PROLOGUE
Kakauwi ko lang ng mansiyon para makapag impake na ako at makaalis sa lugar na ito nang wala ng ibang madamay dahil sa akin.
Pagkapasok ko sa tinutuluyan kong kwarto ay kaagad kong hinanda ang bag at maleta na bitbit ko noon ng pumunta ako dito sa manila at mabilis na isinilid ang aking mga damit. Diko isinama ang mga damit na ibinigay ni sir Kurt dahil diko naman ito pag-aari kaya inawan ko ito sa drawer kung saan nakalagay ang damit ko.
Nang maisara ko na yung maleta ay tumingin muna ako sa loob ng kwarto kung saan ako natutulog na ngayo'y lilisanin ko na. Kahit maikling oras lang ang pananatili ko dito ay napamahal na ako sa lugar na ito at sa mga taong nandito lalo na si manang Chicha at mang Mano na nagsilbing magulang ko nung nandito pa ako sa masyon, pero mas mamimiss ko siya... Ang taong nagpatibok ng puso ko, pero siya rin ang taong nagpahinto nito.
Sa kakatingin sa apat na sulok ng kwartong ito'y diko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa pagbabalik tanaw ng mga memories na nabuo ko dito sa mansiyon.
Ng matapos ang kadramahan ko ay bigla kong naalala na konting oras lang ang pagkakataon ko para makatakas ng mansiyon kaya dali dali akong lumabas ng aking kwarto upang makaalis na.
Nang bubuksan ko na sana ang main door ng mansiyon ay napatigil ako dahil sa isang boses. Ang boses na minahal ko, ang boses na nagbibigay ng paroparo sa tiyan ko at ang boses na balak ko na sanang ibaon sa limot.
"Where are you going....hmmm". Ani ng nasa likod ko ngayon.
Nagbigay ito sa akin ng kilabot, amoy na amoy ko ang pabango niya na nanunuot sa akin ilong, ang boses niya ay sobrang lalim at ang presensiya niya na nakakaintimidate sa tuwing malapit siya at ang klase ng pag titig nito na parang may sa demonyo.
Kahit nakatalikod ako ay alam na alam ko kung sino itong nakatayo sa aking likuran. Alam na alam ko.
Humarap ako sa taong nakatayo sa aking likuran at doo'y nakita ko ang lalaking humagip sa puso ko, di parin talaga ako makapaniwala na may ganitong klasing mukha, nakita ko itong nakangiti ngunit ang mga mata nito ay nanlilisik at handa ng pumatay.
Alam kong ngiti ang naka lapat sa mukha nito pero alam kong sa likod ng pinapakita niya sa akin ay isang lalaking nagagalit at handa ng pumatay ng kahit na ano mang oras ng walang awa.
"Ku-r-rt, plea-ease lang pabayaan mo na akong uma.."pagmamakawa ko sa lalaking nakatayo ngayon sa aking harapan pero agad niya pinutol ang aking sasabihin ng isa niyang daliri. Pagkatapos niyang maputol ang aking sasabihin ay lumandas ang palad niya sa aking pisngi at inalis ang mga luha na lumalabas ngayon sa aking mga mata. Pagkatapos niyang gawin iyon ay tinignan niya ako ng mata sa mata gamit ang mukha niyang nakapaskil ang pekeng ngiti na laging nakikita ng mga taong di siya tunay na kilala.
"Shhhh... don't cry.... you know that you're just making me more angry to you right"pagkausap niya sa akin ng mahinahon na may halong pagbabanta. Umiling ako sa kaniya at tumalikod ako sa kaniya at hinarap ang pinto upang buksan pero mas lalo akong nanlambot ng mapagtantong sarado ito. Napatigil ako sa pagpilit buksan ang pintuan ng marinig ko siyang tumawa. Ttumatawa siya habang ako'y sigaw ng sigaw nag hihingi ng tulong sa labas ng mansiyon kahit alam kong walang nakakarinig sa akin, o sabihin na nating wala talagang tutulong sa akin pero sinubukan ko pa rin dahil yun nalang ang pag asa ko ngayon...
"Tulong!!... pakiusap....... tulungan niyo ako....!!"sinabi ko yan habang pinapalo ng marahas ang pinto ng main door ng mansiyon. Habang siya ay tumatawa lang ng tumatawa.
"Do you think I'm kidding right?!... Well your not obeying me so.... im gonna give you a punishment right?."ani niya
napatigil ako sa ginagawa ko at humarap sa kaniya at sumandal sa pintuan habang pagod na tumingin sa kaniya at nagmakaawa."Plea-ea-ase Ku-r-t h-uwa-g nagmama-kaawa ako...." Pakiusap ko sa kaniya pero di niya ako pinansin at tila ba wala itong naririnig at unti unting lumalapit sa akin.
Hindi na ako nakapag isip ng mabuti at isa lang ang alam kong paraan para makatakas, at yun ay ang tumakbo. Tatakbo na sana ako ng sapakin niya ako sa sikmura ko.
Dahil sa ginawa niya ay nangalambot ako, at nahirapang huminga. Dahil sa nararamdaman ay napahiga ako sa sahig.
Nahihilo na ako at gusto ng sumara ng talukap ng mata ko.
Bago ko maisara ang aking mata ay nakita ko itong lumapit sa akin at may binulong na diko makakalimutan sa tanang buhay ko." Sorry honey, but you can't escape this hell!!..." at pagkatapos nun ay naipikit ko na ang aking mata. Nananalangin na sana ay maligtas ako sa kamay ng isang demonyo. Ang demonyo na minahal ko.