PAGSAPIT ng Linggo ay hindi mapakali si Jay. Hindi niya kailangang magtungo sa law firm sa araw na iyon at noon ay palagi siyang may pinupuntahan kapag ganoong araw. Subalit mula nang magdesisyong talikuran ang nightlife at kung ano-ano pang kalokohan ay natagpuan niya ang sarili na wala namang magawa sa araw na iyon. Lalo na at wala namang tao sa common area kapag araw dahil lahat ng residente ay may pinagkakaabalahan. Si Keith ay tulog sa umaga. Ang maiingay naman na sina Brad at Art, sa pagkakaalam niya ay may shooting para sa kani-kanilang proyekto. Ang kaibigan niyang si Ryan ay nagtatrabaho kahit Linggo dahil hindi naman marunong mag-off ang taong iyon. Ganoon din ang iba pang residente na may mga negosyo at kompanyang pinapatakbo. Si Draco, kapag nasa Pilipinas, madalas ay nagkukul

