Umawang ang kanyang mga labi. “Bakit?” manghang bulalas niya. Kumislap ang lungkot sa mukha ni Jomari. “Natatandaan mo si Lolo Felix?” “Iyong dating AFP General? Iyong may birthday noong dinala mo ako sa inyo?” Tumango si Jomari. “Nasa ospital siya. B-bilang na ang araw niya. Iyon ang dahilan kung bakit ako bumalik ng Pilipinas. Nasabi ko na sa mga magulang at kapatid ko ang katotohanan pero hindi pa rin alam ni Lolo. Naniniwala siya na magkarelasyon pa rin tayo dahil ikaw lang ang babaeng ipinakilala ko sa kanila. I just want to reassure him that I am settling down. Na hindi na niya ako kailangang alalahanin at magpahinga na siya dahil ayaw na naming nakikita siyang nahihirapan. Alam ko ang kapal ko para hilingin ito sa iyo, pagkatapos kitang masaktan noon. Pero puwede mo ba akong tul

