INILIBOT niya ang paningin sa kabuuan ng racing field na pag-aari nilang magkakaibigan. Sino ba ang mag-aakala na hindi lang pala pambababae ang kaya nilang gawin? They can manage a business at nasa harap niya na ang pinaghirapan nila.
His parents are very proud about his success at syempre ang success niya ay success din ng mga ito. He can still remember his younger days when he and his friends talked about cars. Siguro ganoon talaga ang mga lalaki, kung ang mga babae ay mahihilig sa mga sapatos, silang mga lalaki naman ay mahilig sa mga sasakyan. Minsan nga mas mahalaga pa sa kanya ang mga sasakyan niya kaysa sa mga babaeng ikinakama niya.
"Boss, may naghahanap po sa inyong chicks." Tawag pansin sa kanya ng isa sa mga maintenance ng sasakyan na ginagamit niyang pangarera.
"Sabihin mo wala ako."
"Okay boss." Anito at tumalima na.
Nagsasawa na siya na kung sinu-sinong babae ang naghahanap sa kanya. 'Yung iba nga ay hindi niya na makilala, he cannot even remember the names of those poor girl who keeps on pestering him after a one steamy night with him. Umiiwas na nga siya minsan kaya lang masyado siyang lapitin ng mga babae. Sino lang ba siya para tanggihan ang biyaya?
Sumakay siya sa nakaparada niyang sports car at pinaandar iyon sa buong field. Solo niya ang buong lugar dahil mamaya pa naman darating ang mga kaibigan niya. Madalas kasi sila-sila lang ang naglalaban laban sa pangangarera, nakasanayan na nilang gawin ang bagay na 'yon. Kung sa ibang magkakaibigan ang bar or clubs ang ginagawang lugar upang makapag bonding, sa kanilang magkakaibigan naman ay ang Racing Field ang nagiging daan para mas lalong tumibay ang samahan nila.
Nagpupunta naman sya sa bar hindi para lunurin ang sarili niya sa alak kundi para kumuha lang ng babae na magpapainit sa gabi niya.
Medyo binagalan niya ang pagpapatakbo ng kanyang red Ferarri nang mamataan sa big screen ang mukha ng isang babae. Sigurado siya na nandyan na ang mga kaibigan niya dahil pinaglalaruan na naman ang mga cameras. Apat na big screen ang nakalagay sa buong racing field, doon kasi nakikita ng mga tao ang nangyayari kapag may Race na nagaganap. Sa pinaka gitna iyon ng field nakapwesto, mataas at kitang-kita iyon lahat ng nanonood. Kasing laki iyon ng screen sa loob ng isang sinehan kaya kitang-kita sa buong paligid kung ano o sino man ang lumabas sa screen na iyon.
The woman was wearing a peach v-neck blouse, skinny jeans and peach doll shoes as simple as that. She stands about five and six inches, hinahangin ang straight na buhok nito. Hindi niya inalis ang tingin sa babaeng iyon hanggang sa buong mukha na lang nito ang nakikita sa big screen. She has natural thin pink lips. Lahat naman kasi yata ay malalaman kapag may lipstick o wala ang isang babae.
Malalantik ang pilik mata nito, namumula rin ang magkabilang pisngi ng babae dahil sa sikat ng araw. Kumunot ang mukha nito at bahagyang umusli ang labi ng tila na-realize na ang mukha nito ang nasa apat na big screen sa buong lugar. Magkasalubong ang dalawang kilay ng padabog itong pumasok sa isa sa mga opisina na naroon. Napailing na lang tuloy sya at ipinarada ng muli ang sasakyan niya.
"Next time si Charlton naman ang gawin nating model ng mga sasakyan natin, mas bagay sa kanya mag model kaysa ikulong ang sarili niya sa apat na sulok ng boutique niya.”
Narinig niyang sabi ni Ether. Ito ang pinaka bully sa kanila, anak nina tita Natalie and tito Scott.
"Huwag mong idamay ang kapatid ko sa wala mong kapararakan na suhestyon, Ether." It was Cassidy.
Ang babaeng nasa big screen kanina na tinitignan niya ay ang kapatid nito, si Charlton.
"Wow pare, ang lalim hindi ko maarok!”
Nagtataka siya kung bakit napaka bully nitong si Ether samantalang takot naman ito sa mommy nito.
"Naka-drugs ka ba Von Ether? Ang hyper mo na naman." Sabat niya at lumapit kay Aeon na tahimik lang, nakipag fist bump lang ito sa kanya. Aeon is tita Mandy and tito Matthew's son.
"Ryxer, man, you're here.” Lumapit ito sa kanya at nag shoulder bump sila. "Pasado na ba ang bago nating model?" Tukoy nito kay Charlton.
"Huwag mo akong idamay sa kalokohan mo, gusto mo yatang ipasara ni tito Clarkson itong racing field.”
Hindi naman kasi biro ang pagkatao ni Charlton, sobrang yaman ng pamilya nito kaya kung maaari ay ayaw ipaalam sa buong publiko kung sino si Charlton Forbes, mahirap na baka makidnap pa ito at pag-interesan ng mga masasamang tao.
"Just kidding, chill lang kayo. Nasaan na nga pala 'yung kapatid mo?" Tanong nito kay Cassidy. Yeah that woman, nasaan na nga ba?
Ngumuso lang si Cassidy sa bandang kaliwa nila at nang sundan niya ng tingin ay nakita nyiang nakaupo ang babae sa hood ng isa sa mga sasakyan na naroon. Halatang wala sa mood.
"Lalapitan ko lang baka nagalit sa ginawa ko kanina.”
"Ako na ang bahala sa kanya." Putol niya sa sasabihin ni Ether at naglakad papunta sa dalaga. “Hey," Untag niya dito, kaya lang mukhang hindi siya narinig dahil may earphone ito sa magkabilang tenga habang busy sa iPad na hawak kaya naman marahan na inalis niya ang isang earphone nito.
Parang naumid ang dila nya nang mag-angat ito ng tingin sa kanya, pouting her lips. Bakit 'yung mga babaeng nagpapout ay kinaiinisan nya? Feeling niya kasi ay nagpapa cute lang sa kanya pero bakit sa babaeng kaharap niya ay hindi siya makaramdam ng inis? Ang cute pa nga nito sa mga mata niya.
“Hah?
Ano nga ba ulit 'yung sasabihin niya kanina?
"I mean anong ginagawa mo dito? Wala naman dito sila Lexus at Saleen.”
Tukoy niya sa mga kaibigan nitong kababata rin nila.
Inalis nito ang tingin sa kanya at inilipat ang mata sa malawak na racing field.
"Hindi ba ako pwedeng magpunta dito kapag hindi ko sila kasama?" She asked innocently. Too innocent for her own good.
"You'll get bored kasi puro kami lalaki rito."
"Pinapaalis mo na yata ako Ryxer."
"Hindi naman sa ganoon pero…”
"I understand you, alam ko naman na ayaw mo akong nakikita dahil naiinis ka sakin kahit wala naman akong ginagawang masama sayo." Iyon lang at nilayasan na siya.
Madalas silang mag-away ni Charlton kahit noong mga bata pa sila, medyo nabawasan lang ang pag-aaway nila nito na lang nang may sarili na silang pag-iisip. Trip niya lang itong awayin kaya lang masyadong sensitive, ayaw niya sa ganoon. Gusto niya 'yung palaban na mga babae.
"Where is she?" Tanong ni Aeon nang makabalik siya sa umpukan nilang apat na magkakaibigan.
"Umalis bigla."
"Saan daw pupunta? Wala pa naman sila mommy sa bahay." Tila nag-aalalang tanong ni Cassidy.
"Nasaan sila tita Amber?"
"Nag out of town, next week pa ang balik nila." Cassidy gets his cellphone on his pocket and dialed a number. Ilan pang sandali ay tumingin ito sa kanila. "Susundan ko lang si Charlton, ayaw sagutin 'yung tawag ko."
"Ako na lang ang susunod sa kanya, may meeting ka pa mamaya sa isa sa mga clients natin." Tumango lang ito habang siya ay umalis na at nagpunta sa sasakyan niya.
Magpapaamo na naman ang babaeng iyon. Bakit nga ba kasi siya pa ang nag prisinta na sundan ito samantalang si Ether naman ang may kasalanan kung bakit nagsasulk si Charlton? Mabuti na lang at wala siyang masyadong gagawin ngayong araw.
LUMABAS siya sa racing field kahit tirik na tirik ang araw. Wala syiang dalang sasakyan dahil sabay sila ng kuya Cassidy niya nagpunta sa racing field. Kay Ether talaga siya naiinis dahil pinagtripan na naman siya. Inilagay na naman ang mukha niya sa mga big screen sa loob ng racing field, mabuti na lang at sila-sila lang ang tao do'n. Sabagay lahat naman yata ng tao ay pinagtitripan ng kolokoy na 'yon. Lalo lang nadagdagan ang pagkainis niya nang ipagtabuyan siya ni Ryxer. Nakaupo na nga lang sya doon at tahimik tapos ipagtatabuyan pa siya. Nasaan ang hustisya?
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad sa ilalim ng haring araw kahit na naririnig niya na ang busina ng sasakyan na sumusunod sa kanya. Kay Ryxer sasakyan iyon, kabisado niya lahat ng sasakyan ng binata. The nerve, ano na naman kaya ang sasabihin nito at talagang sinundan pa siya.
“Charlton, get in!” Inirapan niya ito, nakabukas ang bintana ng passenger seat ng sasakyan nito. "Ang init-init hindi ba sumasakit ang balat mo?”
Mahapdi na kaya ang balat niya, totoong mainit. Tanghaling tapat kasi.
"Ayaw mo akong makita hindi ba? Aalis na lang ako."
"Hindi mo ako naiintindihan makinig ka kasi muna."
"Ano ba ang sasabihin mo?"
"Pumasok ka muna, come'on namumula ka na kakabilad mo sa initan.”
Wala naman siyang pakialam kahit mangitim siya, bumabalik din naman 'yung kulay niya.
Binilisan niya ang lakad at sumilong sa ilalim ng puno sa gilid ng kalsada. Hindi pa sila nakakalayo sa racing field kaya wala pa siyang masyadong nadadaanang mga tao o kaya mga convenient store, puro puno at halaman pa lang ang nadadaanan niya.
Maganda ang lugar na iyon dahil malayo sa high way. Malawak at malayang malaya ang mga sasakyan na pumarada.
Sinundan niya lang ng tingin si Ryxer ng lumabas ito ng sasakyan at naglakad sa gawi niya. He's wearing a plain T-shirt, jeans and sneaker. Ganoon ang ayos nito kapag nasa racing field, pero kapag may ka-meeting ito ay naka three piece suit naman. Malalapad ang dibdib nito at alam niya din na may abs ito dahil nakikita niya ito minsan na nag gygym kasabay ang kuya inya at iba pang mga kaibigan.
Tinanggal nito ang itim na sunglasses na suot nito at tinitigan siya. Nakatingala siya kay Ryxer dahil mas mataas ito sa kanya
"What now?”
Nag-isang linya ang labi nito.
"Get inside the car and have lunch with me."
"Naglunch na kami ni kuya at isa pa baka may dumating na naman na girlfriend mo at iwan mo akong mag-isang kumakain." Nangyari na kasi ang bagay na 'yon at kung maaari ay ayaw niya ng mangyari ulit. Akmang aalis na siya sa harap nito nang bahagya siya nitong kabigin at idikit sa puno sa likod niya. His arms are rested on her side, nakakulong siya sa magkabilang braso nito.
“Sinabi ko kay Cassidy na ako muna ang bahala sa’yo, so stop sulking like a child, let's go.”
Wala siyang nagawa nang marahan na hilahin siya nito at pasakayin sa pulang sasakyan.
"I'm on my diet kaya ikaw na lang ang kumain, okay?"
“No!"
Napapitlag siya sa boses nito. Oo na kakain na siya baka lumipad na naman ang sinasakyan nila dahil sa bipolar na lalaking ito.
Hindi niya talaga maintindihan si Ryxer, minsan mabait ito sa kanya tapos masungit tapos magugulat na lang siya dahil ipagtatabuyan naman siya. Naguguluhan na tuloy siya!
Bakit ang kuya Cassidy niya naman ay hindi naman gano’n? Pero ang lalaking ito, parang ilang beses nauntog ang ulo kaya lumuwag ang mga turnilyo sa loob no'n. Pasimple niya muna itong tinignan, naka sunglasses ito kaya hindi niya makita ang mata, bumaba ang tingin niya sa labi nitong siguradong sobrang daming babae na ang nahalikan.
Nahalikan na rin naman siya ni Ryxer kaya lang sa pisngi lang o kaya sa noo. Hindi man lang siya halikan sa labi, gusto niya pa naman ay ito ang first kiss niya.
Napamulagat siya ng mata nang makita ang pulang pantal sa may leeg nito. baka nakagat si Ryxer ng mga insekto kanina ng nasa ilalim sila ng puno?
Mabilis na lumanding ang mga daliri niya sa leeg ng binata at kinapa iyon na ikinapiksi nito at sinulyapan sya.
"What are you doing?" His forehead knotted. "Don't touch me…I’m driving."
"I think some insects bit you in your neck, si kuya Cassidy madalas din kagatin ng mga insekto sa leeg niya.”
Yes palagi niyang nakikitaan ang kuya niya na may kagat ng insekto, pero itinatago iyon ng kapatid sa parents nila at sinasabihan siya na huwag sasabihin ang bagay na iyon sa mga ito at bilang masunurin na kapatid kaya behave lang siya sa parents nila.
"Insects love us." Sagot lang nito.
"Hindi ba masakit ang kagat nila Ryxer?"
"Not really sweetie, actually it gives pleasure to me.”
Napaisip siya bigla sa sinabi nito, ngayon niya lang nalaman na nakaka pleasure pala kapag kinagat ng mga insekto?
"Pleasure?"
"Never mind.”
Huminto ang sasakyan nito sa restaurant kung saan sila madalas kumain. Hinintay nyang pagbuksan siya ni Ryxer.
"Bakit kapag may kumagat na insects sakin hindi ko naman nararamdaman 'yung pleasure na sinasabi mo?”
Nakahanap sila ng upuan sa bandang sulok at doon sila pumwesto.
"There are different kind of insects, baka ayaw nila sayo." Lumapit sa kanila ang waitress na ang lapad-lapad ng ngiti. Mababait talaga ang mga staffs sa restaurant na iyon pero parang naiinis na naman si Ryxer, siya na nga ang nginingitian ng babae ay ayaw pa.
"I will try another insects to bite me, para maramdaman ko na 'yung pleas-”
Maagap na tinakpan ng binata ang mga labi niya gamit ang palad nito. What's wrong with him?
"Let's talk about insects later, let's eat first.”
Kinuha niya na lang ang menu at namili ng makakain.
"Ryxer, where is Liberty?”
Maya-maya ay tanong niya habang naghihintay ng pagkain nila. Kaibigan niya kasi ang bunsong kapatid nito.
"She's with Stella. We will go back to racing field after we eat."
"Gusto mo na akong magpunta doon?" She excitedly asked.
"Who told you na ayaw kitang magpunta do’n?"
Her eyes were twinkle in happiness. Ganyan kababaw ang kaligayahan niya.
"You mean pwede na akong magpunta do’n palagi? Papayagan mo na akong magamit ang racing field to drive my car?”
Hindi kasi siya nito pinapayagan na mag drive sa field, gustong gusto niya pa naman masubukan ang pagmamaneho doon. Okay lang naman sa kuya niya pero kay Ryxer ay hindi, pinagbabawalan siya samantalang ang ibang mga babae ay laging nagka car racing. She's a little bit envy!
"You can visit the field anytime and I won't allow you to drive in that racing field."
"Bakit sila ate Stella ay pinapayagan mo? Si Lexus and Saleen ay nagdadrive na rin doon." She pouted. Sabi na nga ba at pagdadamutan na naman siya nito. "Si kuya Cassidy nga ay pinapayagan ako magdrive pero ikaw hindi.”
Feeling nya ay iiyak na sya sa frustration na nadarama.
“Okay fine,”
"Yehey! Sabi na nga ba at may itinatago kang bait.” Tumayo sya at niyakap ito. "Thank you Ry,”
"I will allow you to drive pero kailangan kasama mo ako. Okay?" 'Yun lang, may bodyguard siya. "And go back to your seat Charlton because they eyeing us.”
Umalis siya mula sa pagkakayakap dito.
"We used to hug each other, so what's the problem kung pagtinginan nila tayo? I used to hug my mom and dad even my brother pero hindi naman nila ako pinipigilan kahit madami ang nakakakita samin."
Narinig niya ang mahina nitong pagbuntong hininga magsasalita sana ito nang dumating ang orders nila.
"Hi there, handsome.”
Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang tinig ng isang babae sa tapat nila. Ngumiti ito sa kanya kaya ngumiti rin siya at nagpatuloy ulit sa pagkain.
"If you can see, we are having our lunch and don't ruin it.” Ryxer said coldly.
"Oh it hurts, ganyan mo ba itrato ang mga ex lover mo?”
Ex lover? Siguro ay girlfriend ito dati ng lalaking kaharap niya. Kaya lang hindi niya na ulit ito tinignan dahil busy siya sa pagkain ng mga seafoods, alam talaga ni Ryxer ang mga favorite niya.
“Woman, just leave us now if you don’t want me to call a security guard to drag you out.”
That's harsh! Harsh pala talaga si Ryxer kahit sa ibang babae.
Walang nagawa ang babae at umalis na sa harap nila.
"That's tough, Ryxer."
"I don't know her. Alam mo naman na ayokong may distorbo kapag kumakain ako, I lost my appetite." Nagpunas ito ng puting tela sa bibig nito. "Finish your foods para makabalik na tayo sa RACE.”
Mabagal siyang kumain eh.
Nagpaka busy na lang muna ito sa cellphone habang hinihintay siyang matapos. Minsan ay sinusulyapan siya nito pati ang pagkain niya. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin siya at tila nabunutan ng tinik sa Ryxer sa leeg nang makitang tapos na siyang kumain.
Minsan mahaba ang pasensya ng binata maghintay sa kanya kaya lang kapag tinopak ito ay talagang ipinapakita sa kanya na naiinip na ito.
Bumalik sila sa Race at agad silang sinalubong ng mga sigawan sa naturang lugar. Nagtago siya sa likod ni Ryxer nang makitang papalapit sa kanila si ate Stella na may hawak na hose at sigurado siyang mababasa sila kapag hindi pa sila tumakbo. Hose na ginagamit pang car wash.
"There you are Ryxer and Charlton, binyagan na natin sila, sugod!" Sigaw ni Stella sa iba pa nilang mga kaibigan.
Mabilis na hinawakan ni Ryxer ang kamay niya at tumakbo papasok sa isa sa mga opisina na naroon. He even locked the door at pareho silang napasandal doon, tumingin ito sa kanya na kapwa hinihingal, sa second floor kasi ang mga opisina ng mga may-ari ng Race Inc. At nag-hagdan lang sila para makatakas sa binabalak na masama sa kanila ni Stella.
"That woman!" Tila nanggigigil na wika nito habang nakahawak pa rin sa kamay niya. "Hindi ba sumasakit ang ulo nila tita Elisse dahil sa anak nila?"
"Ewan ko, siguro nasanay na sila kay ate Stella." Halos magkasing edad ang kuya Cassidy nya at si Stella kaya 'ate' ang tawag niya sa babae. "Kakampi niya pa talaga si Ether sa kalokohan nila."
"Lumabas kayong dalawa d’yan!” Sunud-sunod na katok ang narinig nila. "Ryxer ilabas mo na si Charlton, huwag mo siyang pagsamantalahan!" Sigaw pa ni Stella.
"Anong ibig niyang sabihin?" Maang na tanong niya sa binata.
"Don't mind her, nababaliw na 'yan."
"Pagsasamantalahan mo ako?"
"O-ofcourse not." And now he's stuttering.
Tumango-tango lang siya. Idinikit niya na lang ang katawan niya sa binata dahil ngayon niya lang napansin na hindi masyadong maliwanag sa lugar. May dim light lang na naroon and she hates darkness. She look up on him when she heard him groan. Ayaw ba nito na katabi siya?
"Bakit Ryxer?”
Nakatunghay kasi ito sa kanya. Mas gwapo ito sa anggulong iyon kahit pa hindi masyado maliwanag ang lugar. Medyo nagulo na rin ang buhok nito at mas lalo itong gumwapo sa paningin niya.
"Charlton..." Naging paos bigla ang boses nito at tumama sa mukha niya ang mainit ngunit mabangong hangin na nagmumula sa bibig nito.
“Why?"
Unti-unting lumaki ang mata niya nang mas bumaba ang mukha nito sa mukha niya.
Hahalikan ba siya nito?
Hindi pa sya ready, nagwawala ang puso niya sa ideyang iyon. Gusto nya itong itulak pero parang gusto niya rin na mahalikan siya ni Ryxer. Mas lalo siyang kinilabutan nang bumaba sa leeg niya ang gwapong mukha nito, sa leeg lang ba siya hahalikan ni Ryxer?
Napakapit siya sa malalapad na dibdib nito nang maramdaman ang malambot na labi nito sa may leeg niya at parang kinuryente siya nang marahan na sipsipin at kagatin ni Ryxer ang isang bahagi ng leeg niya.
"We call it love bites." He whispered after biting and sipping her bare neck.
Nakatulala lang siya sa binata dahil nagloloading pa ang utak niya. Masarap pala ang love bites, mas masarap sa kagat ng insekto at nakakakiliti rin iyon.
"Love bites,” She whispered back, amused.