“What the hell are you doing?” malamig na tanong ni Jay nang ilang hakbang na lamang mula sa dalawa. Gulat na napalingon ang mga ito sa kanya. Namilog ang mga mata ni Cherry at umawang ang mga labi. “Jay! Ano’ng ginagawa mo rito?” manghang tanong ng babae, pagkatapos ay lumampas ang tingin sa kanya at lalong bumakas ang pagkagulat. “Jane? Kuya Charlie?” “Bakit kasama mo ang lalaking `yan? Pagkatapos ng ginawa niya sa `yo noon?” galit na tanong ni Jay at matalim na tiningnan ang lalaking bumitaw naman sa kamay ni Cherry at halatang nagulat din. “Nadisgrasya ka na niya at iniwan ang responsibilidad niya sa `yo, bakit hinahayaan mo siyang yakapin ka?” Kumunot ang noo ni Jomari at bumakas ang inis sa mukha. “What are you talking about? What do you know?” sikmat ng lalaki na para bang si

