"FLOWERS and chocolates? Para kanino 'to, Ryxer?" Maang na tanong niya nang ibigay sa kanya ng binata ang mga hawak niya ngayon.
Nagpaka busy muna kasi siya sa jewelry shop niya para naman hindi nakakahiya sa magulang niya kapag masyado niyang ipinakita na hindi niya gusto ang pagpapatakbo ng negosyo.
"For you, sweetie.”
Umupo ito sa single sofa sa loob ng office niya.
"For me? What's the meaning of this?”
Tukoy niya sa isang bouquet na white roses at isang box ng mamahalin na chocolates. She loves sweets.
"I am courting you, Charlton."
Itinuro niya ang kanyang sarili at tinignan ito na para bang hindi siya makapaniwala. Madami itong girlfriend at ang pagkakaalam niya nga ay may girlfriend ito ngayon. Sa ibang banda ay masaya siyang malaman na naliligawan siya nito, because she likes him ever since. She’s already eighteen and she thinks that her parents would allow her to have a boyfriend, besides its Ryxer. They know him.
"Ako? Liligawan mo?"
"Yes and yes."
"Pero... Ang sabi ng daddy ko sa bahay dapat ang mga manliligaw sakin at dapat kilala nila."
"Let's make it a secret then.”
She felt dissapointed all of a sudden. Kaya niya ba maglihim sa magulang niya?
"I will think about it first.”
Siya pa itong mag-iisip samantalang gustong gusto niya naman si Ryxer.
"Charlton, hindi ka na bata para dumipende sa mga taong nakapaligid sa’yo. Grow up.” Napag-iiwanan ka na, parang iyon ang gusto nitong sabihin. "You need to make your own desicion as a woman, don't depend yourself to anyone. Don't let them dictate you to what to do dahil hindi lahat ng oras ay nandyan sila sa tabi mo.”
Kung may anong nabasag sa ulo niya nang marinig ang mga sinabi nito. Masyado na ba siyang naka depende sa magulang at kapatid niya? Masyado na ba siyang nakadepende sa mga taong nakapaligid sa kanya?
"Ryxer galit ka ba?”
Pinaglaruan ng daliri niya ang petals ng mga bulaklak. Pinapagalitan na naman ba siya nito?
"See, palagi ka na lang ganyan kapag napagsasabihan ka. You acting like a child, be a woman Charlton."
"Nagagalit ka nga." She insisted.
Tumayo ito at kitang-kita sa mukha nito ang pagkainis.
"I will teach you everything, let me court you and be my girl." Kahit hindi pa sya sigurado sa desisyon niya ay tumango na lang siya. "Ako ang susundo sayo mamaya, just send me a message kapag uuwi ka na.”
Hinalikan lang siya nito sa pisngi at lumabas na ng office niya.
Umupo siya sa sofa at inilapag sa lamesa ang mga ibinigay ni Ryxer. Handa na ba siyang magka boyfriend? Dapat handa na siya kasi eighteen na siya, ganoon ba 'yon? Kapag nag eighteen na saka lang pwede magka boyfriend? Sabagay, sila ni Liberty ay hindi pa nagkaka boyfriend. Yung ibang friends nila? Hindi niya alam, para kasing mga wala rin boyfriend, pero madami ang nanliligaw lalo na kay Saleen.
"Knock knock!” Nag-angat siya ng tingin mula sa pintuan ng silid na iyon at napangiti sa bisita niya. "May I come in?"
"Yes sure.”
Humalik sa pisngi nya si Liberty at umupo sa tabi niya.
"May suitor ka? Saan galing ang flowers and chocolates?”
Hindi niya pwedeng sabihin na nililigawan siya ni Ryxer.
"Hindi ko alam Liberty, sayang kasi kaya kinuha ko na lang.”
Kinagat niya ang dila nya dahil sa pagsisinungaling niya.
"Ang sweet naman, kainin na natin ‘yan."
Ito pa mismo ang nagbukas ng chocolates.
"Napadaan ka yata?" Pagbubukas niya ng bagong topic habang pareho nilang nilalantakan ang binigay ng kuya nito.
Napahinto ito saglit at biglang lumungkot ang mukha.
"Sila daddy kasi gusto nila akong mag-aral ulit sa ibang bansa, wala naman akong magawa dahil ayokong magalit sila sa’kin."
"Ilan taon?"
"Four years. Ang tagal no'n Charlton, mamimiss kita.”
Yumakap ito sa kanya at maya-maya lang nababasa na ang leeg niya.
"Bakit ka umiiyak, Liberty? Babalik ka rin naman kapag tapos ka na, hindi ba?" Tama, babalik ito after four years at doon lang nag sink in sa utak niya na apat na taon niya rin hindi makikita ang best friend niya kaya tuloy dinamayan niya rin ito sa pag-iyak. "I will miss you too, Liberty.”
They are both sobbing and crying like a child.
"Ako lang ang best friend mo ha? Kahit magkalayo tayo." Tumango-tango siya. "Kapag may boyfriend ka na sabihin mo agad sakin Charlton para lagi tayong magpapalibre sa kanya."
Kapag sinagot niya ba si Ryxer ay sasabihin niya ba kay Liberty? Ang hirap naman pala magka boyfriend kailangan alam ng lahat, kaya lang sabi kasi ni Ryxer dapat secret lang ang relationship nila. Ano ba ang gagawin niya?
"Promise, I will tell you kapag nagka boyfriend na ako, dapat gano'n ka rin sakin, okea?”
Ito naman ngayon ang tumango.
Para silang tangang dalawa na magkayakap habang umiiyak. First time nilang maghihiwalay mula kasi pagkabata ay lagi na silang magkasama. Si Liberty talaga ang pinaka best friend niya sa lahat dahil silang dalawa lang ang talagang nagkakaintindihan. Sila lang ang magka wavelength kungbaga.
"Anong problema? Bakit kayo umiiyak?”
Narinig niya ang boses ng mommy niya kasama nito si tita Hillary ang mom ni Liberty at Ryxer.
“Mommy!"
Sabay pa na tawag nilang dalawa sa mga mommy nila na agad naman lumapit sa kanila at dinaluhan sila sa iyakan moment nila ng best friend niya.
"Mommy aalis na si Liberty.”
Nakasiksik siya sa leeg ng mom niya habang humihikbi. Hinahaplos naman nito ang likod niya.
"Babalik naman siya anak, mag-aaral lang siya then after that uuwi rin siya."
"Kahit na mom, aalis pa rin siya at matagal siya bago babalik."
"We will visit her kapag may time tayo.”
Umalis siya mula sa pagkakayakap dito at pinunasan ang luha niya. Tumingin siya kay Liberty na nakayakap pa rin kay tita Hillary.
"Liberty huwag ka nang umiyak.” Kaya lang iyakin talaga yata ang best friend niya dahil panay pa rin ang hikbi nito. "Tita Hillary, kailan po ba sya aalis?"
"Next week na Charlton.”
Marahan na umalis dito si Liberty na namamaga na ang mga mata at namumula na ang ilong sigurado siyang pareho sila ng itsura.
"Mabuti pa mag shopping na lang tayo para hindi na kayo umiyak d’yan." Sabi ng mommy Amber niya na ikinangiti nilang magkaibigan.
Mabilis talaga magswitch ang mood nila kaya mabilis silang tumayo at nagpunas ng mga luha at muling ngumiti.
"Let's go?" Aya niya sa mga ito.
"Shopping lang talaga ang katapat niyo, ano?" Tita Hillary's said while chuckling.
Sabay-sabay silang lumabas ng jewelry shop at naghiwalay lang sa parking lot dahil magkaiba ang gamit nilang sasakyan.
"Manong sa Mall tayo." Sabi ng mommy niya sa driver nila, sa backseat sila nakaupo.
"Mom, pwede na po ba akong mag boyfriend?" Hindi napigilan ang bibig niya.
"May nangungulit na bang manliligaw mo?"
"Hindi naman siya nangungulit. I am just asking kung pwede na? Hindi po ba kayo magagalit? Hindi ba magagalit si daddy?"
"I want to meet this guy para makilatis ko kung karapat-dapat ba siya sa’yo.”
Tumango-tango lang siya at kinagat ang hintuturo niya. Paano niya kaya sasabihin kay Ryxer na ayaw niya na gawin secret ang ligawan nila?
"Paano po ba malalaman kung siya nga ang right guy?"
Her mom look at her fondly and smile, the most beautiful smile she had ever see.
"For me the right guy is.. Hmm.. It’s when he cares for you," Check. Ryxer cares for her. "Your happiness is more important to him than anybody else. You will always be his first priority and most of all, he is willing to tell the world how much he loves you, 'yung hindi ka niya itatago bagkos ipagmamalaki ka niya sa mga tao.”
Hmm? Gagawin kaya ni Ryxer iyon?
“Gano'n po ba si daddy?"
"Nung una hindi, our relationship wasn’t perfect. May mga pagkakamali siyang ginawa noon para masaktan ako."
“Po?"
Ang mommy niya nasaktan ng dad niya? Parang hindi kapanipaniwala iyon dahil kapag nakikita niya ang mga ito para bang araw-araw in love sa isa't-isa.
"Hindi gano’n kadali mahanap ang Mr. Right anak, madaming pagsubok ang dumadating sa buhay ng isang tao lalo na sa usaping pag-ibig. Nand’yan 'yung masasaktan ka kasi iniwan ka ng taong mahal mo. Nand’yan 'yung luluha ka kasi niloko ka niya."
"Did daddy hurt you?" She asked in disbelief.
"He did, pero kapag mahal mo kasi ang isang tao tatanggapin mo lahat ng sakit. When you really love someone you are willing to take all the risks for loving him kahit alam mong walang kasiguraduhan kung mapapasayo ba siya o hindi."
"Pero magkasama po kayo ni daddy ngayon at sobrang saya niyo po kapag magkasama kayo."
"Because we fought for our love. Hinarap namin ang lahat ng problema na dumating sa’ming dalawa kaya magkasama kami ngayon ng daddy mo."
"Sana mommy katulad din ng story niyo ni daddy ang maging love story ko. I wish to have a fairy tale love story, 'yung may happy ending."
"You will, basta kaya mo lang harapin ang mga pagsubok na darating sa’yo. You need to be strong Charlton kasi hindi natin alam kung kailan darating ang pagsubok. Always remember na nandito lang kami ng daddy mo kapag kailangan mo kami.”
Her mom kissed her forehead.
"What if hindi ko po kayang harapin ang pagsubok na dumating sa’kin?"
"Isa lang naman talaga ang nakakatulong sa'tin sa lahat, anak."
"Sino po?"
"Si God. Kapag ginawa mo na ang lahat pero hindi mo pa rin talaga kaya huwag kang mahiya na tawagin Siya and ask for help, for strength, I'm sure hindi ka Niya papabayaan."
She nod her head.
"I will mom, I will." Kailangan niya pala maging matatag at malakas, bawal pala ang weak. And when she felt she's down just call Him, call God. "Mom, thank you ha."
"For what?"
"For loving me.”
Natawa lang ito ng very very light at niyakap siya ng bahagya. Maswerte siya dahil nagkaro'n siya ng magulang na sobrang bait.
Nang makarating sila sa Mall ay dumeretso silang apat sa isang kilalang brand na mga damit at nag-umpisa ng mamili ng mga bibilhin nila.
"Charlton, try this one.”
Inabot sa kanya ng mommy niya ang isang fitted dress na kulay purple. Kinuha niya iyon at pumasok sa isa sa mga fitting room do'n. Medyo revealing ang damit pero hindi naman 'yung tipo na nakakabastos kaya siguro nagustuhan niya na rin. Tinignan niya ang cellphone nang tumunog iyon.
Ryxer is calling.
"Yes hello?”
"Where are you, Charlton?"
“I’m in Mall with mommy together with your mom and Liberty."
"Okay."
"Wait, nasa shop ka?"
"You forgot to tell me that you’re leaving."
"I'm sorry Ryxer." She bit her forefinger.
Mannerism niya yata talaga ang pagkagat sa hintuturo niya kapag nakakagawa ng kasalanan.
"You don't need to apologize sweetie, I am on my way home now."
"Okea, drive safely. Bye.”
Hindi niya naman kasi naalala na susunduin nga pala siya ni Ryxer, nawili siya sa pagshoshopping. Lumabas siya ng fitting room at bumalik sa mga kasama niya.
"I will buy this mom.”
She lifted a bit the purple dress her mom chose for her.
"How ‘bout this?”
She motion her head to Liberty, she's holding a black dress while smiling at her.
"Bagay sa’yo 'yan Liberty lalo kang puputi."
"Kung maputi ako, ano ka pa?”
Nakasimangot ang best friend niya na para bang hindi gusto ang kulay ng balat nito.
"Maputi rin." Aniya at bumungisngis. "Pero si Ate Stella ang pinaka maputi sating lahat."
"Oo nga." Mabilis na pagsang-ayon nito.
"Mana kasi siya sa mommy niya kaya parang snow white ang Ate Stella niyo." Her mom said and walk closer to them. "Okay na ba lahat ng bibilhin mo, anak? Papunta na kasi rito ang daddy mo para sunduin tayo."
"Okay na mommy wala na akong maisip bilhin." She look around. Magaganda lahat ng damit kaya lang ayaw niya na magsukat kasi mas gusto niya nang kumain. "Where can I donate my clothes, mom?"
Bahagyang nalukot ang magandang mukha ng mommy niya sa tanong niya.
"You want to dispose your clothes?"
"Masyadong madami mommy, hindi ko pa nga po nasusuot lahat pati 'yung mga sapatos nasa box pa rin."
“Oh-okay anak. We can give those to Saleen’s Foundation. I'm sure matutuwa ‘yon."
May charity kasi ang pamilya nila Saleen at ang alam niya ay ang kaibigan niya ang madalas magmahala do’n.
"Mom, can I donate my shoes and dresses, too?”
Narinig niyang tanong ni Liberty sa mommy nito.
"Anytime baby, gusto mo magsabay na lang kayo ni Charlton." Tita Hillary look at her. "Is that okay to you?”
Mabilis siyang tumango-tango. Mas maganda nang ipamigay ang mga gamit nila kaysa naman maluma lang dahil hindi nila ginagamit.
"Okay na ba lahat?”
Lumanding ang mata niya sa isang gwapong lalaki na nakangiti sa kanila ng mommy niya. Tumakbo siya papunta rito at hinalikan ito sa pisngi.
“Daddy!"
Yakap-yakap niya na ito na para bang ngayon niya lang nakita.
"As far as I remember baby kaninang umaga lang tayo huling nagkita. Did you miss me that much?” He chortle.
Lalo niyang isiniksik ang sarili sa ama kahit pa may napapatingin na sa kanila. Nakaka-proud pala kapag gwapo ang daddy mo ano?
"I just love hugging you and mom."
"Daddy? Nandito ka rin?”
Nag-angat siya ng tingin mula sa direksyon kung saan naglakad ng mabilis si Liberty at yumakap din sa isang gwapong lalaki na halos kaedaran lang din ng daddy Clarkson niya.
“Yes, susunduin ko rin kayo, anak." Ani ni Tito Axer na naka-smile kay Tita Hillary—his wife.
"Shall we go?" Mommy niya na ang bumasag sa yakapan nila. "Sa bahay niyo na ipagpatuloy 'yang yakapan niyong mag-aama."
Mahinang tumawa si Tita Hillary.
"Oo nga naman."
Umalis siya sa bisig ng ama.
"Magbabayad lang po kami dad."
"No need anak, bayad na lahat 'yan pati na rin ang pinamili nila Liberty. Let’s go."
"Wait lang dad, hindi pa po kaya kami nagbabayad.”
Sinulyapan niya ang mga damit at sapatos na napili nila.
“Charlton darling, are you aware about our business?"
"Yes dad." No, hindi pala lahat.
Ang alam niya lang aymay mga Hotel sila rito sa Pinas at sa Singapore.
"We own this Mall. You don’t need to go to cashier and pay.”
"But daddy I want to—"
"He's right Charlton, mabuti pa ako alam ko na sa inyo itong Mall, si kuya Cassidy mo nga ang nagmamanage dito eh, nakita ko kaya siyang sumilip kanina habang busy tayo." Litanya ni Liberty.
Ngumuso lang siya.
"We can go to counter and pay.”
Another smile from her mother that tells her that she will do everything for her. Ang daddy niya na ang kumuha ng pinamili nila at naglakad sa cashier. Binilisan niya rin ang lakad kasi gusto niyang siya ang magbabayad.
"Dad, I have cash here, we can use this.”
Nakita niya kasing nag-abot ito ng gold card sa cashier.
"Keep it to yourself baby."
"Clarkson, man, damay mo na rin ang mga 'to, naghihirap na kami." Itinaas ng daddy ni Liberty ang mga pinamili ng mag-ina nito.
“No, man, you have a gold card so pay your bills here." Tinapik-tapik pa ng daddy niya ang counter. "Business is business walang kaibi-kaibigan." He joked.
"Dad, naghihirap na po ba tayo?" Liberty asked Tito Axer, making their parents laugh.
"No sweetie, I was kidding. Hindi tayo naghihirap, actually kayang-kaya kong bilhin ang buong Pilipinas."
"Ang yabang." Tita Hillary muttered.
Well, ang alam niya ay business partner ang daddy niya at ang daddy ni Liberty so hindi sila maghihirap.
Pagkatapos nilang bayaran ang pinamili nila ay nagpasya na silang umuwi. Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan ng ama. Sila Liberty ay nakasakay din sa sasakyan ng daddy nito.
"Dad," She called her father.
She’s sitting at the backseat while her mother is on the passenger seat.
"Yes?" He's driving.
"Why did you hurt mommy?"
He took a quick look at her through rearview mirror, his forehead knotted curiously.
"I didn't, I love your mom so much. Hindi ko siya sasaktan. I don't even think about it."
"No dad, I mean you hurt her before. Why did you do that?"
Nag-isip ito saglit.
"Uh yes I did, but that was before anak hindi na ngayon, hinding-hindi ko na sasaktan ang mommy mo.”
He held her mom's hand and kissed it.
"You love her pero sinaktan mo pa rin siya daddy. I just don't understand."
"Hindi mo maintindihan kung bakit ko siya nasaktan kahit mahal ko siya?"
“Opo,"
"May mga bagay kasi tayong nagagawa na hindi natin namamalayan na nakakasakit na pala tayo, anak. Kahit mahal mo pa ang isang tao darating at darating din pala 'yung araw na masasaktan mo siya kahit ayaw mo."
"Hmm..."
"Once you fall in love, you will understand what I’m talking about."
“Ibig sabihin kapag nagmahal ako…masasaktan din ako?"
"Exactly."
"Ayoko nang magmahal." She gasped.
"No baby, listen, lahat ng nagmamahal ay nasasaktan. Meaning to say, kapag nagmahal ka hindi talaga maiiwasan na masaktan ka."
"Pero,"
"Hindi mo kasi masasabi na nagmamahal ka kapag hindi ka nasaktan, anak.”
Gano'n ba 'yon?
"Ang hirap naman po palang magmahal."
"Mahirap, masakit, pero kakaibang saya ang mararamdaman mo kapag nakasama mo na ang taong mahal mo.”
Sinasabi ng daddy niya ang mga salitang ‘yon habang nakatitig sa mommy niya. 'Yung tingin na mahal na mahal talaga nito ang mommy niya. Sana katulad ng magulang niya ay may happy ending din sila ng lalaking mamahalin niya, si Ryxer.