CHAPTER 19

1265 Words

“At ang ibang mga pagkakataong nagkunwari kang hindi ako kilala o nakikita man lang?” Ngumiwi ito. “That’s me being a coward. I’m sorry.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” nalilitong tanong niya. Huminga nang malalim si Jay at sinalubong ang kanyang tingin. “Dahil alam ko na off-limits ka noon. After all, kapatid ka ng isa sa mga matalik kong kaibigan. So I tried to keep my distance. I never admitted it until Ross pointed it out to me. Pero kaya ako umiiwas sa iyo noon ay dahil unang beses ka pa lang ipinakilala sa amin ni Charlie ay may naramdaman na akong kakaiba para sa iyo. But you were too young and I was too afraid to care for anyone. Kaya ganoon ang naging akto ko.” Hindi nakahuma si Cherry at napatitig lamang sa mukha ni Jay. Parang may lumamutak sa kanyang puso sa inamin ng binata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD