglang sumang-ayon ang utak niya sa sinabi ng binata. He's wearing a dark blue polo long sleeve na bahagyang humapit sa malapad nitong dibdib. Nakatupi ang sleeve nito hanggang siko , it match with his silver invicta wrist watch. "I agree." Aniya at bumungisngis. "I really like the way you appreciate little things." "Huh?" Pinagbuksan siya nito ng pinto ng sasakyan habang ito naman ay umikot pa bago muling nakaupo sa driver's seat. "What did you say?" "Sabi ko madali ka lang pangitiin Charlton, alam mo 'yung mababaw na kaligayan?" "Hindi eh. Ano ba 'yun?" "Mababaw lang kaligayahan mo sweetie hindi tulad ng iba ang dami pang pwedeng sabihin at gawin para lang mapasaya sila pero ikaw, iba ka, Charlton." "Mommy told me to appreciate little things pero 'yung sinabi mo kanina hindi 'yun little things, but I still appreciated it, I just don't know why I like the idea of us being perfect for each other.” She smile at the thought. "Siguro isang araw malalaman ko rin kung bakit, but right now I feel happy because we’re together." "What if I hurt you?” Napalingon siya dito pero nakafocus lang ang mata nito sa daan at medyo bumilis ang takbo ng sasakyan. "Intently?" "I don't know, intently or not, paano kung masaktan kita?" "Are you going to hurt me, Ryxer?" Hindi ito sumagot. "If ever na masaktan mo ako dapat maging malakas akong harapin lahat ng sakit na ibinigay mo sa’kin at kung hindi ko na kaya ang sakit, I will call God to give me strength in everything. He'll help me to survive from pain, kasi alam kong hindi niya ako iiwan at lalong hindi niya ako sasaktan.” Tinandaan niya talaga ang sinabi sa kanya ng mommy at daddy niya nung isang linggo, nakatatak sa utak niya. Ryxer remain silent as if he is memorizing every words from her. "Why did you asked that Ryxer?" "I just want to know your answer, sweetie.” Kinuha nito ang kamay niya at dinala iyon sa labi nito. Naalala niya gano'n ang ginawa ng daddy niya noon sa mommy niya. She found it sweet. "What if I hurt you?" Now, its her turn to asks questions. “Intently?" Natawa siya. Ginaya kasi siya nito. "Seryoso ‘to, Ryxer." Pinigil niya lang ang sarili huwag gumawa ng ingay dahil sa tawa niya. "Answer me.” Bakit ba matagal sumagot ang mga lalaki? Ang tagal naman nila mag-isip ng isasagot. "Tatanggapin ko lahat ng sakit na ibibigay mo sa’kin, Charlton." "What if hindi mo na kaya 'yung sakit?" "Pipilitin kong kayanin para sa’yo." Sinulyapan siya nito at nginitian. The smile that makes her heart beat fast. "I will do everything for you, but I won't promise you one thing." "Ano 'yon?" "Minsan may mga bagay sa mundo na hindi na dapat pang sabihin ang mahalaga ay naipaparamdam mo.” Inulit-ulit niya muna sa isip ang binitiwan nitong salita. Ano ba ang ibig nitong sabihin? "Like what?" She is really curious. "Do you like me, Charlton?" Aamin na ba siya? Ayaw niya sabihin ng deretsahan, nahihiya siya. "Ryxer, you don't need to ask that question kasi alam kong ramdam mo kung gusto kita o hindi.” Hindi siya 'yung tipo ng tao na prangka pero mahilig kasi talaga siyang magtanong ng kung anu-ano para kasing wala siyang masyadong alam sa mundo. "That's what I am talking about sweetie, we don't need to say what we feel, just show it the way our hearts want it to be and make them feel how we feel." Hindi na siya umimik, ang lalim-lalim naman kasi ng sinasabi ni Ryxer parang hindi pa abot ng isip niya iyon. "Kumanan ka Ryxer." Aniya nang makita na malapit na sila sa isang pangmayaman din na subdivision. Huminto ang kotse sa gate at ibinaba nito ang salamin ng bintana. “Saan po kayo pupunta, sir?" Tanong ng security guard na nakatunghay sa bintana ng driver's seat. “Lane’s Residence po.” Siya ang sumagot. "May invitation po kayo? Patingin po.” Pinagdikit niya ang kanyang mga labi at ngumuso. "Dala po nila mommy ang invitation namin nasa bahay na sila nila Tito Carlie kasama ang daddy ko at ang kuya ko." "Pangalan niyo na lang po ma'am, sir." Nagkatinginan sila ni Ryxer, hindi niya pwedeng sabihin ang pangalan niya sa mga strangers. Kapag pangalan naman ni Ryxer ang sinabi hindi rin uubra dahil wala naman ang pangalan nito sa listahan ng mga invited sa party. "Tatawagan ko na lang po ang mommy ko para—" Hindi niya na tinuloy ang sasabihin dahil may kausap sa telepono si manong guard. "Pasok na po kayo." Ani ng guard. May pinindot ito para tumaas ang isang mahabang bakal sa harap nila. Malalaki lahat ng bahay sa subdivision pero ang bahay ng Tito Carl at Tita Valerie niya ang pinaka malaki. Bumaba sila sa kanilang sasakyan at pumasok na sa gate. "Invitation po Ma'am, Sir.” Hindi niya na napigilan ang paghaba ng nguso niya. Bakit ba kasi sobrang higpit ng mga tao sa pagpapasok sa mga party? "Papasukin mo na sila.” Isang baritonong boses ang pumukaw sa kanila, hinanap niya ang boses na 'yon para lamang salubungin ang mata niya ng isang lalaking makalaglag panty na nakangiti sa gawi niya. Hindi ba namomroblema si Tita Valerie sa kagwapuhan ng asawa nito? "Tito Carl!" Agad siyang tumakbo sa dereksyon nito at niyakap ito. "Namiss kita, Tito." Aniya na parang yumakap sa malapad na pader. He chuckle a bit. ”Hindi ka pa rin nagbabago, Charlton.” Umalis siya sa pagkakayakap nito at lumapit ulit kay Ryxer. "Tito Carl meet Ry—" "Ryxer  Thompson-Wilson.” Nakatitig ang Tito niya sa lalaking kasama niya, 'yung titig na hindi niya mawari. "Paano nyo po sya nakilala?" Maang na tanong niya na ikinibit-balikat lang nito. "Cousin, my dear cousin.” Her eyes landed at the back of her Tito, she is facing the four Greek God. Siguro kung hindi niya pinsan ang tatlong lalaki baka nagka crush na siya sa mga ito, scratch it! Si Ryxer lang talaga ang gusto niya. Lumapit siya sa mga ito at hinalikan isa-isa, she even needs to tiptoed to reach their cheeks. "Pumasok na kayo ng kasama mo kanina pa naghihintay sa inyo sila Tito Clarkson." Wika ng isa niyang pinsan, si McLaren. Y’ung dalawa niya kasing pinsan ay nakatitig kay Ryxer, kaya tuloy hinawakan niya ang kamay ng binata. "Kuya Corvette and Mazda, don't look at him that way, mabait si Ryxer." "I told you to call me Kuya Mazda.” Eh, nasanay sya sa Mazda lang eh. "Kuya Mazda." She uttered. Bagay naman pala na lagyan niya ng ‘kuya'. Tinignan niya si Ryxer ng humigit ang hawak nito sa kamay niya, nakikipagtitigan din ito sa mga lalaking kaharap nila. "You okay?" She whispered. He nods his head as an answer. "Pumasok na tayo.” Hinila niya na ang kamay nito papasok sa loob baka kasi matunaw na lang ang mga ito dahil sa pagtititigan. KUNG MAY anong hangin ang dumaan sa kanya dahilan kung bakit tila tumaas ang balahibo niya sa katawan nang titigan siya ng Tito Carlie ng babaeng kasama nyia. Ano bang mayro'n sa taong ito samantalang kung titignan normal lang dito ang pagtingin sa kanya pero may iba pa siyang nararamdaman sa paraan ng pagtingin sa kanya Charlton's uncle is very intimidating! Lalo lang siyang nakadama ng pagkabalisa ng may dumating na tatlong lalaki. Katulad niya ay hindi rin papatalo sa kagwapuhan ang mga pinsan ni Charlton kaya lang may ibang aura siyang nararamdaman lalo nung tignan siya ng mga ito. ‘Man, tinitignan nila kung saan ang magandang spot sa mukha mo na babangasan nila kapag sinaktan mo si Charlton.’ Tila paalala sa kanya ng isang bahagi ng utak niya. "You okay?” Tumango lang siya sa tanong ni Charlton habang nakikipag poker face sa mga pinsan nito. ‘Hindi lang si Tito Clarkson at Cassidy ang bubugbog sa’yo, isama mo rin ang mga pinsan ng babaeng nililigawan mo.’ Isa pang paalala. Don’t.You.Dare.Hurt.Her. Para bang iyon ang sinasabi sa kanya ng mga titig na iyon. Hinila na siya ng dalaga papasok, para bang nabunutan siya ng tinik nung makalagpas sa mga lalaking ‘yon. Charlton look up on him and smile. He really like the way she smile, so innocent, she has this angelic face na hindi siya nagsasawang tignan. The woman is a beauty.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD