UMAWANG ang mga labi ni Cherry. “What? Why? Akala ko one time thing lang iyon?” sunod-sunod na tanong niya. Bumuntong-hininga si Jay at pinisil ang kanyang mga kamay. “Iyon naman talaga ang plano ko.” Sinabi nito sa kanya ang nangyari pagkatapos nilang makaalis ni Justin. “Naisip ko na kung tatanggihan ko ang imbitasyon ni Ana ay hahaba pa ang interaksiyon namin dahil siguradong susulpot na naman siya sa kung saan ako nandoon. So I want to get it over and done with.” Napabuga ng hangin si Cherry. “Bakit ba kasi lahat ng babae, pinapatulan mo? Tingnan mo, hinahabol ka tuloy ng babaeng hindi lang obsessive, mukhang psychotic pa. That’s because you are too kind and charming and indulging to every woman you meet,” nanenermong sabi niya. Napangiwi si Jay. “Kung iba lang ang sitwasyon, I will

