CHAPTER 2

3013 Words
TALAGANG hindi niya napigilan ang pagsimangot ng mukha niya habang pinagmamasdan ang mga kaibigan niya na nagkakarerahan sa malawak na field. Tinignan niya ang isa malaking screen at nakita niyang nauungusan na ni Lexus si Saleen at Stella. Ano na naman kaya ang pustahan ng mga ito? "Why don't we join to them? Wala naman si kuya Ryxer.” Tumabi sa kanya si Liberty, oo nga pala silang dalawa ang hindi pinapayagan ng lalaking iyon gumamit ng racing field kapag walang kasama. Nilingon niya ito at agad naman itong ngumisi na para bang wala ng makakapigil sa kanilang dalawa na gawin ang bawal. Mabilis na tinakbo nila ang kanila-kanilang mga sasakyan at pumasok doon. Parang nahupa lahat ng inggit niya sa katawan ng maikot niya ang buong racing field ng walang nagpapagalit sa kanya at sigurado siyang pareho sila ni Liberty ng nararamdaman. "Charlton, do you hear me?” Narinig niya ang boses ng kaibigan mula sa wireless earphone na nasa suot niya. Para silang mga piloto na nagpapalipad ng helicopter kaya lang sa land lang sila at wala sa himpapawid at hindi helicopter kundi sports car ang minamaneho nila. “Yes, Liberty, I can hear you.” Sumulyap siya sa rearview mirror ng Mazda niya, nasa likod niya lang ang sasakyan ni Liberty pero sa likod nito ay may isa pang sasakyan. "Kuya Ryxer is here together with your brother we are so dead!” "So dead!” Pagsang-ayon niya. "Let's stop this and run away from them bago pa tayo nila masermunan.” Tinapos niya lang ang isa pang ikot at ipinarada na ang sasakyan niya sa paradahan. Bumaba siya at sinimangutan lang ang mga kaibigan niyang babae na nakatingin sa kanya. Alam na kasi ng mga ito ang mangyayari pati si Liberty ay nakasimangot na rin. “Hide! Hide!” Sinisenyasan sila ni Stella na magtago dahil huminto na ang sasakyan nila Ryxer. “Liberty!” Sabay pa silang napatayo ng tuwid ng kaibigan nang tawagin ang pangalan nito ni Ryxer. Nakatalikod kasi sila sa gawi nito habang ang mga kaibigan niya ay nakaharap sa kanila. "Pack your things, ihahatid na kita sa bahay.” "Kuya naman…dito muna ako, behave naman ako." "Behave? Sinabi ko na sa’yo na hindi ka pwedeng magdrive mag-isa!” "Mabagal lang naman ang pagpapatakbo ko, kuya." "Hindi mabagal ang nakita ko kanina!" "Galit ka na naman sakin." Liberty’s voice cracked. "Paanong hindi ako magagalit sa’yo kung…” "Man, enough iiyak na si Liberty." Sabat ni Ether. Minsan gusto niyang yakapin na lang bigla si Von Ether kasi magaling ito tumayming kung kailan eeksena. “Charlton,” "Uuwi ako Ryxer, kay Kuya Cassidy ako sasabay.” Inunahan niya na ang binata sa pagsasalita at hinarap ito. Naglakad siya sa gawi ng mga ito at niyakap ang kapatid niyang katabi lang nito. Ang bango-bango naman ng kuya niya at lang apad ng dibdib. “Kuya, inaaway niya na naman ako." Parang batang sumbong niya sa kapatid. "Sinabi ko na sa’yo na huwag ka magdrive hindi ba? Paano kung may nangyaring masama sa’yo?” Akala niya pa naman kakampihan siya ng kapatid. "Tama na ang drama ang sakit niyo sa mata. Anyway, guys baka gusto niyong mag road trip?” Umupo si Stella sa hood ng sasakyan nito. "No!" "Sure." "Hindi pwede!" "I'm in, kailan ba 'yan?" "Walang magaganap na road trip!" "Tayo na lang kung ayaw nila." "Huwag kayong makulit girls hindi pwede kasi…” Isang nakakasulasok na tili ang pumailanglang sa buong paligid ang nagpatigil sa diskusyon nilang lahat. Ang sakit sa tenga sa totoo lang, napapapikit pa siya. "ANG INGAY-INGAY NIYO!” Lahat yata sila napatakip sa tenga sa boses ni Saleen and yes ito rin ang tumili. Grabe 'no? Mahabang katahimikan ang namayani bago ulit may nagtangkang nagsalita. “So, tuloy tayo." Pagpapagtuloy ni Stella. Magsasalita sana ang mga lalaki kaya lang mukhang natameme na lahat nang tignan ni Saleen. "Okay girls, let's make a plan!” Aya ni Lexus na naka suot ng all black. Umalis siya sa pagkakayakap mula sa kapatid at nakipag-umpukan sa mga kaibigan niya. Nakita niyang napailing na lang ang mga lalaki dahil wala na naman magagawa ang mga ito, nakapag plano na sila, eh. Tuloy ang road trip! "Ilan sasakyan ang gagamitin?" Tanong niya. Nasa tiled floor lang sila nakaupo lahat. Binilang muna ni Liberty kung ilan sila. "Five tayong lahat." "Gusto niyo ba sama-sama tayo o hiwalay-hiwalay?" "Sama-sama para palitan sa pagdadrive.” Hindi siya nagdadrive ng malayuan, hindi niya pa nasubukan kasi may personal driver siya o kaya naman si Cassidy ang driver niya o kaya ang daddy niya but not her mom. “So, isang van lang ang gagamitin natin at kailangan natin ng madaming pagkain." "Picnic ba ang pupuntahan natin ate Stella?” Ngumiti ito sa kanya, 'yung alangan na ngiti. "No baby Charlton, kailangan lang natin ng madaming pagkain para kakain tayo habang nagroroad trip." Tumango-tango siya. "Paano kapag sumakit ang tiyan natin dahil madami tayong nakain?” Si Liberty ang nagtanong, silang dalawa ang pinaka bata sa kanilang limang magkakaibigan. "Madaming matataas na talahib sa pupuntahan natin kaya pwede niyong dalhin do’n ang tawag ng kalikasan." "That's gross!" Nandidiring wika ni Saleen habang nakapilantik ang mga daliri. Lumapit sa kanya si Liberty at bumulong. "Ano 'yung tawag ng kalikasan, Charlton?” Ano ba? Hindi niya din alam, baka kapag nagsuka? "Hindi ko rin alam Liberty." Balik na bulong niya. "Anong pinagbubulungan niyong dalawa?" Napapitlag sila pareho nang marinig ang malamig na boses ni Lexus, hindi naman ito galit, ganoon lang talaga ang boses nito. "She asked me what is tawag ng kalikasan?" “Eww, please stop that tawag ng kalikasan na 'yan I hate mabaho." Maarte si Saleen, maarte. Ilan taon na nga ba ulit ang babaeng ito? Siya kasi ay kaka-eighteen pa lang, ahead ng five years sa kanya ang kuya niya. So matatawag pa silang teenager ni Liberty, nasa twenty's na kasi sila Stella, Lexus and Saleen. Bata pa sila kung tutuusin, kaya lang mukha na silang dalaga at lahat sila graduate na. Maaga siyang nag-aral at may business na rin siya, isang jewelry shop, regalo sa kanya ng mommy at daddy niya nang nag debut siya. Madalas siya sa shop niya pero mas madalas siya sa RACE. Ewan niya ba, basta hindi niya trip mag manage ng business, iba ang gusto niya. "Tawag ng kalikasan is…” "Stop it Stella." Lexus interrupted. Napatingin silang lahat sa pintuan nang bumukas bigla iyon. Ang mga lalaking ito talaga mga hindi marunong kumatok. Agad na nagtama ang mata nila ni Ryxer, galit siya dito kaya inirapan niya ito. Ano na naman kaya ang sasabihin sa kanila ng mga gwapong lalaki sa harap nila? May pakiramdam siya na makikialam na naman sa lakad nila ang mga ito. Malaya siyang gumala kasi wala ang parents niya, ang mga kasambahay lang ang kasama niya sa bahay nila at si kuya Cassidy niya ay pansamantalang umuuwi muna doon habang wala pa ang parents nila. May condo unit na kasi ang kapatid, bumukod na ito kahit ayaw ng magulang nila. Basta nag promise siya sa mommy at daddy niya na hindi siya aalis ng bahay nila, sasamahan niya ang mga ito. Hindi niya nga yata kaya mabuhay mag-isa, dependent siya masyado, siguro kasi nagdadalaga pa lang siya kaya gano'n. Hindi pa gano'n kalawak ang kaisipan niya sa mga bagay-bagay, kailangan niya pa rin ang gabay ng magulang. Baby nga siya sa kanila kahit nag-eighteen na sya. KAAGAD NA nahanap ng mata niya ang babaeng nagpapainit ng ulo niya pagkapasok nila sa isa sa silid na naroon. Katulad ng iba nilang kaibigan ay nakaupo rin ito sa tiled floor, nakasalampak is the right term together with his sister, Liberty. Last month lang nag debut si Charlton pero kung titignan ay dalagang-dalaga na ito but the way she talk ay parang wala pa ito talagang alam sa mundo. She doesn't even know that when she hugs him, his body automatically responds. Kaya inilalayo niya ang sarili sa dalaga dahil ayaw niyang sirain ang kainosentehan nito. Maybe he can wait, hindi naman niya hawak ang tadhan and besides he's enjoying his life, madami siyang babae na kaya niyang makuha agad. Papalipasin niya na lang muna ang pag-iinit ng katawan niya dahil kay Charlton. "Tresspassing kayo!” Kailan niya kaya mapapatikom ang bibig ng pinsan niyang si Stella? "Baka nakakalimutan mo pag-aari namin ang lugar na ito, lahat ng natatanaw mo ay sa amin, ang inuupuan mo ay amin at ang hangin na nalalanghap mo ay sa amin din!” Mayabang din itong si Von Ether kung hindi niyo naitatanong. "Alam namin 'yon kuya. May idadagdag ka pa ba?" "Yes, 'yung pagkain namin kinain niyo." Sagot nito kay Lexus. "Magluluto na lang ako para may kainin kayo at…” "Maawa ka Stella, hindi pa namin kaya makita ang mga sasakyan dito na abo na lang." “Cassidy, ano bang problema mo sakin? Lagi mo na lang akong tinatabla.” Tumayo ito at pinameywangan ang kaibigan niya. "Shut up will you? Ang ingay-ingay mo!” Hindi ba mainitin ang ulo nilang magkakaibigan? Ayaw nila sa maingay na babae kailan kaya sila masasanay sa madadaldal? Stella at Saleen ang pinaka madaldal sa lima mas gusto niya pa kasama si Lexus kasi bihira lang magsalita. Nakita niya ang pag-upo ni Aeon sa pagitan ni Charlton at Liberty, umusog pa ang dalawa para makaupo ito at tila tuwang-tuwa pa dahil pinagkukurot nito ang pisngi ni Aeon, siguro sa inis ng lalaki kaya lumayo ito sa dalawa at si Ether ang pumalit. "Von Ether Murphy alis ka rito! Ayaw ka naming katabi!” Kawawa naman ang kaibigan niya dahil pinagpapalo at sinasambunutan ito ng dalawa. "Aalis na ako! Huwag niyo akong rape-in! Virgin pa ako!” Yakap-yakap ang sarili nang lumayo ito sa dalawa. "Virgin ka rin?" Maang na tanong ni Charlton. As in walang malisya samantalang ang mga kasamahan nila ay namumula na ang mga pisngi pati yata siya ay namumula na rin, pwera kay Liberty na wala rin alam sa mundo. "Bakit kayo namumula? Virgin pa kayo?" Dugtong pa nito. Nagkatinginan tuloy sila ni Cassidy na para bang may nakakahiya sa nangyayari. "Kuya Ryxer bakit ka namumula? Virgin ka rin? Lahat tayo dito virgin?” Tabinging ngiti ang naibigay niya kay Liberty ng tanungin syia. "Yes sweety, I am.” sagot niya. Kulang na lang ay sagasaan niya ng paulit-ulit ang tatlo niyang kaibigan dahil alam niyang gusto na ng mga ito tumawa. Hindi lang naman siya ang hindi virgin, silang magkakaibigang lalaki ay hindi na. Kaya lang nakakahiyang topic iyon lalo at walang alam sa mundo ang nakikinig sa kanila. Alam niya rin naman na malinis pa ang mga babaeng kaharap nila ngayon, kapag may nagtatangka kasing manligaw sa mga ito ay agad nilang tinatakot. Kaya hanggang ngayon walang ni isa ang nakalusot sa mga pobreng lalaking nangangarap na masungkit ni isa sa mga nag-gagandahang babae sa harap nila. "Hindi ka na virgin Ryxer, dahil 'yung classmate ko nung high school ipinagkalat na may nangyari sa inyo!” Itong Stella na talaga na 'to walang preno ang bibig hindi man lang marunong makaramdam! Tinignan niya si Charlton na wala naman pakialam sa narinig. Sabagay ano nga bang alam nito sa mga ganoong bagay at ano nga rin ba ang inaasahan niyang maging reaksyon nito? "Bakit ba kayo nandito?" Lexus asked them. "We want to join in your road trip." Siya ang sumagot. "And we have plan." "Hep hep," Saleen lifted her forefinger to get their attention. "Anong plano naman?" "We are going to use our cars para hindi na kayo gumamit ng van, kami na rin ang magdadrive." "Girls ang sarap ng buhay natin may driver na tayo!” Pumalakpak pa si Stella. Wala naman paki ang babaeng kanina niya pa tinitignan, mas busy ito sa pakikipag-usap kay Liberty. Tumayo ang mga ito at nagpagpag ng mga damit. "Kailan niyo gustong umalis?" He asked. "Now na!" Sabay-sabay na sagot ng mga ito at nag-umpisa ng magmadali palabas. "Aayusin lang namin ang mga gagamitin namin tapos babalik kami dito, okay?" Ani Lexus na nahuling lumabas, alam nyang naeexcite ito hindi lang halata. Tumango lang siya bilang sagot, may magagawa pa ba sila? Wala! Humugot siya ng malalim na buntong hininga at kakamot-kamot ang batok nang harapin ang mga kaibigan niya. The way they look at him para bang may kasalanan siyang ginawa. "Anong gagawin natin ngayon?" Tanong ni Ether. "Saan naman natin dadalhin ang maiingay na mga babaeng ‘yon?” Walang sumagot sa kanila, nag-iisip sila kung saan nga ba magandang dalhin ang mga treasure nila? Yes, the girls are their treasure. "They love beach." Sabi ni Aeon at sigurado siyang hindi na ito ulit magsasalita. “Okay, sa beach na lang." Pagsang-ayon niya at lumabas na ng silid na iyon. Nag-iisip kasi siya kung paano ang gagawin niya para humupa ang pagkainis sa kanya ni Charlton? KANINA PA siya nakatingala sa malaking walk in closet sa silid niya. Sa sobrang dami ng damit niya ay hindi niya na alam kung ano ang susuotin at mga dadalhin. Pabagsak na humiga siya sa queen size bed nya. Kahit hindi siguro siya lumabas ng kwarto ay mabubuhay siya sa loob no'n. May refrigerator doon in case na gusto niyang kumain ng malalamig kapag ayaw niyang bumaba sa kitchen nila, may malaking flat screen TV, DVD player, WiFi, laptop, lahat yata ng kailangan ng isang individual ay nasa loob ng kwarto niya, wala na nga yata siyang mahihiling pa.  Kinuha niya ang iPhone sa gilid nyia and dialed her mother's number, tatlong ring lang ay nasagot na agad. "Hello?" "Yes baby? May problema ba?" Daddy niya ang sumagot. "Wala po dad, where's mom?" "Nasa shower room baby, namimiss mo na ang mommy?” Tumango siya kahit hindi naman siya nakikita ng ama. "Miss ko na kayo daddy, go home na please.” She heard him chortle. Ilan days pa lang ba nyia na hindi nasisilayan ang magulang? Nag-out of town kasi ang mga ito. "Your mom misses you too," “Babe, sino 'yang kausap mo?” Sigurado siyang boses iyon ng mom niya. "Our baby girl.” See, baby kaya siya kahit eighteen na siya. "Let me talk to her." Hinintay niya munang magsalita ulit ang mom niya, marinig niya lang ang boses ng mga ito ay okay na siya, hindi na siya sad. "How's my baby girl?” Malamyos na tinig na tanong ng nasa kabilang linya. "I'm a little bit sad kanina mommy pero ngayon hindi na po, narinig ko na kasi ang boses niyo ni daddy." "How sweet, don't worry next day uuwi na kami d’yan. Where's your kuya?" "Downstairs mom, he's waiting for me. Magroroad trip kami ngayon." "No baby, hindi pwede, huwag ka ng sumama, okay?" Tila natataranta ito. "Bakit mommy? Masaya po do'n kasi magkakasama kaming magkakaibigan." "Baka kasi…” "Let them enjoy their lives babe." Her dad interrupted. Ilang segundo muna ang nakalipas bago nagsalita ang mommy niya. "Okay baby, sasama ka sa kanila but I will talk to them to look after you and I will call your brother for some reminders." "Thank you mom, I love you and dad." "We love you more, mag-iingat kayo ha?" "Opo, kayo rin ni daddy.” They bid a goodbye and ended the line. Napatingin siya sa pintuan ng silid niya nang may kumatok doon. "Charlton, are you okay? Kanina ka pa d’yan.” Napabagon siya ng wala sa oras. Hindi pa nga pala niya naaayos ang mga dadalhin niya! "Kuya come in, help me pack my things." Bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang gwapong lalaki. "Almost one hour ka na rito hindi mo pa rin naayos ang mga gamit mo?" Lumapit ito sa wardrobe niya at pinanood lang ang kapatid na kunin ang mga dadalhin niya. "You know, hindi lang ako ang naghihintay sa’yo Chalrton nasa baba na sila Ryxer kanina pa." "Ganoon ba kuya?” Wala naman nagagalit sa kanya kahit matagal siya baka sanay na ang mga ito. "Hays." "Hintayin kita kuya sa baba ha?” Kinuha niya ang iPhone at iPad niya bago lumabas ng silid. Tahimik lang ang bahay nila kaya lang biglang umingay kasi nandyan ang mga kaibigan niya. "Where's your brother?" Lexus asked her. "Inaayos 'yung gamit ko.” Inilibot nya ang tingin kaya lang wala 'yung hinahanap niya. "Okay na ba ang lahat?” Lumanding ang mata niya sa main door nila para lamang salubungin ng isa pang gwapong lalaki. Kapag si Ryxer ang nakikita niya parang may mga paru-paro sa tiyan niya na lumilipad-lipad pero kapag ang kuya Cassidy niya naman ay hindi. Tumingin siya kay Ether at Aeon, parehong gwapo ang mga ito kaya lang wala naman siyang maramdaman na kakaiba sa katawan niya. Ganoon din kaya ang nararamdaman ni Ryxer sa tuwing magtatama ang mga mata nila? "Not yet, inaayos pa ni Cassidy ang gamit ni Charlton.” Iniwas niya ang tingin kay Ryxer nang tumingin ito sa direksyon niya. Dapat ay hindi nito malaman na nagkakaro'n bigla ng flying butterflies sa may tummy niya every time they look at each other. She'll keep that as her secret, kapag umuwi na ang parents niya ay itatanong niya sa mga ito kung bakit gano'n ang nararamdaman niya, sigurado syiang masasagot iyon ng mommy niya. "Let's go guys!” Parang mga kiti-kiti ang mga kaibigan niyang babae nang marinig ang sinabi ng kuya niyang pababa sa hagdan. Impit pang napatili ang mga ito at nagtatalon sa tuwa. Siya naman ay masaya lang na tinitignan ang mga ito na tila ba kaytagal nilang hinintay ang oras na iyon na makaalis sila. Para bang mga nakawala ito sa hawla samantalang lagi naman silang namamasyal kaya lang dapat kasama ang mga magulang nila at may mga bodyguards din na nakapaligid sa kanila. Alam niya naman na mayaman sila, ayaw niya lang tanggapin na sobrang yaman nila. Ang mga magulang ng kaibigan niya ay mayayaman din. Sobrang swerte niya pala?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD