Tatlong buwan ang matuling lumipas, sa mga nakalipas na mga buwan ay nasanay na din siya sa kanilang set up. Magkaagapay nilang inalagaan ang kanilang anak. Di naman siya nahirapan masyado dahil maalaga at maintindihin ang kanyang asawa, lalo na sa kanila ng baby nila. Kahit pagod ito ay umaalalay padin ito sa kanya sa pag alaga sa kanilang anak. Lalo pag may sakit ang anak nila. "Ready naba lahat ng mga dadalhin natin?" Tanong niya kay Ging na may dala dalang bag. Anniversary ng kompanya ng Daddy niya at sa isang isla na malapit sa Palawan idadaos, it could be a blast celebration lalo at malaki ang naging profit ng kompanya sa taong kasalukoyan. Kahit pa sabihin na nagkaroon ng global recession ay di natinag ang kanilang pamamayagpag sa industriya. Marami silang sumama sa biyahe kay

